"Ate, 'yong jowa mo nasa labas."
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng libro nang sumilip si Melle at sinabi 'yon. Saturday ngayon kaya walamg pasok.
Lumabas naman ako ng kwarto.
"Nasaan?"
"Bakit may jowa ka ba?" Tumawa si Melle. "Lalabas ka pa wala ka namang jowa."
Oo nga pala wala akong jowa, bakit ko ba naisip lumabas? Echosera!
"'Di nga?"
"Sumbong kita kay papa may jowa ka."
"Sira!" Sinabunutan ko siya.
"Kala mo naman talaga may jowa ka palabas-labas ka pa."
Siraulo talaga 'yon. Pumasok na lang ulit ako sa kwarto. Wala pang limang minuto si Rocelle naman ang pumasok.
"'Yong jowa mo nasa labas."
'Di ko siya pinansin, nantri-trip ang dalawang ito.
"Hoy! 'Yong jowa mo hinihintay ka nasa labas."
"'Wag mo akong istorbohin, bi, may ginagawa ako."
"'Di ako nagbibiro, bi."
"Wala akong jowa."
"Eh, sino 'yong nasa labas?"
"Baka jowa mo," niligpit ko ang libro at nakasandong lumabas.
Sino ba 'yon?
"May jowa ka? Lah? Asa ka?" nakangising sabi ni Rocelle.
Sinilip ko ang labas.
Si Bill? Anong ginagawa nito rito?
"Hoy, anong ginagawa mo rito?"
Buti na lang wala si papa kung hindi yari ako.
"Ganyan ka aalis?" Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko. Napatakip ako sa dibdib. Nakasando lang ako at short. Tumakbo ako papasok.
"Papasukin mo nga 'yon," sabi ko kay Rocelle. "Magbibihis lang ako."
Paglabas ko nakaupo na siya sa sofa. "Oh, paano ka nakapunta rito?"
"Sabi ni Fervid."
"Bati na kayo?"
"Magkabati naman talaga kami."
"Talaga kayong mga bata kayo," umupo ako sa tabi niya. "Ano ngang ginagawa mo rito?"
"Nakalimutan mo? We're going out."
Sumingit si Rocelle. "May date kayo? Bi, mahiya ka naman bata pa 'yan."
Piningot ko ang tainga niya. "'Wag kang ma-issue."
"Isusumbong kita kay papa," hinawakan niya ang tainga. "Malandi kang matanda ka."
Gindi ko na lang siya pinansin. "Sige, ipagawa mo tutal ikaw naman nakasira."
"What are you waiting for? Let's go."
Pumunta kami sa mall, ilang beses pa kaming nagtalo dahil ang gusto niya sa mamahaling optical.
"Ma'am, hindi po ito parlor hindi ka namin mapapaganda," bungad agad sa akin ng bantay. Nagbaba ako ng tingin.
Bakit ba ang harsh ng mundo?
"Tara na, ang pangit ng serbisyo niyo! 'Wag kayong papagawa ng salamin diyan pangit ng serbisyo!" Sigaw ni Bill kaya nagtinginan ang mga tao. Ang akmang papasok sa optical ay umalis na na lang.
Parang dati inaasar niya rin akong pangit naalala ko pa.
"Pangit ka naman talaga, pero dapat 'di na sinsabi kasi alam mo na 'yon, 'di ba?" Gumuhit ang ngisi niya.
Nakakasakit na siya ng damdamin kaya tinalikuran ko siya at akmang iiwan. Sanay na ako, pero bakit kapag naririnig ko ang katagang 'yon gumuguhit pa rin ang sakit sa dibdib ko?
"Hey, where are you going?"
"Dinala mo ba ako rito para alaskahin?" Nangilid ang luha ko.
Umiling siya. Pinakatitigan ako sa mata. "Sorry."
"Uuwi na na lang ako." Tumakbo ako para makaiwas sa kaniya.
"Nope! Wait!" Hinawakan niya ako sa braso. "Sorry."
"Sorry ka nang sorry hindi naman totoo."
"I'm sincere."
"Hindi, kasi kung totoo 'yon hindi mo na uulitin."
"Sorry," itinaas niya ang kanang kamay. "Promise, di ko na uulitin, palabiro lang talaga ako."
Hindi ako nagsalita, biro lang, pero masakit sa damdamin.
"Sorry, halika na, ipagawa na natin 'yang salamin mo."
Sumunod ako sa kaniya, hindi ko na siya kinausap pa hanggang makarating kami sa isa sa mga optical. Marami kaming narating na optical bago mapunta rito dahil lahat sila grabe kung husgahan ako ng tingin kesyo baka mahawa sa pimples ko o 'di kaya naman maitaboy ko ang ibang costumer dahil sa kapangitan ko.
Ganito ang lipunan.
"Five hundred both eyes mo, tumaas," sabi ng ophthalmologist. "May one hundred ka rin na astigmatism."
"Sige po."
"'Wag ka kasing basa nang basa kapag madilim."
"Mas preferred ko po kasi kapag ganoon."
"Basta ingatan mo ang mata mo." Tiningnan niya ang salaming napili ko. "I think 'wag 'yan. Patulong ka na lang mamili sa lalaking kasama mo."
"Bakit po?"
"Di saiyo 'yan bagay. Maliit ang mukha mo kaya dapat 'yong sasakto sa shape." Kinuha niya ang salamin ko. "Mamili ka ulit."
Lumabas ako para magsukat. "Bill?"
Nakaupo siya at nagtitipa sa phone. "Yep?"
"Tulungan mo raw ako mamili ng bagay na salamin."
Tumayo siya at tumingin ng salamin. "Ito," isinukat niya iyon sa akin. "Bagay."
Bilog ang napili niyang salamin na korean style na bumabagay lang sa shape ng mukha ko at singkit na mata.
"Thanks."
Inabot ko iyon sa ophthalmologist habang nakangiti.
Naghintay kami sa sofa kinuha ko ang phone ko at nag-facebook sunod-sunod na tumunog ang messenger ko. Nang buksan ko ay gc pala 'yon ng Nematodes.
Aenes Pristine Santiago: Tinalo pa ako ni Miyell may pa-ah, ah, sa office.
Nasapo ko ang bibig ko sabunutan ko talaga itong bruhilda na ito!
Ailey Espinar: Anong ah, ah?
Delight Areana Laganzo: Secret bawal sa laging wala.
Keyar Atkinson: Hahahaha
Aenes Pristine Santiago: 'Di ako makapaniwala kay Miyell imagine pumatol sa bata.
Napadiin ang kamay ko sa pagkakasapo sa noo. Sasabunutan ko talaga itong mga ito! Nagkakalat ng chismis!
Delight Areana Laganzo: Di na raw niya first time hahaha
Nag-type ako.
Miyell Almildrez: Kakalbuhain ko kayo!
Delight Areana Laganzo: Shalap? Hahaha
Aenes Pristine Santiago: 'I enjoyed' daw
Keyar Atkinson: Hahaha gege out me training na.
Ailey Espinar: Ano 'yon? Lechugas hindi na ako updated.
Sa inis ko nag-leave na lang ako ng gc, pero wala pang ilang minuto binalik ako agad ng mga Nematoda. Itinago ko na lang ulit ang phone sa bulsa.
"Miyell, 'yon ang pangalan mo,'di ba?"
"Hmm-hmm."
"Kwene-kwento ka sa akin ni Fervid."
Natigilan ako. "Kwene-kwento?"
"Yup."
"Anong sabi niya?"
"Secret. We're best friend by the way."
Hindi ko na siya kinulit pa, pero nagtataka ako kung bakit niya ako kwene-kwento? Baka about office lang?
Akalain mong mag-best friend pala tapos nagsusuntukan. Kabaliwan nila.
"How about going to salon?"
Umiling ako. "Hindi na."
"My treat."
"Ayaw ko, Bill."
"Sige na para makabawi ako sa pang-aasar ko saiyo."
"No."
"Okay."
Matapos ang ilang minuting paghihintay, dumating na rin. Tiningnan ko ang sarili sa salamin, kahit paano nagmukha akong tao dahil ang salamin ay elastic na may anti-UV radiation with ultra thin pa, hindi na siya makapal hindi katulad ng dati.
"Bagay pala saiyo," gumuhit ang ngiti sa labi ni Bill.
"Thanks."
"Ayaw mo talagang dumaan sa salon?"
"Hindi na may mga libro pa akong babasahin."
"Okay."
Hindi na ako nagpahatid sa bahay dahil kapag nakita siya ni papa siguradong yari ako.
"Wow, mukha kang tao sa salamim mo, bi," bungad sa akin ni Rocelle.
"Thanks, bi."
"Nilibre ka ng lalaking 'yon?"
"Nasira niya salamin ko kaya pinalitan niya."
"Yaman niya naman."
"Malamang student ng Laurente."
"Bakit ikaw hindi naman mayaman?"
"Scholar mga raw."
Dumiretso ako sa kwarto. Bago ako humiga ay sinilip ko ang phone ko, may nag-text.
From: Xen
Good night, Miyell.
Anong nakain nito at naggo-good night?
Binasa ko rin ang message ni Fervid.
From: Bata
Ate, may nakilala akong first year educ student.
Kumunot ang noo ko. Kahit sa text ang kulit niya.
Nag-reply ako.
To: Bata
Tapos?
From: Bata
Ime-meet ko siya ng personal.
To: Bata
Tapos?
From: Bata
I'll date her.
Napangiti ako. Ang galing, kakakilala lang tapos date agad? Ang bata pa nga talaga niya mag-isip.
To: Bata
Good luck.
From: Bata
'Di ka magseselos?
To: Bata
At bakit ako magseselos?
From: Bata
Good night, see you tom, ate.
To: Bata
Night.
Napatitig ako sa kisame. Lagi kong sinasabi na ang bata pa ni Fervid, pero ngayon mahahanap na niya agad ang kapareha niya.
Ang akin kailan ba darating? Kailan ba may susubok?
Siguro walang magtatangkang mahalin ako at kung mayroon man hindi ko kayang tanggapin dahil parang may gusto ako kay Fervid.
Napabalikwas ako ng bangon. Napasabunot sa buhok.
Echosera ka, Miyell, bata pa 'yon! Stop this feeling or else you'll fall deeper!
Ang love parang evolution hindi mo alam kung kailan nagsimula, alin ang gitna o kailan magtatapos basta kusang sumibol at nag-exist.
Ang alam ko lang palagi na siyang laman ng isip ko. Hindi ko alam kung simpleng paghanga o baka naman kapag nagtagal, lumala.
Napabuntong hininga ako.
No boyfriend, no problem. Iyon naman ang palagi kong sinasabi kapag naiisip ko ang tungkol sa love life na madalas nakakalkmutan ko nang mayroon pala niyon sa mundong ito. 'Yong special love na posible mong maramdaman sa taong nagpapakabog ng puso mo.
Ang love parang bonding ng dalawang ions, hindi sila magiging stable kung wala ang isa. Ang love parang chemistry, laging may attraction, reaction, properties at iba pa.
This is how my mind works. It is all about the book that I've read, but I forgot to know how love occurs in reality.
Should I say how to manage your feelings to someone who will never be yours?
Ayaw kong ipagpatuloy ang sumisibol na paghangang ito dahil alam ko naman na walang patutunguhan. Hindi mangyayaring mahalin niya rin ako dahil malayo ang agwat ng edad.
Mga two years.
Malayo na 'yon para sa akin at hindi ako komportable.
Education is the key.
Pagkatapos kong mag-aral saka na ang love life.
Pangako.
"Ate, look!" Ipinakita sa akin ni Fervid ang picture ng isang babae.
"Ano 'yan?" Tinanong ko iyon kahit hindi ko naman tiningnan mabuti ang mukha.
"Picture."
"Tapos?"
"Siya 'yong sinasabi ko saiyo," gumuhit ang ngiti sa labi niya.
Ikaw na ang masaya.
"Tapos ano?" Walang buhay akong tumingin sa screen ng computer.
"Magkikita kami bukas."
"Bakit hindi pa ngayon?"
"Hindi ko alam baka busy siya."
"Okay."
"Bakit parang ang tamlay mo?" Tinitigan niya ako. "Ohh, your eyeglass is new."
"Oo noong saturday lang ginawa."
"Bagay saiyo." Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kamay niya. "Kaso hindi ka nanaman nagsuklay."
"Ako na ang magsusuklay mamaya," tinabig ko ang kanay niya.
"Bakit ang sungit mo?"
"Mayron ako kaya 'wag kang dumikit-dikit sa akin."
Tumango siya. "May napkin ka ba?"
Napatitig ako sa mukha niya. Seryoso?
"Bakit mo tinatanong?"
"Bibilhan kita magsabi ka lang."
Napakurap-kurap ako. Hindi ako nagsalita parang nawalan ako ng boses. Hindi ako makapaniwalang may lalaking bibili ng napkin para sa akin. Well, maliban na lang kay Key dahil isang tawag mo lang sa kaniya, nandiyan na siya. Kahit babaero 'yon, pagdating sa amin maalaga siya.
"You want chocolate?"
"Anong gagawin ko sa chocolate?"
"Pampawala ng init ng ulo."
Hindi ako nagsalita itinuon ko na lang ang atensyon sa maraming ginagawa. Ang init ng ulo ko dahil sa pakirot-kirot na sakit sa puson ko samahan mo pa na parang nilalamig ako.
"Ate, oh," naglapag siya ng chocolates sa lamesa.
"Hindi ako mahilig sa matamis."
"Makatutulong 'yan para 'di ka na masungit."
"Hindi na."
"Sige na," ipinagbalat niya ako ng isa at basta na lang isinubo sa akin iyon kaya tumawa siya sa reaksyon ko.
"Isip bata talaga," umiling-iling ako habang nakangiti.
"Good morning!" Malaki ang pagkakangiting tumabi sa malapit sa akin si Xen. Nandito nanaman po siya.
"Hi, Miyell," guwapung-guwapo siya sa pagkakangiti niya.
"'Yang ngiti mo alam ko na 'yan."
"Hindi ako hihingi ng tulong 'no."
Napatingin kami sa pinto nang lumagabog 'yon. "Sorry, napalakas ang pagsara ko," nakangiwing sabi ni Fervid.
"Oh, bakit ka nga nandito?"
"Binibisita kita, bakit ba?"
Hindi ko na siya pinansin, ang dami kong ginawa sa buong maghapon. Nangangamba rin ako dahil may speech ako bukas nahihiya ako sa hitsura ko.
"May surprise ako," may kinuhang kung ano si Xen sa bag niya. "Tada!" Inilabas niya ang black na daring na damit. "Ito ang suotin mo sa university party."
Todo iling ako. "No way! Kita na ang laman loob ko riyan."
"Ang arte mo ang ganda nga nito mas magmumukha kang maganda rito."
"Wala akong ganda."
Lumapit si Fervid at kinuha ang damit. "Maganda 'to, Ate. Isuot mo na."
"Hindi, ayaw ko niyan."
"Kung ayaw mo bili na lang tayo," malapad siyang ngumiti. Sapilitan niyang iniligpit ang mga gamit at hinila ako palabas.
"Una na kami, Xen." Tiningnan ko si Fervid. "Bakit nanaman?"
"Bibilhan kita ng damit."
"Ang dami ko nang utang saiyo. Ayaw ko."
"Pagbawi ko ito kasi binalik mo ang I.D. ko kahit hindi mo ako kilala."
"Hindi mo na kailangang gawin ito."
"'Wag ka na makulit, Ate."
"At ako pa ang makulit?" Sapilitan niya akong isinakay sa kotse niya.
"Let's bring out your beauty," malapad siyang ngumiti.
Hindi ko siya pinansin. Pinagmasdan ko na lang ang labas.
"Mali pala, walang dapat ilabas na ganda kasi.."
Nilingon ko siya. Nakataas ang dalawang kilay ko naghihintay sa sunod na sasabihin.
"Maganda ka talaga."