xx
Chapter Ten
'Habang nagkaklase, napapansin kong napapapikit si Sam at inaantok.
Bakit kaya? Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan.
Louie: Sam, matulog ka na. Babantayan kita.
Sam: Thanks, pero I have to listen.
'Sinabi niya ‘yun habang napapayuko. Talagang grabe ang puyat nito.
Louie: ‘Wag mo nang pilitin pa, may laban ka pa sa kantahan!
Sam: Oo nga pala ‘no?
'At nagpasya na siyang yumuko at matulog.
Louie: Bakit ka ba kasi late at inaantok?
Sam: Zzzzz...
'Hay, si best friend talaga. Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan nito?
Nakalimutan ko naman at ang tanga ko dahil sinabayan ko si Kimmy pauwi. Si Sam kasi nauna nang umuwi dahil meron daw siyang importanteng gagawin. Si Emma naman, umuwi na kasama ni Resshin.
'And here I am, face to face with the enemy...
Daren: Oy, Glasses girl!
Louie: Ewan ko sa’yo...
Kimmy: Kuya, nakita mo agad ‘yung salamin ni Louie?
Daren: Oo naman, bakit?
Kimmy: Kami kasi hindi namin agad siya napansin sa unang tingin eh.
‘Napaisip naman ako, bakit nga pala napansin niya agad? Ibig sabihin, talagang nakatingin
Siya sa’kin…?
Daren: Eh madali namang mapansin ‘yun lalo na diyan sa klase ng mukha niyan.
Kimmy: Ahahaha!
Louie: Bwiset ka!
Daren: Nag-abala ka pa na ihatid si Kimmy eh susunduin ko naman siya. Kung alm ko lang gusto mo lang magpapansin sa’kin.
Louie: Magpapansin? Asa ka naman, lulz!
Kimmy: Haha! ‘Di ko ‘to alam, ah. Close pala kayo?
Daren: Iwan na natin ‘yan. Tara, Kimmy.
'Teka parang nangyari na ‘to, ah? Iniwan rin nila ako nun nung bumili kami ng kandila sa labas! Ayoko ngang maulit ‘yun at magmukhang tanga!
Louie: Hooyy!! Sandalii!!!
Kimmy: Louie…?
Louie: S-Sama na ‘ko! Tutal magkalapit naman ang bahay natin hehehe.
Daren: Sino naman ang nagsabing pwede?
Louie: ‘Di ikaw ang kausap ko, si Kimmy!
'Hahaha, barado!
Daren: Sumakay ka na.
Louie: H-Huh?
Kimmy: Tara, Louie!
'At hinatak na ako ni Kimmy papasok dun sa kotse. Meron silang sariling driver. Ang cool, ‘no? Kapag napakasalan ko ‘tong mokong na ‘to myaman na ‘ko!
Nggeeekkk!! Easy ka lang, girl! Mangarap ba raw!?
'Nasa backseat kaming dalawa ni Kimmy at si Daren ang nasa passenger's seat.
Daren: May mga homework ka ba, Kimmy?
Kimmy: Oo, dun sa algeb.
Daren: Algebra? Ako na lang gagawa.
Kimmy: Ayoko nga, patulong na lang ako pero ako pa rin ang gagawa!
Daren: Sus, sinasabi mo ‘yan pero bandang huli ako pa rin ‘yung gumagawa.
'Di ko mapigilang mapangiti dun sa sinabi niya. Talagang ang bait niyang kuya sa kapatid niya. Nasasaksihan ko nang malapitan ang closeness nilang dalawa.
‘Teka… homework ba kamo sa algebra!?
Louie: Kimmy! Page 25 ba ‘yung pinapasagutan sa inyo?
Kimmy: Oo, kayo rin?
Louie: Yup, pakopya ako! Huhuhu!
Daren: Hindi pwede, magpaalam ka muna sa’kin.
Louie: Bakit sa’yo? Homework ni Kimmy ‘yun!
Daren: Homework niya nga, pero ako ang gagawa, kaya sa’kin ka magpaalam.
Louie: Kimmy, oh!
Kimmy: T-Tama siya dun, hehehe.
Daren: Magpaalam ka na sa’kin ngayon.
Louie: Demanding ka masyado. Tsss! Okay, pwede ba’ng makikopya? >_>
Daren: Hmmm. Pag-iisipan ko.
Louie: Pag-isipan mong mabuti!
'Syet naman, pumayag kaya ‘to? Huhu.
Daren: Oks. Napag-isipan ko na.
Louie: S-So pwede ba akong makikopya? Hehehe.
Daren: Ayoko.
Louie: Ano!? Sige na, hindi ko kasi ma-gets masyado ‘yung homework kaya feeling ko hindi ko masasagutan. ToT
Daren: ‘Di mo ma-gets?
Louie: OPO. Sorry, ako na bobo huhuhu.
Daren: ...turuan kita, gusto mo?
'A-Ano raw? O__O
Louie: Turuan?
Kimmy: Oy, kuya! ‘Wag mo sabihing interesado ka kay Louie?
Louie: Ano ba’ng pinagsasasabi mo, Kimmy!
Kimmy: Wala ka na kuya, may Resshin na ‘yan!
'Waaaahh! Naloloka ako sa kanilang dalawang magkapatid!
Saka… bakit mo sinabi ‘yun, Kimmy? I’m single and ready to kris kringle!
Daren: Si Resshin?
'At ang loko naman ng reaksyon niya.
Daren: Eh wala naman ‘yun eh, ako na lang...
OMG.
Totoo ba ‘yung sinabi niya? Ano ba ‘yan! Naiinis ako dahil sinabi niyang “wala naman” si Resshin, pero ‘yung pagkatapos na sinabi niya…
Kinikilig naman ako. Pero napigil naman ‘yun nung biglang humirit si Kimmy.
Isang simpleng hirit na dumurog sa puso ko.
Kimmy: Eh kuya… may girlfriend ka na, eh!
Daren: Ahaha! Alam ko, binibiro ko lang naman ‘tong si Louie eh.
.
.
.
Aray naman…
**
'May girlfriend na nga siya, sabi ko nga!
Daren: Natahimik ka ata diyan, Cayabyab?
Louie: H-Huh? W-Wala.
Kimmy: (sa isip niya) 'Hmmm... ‘di kaya may gusto 'tong si Louie sa kuya ko??'
Kimmy: Manong, PARA!!!
Driver: Huh? (O_o)
Daren: Kimmy, hindi 'to jeep.
Kimmy: Bababa ako, may kailangan kasi akong bilhin!
Louie: Samahan na kita.
Kimmy: ‘Wag na!
'At bumaba na siya.
Waaah! Wala na akong kakampi!
Daren: Pa'no ba 'yan? Mukhang tayong dalawa na lang.
Louie: N-Nandyan pa ‘yung driver!
Driver: Hehe, ‘wag niyo na po akong pansinin...
Daren: Narinig mo ‘yun. Tayong dalawa na lang dito.
Louie: So???
Daren: That means we can do anything we want...
'LUMIPAT SIYA PAPUNTA SA BACKSEAT AT TINABIHAN AKO.
All caps kasi INTENSE!
Kinakabahan ako, ang bilis ng tibok ng heart ko.
...pero mas lalo naman akong kinabahan dun sa biglang sinabi ni Daren.
Daren: Mr. Driver, I advise na ipikit niyo po muna ang mata niyo.
Louie: WHAT!? Banu ka ba!? Gusto mong madisgrasya!?
Driver: T-Tama po siya, Sir.
Daren: Gano’n ba? Pwes... give us a quick 5-minute private time then. Don't peek.
Driver: *gulp* O-Okay, Sir... *pinagpapawisan*
Daren: Just don't tell this to our parents, okay?
'Huuuuwwaaattt!!?? Anong "don't tell this to our parents" ka diyan!?
Ano'ng balak sa'kin nitong Daren Gil Mendozang 'to!?
Louie: Ah..
Daren: Sshhh...
Louie: A-Ano..
Daren: (pabulong) Hush, ok?
Louie: K-Kasi...
Daren: (pabulong pa rin) Please, ‘wag ka muna magsalita...
Driver: Waaahhh!!!
'Nagulat naman kami dahil biglang lumiko nang mabilis ‘yung driver. Muntik na kaming mabangga sa puno! Ano ba’ng meron sa driver na 'to? Tila mas kinikilig pa ata sa'kin!
Driver: S-Sorry, Sir.
Daren: Kung hindi mo mapigilang pansinin kami at hindi ka maka-concentrate sa daan, you should cover your ears as well.
Driver: ...Ahhhhhhh????????
xx
Nagulat naman ‘yung parents nila Daren dahil lumabas ‘yung driver na pulang pula ‘yung mukha. Pinagpapawisan pa!
Mother nila: What happened to him?
Daren: Don't worry Ma, ganyan lang talaga ‘yan.
Father nila: Where's your sister, then?
Daren: Bumaba, my bibilhin daw.
Mother and Father nila: Who is she?
Daren: Si Louie, friend ni Kimmy.
Louie: Good evening po.
Gano’n ba talaga parents nila? Lahat may tanong? -_-"
Daren: We'll go inside then.
Mother nila: Alam ba 'to ni Aika?
Daren: Ma, she's just a friend.
'Nakapsok na 'ko sa loob. For the first time! Ang laki pala ng bahay nila.
Siguro by now alam ko na. Si "Aika" siguro ‘yung girlfriend niya.
Louie: S-Si Aika ba ‘yung gf mo?
Daren: Yup. Pasok tayo sa room ko.
Louie: Huh? Okay.
'Pagpasok namin, nanlaki ‘yung mga mata ko sa gulat...
Louie and ???: IKAW!? ANO'NG GINAGAWA MO DITO!??
~TO BE CONTINUED.
xx