Well of True Cherries Chapter 15

Chapter Fifteen

Uwian na, hindi na ako nagpakita kina Kimmy at Emma. Baka kasi mapansin nilang hindi ako okay. Tapos hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila ‘yung sinabi sa’kin ni Resshin.

Arrgh. Kanina pa ako naghihintay dito ng jeep. Ang hirap makahanap ng masasakyan!

Maraming jeep na dumadaan kaso puro puno. TwT

???: Oy Louie...

'Parang may tumawag sa’kin. Pero hindi ko pinansin. TIYAK ma masamang espiritu o kung anuman lang ‘yun.

Louie: ...

???: Mukhang wala kang masakyan ah.

Louie: ...

???: Ihahatid kita sa motor ko.

'Lumingon ako sa kanya. Doon sa engkanto.

Louie: Motor? Pwede ka na bang mag-drive ng motor?

Daren: Oo naman. Meron akong student license. Pwede na basta 16 years old and above.

Louie: Ahh... Okay.

Daren: Okay? As in payag ka nang ihatid kita?

Louie: Okay, as in "Ah okay, pwede ka na palang mag-motor."

'Sabay belat ko.

Daren: Haha. Sige na ihahatid na kita. Wala ka atang masakyang jeep.

Louie: No, thank you. Mas safe pang maghintay na lang ako dito kaysa sumabay ako sa’yo.

Daren: Okay. Ganito na lang. Kapag wala ka pang masakyan nang 7:00 PM, ihahatid na kita.

Louie: Pakialam mo ba! Hindi ako sasakay dyan!

Daren: Louie! Alam mo ba ‘yung una kong naisip nung nakuha ko 'tong motor ko?

Louie: ... (kunwaring walang pakialam pero curious)

Daren: Inisip ko kung ano kaya'ng pakiramdam kapag hatid-sundo ko si Louie sa motor na 'to.

Louie: Wew! Ha! As if! Lolz!

'Kung anu-ano na lang lumabas sa bibig ko. Nabigla naman kasi ako dun. Bumilis na lang bigla 'yung tibok ng puso ko.

Daren: Sumakay ka na, babe. Please?

Louie: Huwat? Tinawag mo 'kong "babe"?

Daren: Yup. Bakit babe ayaw mo ba nun?

Louie: Hindi nga 'ko tinawag-tawag na "babe" ni Resshin nung kami pa eh!

Daren: Talaga babe? Ano tawagan niyo?

Louie: Lulu at Shin lang! Korni nga niyang boypren eh! Walang ka-sweet-sweet!

Daren: Buti pa 'ko sweet, 'di ba babe?

Louie: Hmph! Wala naman siyang kalambing-lambing tapos bigla na lang makikipagbreak!!!

Daren: Uy, Louie...

Louie: Nangangako siyang ako lang mamahalin niya! Tapos biglang engaged siya sa iba!?

Daren: Louie!

Louie: Akala niya tatanggapin ko ‘yun nang ganun-ganun lang–

'Napatigil ako. Niyakap ako bigla ni Daren. Mahigpit.

Saka ko lang napansin na nagiging emosyonal na pala ako.

Ang lakas na pala ng boses ko kakasigaw. At umiiyak na pala ako habang sumisigaw...

Daren: Louie... Kalimutan mo muna si Resshin... Kahit ngayong gabi lang...

'Hindi ko na napigilan ‘yung sarili kong umiyak nang malakas. Binuhos ko lahat kay Daren ang sama ng loob ko. Panay suntok ko na lang sa dibdib niya at nakasubsob ‘yung mukha ko sa balikat niya.

Hiniyaw ko lahat. Nagmura ako, humagulgol ako. Wala na akong pakialam kahit magang-maga na ang mga mata ko. Hinayaan lang ako ni Daren na maging out of my mind sa mga sandaling 'yun.

All this time, I've been trying to stay strong. So now... I want to allow myself to be weak for once. And by being silent and understanding, Daren is telling me that I'm allowed to be vulnerable.

After a long while, tumahan na rin ako. Sinisinok at sinisipon ako kaya binigyan niya ako ng panyo. Mga 10-15 minutes rin ang tinagal ng outburst ko.

Louie: Daren... Kailan ba 'ko pwedeng magmahal nang malaya?

Daren: 'Pag pumayag ka nang isakay kita dito sa motor.

He pointed at his watch and smiled. 7:00 PM na.

Napa-sigh ako with a smile at sumakay na lang ako dun sa likod ng motor niya.

Ang bilis ng takbo. Hindi na ako nagdalawang isip na yakapin ‘yung likod niya, at sumandal.

Louie: Sinu-sinong babae na ang nasakay mo dito?

Daren: Hahaha! Wala akong balak na isakay dito kundi ikaw lang.

'Naramdaman kong namula ‘yung pisngi ko.

Louie: Talaga? Haha. Ang lakas ko pala sa’yo.

'Tumigil na ‘yung motor sa tapat ng bahay namin. Bumaba na ako.

Louie: Maraming salamat, Daren.

Daren: Sure babe, any time.

'Sabay kindat niya. Cute niya talaga. :">

Louie: Haha. Sige na, babe. Ba-bye na.

Daren: Bye babe.

'Tapos pinatakbo na niya ‘yung motor niya.

Narinig ko siyang sumigaw nang malakas na "Yooohooo!" habang paalis.

Napangiti at natawa na lang ako.

???: May pa-babe babe ka pang nalalaman ah.

Louie: Kuya Arvie!

Arvie: Kailan pa naging kayo nun? Akala ko ba loko-loko lang ang panliligaw nun?

Louie: Joke lang ‘yung babe-babe na ‘yun! Biruan lang! Sorry naman ha! Bawal na pala akong makipagbiruan ngayon!

'Sabay takbo ko papasok sa kwarto ko.

Arvie: Bakit biglang nagalit ‘yun?

'Nandito lang ako sa kwarto at nakahiga sa kama. Nakatitig sa kisame.

At ang nasa isip ko? ‘Yung sinabi ni Resshin.

"Mahal na mahal pa rin kita Louie!"

'Haay.. Hindi ako pinapatulog ng Resshin na ‘yan ah!

Kasi naman kasi... haaay nakuuu...

xx

Kinabukasan.

Mommy: Arvie, gisingin mo na nga 'yang kapatid mo, male-late na ‘yan.

(Sa kwarto ni Louie)

Arvie: HOY! Lulung tamad! Bangon na!

Louie: H-Huh? Umaga na...?

Arvie: Tanghali na! Gumising ka na!

Louie: H-Hindi ko naramdaman... Hindi ata ako nakatulog nang maayos.

Arvie: Hindi ka nakatulog? Bakit? Siguro nanuod ka ng horror.

Louie: Che! Umalis ka na nga! Maliligo na 'ko.

'Sa school, wala pa rin akong gana.

Hindi ko pinapansin si Resshin. At absent na naman si Sam.

Nakasalumbaba lang ako magdamag at walang makausap. Over!!!

Napansin kong papalapit na si Resshin. Dali-dali akong tumayo at lumabas ng room.

Resshin: Louie!

'Narinig ko siyang tumawag.

Louie: Punta ako sa CR! 'Wag kang susunod!

At eto ako ngayon. Nakaupo sa toilet, kahit suot ko naman ‘yung jogging pants ko.

Haaay... Hindi ko ata kayang kausapin si Resshin.

'Sumabay ulit ako kina Kimmy at Emma dahil absent si Sam.

Panay kwentuhan nila. Hindi ako nagbibigay masyado ng pansin sa kanila.

Nakatunganga lang ako sa kawalan habang nag-uusap sila.

Kimmy: Oy Louie! Naririnig mo ba 'ko?

Louie: H-Ha??

Kimmy: Sabi ko parang ang weird naman nun. Boyfriend ni Em si Resshin pero hindi sila sabay kumain kapag break time.

'Oo nga 'no? Bakit hindi siya sinasabayan ni Resshin?

Kimmy: 'Di ba? 'Di ba? Ano ang masasabi mo, Louie?

Louie: Uhh...

'Nakatitig lang sa’kin si Emma, at hinihintay yata ‘yung sagot ko.

Louie: Baka naman binibigyan lang ng time ni Resshin si Emma na makasama ang mga kaibigan niya. Kasi kapag uwian naman at sa labas na ng school, palagi niya namang kasama si Emma.

'Hay, ako pa talaga ang pinag-explain!? Umiiwas na nga ako kay Resshin para hindi masaktan, pero kahit wala siya sa eksena nagagawa niya pa rin akong saktan. T-T

Kimmy: Ohhh. Gano’n ba ‘yun, Em?

Emma: Hmmm, oo. Saka hindi ko rin siya mayayang kumain. Kasi lagi niya ring kasama mga kabarkada niya. Gano’n lang kami nun ni Resshin. Saka para we still have our own experiences na pwede naming makwento sa isa't isa 'pag magkasama na kami.

Kimmy: Oooh. Kung ganun ang galante naman pala ni Resshin!

'Napatingin ako kay Emma. Nagulat ako dahil nakatingin din siya sa’kin.

Nag-ngitian lang kami at nagpatuloy kumain.

Maya-maya ay uwian na naman. Araw-araw na lang bang ganito?

Papasok at uuwi ako nang mlungkot?

???: Sa wakas nakita rin kita!

'Lumingon ako. Si Resshin.

Resshin: Louie...

'Naglakad ako nang mabilis. Sinusundan niya ako.

Resshin: Iniiwasan mo ba ako?

'Tinakpan ko ‘yung dalawang tenga ko ng mga kamay ko, at patuloy pa rin sa paglakad.

Resshin: Louie, sandali!

'Hinatak niya 'ko sa kamay.

???: Bitiwan mo siya. Hindi mo ba nakikitang ayaw ka niyang makausap?

'Tumingala ako at nakita ko ‘yung nagsalita.

Louie: Babe!!!

'Lumapit si Daren at inalis ‘yung kamay ni Resshin sa’kin.

Daren: Sige, aalis na kami ng babe ko.

'Sabay akbay sa’kin. Inisip kong pumiglas. Kaso nung napatingin ako kay Resshin, at nakita ko ang gulat sa mukha niya... napayuko na lang ako.

Resshin: Louie? Ano’ng nangyayari?

Daren: Ayaw na sa’yo ni Louie, pinabayaan mo siya ‘di ba?

Resshin: 'Wag kang makialam, si Louie ang tinatanong ko!

Louie: RESSHIN!!!

'Tumingin siya sa’kin.

Louie: S-Sorry Resshin... Aalis talaga kami ni Daren... Sa susunod na lang ulit...

'At ngumiti si Daren.

Daren: Sige, paalam na bro.

'At naglakad na kami paalis.

Lumingon ako kay Resshin nung malayu-layo na kami, nakita kong nakatayo pa rin siya dun.

~TO BE CONTINUED.

xx

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.