Chapter Seventeen
It's Saturday na! :D
'Competition na ni bes! Oops. ‘Wag nyong sabihing nakalimutan niyo na? Si Sam!
At kahit ano pang stress ang naramdaman ko nung mga nakaraang araw, kailangan kong maging healthy para sa bes ko!
At heto ako ngayon binibisita siya. Sasabay ako sa kanya papunta sa competition.
Mommy ni Sam: Uy Louie! Nandun si Sam sa taas.
Louie: Thanks, tita!
'Pagpasok ko, nakahiga pa rin si Sam.
Louie: Uy bes! Gising na! Ano ka ba?
Sam: H-Huh...?
Louie: May competition ka mamaya!
Sam: Ahh. ‘Yun ba? ...zzzzz
'Balik naman 'to sa tulog.
Louie: Bes! Gising na!
'At niyuyugyog ko na siya.
Sam: L-Louie... Hindi ako sigurado kung makakapunta pa ako eh...
Louie: Bakit naman? Lagi ka na lang ganyan! Ano ba'ng nangyayari sa’yo, bes?
Sam: Haha. Sorry ah... Pagod na pagod na kasi ako e...
Louie: Lagi ka na lang absent! Tapos sa bahay laging tulog at pagod!
Sam: Hehe.
Louie: Akala ko ba best friend mo 'ko?
Sam: Oo naman.
Louie: Hay naku! Wala bang 'best friend' sa tribo niyo?!?
'At nakita kong nanlaki ‘yung mga mata ni Sam. Natamaan siguro siya. Minsan niya na rin kasing binabanggit sa’kin ang phrase na ‘yun. Tuwing may problema ako, ang sasabihin niya lang ay, "Hay naku! Wala bang 'best friend' sa tribo niyo?!?"
Sam: Haha, linya ko ‘yun ah.
Louie: Bes may problema ka ba? Sabihin mo lang sa’kin.
'Tapos tumingin siya sa’kin
Sam: Bes, nagtatrabaho na ako.
Louie: Trabaho? Anong trabaho?
Sam: Call Center Agent.
Louie: Hindi ba dapat high school graduate ‘yun? Teka, bakit ka naman nagtatrabaho?
Sam: Haha. Tinanggap ako sa work dahil na rin sa credentials ko. Nag-apply ako for a job dahil... Nawalan ng trabaho ang mga magulang ko... Pero hindi nila alam 'yung tungkol sa work ko. Ang alam nila ay may after-school lessons ako or extra-curricular activities...
Louie: Bes! Bakit ngayon mo lang sinabi? You mean all the time na absent ka, nagtatrabaho ka pala, tapos akala ng magulang mo nasa school ka?
'Tumango siya.
Louie: Haay naku... Kailan ka titigil?
'Napaluha na si Sam.
Sam: Wala na kaming panggastos. Ang akala ng magulang ko allowance ko sa scholarship ang binibigay ko sa kanila. Minsan nagtaka na sila kung bakit ang laki. Sabi ko sinisipagan ko kasi sa school... Tapos ang sarap sa pakiramdam kapag ngumingiti sila at nagpapasalamat.
Louie: What if 'yung allowance sa scholarship na nga lang ang ipanggastos niyo?
Sam: Louie, hindi sapat ‘yung allowance na ‘yun. Kailangan kong magtrabaho sa labas.
Louie: Haay... Ganito na lang. May trabaho ka ba ngayon?
Sam: Nagkataong day-off ko naman ngayon.
Louie: Kumanta ka!
Sam: H-Ha?
Louie: Ituloy mo ‘yung laban mamaya! Kumanta ka sa competition! Kapag nanalo ka, malaking pera ang makukuha mo!
Sam: P-Pero... kulang na ako sa practice. Malabo na 'kong manalo.
Louie: Samantha, tumingin ka sa mga mata ko.
Sam: Louie...
Louie: (sabay ngiti) Matagal na kitang kilala. Magkasabay na tayong lumaki. Alam ko ang kakayahan mo.
'Hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng luha niya.
Louie: Ipangako mo sa'king kakanta ka mamaya. Mananalo ka bes.
Sam: (umiiyak) Salamat bes!
'At nagyakap kami nang mahigpit. Hindi ko inaakalang may problemang malaki pala ang bes ko. Samantalang ako, kay liliit lang na dahilan ang mga iniiyak ko.
Hindi dapat ako naghihimutok dahil lang sa mga simpleng bagay tulad ni Resshin at Emma...
Louie: Ano? Game?
Sam: Game, coach!!!
**
'Nandito na ako ngayon sa Theatro at nakaupo sa second floor, sa unahan. Kinakabahan at hindi mapakali.
Bes... Kapag nanalo ka rito, hindi mo na kailangang pahirapan ang sarili mo sa trabaho...
???: Patabi ah.
'Paglingon ko sa kanan ko, si Resshin. Nagulat ako.
Tapos maya-maya ay nakita ko si Emma na katabi niya sa kabila naman.
Louie: Resshin! Emma! S-Sure...
'Talk about awkward!
???: Ako dito. Ayos lang, babe?
'Paglingon ko sa kaliwa, si Daren naman. Nagulat ult ako.
Maya-maya ay napansin kong nandun sa kabilang tabi niya si Kimmy.
Louie: Daren, Kimmy! Kayo pala...
'Talk about awkward-ER!?
'Ano bang klaseng sitwasyon 'to? =__=;
'Napatingin na lang ako sa stage. Tama, stay focused. Concentrate on the performance.
Tingin ka lang nang diretso sa harap mo at 'wag na 'wag kang lilingon–neither to your left NOR to your right! =_=;
Naka-aircon pero pinagpapawisan ako.
Pa'no ba namang hindi!? Sa kanan ko si Resshin, sa tabi niya si Emma. Sa kaliwa ko si Daren, sa tabi niya si Kimmy.
Ganito pala feeling ng kawawang burger patty sa gitna ng sandwich. =_="
Or more accurately, ganito pala 'yung feeling ng lamok na sinalubong ng dalawang palad. =__="
Louie: S-Si Aika nasan?
'Binulong ko kay Daren.
Daren: Hospital. Sure ako nandun din kuya mo.
Louie: Ahh... Okay.
Resshin: Pang-ilang kakanta si Sam?
'Nagulat ako biglang nagsalita si Resshin. Narinig kaya niya 'yung pagbulong ko kay Daren?
Louie: P-Pang-anim pa...
=__=;;;;;;
'Kinakabahan ako para kay Sam... Pero SURE akong iba ang dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso ko ngayon. Nasa gitna ako ni Resshin at ni Daren. Oveeeer! Mas kinakabahan ako for myself! Huhuhu. TToTT
Hindi na talaga ako mapakali.
Ganito pala ang feeling maging T-back... TToTT
Phew~! Nagsimula na. Kumanta na ‘yung ibang contestants. Magagaling mga kalaban ni Sam! Naku! Sana kayanin 'to ni Sam! May tiwala ako sa’yo, bes!
Sa wakas ay si Sam na ang magpe-perform.
Sam: Bago po ako magsimula, gusto ko po sanang magpasalamat sa taong nagtulak sa’kin na magpatuloy rito.
Mula sa stage, bigla niyang tinuro 'yung upuan ko sa second floor.
Sam: Coach! Salamat!
Louie: Ahahahahaha! Enekebe! Nokokohiyooo~! XD
'Tumawa ako nang malakas at namumula, habang panay hampas kay Resshin.
Resshin: Hindi ka naman masyadong pa-obvious 'no? -__-
Daren: Hindi ka rin masyadong tuwang-tuwa. -__-
'Che! Nagkampihan pa 'tong dalawang 'to. Asar...
At kumanta na si Sam...
Do you wanna be a poet and write...
Do you wanna be an actor up in lights
Do you wanna be a soldier and fight for love
Do you wanna travel the world
Do you wanna be a diver for pearls
Or climb a mountain and touch the clouds above...
Naramdaman ko na 'yung mga luha kong naipon sa mga mata ko habang naririnig ang tinig niya.
Kasabay ng pagtulo ng luha ko, ay ang pagtulo rin ng mga luha sa mata ni Sam habang kumakanta...
Be anyone you want to be
Bring to life your fantasies
But I want something in return...
*FLASHBACK*
Sam: Oy, best friend!
Louie: Yes?
Sam: Nakapasa ako!!!
Louie: Sa auditions? Congrats, best friend!
(sabay yakap nang mahigpit)
Sam: Syempre hindi ako makakapasa kung hindi dahil sa walang sawa mong pagsuporta at pag-practice mo sa’kin!
Louie: Hehe, napasobra ba? At least dahil dun nakapasa ka!
I want you to burn, burn for me baby...
Like a candle in my night
Oh burn
Burn for me
Burn for me
*FLASHBACK*
Louie: Sammy, best friend kita ‘di ba?
Sam: Oo naman. Bakit?
Louie: Pwede akong magsabi ng problema ‘di ba?
Sam: Hay naku! Wala ba’ng 'best friend' sa tribo niyo?!?
Louie: I will confess something kasi eh. It's about my... ewan ko, non-existent 'lovelife'???
Sam: Sino? Si Resshin?
Louie: Ewan, feeling ko kasi mahal ko pa rin siya. Pero masasaktan lang ako kasi engaged na siya...
Are you gonna be a gambler and deal
Are you gonna be a doctor and heal
Or go to heaven and touch God's face
Are you gonna be a dreamer who sleeps
Are you gonna be a sinner who weeps
*FLASHBACK*
Teacher: MISS CAYABYAB!!!
Louie: Ay, pusa!!!
Classmates: Ahahahahahahaha!!!
Sam: (bulong) Louie, sabihin mo "Alkaline"
Teacher: I'm asking you the answer to my question... at ang sagot mo ay "Meow"?
Louie: No, ma'am.. It's Alkaline.
Teacher: Hmph. Okay then. Please pay more attention to the class, Miss Cayabyab.
Louie: (pabulong) Salamat talaga best friend! TToTT
Sam: Any time!
*END OF FLASHBACK*
Resshin: Louie, okay ka lang?
'Hindi ko namalayan ay panay iyak ko na pala.
Kimmy: Louie, talagang ang galing ni Sam 'no?
Daren: Magaling nga si Sam, kaso ang ingay ng katabi ko! Humahagulgol.
'Tumayo ako sa upuan ko–OO, tama ang pagkabasa niyo. Tumayo ako sa upuan...
Louie: SAAAAAMMMMYYY!!!!
Emma: Louie, ano’ng ginagawa mo? Pinagtitinginan ka!
'Narinig ni Sam mula sa stage ang sigaw ko, at sumagot siya sa mic.
Sam: Bakit bes?
Louie: I LOVE YOU!!!
Daren: Louie, baliw ka talaga! Bumaba ka nga diyan!
Resshin: Hahahaha! Iba ka talaga, Louie!
Emma: ...
Sam: I LOVE YOU TOO, COACH!!!
**
Natapos na rin ‘yung competition. Heto ngayon ang barkada at tumambay sa KFC.
Kimmy: Grabe... Hindi ako makapaniwala.
Emma: Nakakaiyak naman 'yung nangyari.
Louie: Hindi pa rin ako maka-get over sa naging desisyon ng mga judge...
Resshin: Ako rin, hindi ko alam kung ano’ng dapat kong maramdaman.
Sam: Guys naman... Tanggapin na lang natin.
.
.
.
.
Lahat: CONGRATULATIONS, SAM!!! PANALO KA!!! Wooohoooo!
Sam: Salamat! Haha.
Kimmy: Sammy baby~ ano’ng balak mo sa napanalunan mong cash price? ^o^
Louie: Sammy baby baby~ ka pang nalalaman! Ibibigay niya ‘yan sa parents niya!
Sam: Treat ko na 'tong kakainin natin sa KFC.
Resshin: Nice! Galing mo talaga, Sam!
Sam: Bakit pala umuwi agad ang kuya mo, Kimmy? Nag-congratulations lang sa’kin tapos mauuna na raw siya.
Kimmy: Ewan ko dun.
'Nagkatinginan kami ni Resshin. Alam naming parehas na tiyak dahil ‘yun sa ayaw niyang makasama si Emma.
Sam: Simula ngayon, hindi na 'ko mag-a-absent sa klase!
Resshin: Oo nga lagi kang absent. Bakit nga ba?
'Tapos kinwento namin sa kanila ‘yung tungkol sa trabaho ni Sam. Napagdesisyunan din naming kailangan nang aminin ni Sam ang tungkol dito sa parents niya.
'Pag-uwi ni Sam sa bahay, syempre kasama pa rin kami, nagulat ang parents ni Sam sa dala niyang trophy at cash. Hindi kasi nakapunta ang parents ni Sam dahil busy sila sa pagsisimula ng panibagong negosyo, mukhang balak nilang magbenta ng mga lutong bahay na ulam. Inamin na rin sa kanila ni Sam ang totoo, at niyakap siyang nang mahigpit ng parents niya...
Sam's Dad: We were already so proud of you, even way back, anak...
Sam's Mom: And I can't believe you can still make us even more proud pa, anak. Mahal na mahal na mahal ka namin ng tatay mo.
Lahat kaming mga nakasaksi ng moment nila ay tila naluluha rin at nangingiti sa tuwa para kay Sam.
Sa wakas...
Nakita ko na ulit na masaya ang best friend ko...
~TO BE CONTINUED.
xx