Well of True Cherries Chapter 16

Chapter Sixteen

Sumakay ulit ako sa likod ng motor ni Daren.

Louie: Saan tayo pupunta?

Daren: Sa bahay.

Louie: Bahay ni...?

'Parang naramdaman ko siyang ngumiti.

Daren: Bahay namin.

Louie: P-Pa’no kapag nakita ni Kimmy? Ng mga magulang mo?

Daren: Wala sila mamaya. May mga kanya-kanyang lakad sila.

Louie: O-Okay lang kaya ‘yun?

'Naramdaman ko ulit siyang ngumiti.

Daren: Bakit natatakot ka?

Louie: H-Hindi ah! Ha! Bakit naman ako matatakot sa’yo?

Daren: Hahaha. Oo nga naman...

'Nandito na kami sa bahay nila. Bumaba na 'ko sa motor.

Daren: Wait lang babe, ah. Check ko lang loob ng bahay.

Louie: Bakit babe, ano’ng i-che-check mo?

Daren: Titignan ko kung wala na nga sila.

'Umalis na siya. Medyo nalungkot ako sa sinabi niya. Ibig sbihin lang kasi nun, hindi ako pwede dito kapag nandito sila.

???: Miss, ikaw po ba ‘yung Louie?

'Nagulat ako! Napatili ako pero mahina lang. Akala ko ba wala sila!?

Pagtingin ko, ‘yung driver lang pala nila.

Louie: O-Opo ako nga po.

Driver: Ahh... Kayo po ba ‘yung sumabay kina Miss Kimmy at Sir Daren sa kotse nun?

Louie: Ay, yes ako nga po 'yun hehe.

Nagulat at nalito ako dun sa sunod na tinanong niya.

Driver: Kayo rin po ba ‘yung... Ay hindi, ‘yun lang pala...

Louie: Opo, isang beses lang po ata tayong nagkakilala.

'Tinignan niya 'ko sa mata. Mali, tinitigan niya 'ko sa mata! Medyo natakot nga ako eh. Naki-creepy-han ako sa titig niya. Huhu omg, Daren! Dumating ka na please! TT-TT

Driver: Bakit po pala kayo kasama ni Sir?

Louie: Ummm... Inimbitahan niya 'ko rito e...

'Naku, hindi kaya magsumbong ito sa magulang ni Daren??

Driver: Gano’n po ba. 'Wag po kayong mag-alala. Hindi naman po ako nagsusumbong. May usapan na kami ni Sir.

Louie: Ahh. Gano’n po ba? Hehe.

'Nyikes! Psychic ba 'to? Parang nabasa niya lang ‘yung iniisip at sinagot niya! Lalo ata akong natakot =_=;;;

Sa wakas dumating na rin si Daren.

Daren: Sorry babe kung matagal. Teka, ano pinag-uusapan niyo?

Driver: Wala po sir. Sige alis na po ako.

'Sa sobrang takot, hinawakan ko nang mahigpit ‘yung manggas ng t-shirt ni Daren, at hinatak ko siya sa loob ng bahay nila.

Daren: Babe, sandali lang. Mukhang nagmamadali ka ata. Hindi ka ba makapaghintay?

'Sabay ngiti niya na para bang natutuwa.

Louie: Natatakot ako dun sa driver! Kung makatitig siya para bang may ibig sabihin! TToTT

Daren: Talaga? Hmm... Pero mabait naman ‘yun e. Baka na-cute-an lang sa’yo babe.

Louie: Haayy. Bahala na. Nandito ka naman e–

'Napatigil ako sa sasabihin ko. Para bang sinabi kong safe ako dahil kasama ko si Daren.

Saka ko lang naisip, parang mas safe pa ata ko sa labas. -__-

Daren: Haha, nakakatuwa ka talaga.

Louie: Bakit mo nga ba ako niyaya dito?

Daren: Wala lang. Nababagot kasi ako eh.

Louie: Ano ako?? Entertainment showcase!?

Daren: Yup. Haha. Ikaw lang kasi nagpapasaya sa’kin.

'Medyo namula ata ako dun sa sinabi niya.

Louie: B-Baka nagkakamali ka ng iniisip... Pumunta lang ako dito dahil...

Daren: Oo na, alam ko naman eh. Para makalayo kay Resshin.

Louie: ...

Daren: Lagi namang ako kasama mo kapag hindi kayo maayos ni Resshin eh.

Louie: H-Huh?

Daren: Pati nung nagkakilala tayo. Una tayong nagkita sa Black Cat dahil din sa Resshin na ‘yun.

'Napangiti lang ako pero parehas naming alam na peke lang ‘yun.

Daren: Bakit ba kasi...

'Hinawakan niya ‘yung mukha ko.

Daren: ...si Resshin na lang palagi?

Louie: ...

'Hindi ko rin alam isasagot dun sa tanong niya. Hinawakan ko na lang ‘yung kamay niya na nakahawak sa mukha ko. At niyakap siya. Hindi ako makapaniwala. Si Daren na si Black Cat, ‘yung kaaway ko na walang ginawa kundi ipahamak ako, ay nandito ngayon kayakap ko, at cinocomfort ako.

xx

Today is Sunday.

Hindi ko ulit ma-contact si Sam kaya naman nagpasya akong pumunta ulit sa park at ituloy 'yung librong binabasa ko.

Laking gulat ko dahil may nakaupo na doon sa bench kung saan ako pumwesto dati.

Louie: Resshin...

Resshin: You finally came.

Biglang huminto ata 'yung puso ko for a second. P-Paano niya nalamang pupunta ako rito!? Wala akong sinabihan na kahit na sino.

Was he... always waiting here...?

For a chance to see me...?

I guess wala na akong takas. Hinarap ko na 'yung lalaking pilit kong iniwasan.

We owe each other a proper conversation.

Resshin: Ano!?!? Galing ka sa bahay nila Daren!?

'Kakasabi ko lang na proper conversation eh... =__="

Louie: Oo. Pero hindi rin ako nagtagal.

Resshin: Ano'ng ginawa niyo dun?

Louie: Nag-video games, kumain ng mani, at mga kung ano lang.

Resshin: MANI!?!?

Louie: Oo. Kumakain lang si Daren ng mani tuwing wala parents niya para hindi siya mahuli.

'Pagtingin ko kay Resshin, tila nag-nosebleed ata siya.

Louie: Peanuts kasi, Resshin! PEANUTS! Ang kalat mong mag-isip eh! >O<#

Resshin: O-Okay... Mukhang masaya ka naman eh...

'Naku Resshin kung alam mo lang! Ikaw lang pinag-usapan namin all the time!

Walang video games, walang kung ano, puro about you lang! ...pero may mani!

Resshin: May kailan ka pang i-explain sa’kin, ano ‘yung "babe"? =__=+

Louie: Biruan lang ‘yun. Simpleng tawagan lang.

Resshin: Bakit ka naman tinatawag na babe nun? Eh hindi naman kayo? T-Teka... Hindi naman kayo, ‘di ba???

Louie: Haha. Hindi ‘no.

Resshin: Dapat tayo rin may tawagan! Hmm... "Bh1e"?

Louie: Bwahaha. Ano ka Jejemon?

Resshin: Pinapatawa lang kita. Kung "Honey" kaya?

Louie: Para sa mag-asawa naman ‘yun eh!

Resshin: "Princess" tapos "Knight"?

Louie: Taray, 'kala mo nasa fairytale!?

Resshin: Eh kung "boyfriend" saka "girlfriend"?

'Napatigil ako. At tumingin sa kanya. Ang seryoso ng mukha ni Resshin.

Para bang hindi siya nagbibiro.

Louie: H-Hindi naman tayo eh...

Resshin: Oo nga... Sana naisip ko pa dati noong tayo pa... Hahaha!

'Hay Resshin, papaiyakin mo na naman ba ako?

Louie: Tama na ‘yung si "Mr. Asungot" saka si "Ms. Sungit".

'Parehas kaming nagtawanan. ‘Yun kasi lagi naming tinatawag sa isa't isa nung nag-break na kami at madalas nag-aasaran.

Resshin: Sorry pala ah. Dun sa sinabi ko nung isang araw.

Louie: (sabay ngiti nang pilit)

Resshin: Pero totoo ‘yun...

Louie: ...

'Katahimikan. Mga isang minutong walang nagsalita sa aming dalawa.

Louie: Pa'no mo naman nasabing... Si Emma ang babaeng dapat mong mahalin...

Hindi ako nakatingin sa kanya pero ramdam niyang seryoso na ako.

Louie: ‘Yun ba 'yung sinabi sa’yo ng tadhana mo...?

'Nagulat si Resshin sa tanong ko. Nagpakatotoo na ako.

Gusto ko na talagang malaman kung bakit bigla siyang nakipag-break sa’kin at na-engage kay Emma.

Resshin: Hindi ko rin maintindihan ‘yung tadhana... Pero oo, ‘yun nga ang sinabi niya sa’kin... Na si Emma ang dapat kong mahalin...

'Nanlaki ‘yung mata ko. Sobrang nagulat ako sa sinabi niya. Napatitig na lang ako sa kanya. At tumulo na ang mga luha ko.

Louie: KAILAN!? Kailan mo nakausap 'yang tadhana mo!? Pa'no ka naman nakasiguro sa sinasabi mo? Nakita mo ba ‘yung future?? Nag-time travel ka ba at nakitang may anak ka at si Emma ang asawa mo? Sinabi ba sa’yo ng pari??? Ng manghuhula?? Nakakita ka ba ng Sign?? ANO!?

Resshin: Louie, malaki ang utang na loob ko kay Emma! Kung hindi dahil sa kanya... namatay na ako!

Louie: A-Ano...?

I have listed and played out a lot of different scenarios in my head kung bakit siya nakipag-break. But that one NEVER crossed my mind...

Resshin: Matagal ko na siyang kilala. Mga bata pa lang kami. Matagal na siyang may gusto sa’kin, pero hindi ko pinapansin ‘yung nararamdaman niya.

'Matagal na silang magkakilala? Bata pa lang sila? Akala ko una kong nakilala si Resshin...

Resshin: Isang araw, naglalakad akong mag-isa sa may amin. Wala masyadong tao kaya naisipan kong magsuot ng earphones at magpatugtog nang malakas. Maluwag 'yung kalye at walang kotseng dumadaan, kaya naman kampante ako sa pagtawid... Nang biglang may matinding liwanag akong nakita sa gilid ng mga mata ko. Paglingon ko, muntik na akong masagasaan ng driver, pero imbis na ako ang matamaan... Tinulak ako ni Emma at siya 'yung nabangga. Himala at hindi siya namatay.

'Wala akong masabi. Nakatakip ang dalawang kamay ko sa bibig ko.

Resshin: Tatlong buwan siya sa ospital... Nakita ko 'yung itsura niyang duguan, kung paano siya dinala sa ER nang walang malay... Louie... ako dapat ang nandun sa lugar niya! Ako dapat 'yung na-ospital!

'Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Hindi ko in-expect ito. Nagsakripisyo si Emma ng buhay niya para kay Resshin...

Resshin: Sa mga araw na binabantayan ko si Emma sa ospital, nakangiti pa rin siya sa’kin. Inaalala niya pa rin ang kalagayan ko. Buong pamilya ko nagpapasalamat sa ginawa niyang kabutihan. Sobrang bait ni Emma... at napakasama ko. Bata pa lang kami, lagi niya akong binibigyan ng mga regalo... At tinatapon ko lang ang mga ‘yun... Lagi niya akong sinusundan, kaya naiinis ako noon at sinasabing layuan niya ako... Pero kung hindi niya ako sinundan nung araw na 'yun, wala na ako ngayon... Louie, wala akong karapatan! Wala akong karapatan na gawin ang kahit anong hindi magugustuhan ni Emma. Hanggang ngayon sobrang bait niya pa rin sa’kin...

'Nakatikom maigi ang mga kamay ni Resshin habang nagkukwento.

Resshin: Dahil siya ang nagligtas sa buhay ko, malaki ang naging utang na loob sa kanya ng mga magulang ko. Nang tanungin namin siya kung meron ba siyang gusto na pwede naming maibigay bilang pasalamat sa kanya, hiniling niya na maging fiancee ko.

Bigla siyang ngumiti, pero 'yung ngiting mapait. Magkahalong lungkot at pasasalamat ang mga nakabakas sa mukha niya.

Resshin: And who am I to say no? When I literally owe my life to her? Bawat araw na I'm still able to smile, laugh, and do what I want... It's all thanks to her...

'Hindi ko na kayang marinig pa 'to. Tumayo ako at lumapit kay Resshin.

Louie: S-Sorry...

'Yun lang ang nasabi ko at umalis ako doon. Dahan-dahan lang akong naglalakad...

'Di ko alam saan ako pupunta. Hindi na ako umiiyak. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Naiintindihan ko si Resshin. Naiintindihan ko na ngayon...

Nanghihina ang mga tuhod ko at hindi ako makapaglakad nang maayos.

Ilang beses na akong nadadapa dahil wala ako sa tamang wisyo.

.

.

.

.

Ano'ng laban ko sa babaeng dahilan ng buhay niya?

.

.

.

.

~TO BE CONTINUED.

xx

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.