UNUSUALLY BEAUTIFUL Chapter 9

"Ikot ka nga," umikot naman ako. Kunot-noo niyang pinasadahan ako ng tingin. "Labas masiyado 'yong likod mo baka mabastos ka."

Pagod na ako dahil ang dami niyang pinapasuot sa akin wala pa siyang napipili. Padabog-dabog akong pumasok ng dressing room.

Ano bang gusto niyang suot ko? 'Yong may saklob sa ulo at balot na balot? Napaka-demanding niya! Pero bakit ko ba siya sinusunod? Ewan ko rin.

"Alam mo, ang swerte mo sa boyfriend mo." Ngumiti ang sale's lady.

"Hindi ko siya boyfriend."

"Manliligaw?"

"Hindi rin."

Nakailang labas nanaman ako. Ang daming sinasabi ni Fervid.

Umikot ako sa harap niya.

"Alam mo, Ate," bumungisngis siya. "Hindi ko alam kung nasaan ang dibdib mo, parehas kasing likod."

Napatakip ako sa dibdib ko. "Bwisit kang bata ka."

"Ayaw ko niyan kahit wala namang tinatakpan sa harapan."

Sinipa ko siya. "Bata!"

"Matanda!"

Lumabas ulit ako bulaklaking dress naman.

"Ang itim ng tuhod mo."

"Pati ba naman tuhod ko nakita mo?"

"Bakit hindi? Dark, eh."

Siya lang 'yong nang-asar sa akin na natawa pa ako at hindi nasaktan. Masiyado na kaming malapit sa isa't isa. Sa sobrang malapit namin baka masakal ko na ang batang ito. Kung ano-anong pinapasuot tapos hindi niya naman pala gustong isinusuot ko. Ang labo niya.

"Ayaw ko niyan mukha kang buntis," padabog akong pumasok ulit at nagbihis.

"Ang pangit masiyadong hulma ang curves ng katawan mo."

"Kung ano-anong nakikita mo!"

Hinihingal akong nagbihis ulit.

"Ang itim ng kili kili mo."

"Hibiscus naman, Fervid! Pagod na ako daig mo pa ang boyfriend!"

"Boyfriend naman talaga."

Napatigil ako sa pagpasok sa dressing room. Nilingon ko siya. "Anong sabi mo?"

"Boyfriend."

"Huh?"

Pumorma ang ngisi sa labi niya at malakas na tunawa. "Akala ko ba 'di ka mai-inlove sa akin kahit ako na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo?"

Nagkamot ako ng ulo. "H-hindi nga."

"Boyfriend, Ate, as in lalaking kaibigan."

Nahiya ako kaya pumasok na lang ulit ako sa dressing room at nagpalit ng damit.

"Ayan! Okay na 'yan, Ate!"

"Okay? Ang init nito, ano ako madre?"

"Mukha ngang madre, pero bagay kasi saiyo ang mag-madre."

Kinurot ko ang pisngi niya. "Ikaw na bata ka pasaway ka!"

Ginantihan niya ako ng kurot sa pisngi. "Ikaw na ate ka pasaway ka!"

Matapos namin mamili ng damit ay kumain kami ng ice cream. "Masarap talaga kapag vanilla," malapad siyang ngumiti.

Kinuha ko ang phone at nagsulat sa note ko. Inililista ko lahat ng dapat kong bayaran sa kaniya kapag may pera na.

"Anong ginagawa mo?"

"Babayaran kita kapag may pera na ako."

"No need. We're friends."

"Basta."

"Ate?"

Nilingon ko siya. "Bakit?"

"When you get old, would you still remember me?"

"Why is that?"

"Just answer it."

"Hindi, bakit naman kita kalilimutan?

"Baka kasi kapag nagkaroon na ako ng girlfriend bihira mo na ako makasama."

May kung anong kumurot sa puso ko. Kurot lang 'yon, pero pakiramdam ko masakit ang dibdib ko. Kurot na nakapagdala ng matinding kalungkutan sa akin.

Eh, ano naman? Natural lang na may magustuhan siya. Darating talaga ang araw na 'yon dahil tumatanda siya.

"Talagang pinipilit mo magka-girlfriend, huh?"

"I need to."

Ginulo ko ang buhok niya. "Bata ka pa 'wag mong madaliin."

"Yeah, I know." Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang labi ko.

Hindi ko iyon pinansin kahit nailang ako. Kahit naman itanggi ko sa sarili mayroon akong nararamdamang attraction sa kaniya, simula pa lang kaya lang ang bata niya kasi kaedad niya ang aking kapatid na si Rocelle.

Bata siya sa paningin ko.

Nasa kalagitnaan kami ng klase nang ipatawag nanaman ako ni Mr. Baider.

"Ms. Almildrez, upo ka."

Nagtataka kong tiningnan si Fervid na ngayon ay nakangisi sa akin.

May ginawa nanaman bang kasalanan ang batang ito?

"Bakit po, Mr. Baider?"

"Ito," itinuro niya si Fervid. "Balak kong parusahan," malapad na ngumiti si Mr. Baider. "Since malapit na ang university party sinabi kong magpe-perform si Fervid."

Ngumisi sa akin si Fervid. Aba't natutuwa pa ang loko. Pumorma rin ang ngiti ko, pero saglit lang, agad 'yong nawala nang marinig ko si Mr. Baider.

"Kaya lang matigas ang ulo ayaw mag-perform kapag daw 'di ka kasama."

Literal na nalaglag ang panga ko. Hibiscus! Hindi ako magpe-perform sa harap ng maraming tao! Oo, may boses naman ako at marunong sumayaw kaunti lang, pero hindi 'yong pang-propesyunal! Baka mamaya magsi-alisan ang mga tao!

Masama kong tiningnan si Fervid. Damay niya pa ako sa kalokohan niya!

"Payag ka ba, Ms. Almildrez?" Napalunok ako nang makita ang malapad na ngiti ni Mr. Baider. Hindi ako makapaniwalang kakanta o sasayaw ako! No! Hibiscus rosa sinensis! Mababatukan ko talaga itong si Fervid!

"Ms. Almildrez?"

"Ah, kasi," nagkamot ako ng pisngi. "H-hindi po ako marunong."

"No, she knows how to sing!" singit agad ni Fervid.

Sinipa ko ang binti niya. "Ouch! Mr. Baider, she hurts me."

"Ms. Almildrez, isang kanta lang naman para sumama si Mr. Ruiz, 'di ba dapat huwaran ang mga future teacher?"

Nalaglag ang balikat ko. Wala yatang hindi marunong kumanta sa mga Edukados lahat ay may talent. Ginamit pa na panlaban sa akin ang propesyon ko. Sad.

"Isang kanta lang," malapad nanamang ngumiti si Mr. Baider. Siya lang yata 'yong lalaking matanda na, pero kitang-kita mo pa rin ang kaguwapuhan.

"S-sige ho," nilaro ko ang labi ko.

"And one more thing, Diamond will pick you."

Si Diamond ay ang apo niya. "Bakit po?"

"Para ayusan."

"Eh?" Nagkamot nanaman ako ng pisngi. "May damit na po ako."

"Pero mas gusto ko si Diamond ang mag-ayos saiyo kasi gusto ko lalong gumanda ang Chairman ng Educ."

"S-sige ho."

"And another thing. I'll make sure that the University party will be the most memorable day for all of you. I want you to enjoy Ms. Almildrez. 'Wag puro aral."

"Yes po."

"I'll give them the freedom to drink inside the campus, but drink responsibly."

"Woah! You're the best, Mr. Baider!" Tumalon-talon si Fervid.

"Noong kabataan ko dancer ako at masaya ang sumayaw."

"Talaga po?!"

Chismosong Fervid kung anu-ano na ang tinanong kay Mr. Baider. Hindi tuloy ako makaalis.

"Nasaan po ang asawa niyo?"

"She's dead, but take note.. physically, but in my heart she's always here."

"Ang sweet! True love never die."

"Yup, that's why find your pure and true love."

"I will!"

"Kapag nahanap mo na siya gawin mo ang lahat para ipaglaban siya para maging kayo sa huli."

"Salamat sa payo, Mr. Baider. Siguro mabuti kang tatay."

"I can't tell, but my sons and daughter mold into something special."

"You're like a father to me."

"I will always."

"Paano po ba manligaw?"

Malakas na tumawa si Mr. Baider. "My bebe girl is the one who pursued me." Sa katatawa niya, nahampas niya pa ang lamesa. Nakikita ko sa kaniya na masayang-masaya siyang balikan ang mga alaala sa isip niya tungkol sa kanilang dalawa ng asawa niya.

I wish I meet my own Mr. Baider.

Iyong tipong kahit matagal na siyang wala sa tabi mo hindi naglalaho ang pagmamahal. Sa kislap ng mata niya halatang hanggang ngayon mahal na mahal niya pa rin ang asawa niya. Ang naiisip niya ay parang kahapon lang nangyari. May kilig at parang sariwang-sariwa sa isipan niya kahit ang totoo ilang taon na itong wala.

"Kaya nga sinasabi ko saiyo kahit makipagpatayan ka ipaglaban mo siya." Malapad siyang ngumiti. "Kung ayaw ng tadhana sa inyo, ikaw ang gumawa ng paraan para kayo hanggang dulo."

Seryosong nakikinig sa kaniya si Fervid na para bang gagawin niya talaga ang sinasabi ni Mr. Baider.

Ang tagal nila mag-usap. Wala na akong magawa, tumingala, nilaro ang kamay pati labi hindi pa rin sila tapos.

Pagkatapos ng million years buti napagod din sila, pero ang dalawa tawa nang tawa.

"Lolo, drink your medicine."

Natulala ako sa ganda ni Diamond nang pumasok siya. May dala siyang baso ng tubig at gamot na inilapag sa lamesa.

Sana all! Paano kaya ang maging ganyan kaganda? Mukha siyang barbie doll!

Nang magtama ang tingin namin ay umirap siya.

Ay, suplada.

"You may go to your class na."

"Thanks, Mr. Baider."

Sabay kaming lumabas ni Fervid. Paglabas pa lang ay kinotongan ko na.

"Bakit mo pa ako dinamay!"

"Galit ka?"

"Oo! Alam mo naman na mahiyain ako, paano ako mabubuhay roon na hindi humihinga?"

Ang siraulo humagalpak ng tawa. "Alam mo namang ate kita kaya kung nasaan ako dapat nandoon ka rin."

"Sapakin kita!"

"Mag-practice tayo," nag-isip siya. "Mamaya pag-iisipan ko kung anong kanta."

Hindi ako nagsalita ang sarap hilahin ng tainga niya hanggang sa matanggal.

Gusot ang mukha ko nang pumasok sa room. Hindi ko na pinansin ang batang 'yon na hanggang pag-alis ay inaasar akong kakanta raw ako.

"What's up with the face?" bungad sa akin ni Key.

Padabog akong umupo.

"Face na may pimples at pangit pa rin."

"Bakit nga?" Umakbay siya sa akin.

"Basta! Tawanan mo pa ako."

"Nag-away kayo ni Fervid?"

"Hindi."

"Gumawa ulit ng milagro sa office?"

Sa inis ko kinurot ko siya nang madiin. "Ang utak mo bastos! Sabi't wala kaming ginawang masama."

"Ayaw mo pang aminin," hinilot niya ang baiwang na kinurot ko. "Ang sakit."

"Asar pa, gamitin ko saiyo ang scalpel ko." Inilabas ko ang scalpel na ginagamit namin sa pag-dissect ng palaka.

"Grabe naman ang cruel mo."

"Cruel ka pang nalalaman."

Dumikit pa siya sa akin. "Pero 'di nga anong ginawa niyo sa o--" nanlaki ang mata niya nang ilapit ko sa mukha niya ang scalpel. Humagalpak siya ng tawa pagkatapos.

"Minsan napansin ko na kapag kinakausap kita nagsasalita ka na nang mahaba."

"Oh?"

"Dahil ba 'yon kay Fervid?"

Mabilis ko siyang nilingon. "Anong kinalaman niya?"

"Kasi parang masaya ka."

"Hindi ako masaya ganito talaga ang mukha ko."

"Matamlay ka kaya palagi."

"Hindi."

Pumasok si AP at Delight kaya nanahimik kami. Naglapag sila ng buko pie sa harapan ko.

"Galing kay Ailey, pumunta kami sa bahay nila kanina," umupo si AP sa tabi ko.

Kinain namin ang dala nila at nagsimula na ulit magklase.

Nang matapos ang klase ay hindi ko kinibo si Fervid na ngayon ay nakangisi habang nakatingin sa akin.

"Galit ka pa?"

Hindi ako nagsalita.

"Sorry na," pumulupot ang bata sa braso ko.

Hindi ulit ako nagsalita. Binuksan niya ang bag ko at may kinuhang kung ano. Sasawayin ko sana kaso nakita kong suklay 'yon.

"Sabi ko saiyo, Ate, palagi kang magsuklay."

Kahit nasasaktan ako dahil sa rabol ng buhok ko hindi ako uma-aray-- hindi ko masabi. Hinayaan ko siya hanggang sa bumukas ang pinto. Pumasok si Xen.

"Hi," nakangiti niyang bati sa amin. "May meryenda akong dala," naglapag siya ng pagkain sa lamesa. "Bakit nakasimangot ka?"

Bumungisngis si Fervid. "Kasi kakanta siya kasama ko."

"Huh? Talaga?" Pumorma ang ngisi sa labi ni Xen matapos ay lumapit at hinawakan ang kamay ko. "Good luck."

Nakatingin si Fervid, matagal niyang tinitigan ang kamay naming magkahawak bago siya tumayo. "Lalabas muna ako." Pinanood ko ang paglabas niya.

"Marunong ka naman kumanta,'di ba?" Malapad siyang ngumiti.

"Medyo, pero nakakahiya."

"No worries it will be fun, at first, you get nervous, but eventually overcome it and smile," pinorma niyang nakangiti ang labi ko.

"Thanks."

"Ang ganda ng salamin mo bagay saiyo."

"Bola ka pa."

"Totoo lang ang sinasabi ko."

Napatingin kami sa pinto nang lumagabog 'yon. Parang noong isang araw ganoon din ang nangyari. Si Fervid ang pumasok, nakangiwi.

"Sorry, napalakas." Padabog siyang umupo. "May papagawa ka pa ba, Miyell? Uuwi na ako!" Lukot ang mukha niya.

"Wala na, uwi ka na."

"Fine!"

Kinuha niya ang bag at inis na sinakbat 'yon.

"Fervid?"

"Oh?"

"Ingat ka." Nag-iwas siya ng tingin.

"Okay, bye, enjoy!" Sa tono ng pananalita niya parang sarkastiko at punong-puno ng bitterness. "Xen, enjoy!" Inulit niya pa at pinakadiinan ang salitang 'enjoy.'

Binagsak niya ang pinto at padabog-dabog na nagmartsa palabas.

Kumunot ang noo ko.

Galit ba 'yon?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.