Well of True Cherries Chapter 14

Chapter Fourteen

**

'Monday na naman, may klase. Wala na naman si Sam, ilang araw na rin siyang absent. Syempre best friend ko ‘yun, concerned ako kaya binibisita ko siya sa bahay. Kaso pagdating ko sa bahay niya laging tulog at pagod. At ito ‘yung isa sa mga times na ‘yun.

Louie: Napapasulat tuloy ako ng notes para sa’yo.

Sam: 'Di mo gawain ‘yun ah haha.

Louie: Oo nga eh, pero kailangan kong gumawa ng notes para makopya mo at makahabol ka. Dapat ikaw pa rin ang salutatorian ha.

Sam: Haha, sana nga...

Louie: Uy, ngayong Sabado na ang competition mo ah.

Sam: H-Huh? Competition? Ah! Oo tama! ‘Yung competition...

Louie: Okay ka lang ba bes?

Sam: Okay na okay! Umm, bes? Pwede ba akong matulog sandali?

Louie: Ay sorry! Nakakaistorbo ba ako?

Sam: Hindi ah. 'Di ko lang mapigilan ‘yung antok ko. Oh sige, salamat sa notes.

Louie: Ingat ka ah, tulog nang mabuti.

Sam: Yup, bye. Ingat! Love you!

Louie: Love you too!

'Haay. Nag-aalala talaga ako kay Sam.

**

Kinabukasan sa school, naglalakad ako kasama ni Kimmy at Emma sa may quadrangle namin.

Kimmy: Louie! Uy! Absent ba ulit si Sam?

Louie: Oo e, kaya sama ulit ako sa inyo.

Emma: Ano’ng kakainin mo Louie?

'Si Emma. Naalala ko tuloy ‘yung sinabi ni Daren. Kung paanong kunwari lang siyang malinis at mabait...

Emma: Louie?

Louie: Ah, eh... kahit ano siguro! Hahaha.

Kimmy: Okay ka lang ba? Parang iba ka ata ngayon.

Louie: Hahaha. Oo naman! Hahaha.

'Shette. Para ata akong baliw ngayon ah. Naiilang tuloy ako kay Emma. Si Daren kasi eh, kung anu-ano ang pinagsasabi.

Kimmy: Ay alam niyo ba? Tila may gusto pa ata kay Em ‘yung cutie na si Marko.

Emma: ‘Yung freshman? Haha oo, medyo umamin siya sa’kin kagabi sa text.

Louie: Si Marko!? Umamin? Ano’ng nangyari?

'Teka 'di ba nagkabungguan lang kayo last time? Bakit magka-text na kayo!? ~_~+

Syempre sa utak ko lang 'to at 'di ko sinabi.

Emma: Sabi ko sa kanya may boyfriend na ako, kaya nag-sorry na lang ako.

Kimmy: Naku ang swerte naman ni Resshin!

Louie: S-Si Resshin nga pala nasaan?

'Hindi na nila ako sinagot, napatigil silang dalawa sa pagsasalita at 'di ko alam kung bakit.

Loyie: Aray! >_<"

Nabangga ako, kasi biglang lumabas si Resshin sa harapan ko. Hindi kasi ako nakatingin sa daan dahil kausap ko sila Kimmy.

Resshin: Louie, Sorry aH.

Kimmy: Ayan mukhang nasagot na ‘yung tanong mo.

Louie: Ahaha! Hello, Resshin!

Resshin: Saan kayo pupunta?

Emma: Papunta na actually kami sa canteen para mag-lunch.

Resshin: Ay gano’n ba? Oh sige, sabay na ako.

'Naunang maglakad si Kimmy at Emma, susunod na sana ako nang bigla akong hinatak ni Resshin!

Louie: Wah! B-Bakit mo ako hinila!?

Resshin: Puntahan natin si Daren ngayon.

Louie: Pero magla-lunch na kami nila Emma.

Resshin: Mamaya ka na lang ulit sumabay sa kanila.

'Tapos hinatak na niya ako paalis.

Louie: Kimmy! Emma! Mauna na kayong kumain, ‘wag niyo na akong hintayin!

'Napatunganga na lang sila.

Tila nakita ko ata si Emmang yumuko at naging malungkot.

++++

Louie: Bakit ba kailangan natin siyang puntahan ngayon din? Hindi ba pwedeng mamaya?

Resshin: ...

Louie: Uy! Hindi naman ito ‘yung daan papuntang building nila ah.

Resshin: Ang totoo niyan gusto lang kitang makausap at makasabay ngayon. Hindi ko gustong makausap si Daren.

Louie: Nyek! Bakit!? Galit ka pa rin ba sa kanya?

Resshin: Problema na namin ‘yun, tara kain na tayo. May extra akong burger at milk tea. Binili ko ‘yan para sa’yo.

Louie: Kung gano’n plano mo na pala talaga akong kidnapin sa kanila! >O<

Resshin: Parang gano’n na nga.

'Gulp! Sobrang chill niyang sinabi 'yun. In fairness, ang pogi niya dun ha. >_>;

Louie: Haaaay. Uhm... So ano ba kasi ang ibig sabihin ni Daren?

Resshin: Sa'min na lang ‘yun, ayoko nang madamay ka pa sa problema namin.

Louie: Ano ba kasi ‘yun!? Feeling ko tuloy 'pag nalaman ko ‘yan parang nanalo ako ng 1 million pesos!

Resshin: ...hindi ko kasi alam kung sino paniniwalaan ko eh.

Louie: Kung si Daren o si Emma?

Hindi niya ako sinagot.

Resshin: Bakit nga pala absent lagi si Sam?

'Nice. Biglang binago ‘yung topic. Classic Resshin.

Louie: Resshin! Kung hindi ka makikipag-usap nang matino, babalik na lang ako kina Kimm–

'Niyakap niya ako bigla nang mahigpit. Nakasubsob sa balikat ko 'yung mukha niya.

Sobrang magkadikit ang mga katawan namin. Ramdam ng mga pisngi ko 'yung malambot niyang buhok na sobrang gustong gusto ko noon... at hanggang ngayon.

Maya-maya lang, biglang naramdaman kong medyo nababasa na 'yung balikat ko. Hindi ko makita ang mukha niya, pero sigurado akong umiiyak siya...

Louie: Re...?

Resshin: Kung alam mo lang Louie kung gaano kasakit para sa’kin ‘yung makipag-break sa’yo... Kung gaano kasikip sa puso ko ‘yung mapilitang magmahal ng iba...

Sinandal ko 'yung pisngi ko sa ulo niya at hinawakan ko 'yung buhok niya.

Na-miss ko 'to. Na-miss ko 'yung soft fuzzy feeling of warmth na binibigay sa akin ni Resshin.

Louie: B-Bakit ba hindi niyo masabi sa’kin kung bakit?

Resshin: Mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon!

'M-Medyo nabigla ako dun. Hindi ako nakapagsalita, napanganga lang ako. Buti at walang pumasok na langaw.

Mahal niya pa rin ako? Si Resshin? Nananaginip ba ako?

Pero wait lang, hindi ako dapat magpadala. Mind over heart! Fiancee niya na si Emma! Kailangan kong i-steel ang puso ko.

Louie: U-Uhmm... Tara. Kainin na natin ‘yung pagkaing dala mo, baka masayang hehe.

Resshin: Hindi lang 'yan 'yung masasayang, Louie.

Louie: K-Kung gano’n...

Resshin: Hindi nagbago ang pagtingin ko sa’yo kahit kailan.

Kahit anong diversion tactic ang gawin ko, kinakabig ako pabalik ng puso ko para harapin ang mga salita niya.

Louie: A-Actually, ako rin... hindi rin nagbago. Mahal pa rin ki–

Resshin: Kaso hindi talaga pwede! Si Emma talaga ‘yung babaeng dapat kong mahalin eh...

'Uhm, gusto niya ba 'kong sakalin dito? Una dapat iiwasan ko na sana ‘yung topic kaso binabalik at binabalik niya. Pangalawa aaminin ko na rin sana sa kanya at sasabihing mahal ko pa rin siya pero bigla niya naman akong pinigilan!

Tapos sasabihin niya sa’kin ngayon na si Emma ‘yung babaeng dapat niyang mahalin!

Nice way para SAKTAN ako, ah! >A<

Louie: Resshin, aalis na ako talaga. Salamat na lang sa pagkain...

'Tumayo na ko tapos tumakbo palayo.

Napakalaking sinungaling ko naman kung sasabihin kong hindi ako umiiyak.

Umaagos na ‘yung luha mula sa mga mata ko. Ilang beses na ba akong pinaiyak ni Resshin?

.

.

.

'Hulaan niyo kung sino ang nakatagpo sa’kin na umiiyak.

Syempre ‘yung savior ko, si Lex.

Lex: Si Resshin ba ‘yan?

'Tumango na lang ako.

Lex: Hay, iba ka talagang magmahal Louie.

Louie: Haha! Ikaw kasi eh. Kung sinagot mo lang sana ako noon, eh ‘di dapat ikaw ‘yung iniiyakan ko.

Lex: Kung alam ko bang nanliligaw ka eh, eh ‘di sana sinagot na nga kita.

'Nagtawanan na lang kami dun at nagbiruan.

Louie: Hay. Binibigyan niya kasi ako ng mixed signals. Minsan kung umasta siya parang kami pa, tapos maya-maya ipapaalala niyang may iba pala siya. Hindi ko alam kung aasa ba ako...

Lex: Obvious naman kasing mahal niyo pa rin ang isa't isa. Kahit siguro si Emma eh napapansin rin ‘yun.

Louie: Magiging mag-asawa rin naman sila balang araw e. Kaya dapat wala nang problema.

Lex: Kung wala kang problema dun, hindi ka dapat umiiyak ngayon.

Louie: Sabi niya sa’kin mahal na mahal niya pa rin ako. Pero tuwing aaminin ko rin sa kanyang mahal ko pa siya, nakakagawa siya ng paraan para mapigilan ako. Para bang ayaw niyang marinig... Para bang iniiwasan niya ‘yung pagmamahal ko.

Lex: Ang tingin ko diyan kay Resshin, gusto niya lang ipaalala sa’yo na ikaw talaga ‘yung mahal niya at hindi si Emma. Pero kung malalaman niya kasing mahal mo pa rin siya, baka makagawa siya ng bagay na ikasisira ng relasyon nila ni Emma, kaya iniiwasan niyang malaman na mahal mo pa rin siya.

'Naiintindihan ko ‘yung sinabi niya. Kaso ang hirap naman ng gano’n. Ako ‘yung nasasaktan kapag gano’n e. Alam kong naiipit si Resshin, pero mas naiipit ata ako.

Louie: Alam mo Lerrex, kapag nagpatuloy nang ganito si Resshin... Baka mapagod lang ako sa kanya. Baka mapagod na akong umasa sa kanya.

Lex: Nakakagulat ka naman, tinawag mo 'ko sa tunay kong pangalan. Natatawag mo lang akong "Lerrex" kapag seryoso ka.

Louie: Seryoso ako! Lerrex!

Lex: Pansin ko nga! (sarcastic) Hindi mo kasalanan kung sakaling mapagod ka. Baka ‘yun pa nga ang mas mabuti. ‘Yung kalimutan mo na si Resshin...

'Ouch. Kalimutan si Resshin? Hindi ‘yun gano’n kadali. Ilang buwan ko na ba siyang sinusubukang kalimutan!?

Tapos kung kakalimutan ko nga siya, sino naman ‘yung mamahalin ko? 'Wag niyong sabihing si Daren. Tiyak masasaktan din ako dun.

Isa pa siyang may Aika na...

~TO BE CONTINUED.

xx

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.