Well of True Cherries Chapter 13

Chapter Thirteen.

Resshin: Louie, sa tingin ko... Parang makakagawa ata ako ng kasalanan.

Louie: Huh?

Resshin: Nangako ako na si Emma lang ang mamahalin ko.

Louie: Ano?

Resshin: Hehe, wala!

'At ngumiti na lang siya.

Louie: Ano nga pala'ng ginagawa mo rito?

Resshin: Bored kasi ako sa bahay eh. Wala naman akong makasama kaya naisipan kong pumunta sa park.

'Wow ha. Parehas kami.

Resshin: Ikaw?

Louie: Ako? Uhmm.. Bored kasi ako sa bahay eh. Wala naman akong makasama kaya naisipan kong pumunta sa park.

'Natameme siya sandali, tapos biglang tumawa nang malakas.

Resshin: Haha, 'yun mismo ‘yung sinabi ko ah? \:)

'Ngumiti na lang ako.

Resshin: Louie... Alam mo, miss na kita.

Louie: Hala! Araw-araw kaya tayong nagkikita sa school!

Resshin: Hindi ‘yun ‘yung ibig sabihin ko.

Louie: Eh ano?

'Tumingin siya sa langit, tapos sa’kin.

Resshin: Nami-miss ko na ‘yung "Lulu" na matatawag kong "akin".

'Sabay ngiti niya.

Louie: H-Huh?

'Biglang nag-init 'yung mga tenga ko.

Resshin: Wushu! Gusto mo talagang ulitin ko pa ‘yung sinabi ko.

Louie: Hindi! Sira! Hindi lang kita ma-gets.

Resshin: Ibig sabihin ko lang naman, nakaka-miss rin ‘yung mga times na tayo pa.

Louie: Ows? Naging tayo pala?

'Tapos talaga namang natulala siya! Haha, ang cute niya dun!

Louie: Hahaha! Joke lang kasi! Ito naman hindi mabiro!

'Binelatan ko siya tapos tumawa ulit ako.

Resshin: Sobra. Sobrang namimiss ko na...

'Sinabi niya 'yun habang nakatitig nang malalim sa mga mata ko.

'Kunwari na lang hindi ko narinig ‘yung sinabi niya. Patay malisya na lang ako. Hindi ko na lang papansinin... kahit na ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa sinabi niya.

Kunwari... kunwari wala lang sa’kin ‘yun.

Louie: S-Sige, alis na 'ko.

Resshin: Uy, ihahatid na kita.

Louie: ‘Wag na. Mang-aasar pa 'yung kuya ko, eh.

Resshin: Hmm...

AT BIGLA SIYANG NAG-POUT!

Nag-puppy eyes siya!

O.M.G!

B-Bakit ganito, bakit ang cute niyaaa!?!?

Tila gusto ko siyang gawing keychain. *o*

Louie: O-Okay...

Syempre 100% effective sa'kin 'yun. >_>;

Kahit sino ata hindi makakatanggi sa puppy face ni Resshin.

'Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilang mapatingin sa mukha niya, sa mga mata niya. Ampupu! Na-i-inlove ako huhu. Tssk. Ayoko ng ganito. Dapat talaga hindi ako pumayag, eh. Dapat talaga hindi ko hinayaang makasama ko siya nang ganito katagal.

Lalo lang akong nasasaktan eh...

Resshin: Uy uy!

Louie: Ano?

'Akala ko naman kung ano. Babanat lang pala 'tong mokong na 'to.

Resshin: Lumaki na ba nang kahit konti 'yung kamay mo? Or tulad ng dati, parang manika pa rin? Haha!

Louie: Huh?

'Sabay tingin ko naman sa kamay ko at sinukat ko 'yung palad ko.

Louie: Hmm, parang same pa rin naman. Maliit pa rin.

Resshin: Ows? Check ko nga.

Louie: A-Ano'ng sabi mo?

Resshin: HHWW tayo. Holding hands while walking.

Asaaar! Hindi siya nakakatulong ha! Pinapalala niya lang ‘yung sitwasyon.

'Di niya ba alam na hirap na nga akong huminga kasama siya? Tapos HHWW pa!

Resshin: Kung okay lang naman...?

Louie: Ayoko!!!

Resshin: Tsk. Dapat pala 'di ko na tinanong, ginawa ko na lang agad...

Louie: Ga**!! (tapos binatukan ko siya)

Resshin: Hahaha. Joke lang po, ma'am!

'Pero parehas kaming natigil sa pagkukulitan namin.

BAKIT? Kasi nasa tapat namin si Daren, nasa kabilang sidewalk. Nakakagulat nga e.

Resshin: Si Black Cat.

Louie: D-Daren!

'Halata sa face niya na nagulat din siya. Pero ngumiti siya, tapos naglakad papunta sa’min.

Daren: Yow! Kumusta ka na, Louie ko?

Resshin: Huh?

Louie: Ano!? Ang lakas ng tri–

'Bigla niya akong inakbayan.

Daren: At bakit may kasama kang ibang lalake?

Resshin: Bitawan mo nga siya.

'Yikes! What is happening here!? Huhuhu.

Louie: Daren, ano ba!

'Tapos umalis ako muka sa akbay niya at pumunta sa tabi ni Resshin.

Daren: Ano ba ‘yan, para naman akong kontrabida dito. Hahaha.

Louie: Baliw!

Resshin: Hoy, hindi porket mas matanda ka eh pwede mo nang gawin kung ano’ng gusto mo sa’min.

Daren: Huh? Ay oo nga pala, mas matanda nga pala ako. Muntik ko nang makalimutan. Hindi mo kasi ako ginagalang eh.

At para akong may nakitang lightning o kuryente sa pagitan ng mga mata nila, wow ha.

Louie: Tumigil na nga kayo! Tara na, Resshin!

Napansin kong nagulat at nanlaki ‘yung mga mata ni Daren nung binanggit ko ‘yung pangalan ni Resshin.

Daren: 'R-Re...'? Teka, wait lang! Saan kayo pupunta?

(Sa isip ni Daren) Bakit si Resshin ‘yung tinawag niya? Amf naman.

Louie: Ano naman sa’yo kung saan?

Daren: S-Sasama ako.

Resshin: Umuwi ka na nga!

Daren: Sama na 'ko. (Nakatingin kay Louie, hindi pinapansin si Resshin)

Resshin: Hindi nga pwede!

Daren: Sama na 'ko, please. (Deadma pa rin kay Resshin)

Resshin: Umalis ka na nga sa harap namin! (Nagalit at tinutulak na si Daren)

Daren: Louuiieeee! (Nagmamakaawa na talaga)

Louie: FINE!!! Sumama ka kung gusto mo!

Resshin: Huh!?

Daren: Yes!!

Naku naman. Bakit 'di ko ba siya matiis?

Papunta kami ngayon sa bahay. Tahimik lang kaming tatlo. Walang umiimik.

Nakatingin si Daren sa kaliwa, si Resshin naman sa kanan.

Hindi sila nagkikibuan. Ako? Nasa gitna nila. Referee at baka magsuntukan si Pacquiao at Mayweather.

Nakarating na kami sa bahay.

Louie: Resshin, pasok ka.

'Napatingin ako kay Daren, nginitian niya ako, parang nagmamakaawa ulit.

Louie: Pumasok ka na rin, sige. -_-

'Kawawa naman 'tong pusang 'to walang gustong kumupkop...

Daren: Yeey!

Resshin: Hayy..

'Pagkapasok, nakita ko si Kuya Arvie.

Louie: Kuya! Nakauwi ka na pala.

Arvie: Uy, Louie! Resshin! At... Daren!? O_O

'Saka ko lang napansin nandun rin pala si Aika sa tabi ng kuya ko. Huwat!?

Napatayo si Aika at nakatitig kay Daren.

Aika: D-Daren... Ikaw pala.

'Lumingon kaming lahat at tinignan ang magiging response ni Daren.

Daren: Ha! Kayo rin pala ni Cayabyab ang magkakatuluyan. Sabi ko na nga ba eh.

Arvie: Ano ba Daren, sinasamahan ko lang siya.

Aika: H-Hindi totoo ‘yan. Magkaibigan lang kami, Daren.

Daren: Hmph. Ayos lang sa’kin, mas mabuti ngang magkatuluyan na kayo eh.

Arvie: Daren, tumigil ka na! Bakit mo ba sinasabi ‘yan?

Resshin: Louie, ano’ng nangyayari dito? Mukhang walang mabuting dinulot 'yang pusang ‘yan ah.

Louie: Girlfriend siya ni Daren.

Resshin: Talaga???

Daren: Aika, mukhang magaling ka na rin naman ata.

Aika: H-Hindi!! May sakit pa 'ko!

'Huh? Naguluhan ata ako dun..? Umiiyak na si Aika.

Arvie: Aika, okay ka lang ba?

Aika: May sakit pa 'ko!!! Hindi pa ako magaling, Daren!

Daren: Ibalik mo na muna siya sa ospital, Arvie.

Dali-daling lumapit si Arvie at hinatak 'yung kwelyo ni Daren.

Arvie: Humanda ka sa’kin kapag may nangyari sa kanyang masama!

At umalis na silang dalawa papuntang ospital.

Louie: ...

Ngayon ko lang nakitang magkasama si Daren at Aika. Tapos hindi ko pa maintindihan kung ano ‘yung nangyari at 'yung usapan nila kanina.

Louie: Daren, okay ka lang ba?

'Nagulat parehas si Resshin at Daren sa sinabi ko.

Daren: Huh?

Louie: Ah... eh... wala lang, napansin ko kasing hindi ka masaya. Nakakapanibago. Tapos parang malalim ‘yung iniisip mo.

Resshin: L-Louie?

Daren: Hahaha! Iba ka talaga, Louie. Dinala na nga sa ospital si Aika, tapos ako pa ‘yung inaalala mo.

Louie: Hindi mo naman kailangang itago ‘yung nararamdman mo eh. Nakikita kong nasasaktan ka.

Daren: ...

Louie: Nasaktan ka ba nung makita mong magkasama si Kuya at Aika?

Daren: (ngumiti) Hindi ‘yun. Nasaktan ako kasi nakaipit pa rin ako sa kulungan.

Louie: Kulungan?

Daren: ‘Yung may kasalanan kasi rito...

Laking gulat namin dahil bigla niyang tinuro si Resshin.

Resshin: Huh? Bakit ka nakaturo sa’kin?

Daren: ‘Yung gf mo, si Emma.

Resshin and Louie: Si Emma!?

Daren: Isa siyang matinding epal sa buhay.

Resshin: Umayos ka nga sa pagsasalita mo!

Daren: Totoo naman eh. Nagmumukha lang siyang malinis pero maruming babae talaga ‘yun.

Louie: Ayy!!!

'Napatili ako dahil biglang sinuntok ni Resshin si Daren.

Resshin: Ang sabi ko, umayos ka sa pagsasalita mo.

Tinulungan kong makabangon si Daren, natumba kasi siya dahil sa suntok ni Resshin.

Daren: Resshin... Hindi mo na dapat pinakawalan pa si Louie... Baka matulad ka lang sa’kin balang araw...

Resshin: H-Hindi ko maintindihan.

Daren: Nakakulong ako ngayon kay Aika. Hindi ko na tuloy pwedeng mahalin ‘yung taong talagang mahal ko. Ikaw? Magpapakulong ka rin ba kay Emma?

Resshin: Hindi ko talaga maintindihan!

Bakas sa mukha ni Resshin 'yung galit, pero kitang kita rin sa mga mata niya 'yung confusion at pagtataka.

Daren: Simple lang! Napabayaan ko ‘yung sarili ko at nakatali ako ngayon sa taong hindi ko talaga mahal, si Aika. Ikaw? Hahayaan mo bang matali ka rin kay Emma? Halata namang ibang babae ang gusto mo.

'Nagulat ako dahil biglang tumingin sa'kin si Daren.

Resshin: ...

Nagpaalam na si Resshin. Si Daren naman, pagkatapos nang malalim na pag-iisip ay nakatulog sa sofa namin. Tumabi na lang ako sa may paanan niya at tinitigan siya.

Hahayaang matali si Resshin kay Emma...? Matali? Naaalala ko, may dahilan si Resshin kaya siya nakipag-break sa’kin. Hindi niya rin masabi-sabi sa’kin ‘yung dahilan. Pero may kinalaman ‘yun sa biglaang pagka-engage niya kay Emma. ‘Yun din kaya ‘yung dahilan kaya "nakatali" si Daren kay Aika?

May kinalaman rin kaya doon ‘yung dahilan kaya galit si Black Cat kay Emma?

Ang isang bagay na nalaman ko, ay walang gusto si Daren kay Aika.

Napilitan lang ata si Daren ayon sa mga binanggit niya kanina.

Kahit na nalaman kong hindi niya pala gusto si Aika, hindi ko pa rin makayang maging kampante. Magulo pa rin kasi eh.

Daren: L-Louie?

'Medyo nakabangon na pala si Daren.

Louie: Ano ‘yun? May kailangan ka ba?

Daren: Wala. Ang bait mo naman.

Louie: Haha. Mabait naman talaga ako eh, ikaw lang 'yung walang bilib sa'kin.

'Nabigla ako kasi hinawakan niya ‘yung pisngi ko.

Daren: Nagulat talaga ako kanina, lahat kasi ng nasa paligid ko ang tingin sa’kin ay masama. Akala ko ikaw rin, natakot ako kasi baka ituring mo 'kong masama... pero bigla mo 'kong inalala. Sa'kin ka kumampi, nakita mo ‘yung nararamdaman ko. Ikaw lang ‘yung nakaintindi sa’kin...

Louie: Para ka kasing Black Cat, isang pusa na nilalayuan ng lahat dahil akala nila malas. Kahit malasin pa ako, handa kitang tulungan Daren. =)

Daren: Alam mo Louie... kung pwede lang kitang halikan ngayon, ginawa ko na.

'Waaah! Nararamdaman kong namumula ako! Waaaa!

Louie: D-Da...

Daren: Ano? Pwede ba?

Louie: A-Ano kasi...

Daren: Buwahahaha! >:)

Louie: Bwiset ka, Daren!!!

Daren: Haha! Hmm... gumagabi na pala. Aalis na rin siguro ako.

Louie: Tama ‘yun! Umalis ka na!

Daren: By the way, Louie.

Louie: Hmmm?

Daren: Si Resshin, naguguluhan pa rin ‘yun ngayon. Pero sana tama ‘yung maging desisyon niya.

Louie: Inaalala mo si Resshin? Parang kanina lang galit na galit ka sa kanya ah.

Daren: Sige, paalam na glasses girl!

Louie: Paalam! Pusang itim!

'Weird. Parang kaninang umaga lang bored to death ako at walang magawa.

Ngayon, sobrang daming naganap–mula sa park kasama si Resshin, at hanggang sa naging pagtatalo nila Daren at Kuya Arvie sa loob ng bahay namin.

Nakaalis na si Daren, naiwan na lang ako sa bahay.

Ano kayang gagawin ko pagblik ni Kuya Arvie? Haay.

Sa bawat katotohanan na nauungkat, tenfold naman ang dami ng mga katanungang dumadagdag.

We all want the same thing.

.

.

.

Gusto lang naman nating magmahal.

~TO BE CONTINUED.

xx

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.