Chapter Eleven
**
Louie and ???: IKAW!? ANO'NG GINAGAWA MO DITO!??
'Yung kuya ko nandun sa loob ng kwarto, hawak-hawak ‘yung isang controller ng PS5.
Arvie: Araw-araw kaming naglalaban ni Daren ng 2K!
Daren: Oo, at laging talo ang kuya mo.
Arvie: Hoy, asa ka naman!
Daren: Talagang magkapatid kayo ‘no?
Louie: Akala ko ba magkaribal kayo!?
Arvie: Kaya nga!!!
'Tapos tinaas nilang dalawa ‘yung controller nila ng PS5. Magkaaway sila pagdating sa mga laro. Pero kung tutuusin, parang mag-best friends naman pala sila.
Hahahaha! Lagi na lang 'yung kuya ko ang ka-close ng mga lalaking gusto ko.
Siya lagi... ‘yung kuya kong echos!
Louie: Akala ko talagang hate niyo ang isa't isa!
Daren: Totoo naman eh, magsama kayong dalawang Cayabz!
Louie and Arvie: TUMAHIMIK KA!
Arvie: Mabuti pa, simulan na natin ang laban!
Nag-cheer naman ako sa kuya ko, wala naman akong choice. Alangan namang si Daren ang kampihan ko? Magaling ako sa mga arcades.. pero wala akong alam pagdating sa console games. Kung lagi kong nakakapantay sa score si Daren sa Black Cat, this time kuya ko naman ang kapantay niya ng galing sa 2K.
Arvie: Louie, mag-dinner ka na sa bahay!
'Sinabi niya habang naglalaro.
Louie: Sabay na tayong umuwi!
Arvie: Siya nga pala, nanliligaw ka raw sa kapatid ko?
'Waaahhh... Oo nga pala!
Daren: Huh? What are you talking about? Hindi ‘no.
'OuCh! iT HuRtS! It hUrTs, yOu kNoW!
Arvie: Bakit sabi ng mommy namin–
Daren: AH! Oo nga pala, joke joke lang ‘yun.
'Tumingin naman si kuya sa’kin at tumango naman ako.
Daren: Wala kasi kaming maisip na palusot eh.
Louie: Anong tayo!? Ikaw lang diyan ang tangang padalos-dalos ‘no!
'Natawa nang malakas ‘yung kuya ko.
Arvie: Sabi ko na nga ba eh! Talagang hindi kapani-paniwala na may manliligaw sa kapati-
Louie: SHUT UP!!!
Sigaw ko sa kuya ko habang iniistorbo siya sa laro.
So ano nga pala ‘yung ginawa namin ni Daren sa kotse? Pinagpyestahan lang naman namin ‘yung peanuts na tinago niya sa may bag niya. Pinagbabawalan kasi siyang kumain ng mani dahil nasa lahi raw nila ang gout.
Kaya naman tinago niya dun sa driver para hindi siya isumbong sa magulang niya. Tinatago niya rin sa kapatid niya kaya naman he grabbed the chance right away nung bumaba si Kimmy sa kotse.
'Eh bakit kailangan ko pang makikain at madamay!? Haayyy. Ang gulo talaga ng utak ng Daren na 'to.
Pero dalawang bagay ang nagdulot ng sakit sa puso ko.
Una ay my girlfriend na pala siya, si Aika.
Sunod naman ay ‘yung mas masakit, nakalimutan niyang nanliligaw pala siya.
Kahit kunwarian lang, masakit pa rin...
**
Kimmy: Andito na 'ko! I'm home~!
Daren: Saan ka ba nanggaling? Nag-aalala sa'yo ako kanina pa.
Louie: (pabulong) Nakita mo ‘yan kuya? Dapat ganyan ka rin.
Arvie: ‘Yan ba? Eh mas sweet pa ako diyan ‘no.
Louie: Weeehhhh.
Arvie: Tignan mo 'to.
'Biglang nagbago ang ihip ng hangin, kasi naman...
Arvie: Naku, Louie! Baka gabihin tayo at magkasakit ka pa!
Louie: Ang OA mo! -¬_-
Daren: Kimmy, pumasok ka na sa kwarto mo.
Kimmy: Okay, kuya.
Arvie: Naku! Mukhang nilalagnat ka na ata, Louie! OoO"
Louie: Kuya, ano ba!? =_=#
'Naku naman, sila Daren walang ka-effort effort pero magandang tignan.
Kuya ko naman todo effort pero ang sagwa ng acting.
Louie: Uwi na nga tayo!
'At hinatak ko na ang kuya ko palabas.
"Thank you po sa lahat, alis na po kami!"
xx
a.f.t.e.r.t.w.o.d.a.y.s.
'Nagdidilig ako ng halaman nang biglang may tumalbog na bola sa may paanan ko.
???: Ay, sorry!
Louie: Okay lang ^^
'Lumapit siya para kunin ‘yung bola. Maganda siya, kulot ang buhok at napaka-mature kung titignan.
???: Pasensya ka na ha, hehe.
Louie: Naglalaro po kayo?
???: Oo, ng basketball. Mag-isa nga lang ako eh. Hehe, weird ba?
'Oo, weird... -__-
Louie: Hindi po. Bakit po kayo naglalaro?
???: Nakikita mo ‘yan?
'Tapos tinuro niya ‘yung ospital sa tapat ng bahay namin, katabi ng court.
???: Stay-in ako diyan.
Louie: Eh bakit po kayo naglalaro?
???: Syempre kailangan kong maging active kahit na nasa ospital ako. 'Di kasi ako marunong mag-basketball... at gusto kong matuto para sa kanya.
Louie: Ano po pala name niyo?
???: Aika.
'Tila nabitawan ko 'yung hawak kong pandilig sa narinig ko.
???: Ang full name ko ay Aika Nazareth Mendez, ikaw?
.
.
.
'Nakakagulat naman ‘yung pangalan niya, kasi:
First Name: (Aika) pangalan ng gf ni Daren ‘yun ah?
Second Name: (Nazareth) oh, medyo unique kasi pangalan siya ng lugar.
Last Name: (Mendez) parehas sila ng apelyido ni Emma, may chance kaya na magkamag-anak sila?
Aika: Ikaw? ^^
Louie: L-Louisa Cayabyab po.
'Di ko na sinabi ‘yung full name ko.
Aika: Tara, Louisa! Gusto mong mag-basketball?
Louie: 'Di po ako marunong niyan, eh. Hehe.
'Pinagmamasdan ko pa rin ang mukha niya. Sa tingin ko, mas matanda siya sa akin ng ilang taon. Mga dalawa siguro? Mukhang mga kasing-edad siya nila kuya.
And speaking of the devil, lumabas si Kuya Arvie.
Arvie: Louie, magsaing ka na raw!
Aika: Arvie, ikaw ba ‘yan?
Arvie: Aika!?
'Oh no. Please, don't tell me...
Arvie: Ei, Louie!
'Please, huwag!
Arvie: Siya nga pala...
'HuuUuUwWaAagGgG!
"Ang girlfriend ni Daren"
.
.
.
OUCH.
Nabitawan ko na nga nang tuluyan ‘yung hose na pandilig.
'Di na ‘ko nakapagsalita, naririnig ko na lang silang nag-uusap.
Arvie: Matagal-tagal ka na rin palang ‘di pumapasok sa klase.
Aika: Oo nga eh. ‘Di pa kasi ako pinapayagan ng doctor ko na um-attend sa school. Hindi pa raw kasi ako tuluyang gumagaling.
Arvie: Hindi ko alam na dito sa ospital na 'to ka pala naka-stay...
Aika: Hehe, miss ko na nga kayo eh.
Arvie: Miss ka na rin namin!
'Wala pa rin akong kibo.
Arvie: Ahhh! Ano nga pala ang ginagawa mo rito?
Aika: Naligaw kasi ‘yung bola, hehe.
Arvie: Louie, bakit ‘di ka na nagsasalita? Tara Aika, pasok ka sa'min.
Louie: S-Sorry po. Pasok po kayo...
'Buong magdamag ay kausap lang siya ng kuya ko. Saka ko lang napansin, parang may kakaibang "spark" sa mga mata ng kuya ko habang kausap niya si Aika.
Hmmmmm... ~_~+
Aika: Sige, hanap na 'ko siguro ng mga nurse.
Arvie: Hatid na kita.
Aika: Salamat, ah!
'Sumama na rin ako sa kanila sa paghatid kay Aika pabalik sa ospital.
Pagkahatid, ano pa nga ba? Eh ‘di todo chika ako sa kuya ko.
Louie: Ahihihi..
Arvie: Bakit?
Louie: Wala lang...
Arvie: ....
Louie: Ahehehehe!!!
Arvie: Baliw ka ba!? 'Di ko po siya kilala! (sabay sigaw at turo sa'kin)
Louie: Ikaw naman! May gusto ka sa kanya ‘no? Yiiheee!
Arvie: W-WALA! Kay Daren na ‘yun!
Louie: Umamin ka na, kuya!
Arvie: Tumahimik ka na nga diyan!
'Okay, kung ayaw niyang umamin eh ‘di huwag.
Nung nasa bahay na kami, bigla na lang nagslita ‘yung kuya ko habang kumakain kami ng merienda.
Arvie: Louie, gwapo ba 'ko?
'Natawa naman talaga ako dun sa sinabi niya.
Louie: Bakit mo naman natanong?
Arvie: Wala lang...
'Sabay nagbuntong-hininga siya.
Louie: Gwapo ka sana...
Arvie: Kaso?
Louie: Kaso habang kasama natin si Ate Aika kanina, may tinga ka sa ngipin.
Arvie: ANNNOOOOOOO!!!!!!!!???????
'Nakakabingi naman ‘yun! >_<;
Arvie: Bakit hindi mo sinabi!?
Louie: Joke lang! Eto naman!
Arvie: ‘Wag ka ngang magbiro ng gano’n! Lalo na kapag tungkol kay Aika!
Louie: Bakit? Crush mo siya?
Arvie: OO NA!!! At nakakabwiset si Daren, nakuha niya agad si Aika. Huhu! Hindi niya deserve! Hmph!
'Kawawa naman ‘yung kuya ko. Nakuha raw agad? Ibig sabihin talagang malakas ang appeal ni Daren.
Louie: Tell me, sikat ba si Daren sa fourth year?
Arvie: Sinabi mo pa, dahil nga sa kanya, biglang nag-out ‘yung best friend ko dati eh.
Louie: Weh!?
Arvie: Paano ba kayo nagkakilala?
Louie: M-Mahabang storya...
'Papunta na sana ‘yung kuya ko sa kwarto niya nang...
Louie: Kuya, gusto mo tulungan kita kay Aika?
Arvie: H-Hah? Ano ba’ng pinagsasasabi mo? Ano ako? Manunulot?
Louie: Hindi naman sa gano’n...
'Tsk. 'Di gumana. Masyadong matino 'tong kuya ko. Akala ko pa naman magkaka-partner in crime na 'ko!
Louie: Ay kuya, siya nga pala!
Arvie: Ano na naman?
Louie: ‘Yung ngipin dun sa may bandang gitna 'yung may tinga...
Arvie: HAH!?
Louie: jOkE!!
~TO BE CONTINUED.
xx