CHAPTER TWELVE
Nagbukas agad ako ng Facebook at sinearch agad si Aika.
Buti na lang binigay niya ang full name niya sa'kin kaya madali ko lang siyang nahanap.
Binrowse ko 'yung mga profile pictures niya. Siya 'yung tipong simple pero maganda. Walang kaartehan. Natural ang ganda, hindi na kailangan ng makeup.
So ganito pala ang mga type ni Daren?
Habang nag-babrowse sa Facebook niya, bigla akong napatigil sa pag-scroll.
T-Teka!
Si Emma 'to ah!
Tinap ko agad 'yung photo at binasa 'yung comments.
"Ang chix ng mag-ate!"
"Nasa lahi ang ganda!"
"Mukha kayong kambal magkapatid!"
'Sinasabi ko na nga ba eh! Mag-ate nga sila!
Huhu at nabihag nilang magkapatid 'yung mga lalake sa buhay ko. ToT
Si Resshin kay Emma, si Daren naman sa ate niya!
Ayoko na! Ano namang laban ko sa beauty nila!?
Napatingin ako sa salamin. Mukha akong someone na hindi mo papaupuin sa LRT.
Samantalang sila, tiyak na mapapalingon ka 'pag nakita mo sila sa isang lugar.
Inayos ko 'yung salamin ko at sinampal nang sabay ang magkabila kong pisngi.
Louie: D-Dadalasan ko na nga ang pagligo... =__=;
*TING!*
Gulat ako dahil bigla akong may notif. Nagchat bigla sa akin si Emma!
Emma: Louie, online ka?
Louie: Yesss, why?
Emma: I have an idea bakit galit sa akin si Black Cat.
Bigla akong napaisip. Teka, kung kapatid niya si Aika at boyfriend ng ate niya si Daren... hindi ba dapat magkakilala sila!?
Louie: Uhm, Emma! Nakilala ko pala 'yung ate mo kanina. Si Aika.
Emma: Talaga? Sabagay malapit lang sa inyo 'yung hospital kung nasaan siya.
Louie: Uhm... Nalaman ko rin na boyfriend niya pala si Daren. 'Yung kuya ni Kimmy. At...
Emma: Si Black Cat...
'Nag-send lang ako ng thumbs up na emoji.
"Emma is typing..."
Naiinip naman ako. Typing siya tapos biglang mawawala. Typing tapos mawawala. I-send mo na 'yan girl! Hindi na ako mapakali!
Emma: I think I have an idea why Black Cat hates me.
Louie: Talaga? Ano?
Emma: I have to go now. Kwento ko sa'yo next time.
Tapos nakita kong nag-offline na siya.
Hmmm. This is a weirdly productive day. Marami akong nalaman pero mas lalong maraming dumagdag na mga katanungan sa utak ko.
**
Dahil maraming bumabagabag sa akin, I needed time to unwinnd. Bumisita ako sa bahay ng best friend ko. It's a surprise visit kasi miss na miss ko na siua!
Louie: Goood morniiiiing~!
'Pinapasok ako ng mama niya sa kwarto niya kahit tulog pa siya.
Sam: H-Huh? *still sleepy*
Louie: Gising na! Sabado ngayon. Gala tayo!
Sam: Louieee... Pass ako today.
Louie: Hah!? Sammie ikaw ba ‘yan?
Sam: Inaantok pa kasi ako eh...
Louie: Huhu, okay...
'Palabas na ako sa pinto nun.
Louie: Best friend?
Sam: Yes?
Louie: Basta nandito lang ako para sa’yo, ha?
Sam: Thank you!
Louie: I'm just doing my job. ;)
Pag-uwi ko sa bahay, pumasok ako sa kwarto ng kuya ko.
Nakita ko siya na nag-aayos sa salamin.
Louie: Tamang-tama, Kuya! Nakaayos ka na! Tara, alis tayo. Bonding naman tayo sa mall para makabawi ka dun sa yakult ko sa ref na ininom mo! Hehehehe! ^o^
Arvie: Sorry, bibisitahin ko si Aika sa hospital. Saka isa pa, sa'kin 'yung yakult na 'yun dahil ininom mo 'yung yakult ko nung isang araw.
Louie: Bibisitahin mo ulit si Aika? Mukhang napapadalas ka, ah.
Arvie: Hehehe...
Louie: Hmmm. Dinadalaw rin ba siya ni Daren?
'Malamang, Louisa! Boyfriend niya nga eh. Fishing ka naman diyan.
Arvie: Oo. Pero ngayon hindi, kaya ako naman habang wala siya. Hahaha!
Louie: Okay. Enjoy...
'Ito ba 'yung kuya kong proud na hindi siya manunulot!? Anyare bigla!? -_-"
'Hmm. Wala akong mayayang lumabas! Nagkulong na lang ako sa kwarto ko at kinausap si Kokey na stuffed toy ko. Buti pa 'tong si Kokey, masayang ka-bonding.
Louie: Nakakainis. Naiinis ako kay Daren kasi bwiset siya, bakit ba gano’n siya? Alam kong hindi dapat ako magkagusto sa kanya dahil may girlfriend na siya. Pero bakit gano’n? Hayyy!
'Naluluha ako. Haist talaga! Parang nung bata pa 'ko lagi kong sinasabi sa sarili ko na never akong iiyak sa isang lalake. Ngayon hindi lang isang lalake ang naiyakan ko na, hay...
Louie: Kokey, sino na lang ba ang dapat na gustuhin ko? Si Resshin na itinakda nang ikasal kay Emma? O si Daren na walang ginawa kundi saktan at paglaruan ako?
Kokey: Kurekurekureku!
Huhu hirap mong kausap, Kokey! Tinatanong kita nang maayos diyan, eh. TToTT
ALAM KO NA.
Simula ngayon hindi ko na sila masyadong iisipin.
Bakit kailangang magkagusto sa mga kumags na 'yun!?
Ang daming lalaki sa mundo!
Bakit ko isisingit ang sarili ko sa may jowa na!? Single naman si Kim Taehyung!
Starting today, IIWASAN ko na silang dalawa!
Hahahahahay... :(
**
Kinabukasan, nagpasya akong huwag sayangin ang weekend at lumabas ako kahit wala akong kasama.
Pagpunta ko sa park, nagbasa lang ako ng libro.
Minsan masaya rin pala ang mag-isa.
At minsan, hindi rin pala.
???: Hi Miss
'Hindi ko pa rin tinataas ‘yung mukha ko mula sa libro.
???: Hi Cutie
'Wala pa rin akong paki.
???: Hi Sexy
'Hindi ko na natiis at tinignan ko na siya.
Louie: Bwiset.
Resshin: Hehehehehe. Basta 'pag sexy, ina-assume mo talagang ikaw. Hehehe!
Louie: Epa–
'Natigilan agad ako. Tama. Hindi ko pala sila dapat pansinin.
That's right. DEADMA.
Resshin: Lulu?
Louie: ...
Resshin: Okay. Patabi na lang ha... (sabay upo)
Louie: ... (umurong palayo)
Resshin: Hoy, naligo ako ‘no!
Louie: ....
Resshin: (lumapit)
Louie: (lumayo)
'Ahh! Bigla niyang hinatak ‘yung braso ko!
Resshin: Uy, may problema ba?
Louie: (Nakayuko) ...
Resshin: Bakit ayaw mong magsalita!?
Louie: Nagbabasa ako. Bulag ka ba?
Resshin: Alam kong madalas tayong mag-away at mag-asaran. Pero bakit ka umiiwas!?
Louie: Bakit!? Ano ba’ng paki mo!?
Resshin: Bakit ba parang ang init ng ulo mo?
Louie: Palibhasa...
'No, Louie! Don't! Don't say it!
Louie: Masaya ka nang kasama mo si Emma!
Resshin: ...
'Please, Louie. Please... 'Wag kang umiyak! Pigilan mo ang luha mo!
Resshin: Bakit biglang nasali si Em sa usapan?
'Hindi ko na kaya. 'Di ko na kayang pigilan. Nag-build up na sobrang 'yung halu-halong emotions at dissapointments ko. Nilabas ko lahat sa pag-iyak. Nilabas ko lahat sa kanya.
Louie: Kasi bwiset ka! Nakakairita ka! Naiinis ako kapag nakikita kita! Hindi ko malaman-laman ang gagawin ko! Ewan ko ba kung yayakapin kita o sasampalin kita!
'I don't know if I'm making any sense, pero what I'm feeling doesn't make sense either.
Louie: Hindi ko kasi ma-gets eh! Para bang ikaw ang sumisira ng araw ko, pero hindi rin nakukumpleto ang araw ko nang wala ka! Natataranta ako kapag nararamdaman kong parating ka na, pero kapag nariyan ka na tila ayoko nang matapos 'yung oras na kasama ka! At kapag kasama kita, feeling ko sa'kin ka! Feeling ng puso ko, sa'kin ka pa rin! Dahil ako ang kasama mo! At sana araw-araw, ako na lang ang kasama mo!!!
Resshin: Louie...
Louie: HIRAP NA HIRAP NA 'KO!!!
'Kasabay ng pag-agos ng luha ko, ay 'yung pag-agos ng damdamin ko. Para bang ilang taon ko nang kinimkim lahat ng saloobin ko sa'ming dalawa. Lahat ng pag-deny ko sa sarili ko, lahat ng kunwaring mga ngiti ko, lahat ng mga hinanakit na pilit itinikom ko, ngayon ay bumubuhos na silang lahat palabas mula sa bibig ko.
Louie: Kaya please lang... Resshin... Umalis ka na sa harapan ko... bago pa 'ko mabaliw... at masiraan ng ulo...
Resshin: Louisa...
'Sisigaw na ako dapat nang malakas pero bigla naman akong napigilan!
Kasi naman, bigla akong niyakap ni Resshin.
Louie: B-Bitawan mo 'ko!
Resshin: Ssshhh. Hindi mo kailangang magsalita...
'Pagkasabi niya nun, tumango na lang ako at niyakap siya pabalik.
.
.
.
Ang gaan sa pakiramdam. Naaalala ko tuloy 'yung mga times noong kami pa.
Unti-unting kumakalma 'yung puso ko. 'Yung bawat pag-hikbi ko, sinasabayan ng pagtahan niya sa'kin sa pamamagitan ng mga marahang pagbulong.
I swore I felt like I was floating. Like I was in a very comfortable place.
His warmth is like a soft blanket that I wanna snuggle.
Hay, iba talaga ang pakiramdam kapag si RESSHIN na ang kayakap mo.
Ang swerte talaga ni Emma.
~TO BE CONTINUED.
xx