Well of True Cherries Chapter 9

CHAPTER NINE

**

'Brrrr. Ang lamig, giniginaw talaga ako. Wait… ano raw!?

WHAT!??

NAG-SO-SORRY SIYA?!?

Daren: Nasabi ko na, ayoko nang ulitin.

‘Sa sobrang shocked ko, medyo nag-lag ‘yung utak ko.

Louie: ...

Daren: Bakit ka nga pala nakasalamin? Malabo ba mata mo?

Louie: ...

Daren: Hello? Nakikita mo ba ‘ko?

'Tapos kumakaway siya sa harap ko. Teka, akala ba nito bulag ako!? Doon na ako natauhan.

Louie: O-Of course, I can see you!

Daren: Really?

'Nakakapagtaka naman. Kasi bigla siyang ngumiti after niyang sabihin ‘yun. Tapos humakbang siya palapit sa’kin, palapt nang palapit...

At dahil nga mas matangkad siya sa’kin, katapat na ngayon ng mga labi niya ‘yung mga mata ko. Tapos humipan siya. Talaga namang nanlabo ‘yung paningin ko dahil nagkaroon ng moisture ‘yung glasses ko sa paghipan niya… kasi malamig ang panahon.

Daren: ‘Yan, now I’m sure you can’t see me now.

'T-Teka! Ano ‘to? Bakot parang ang init bigla ng pakiramdam ko? Ang alam ko kanina nilalamig lang ako, ah! Saka, bakit parang ang init ng mukha ko? Nag-bu-blush ba ako?

Namumula ba ‘ko dahil dun sa ginawa niya? Nako! Sana hindi niya mapansin!

Daren: Kinilig ka naman agad.

Louie: Hindi ah! Pilosopo ka kasi!

'Tapos tumalikod na ‘ko para hindi niya makita ‘yung pamumula ko.

Daren: Louie, bago ka umalis...

Louie: HUWAT!!??

.

.

.

"The glasses fit you very well. You look cute."

**

'The glasses fit you very well... fit you very well... very well...

ANO BA’ YAN! Nag-e-echo tuloy ‘yung sinabi niya sa utak ko! ‘Di ko makalimutan ‘yung dalawang sinabi niya. Una ay "I'm sorry" tapos ay "You look cute."

Bakit ba!? I'm supposed to hate him kasi niloko niya ako, ‘di ba? ‘Di ba tama naman?

'Nakakainis. Bakit ba kasi ang gwapo-gwapo niya at nakakakilig pa siya!?

Iinnniiiisssss... ayoko atang ma-in love dun! Dun sa kaaway ko!

Arvie: Hey, sis! Sabi ko na nga ba bagay sa’yo, eh.

Louie: Bakit parang nag-iba ata ang ihip ng hangin? -_-

Arvie: Mangungutang kasi ako hehe.

Louie: CHE! Garapalan ka naman masyado. Nasaktan naman ako.

Arvie: Sige na, glasses girl!

Louie: Wala akong pera!

'Tapos binato ko ‘yung wallet ko sa kanya, para makita niyang wala talagang laman.

Wait...

OH NO!!!! (o_O)

Nandun sa wallet ‘yung...!!!

Arvie: Bakit nandito si Resshin?

'Tapos hinarap niya ‘yung wallet sa’kin.

Hindi ko pa kasi nasosoli ‘yung baby pic ni Resshin. At nandun nakabandera sa wallet ko! Ano ba ‘yan… huling-hule na ‘ko ng kuya ko! TtoTT

Arvie: Mahal mo pa rin siya ‘no?

Louie: ...

'Di na ako makapagsalita dahil sa sobrang hiya.

Arvie: Eh ‘di basted na si Daren!? Yeeehhhheeeeyyy!!!

Louie: KUYA ARVIE!!!

'Biglang dumating si Mommy.

Mommy: Nag-aaway na naman ba kayo? Siguro ay kailangan niyo pa ng isa pang kapatid para awatin kayo kapag nag-aaway.

'Nagkatinginan naman kami ni Kuya dun sa sinabi ni mother dear.

Louie and Arvie: Mah, are you telling tell us that…

Mommy: (sabay ngiti) Malapit nang umuwi ang daddy niyo!

'Yes naman! Kailan? Excited na ako! Miss na miss ko na si Daddy! Sobrang nagalak ako dun sa binalita ni Mommy.

Arvie: Talaga!? Kailan, Ma?

Louie: Kailan???

Mommy: Next month na.

Louie and Arvie: Ang saya naman! Kumpleto na ulit tayo!

'Tapos niyakap namin nang mhigpit si Mommy.

Miss na miss ko na rin talaga si Daddy!

xx

Louie: Ayan na ‘yung pic mo.

Resshin: Okay…

'Tapos ay inabot niya ‘yung kamay niya na para bang may hinihingi.

Louie: Huh?

Resshin: Ibalik mo na sa’kin ‘yung mga iba pang kopya.

Louie: Hindi ko ‘yan pinakopya!

'Tapos pinalo ko lang ‘yung nakaabang niyang kamay.

Resshin: Eh ilang beses mo ‘tong ini-scan sa computer niyo?

Louie: Pwede ba Resshin, sawang-sawa na ako sa halos araw-araw kong nakikita ‘yung mukha mo. Kaya bakit ko pa gagawin ‘yun? Nababaliw na ba ako?

Bigla niyang nilapit nang sobra ‘yung mukha niya sa mukha ko! I swear a few centimeters away lang! Akala ko talaga hahalikan niya na ako pero naramdaman ko ‘yung pag-ngiti niya in front of my lips.

Resshin: How about now? Nababaliw ka na ba?

PAAAAAAAAAK!

‘Bigla ko siyang nasampal out of gulat and major kilig.

Louie: P-P-Pwede ba, Resshin! Hindi ko ipapa-photocopy ‘yang picture mo unless gusto kong manakot ng mga daga sa bahay!!!

Resshin: Ouch… ‘Di ko alam if mas masakit ‘yung sampal mo or ‘yung sinabi mo… TtoTT

**

Nagsimula na ‘yung classes. Bakit kaya absent si Sam ngayon?

Hmmmm... eh malapit pa naman na ‘yung laban niya.

B.R.E.A.K.

Kimmy: Bakit ‘di mo kasama si Sam?

Louie: Absent siya eh, ikaw? Asan naman si Emma?

Kimmy: Ayun, oh!

'Tinuro niya dun sa tapat namin, kasama niya si Marko! Teka, bakit nakangiti silang

dalawa?

Louie: Sino ‘yung kasama niya?

'May pakunwaring effect ka pa, Louie! Kilalang-kilala mo naman!

Kimmy: Ay, ‘yan si Marko, first year. Sikat nga ‘yan sa batch nila eh. Tila may gusto ata kay Em.

‘Maya-maya ay lumapit na sa amin si Emma.

Emma: Sorry ah, natagalan ako.

Kimmy: Ano’ng nangyari?

'Oo nga, anong nangyari?? Curious rin me.

Emma: Nagkabanggaan lang kasi kami. Tapos nagsorry siya, ‘yun lang.

'Yun lang!? Eh bakit ang laki ng ngiti niyong parehas? =_=+

Kimmy: Gano’n ba? Teka, natahimik ka ata diyan, Louie?

Louie: W-Wala kasi si Sam eh. Hehehe.

Ang weird ng feeling na wala si Sam. Para akong OP sa kanilang dalawa!

Napatingin naman ako kay Kimmy, ang saya niya kapag kasama si Emma.

Mukhang wala naman pala talagang dapat na dahilan para mag-worry ako sa kanya. I’ll try being closer to Emma na rin from now on. :)

Emma: Ano nga pala ang balita sa kuya mo?

Kimmy: Ayun, inamin niya nga sa akin na siya si Black Cat. Pero ayaw niyang sabihin kung bakit siya galit sa inyo.

'Ang sama-sama ng ugali ni Daren, pero pagdating sa kapatid niyang si Kimmy ang bait-bait niya as a kuya. In fairnes, medyo cute siya sa part na ‘yun!

Kabaliktaran naman ng kuya ko, ang bait-bait sa ibang tao pero pagdating sa’kin, ang sama! =__=”

Emma: Uy, ngayon ko lang napansin!

'Nakaturo siya sa’kin. Huh? Bakit? May dumi ba sa mukha ko?

Louie: B-Bakit? Ano ‘yun?

Kimmy: OO NGA!

'Nakaturo rin siya sa’kin, ano ba kasi’ng meron?

"Nakasalamin ka na pala, Louie!"

Louie: Akala ko naman kung ano! Oo nakasalamin na ako, ngayon niyo lang napansin?

Kimmy: Oo ngayon lang, hehe!

'Ang OA naman ng reaksyon nila, akala ko tuloy kanina tila may ipis sa mukha ko. =_=;

Emma: D’ kasi siya masyadong halata eh. Parang walang pinagbago nung nagsalamin ka.

Kimmy: True, true.

Louie: Gano’n ba? Thanks, ah.

(-OO-)

Emma: Malapit na nga pala ‘yung Pasko. Ano’ng gusto niyong regalo?

'Come to think of it, kakatapos lang ng November. Malapit na nga pala ‘yung Pasko!

Kaya pala ang lamig kahapon eh. Kaya rin nagkaroon ng moisture dun sa salamin ko. =_=;

Kimmy: Kahit ano basta kulay yellow!

'Adik ‘tong si Kimmy sa yellow eh. Minion ata ‘to sa past life niya.

Louie: Ako kahit ano basta pangmatagalan.

Emma: Naku, ako kahit ‘wag niyo nang regaluhan!

Kimmy: Oy, Louie! Mamamasko ako sa bahay niyo ah!

Louie: Gano’n din ako, ah! Pupuntahan ko kayo sa inyo!

'Wait. Nandun pala si Daren, ‘wag na lang kaya?

Emma: Gusto ko rin pumunta sa inyo, Kimmy!

Pagkarinig ko sa sinabi ni Emma, biglang sumikip ‘yung dibdib ko. Bakit ganito, I didn’t like the thought of her meeting… Daren. Wait lang, Louie! Sanity check! Hindi ka dapat ma-insecure kay Emma just because fiancee siya ni Resshin at crush siya ni Marko at best friend siya ni Kimmy… Errr, tila hindi ata nakatulong ‘yun. “OTL

A/N: ("OTL <- taong nakaluhod, expression ng pagkabigo)

Louie: Sige, p-pati na rin si Sammie! Sama-sama tayong apat!

Emma: Isama rin natin sina Resshin at Lex!

‘Bigla akong namula sa binanggit ni Emma. Si Asungot, isasama niya?

Pero imbis na mainis, bakit tila na-excite ata ako!?

The thought of Resshin the Asungot… meeting Daren the Kupal…

Resshin and Daren together in one room…

Louie: *Q*

Kimmy: L-Louie? Bakit tila bigla kang naglalaway diyan?

‘Whoops. Teka, bakit bigla akong nagpantasya sa kanilang dalawa!?

INIZ ako sa kanila, remember!? Capital I, N, I, at Z!

Itatak mo ‘yan sa kokote mo, Louisa!

Kimmy: Shockings! Pinapatawag nga pala ako ni Sir Huega!! Diyan na kayo, ah.

'Tumakbo na si Kimmy at naiwan kaming dalawa ni Emma.

Emma: Ei, Louie. Tignan mo ‘yung bata oh!

'Pinagmasdan ko si Emma. Ang ganda niya...

Emma: Ahahaha! Ang kulit, sumasayaw sa TikTok!

'Ang bait niya…

Emma: Todo-bigay masyado!

'At ang tali-talino niya pa...

Emma: Louie? Nakikinig ka ba?

Louie: O-Oo.

Emma: Teka, umiiyak ka ba?

Louie: W-Wala lang ‘to.

'Naramdaman ko na silang tumulo. Pinunasan ko naman agad ng panyo.

Emma: Kung my problema man, pwede mo akong pagsbihan.

Louie: D-Dahil lang siguro ‘to sa bago kong salamin...

'Tapos nun ay tumakbo ako papuntang cr. Naririnig ko siyang humahabol sa’kin. Ang bobo ko talagang magpalusot. Bakit nga ba ako umiiyak?

Oh yeah...

Monthsary sana namin ni Resshin today.

Every month bigla na lang tumutulo ‘yung luha ko tuwing ika-2 na ng buwan.

Nakakainis naman oh, affected pa rin ako unconsciously.

Emma: Nahabol na rin kita.

'Tapos hinablot niya ‘yung kamay ko at hingal na hingal.

Hindi ba siya sanay tumakbo?

Louie: ‘Wag mo na ‘tong pansinin, weirdo lang ako hehe.

Emma: I think I know why you're crying...

Louie: Huh?

Emma: December 2 ngayon. I know that naging kayo ni Resshin this day of the month.

Louie: Alam mo!?

'ALAM NIYA!? PAANO!? SINABI NI RESSHIN??

Emma: Oo, lagi niya kasing kinukwento. Kada ika-2 ng month, nababanggit niya sa’kin… Tandang-tanda niya pa rin ‘yung date.

Louie: K-Kinukwento!?

'Si Resshin? Nagkukwento siya kay Emma tungkol sa’min dati?

Emma: Lagi ka nga niyang nababanggit eh. Habang kumakain, kesyo mahilig ka raw sa ganitong pagkain. Kapag nasa mall kami, kesyo mga ganun raw ang paborito mong bilin… Alam mo, nasasaktan nga ako during sa mga times na ‘yun. Ako ang kasama niya, pero ikaw naman ang nasa isipan niya.

Louie: ...

Emma: Hehe, aaminin ko. Nagseselos ako sa’yo, Louie.

'That's the magic sentence. Nagseselos siya sa’kin? At vice versa?!

All this time I was being insecure for petty reasons, tapos siya pala ‘yung talagang dapat magselos. Si Resshin naman, kasi! B-Bakit niya ako binabanggit kay Emma!?

Louie: Emma, I–

.

.

.

???: Uy, ano ‘to! Baka kayo pa ata ‘yung magkatuluyan diyan, ah!

'Napalingon kami ni Emma dun sa direksyon ng boses.

Louie: Sammiieeeee!!! TToTT

Emma: Sam! Akala ko absent ka?

Sam: Nagkaka-developan na ba kayo? Ang sweet niyo kasing tignan, tila magki-kiss na kayo sa moment niyo eh, ehehehe.

Louie: Bespren!!! I missed you! Bakit ngayon ka lang pumasok?

Sam: Oo nga eh, half day na akong nakapasok hehe.

Emma: Bakit? Ano nangyari?

Sam: Ahhhh… basta! ‘Di na importante ‘yun hehe. SIYA NGA PALA! L-LOUIE!

'Tapos nakaturo siya sa mukha ko. Nahuli niya bang umiiyak ako?

Louie: B-Bakit?

Sam: Nakasalamin ka na!

Emma: Nakakagulat, ‘di ba?

Louie: Kanina niyo pa akong kausap, ngayon niyo lang napansin!

Sam: Hindi kasi halata, parang wala lang.

'Talaga ba’ng kagulat-gulat ‘yung itsura ko?

Louie: Hindi ko tuloy alam kung bagay ba o hindi. =___=”

Emma: Bagay sa’yo, you look cute.

Sam: Tama si Emma. Kawaii!!!

'Sabay pisil sa cheeks ko. Hay naku, tingin ba nila ililibre ko sila ‘pag sinabi nilang "cute" ako!?

Louie: Lakas niyong mambola! Pamasahe ko na lang ‘to!

~TO BE CONTINUED.

xx

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.