Well of True Cherries Chapter 18

Chapter Eighteen

'Pagdating ko sa gate namin, nakasalubong ko si Kuya Arvie na kadarating lang din.

Arvie: Oh, ngayon ka lang nakauwi?

Louie: Nanalo kasi si Sam sa contest! Kaya nag-celebrate kami sa bahay nila!

Arvie: Nice! Magaling naman talaga 'yang si Sam eh.

Louie: Ikaw? Saan ka galing?

'Tinanong ko pa kahit alam ko naman kung saan.

Arvie: Binantayan ko si Aika sa hospital.

Louie: Ahh... Kuya, matanong ko pala. Ano pala 'yung sakit ni Ate Aika?

Arvie: Uhmm, ‘yung likod niya. Napasama kasi ‘yung mga buto niya sa likod, kaya inoperahan ‘yun. Tapos hanggang ngayon inoobserbahan pa siya ng mga doktor.

Louie: Buto niya sa likod? Bakit ano’ng nangyari? Naaksidente ba siya???

'Nagulat ako. Malala pala ‘yung sakit niya!

Arvie: Baka gusto mong pumasok? O dito tayo magkukwentuhan sa labas ng gate?

Louie: Dito na sa labas ng gate! Che!

'Hindi pa pala kami nakakapasok sa loob. ^_^;

Arvie: Maiwan ka rito sa labas, ako gusto kong pumasok!

Louie: Mauuna ako! >O<

'At inunahan ko siya pagpasok.

Arvie: Mahuli may jebs sa pwet!

'At nag-unahan na nga kami sa pagpasok sa pinto. Pagkarating namin sa loob ng bahay, dahil nagmamadali kaming parehas, hindi namin namalayan na may nalagpasan na pala kaming tao.

Louie and Arvie: *sabay lingon sa likod*

???: Mukhang nag-uunahan na naman kayo ah. Ganito na lang, ang unang makayakap sa’kin may dollars.

Louie and Arvie: DADDY!!!

'At tumakbo kami para yakapin siya nang mahigpit.

Daddy: Pa’no ba ‘yan sabay lang kayo? Akin na lang ‘yung dollar.

'Naaalala niyo pa ba? OFW sa US ang daddy ko, at nabalita rin sa’min ni mommy na malapit na siyang umuwi. Pero hindi man lang sinabi sa'min ni kuya kung kailan! Surprise pala kasi! At heto nandito na ulit siya sa Pinas kasama namin.

'Nasa kainan kami at nagdi-dinner.

Louie: Daaaad! Ang payat mo na! Hindi ka ba kumakain doon?

Arvie: Ano ba ‘yan, Dad? Hindi ka ba sanay sa pagkain sa states? Parang McDo at Starbucks lang ata kinakainan mo dun ah.

Dad: Kayo talaga, nagpapayat talaga ako 'no! Para macho. (sabay kindat kay Mommy)

Arvie: Mas macho pa rin ako sa’yo, Dad!

Mommy: ‘Yung mga uwi sa inyo ng daddy niyo, nasa kwarto niyo na.

Louie: Talaga!? Bibilisan kong kumain!

Daddy: Louie, bagay sa iyo 'yang salamin mo.

Arvie: Ay oo nga pala, hindi pa nagsasalamin si Louie nung umalis kayo.

Louie: Thank you, Daddy!

Mommy: Nako kung alam mo lang honey, bising-busy at napaka-exciting ng lovelife ng dalawang ‘yan.

Daddy: Lovelife? Hindi niyo ata nakwento sa chat ‘yan ah.

Louie and Arvie: WALA PO KAMING LOVELIFE! MOMMY NAMAN!

Mommy: Si Arvie may nililigawan, at si Louie naman ay may manliligaw.

'Tapos nagkatinginan kami ni kuya. Para bang gusto kong sabihin kay mommy na "Actually Ma, ‘yung sinasabi mong nililigawan ni kuya at ‘yung nanliligaw sa’kin... sila 'yung magjowa!"

'Talaga naman! Ano kaya ang reaksyon sa mukha nila 'pag binaggit ko ‘yun? Mukhang nakakatawa siguro ‘yun hahaha.

Daddy: Bukas rin, ipakilala niyo sa’kin ang mga ‘yan.

Arvie: Dad naman! Nagbibiro lang 'yang si Mommy, hindi ko girlfriend si Aika!

Daddy: Aika pala, ha.

Mommy: Hohoho! Wala naman akong sinasabing pangalan eh~

'Arrgghh. Ang loser talaga nitong kuya ko!

Arvie: I-I mean... TT-TT

Daddy: Okay then, ipakilala mo na lang ko dun kay "Aika" na "hindi mo girlfriend".

Louie and Mommy: Hahahaha!

'Sabay tingin sa’kin nang masama ng kuya ko.

Arvie: Okay fine, basta dalhin rin dito ni Louie si Daren!

'Ammmmffff! Epal ka talaga kuya! Epal! Epal! Epal!

Daren: Sino ‘yung Daren?

Mommy: Aba gwapo ‘yun, dear! Nakita ko na ‘yun eh! Matangkad, maputi... at kasing edad ni Arvie.

Daddy: Kasing edad ni Arvie!? Pa’no mo nakilala ‘yun, Louie?

Louie: Ahhh... Dad.

'Sasabihin ko sana na hindi ako nililigawan ni Daren, kaso kailangan ko pang i-explain sa nanay ko. Aaminin ko rin naman sana sa kanya eventually... pero parang hindi naman ngayon ‘yung tamang oras. Kakauwi lang ni Daddy eh, dapat ay nag-cecelebrate kami.

Louie: B-Basta! S-Sige dadalin ko na lang siya bukas! Pero hindi kami, okay!??

Daddy: Ganyan na ba ngayon ang mga anak ko? Hindi raw nila girlfriend, hindi raw nila boyfriend, pero pulang pula at hindi mapakali.

Mommy: Oh 'di ba? Sabi ko naman sa’yo eh, bising-busy at napaka-exciting~!

Louie and Arvie: MAAAAHH!!!

Kapitbahay: Hoy gabi na, ang iingay niyo!

'Naku naman. Pa'no ko sasabihin kay Daren na imi-meet niya ‘yung daddy ko? Kung alam niyo lang. Panay pilit ko kay daddy na baguhin niya ‘yung isip niya. Kung alam niyo lang!

Hanggang sa pagtulog, gumitna pa 'ko sa kanilang dalawa ni mommy sa kama nila–pinipilit na huwag nang papuntahin si Daren. Pero desidido na talaga si father dear... T3T

xx

Kinabukasan.

'Nasa tapat ako ngayon ng telepono, tatawagan ko si Daren, tutal alam ko naman ang phone number nila dahil kay Kimmy. Wala kasi akong load sa cellphone eh.

Grabe, first time kong tatawag sa kanila! Sana si Daren agad makasagot. O kaya mga katulong nila, ewan! Basta 'wag lang ‘yung parents niya! TToTT

???: Hello, sino po ang kailangan nila?

'Naku po! Si KIMMY pa ang nakasagot. Nakalimutan kong i-wish na SANA hindi rin siya ang makasagot huhuhu... T^T

Pa'no ko ngayon sasabihin sa kanya na hanap ko si Daren? "OTL

Kimmy: Hello? Tao po?

Louie: K-Kimmy... Si Louie 'to.

Kimmy: Louie~! Napatawag ka?

Louie: K-Kakausapin ng K-Kuya Arvie ko ‘yung k-kuya mo ;A;

Kimmy: Talaga? Bakit hindi na lang siya ang tumawag?

Louie: B-Binubully niya kasi ako hehehe, alam mo na... Inuutus-utusan ako, kahit pagtawag sa'kin pa pinapagawa hehehe...

'Ganyan nga Louie, siraan mo ang kuya mo. Tutal siya naman ang dahilan kaya pinapapunta ng daddy mo si Daren eh. Tama 'yang ginagawa mo. Bagay lang ‘yan sa kanya. ~_~+

Kimmy: Naku, hindi pwede ‘yan! Ibigay mo sa kanya ang phone! Siya ang ipatawag mo. Hindi ka dapat nagpapaapi sa kuya mo! Kakampi mo 'ko!

'Huhuhuhu, Kimmy naman eh... Right now hindi mo ako kinakampihan eh huhuhu. Ibigay mo na lang kay Daren ‘yung phone please... TToTT

Louie: Natatakot ako, may pang blackmail kasi siya sa’kin eh >.<

'Naku Louie, kailan ka pa natutong magpatong-patong ng dahilan???

Kimmy: Blackmail!? Lalong 'di ako papayag! Ibigay mo sa kanya ang phone! Kakausapin ko! Lagot siya sa'kin! (firey eyes)

Louie: S-S-Sige next time na lang daw pala! Ahahaha! Bye! *sabay baba ng phone*

.

.

.

.

'Waaaah! Binabaan ko si Kimmy ng phone! >o<"

After 10 minutes, tumawag ulit ako.

*Kriiiingg*

???: Hello

'Naku po, mommy nila nakasagot!

Mommy: Hello, sino sila?

*toooooot* (binabaan ng phone)

'Waaaah! Binabaan ko ‘yung mommy nila ng phone! >o<

Louisa! Kailan ka pa natutong babaan ng phone ang mga tao? Prank caller ba you!? Sorry talaga Kimmy, Mrs. Mendoza, hinihintay ko lang naman ‘yung chance na si Daren ang sumagot eh... TT_TT

After 30 more minutes na paulit-ulit ang ginagawa ko (nambababa ng phone kapag parents nila or si Kimmy ang nakakasagot), tumawag ulit ako.

*Kriiiingg*

???: Hoy sino ka ba!? Ang lakas ng trip mo ah! Kanina ka pa tawag nang tawag tapos magha-hang up!

Louie: D-Daren...?

Daren: Louie?

'Phew~! Sa WAKAS!! After 10 attempts! Naisipan niya ring sagutin ‘yung phone!

Daren: Ikaw ba ‘yung kanina pa tawag nang tawag?

Louie: Kailangan kasi kitang mkausap! Eh hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na ikaw ‘yung hanap ko huhu.

'Narinig ko ‘yung boses ng mom niya mula sa kabilang linya.

Mommy: Daren? Sino ‘yan? ‘Yung nantitrip ba?

Daren: Ah Mommy, hindi. Classmate ko, baka tumigil na ‘yung nantitrip.

'Grabe, naging issue na pala ako sa kanila! Baka onti na lang ipa-report na ako. =__=;

Daren: Oh, ano'ng kailangan mo? Binulabog mo pa buong pamilya ko.

Louie: Bakit kasi ngayon ka lang sumagot!? Saka bakit hindi sumasagot ‘yung mga katulong niyo?

Daren: Bawal humawak ng phone ang mga katulong namin, kami lang. At syempre, alangan namang AKO ang sumagot? No way. Napasagot lang ako ngayon dahil meron atang nantitrip sa’min. Ikaw lang pala. Hahaha!

Louie: Daren, pwede ka ba mamaya? May gagawin ka ba?

Daren: Wow ha, nagyayaya kang mag-date?

Louie: Hindi, kasi... ‘Yung daddy ko... Ang alam kasi 'di ba ng nanay ko, nililigawan mo 'ko? Gusto kang ma-meet ng dad ko.

Daren: Hanggang ngayon ‘yun pa rin ang iniisip ng mommy mo?

Louie: O-Oo eh...

Daren: Totohanin ko na kaya? Nang matigil na ‘yung ganyan? \:)

'Whew Daren, pinakaba mo 'ko dun ah! Muntik ko nang malaglag 'yung phone.

Louie: S-Sira ka talaga.

Daren: Hahaha! O sige, anong oras ba?

Louie: Mga 4:00 PM? Okay lang?

Daren: Sure sige.

Louie: Sige, ba-bye.

Daren: Ba-bye.

Louie: Ay Daren, nga pala!

*tooooot*

'Awwww! Hindi ko naabutan! Hindi ko nasabing pupunta rin si Aika!!!

Hindi naman ako pwedeng tumawag ulit, maliit na lang ‘yung chance na sagutin pa ulit ni Daren ‘yung phone... Haaaayy. Pa'no kapag nakita niyang nandun rin si Aika? Magagalit ‘yun! DX

'Pagbaba ko sa stairs, naabutan kong kausap ni kuya si Aika sa cellphone niya.

Buti pa siya may load... Sana all. =_="

Arvie: (sa phone) Oo, ewan ko ba kay daddy eh. Akala niya kasi nililigawan kita.

'Wow, buti pa kay kuya, ang dali-dali!

Arvie: Oo, pwede ka nang mga four? Yes! Sige, sunduin na lang kita diyan. Bye!

GANO'N lang ‘yun kabilis??? Tapos ako umabot pa nang halos isang oras!

Nakita ako ni kuya.

Arvie: Kumusta pagpapaalam mo kay Daren?

'Kumusta raw? Well, parang HELL lang naman.

Louie: Okay naman. Pwede raw siya nang four.

Arvie: Haay. Pa’no kapag nakita ni Daren si Aika na kasama ko? Baka magalit sa’kin ‘yun!

Louie: Alam kaya ni Daren na halos araw-araw mong binibisita si Aika.

Arvie: Eh pa’no naman? Siya itong hindi man lang mag-abala na bisitahin o kumustahin ‘yung girlfriend niya!

'Oo nga, tama si kuya. Malala pala ‘yung sakit ni Aika. Inoperahan siya. Dapat magpakita naman ng kahit konting concern si Daren as a boyfriend.

**

Isang oras na lang, four o' clock na. Nakita ko si kuya na lumabas ng kwarto niya.

Louie: Pupuntahan mo na si Aika?

Arvie: Oo, susunduin ko na siya.

Louie: Hmm. Ahh, Kuya...

Arvie: Bakit?

Louie: 'Di ba ayaw mong makita ka ni Daren na kasama mo si Aika?

Arvie: Oo sana. Kaso wala akong magagawa eh.

Louie: May naisip akong plano...

Arvie: Ha? Plano?

Louie: Oo. Para hindi makita ni Daren si Aika at vice versa.

Arvie: Hindi mo ba nasabi kay Daren na pupunta si Aika?

Louie: Hindi eh. Ikaw?

Arvie: Hindi ko rin binanggit... Ano ba 'yang plano mo?

**

4:00 PM

*Knock**Knock*

Louie: Sino ‘yan? (bukas ng pinto)

Daren: Nandito na 'ko.

Louie: Daren! Halika pasok ka

'Bumaba na para salubungin ni daddy at mommy si Daren.

Mommy: Daren, dear! Nagkita tayo ulit.

Daren: Good morning po.

Louie: D-Daddy, siya po si Daren, magkaibigan lang po kami...

Daddy: Parang ganyan mo rin pinakilala sa’kin si Resshin dati ah. Magkaibigan lang, pero naging kayo rin.

'Napatingin sa’kin si Daren, nginitian ko na lang.

Mommy: Tara kain na tayo. Nakahanda na ‘yung lamesa.

*Beep**Beep*

'May nagtext sa cellphone ko.

[Kuya] D2 na kami gate

[Louie] Roger

Daren: Sino tinetext mo?

Louie: Wala ‘yun. Ayy, Daren! May ipapakita ako sa’yo, bili halika sa kwarto!

Mommy: Louie, kakain na.

Louie: Wait lang po Ma, una na kayo!

'Tapos hinatak ko na si Daren paakyat.

Sa loob ng kwarto, bakas na bakas sa mukha ko 'yung kaba.

Daren: Okay ka lang?

Louie: O-Okay lang! Hahahaha! May titignan lang ako sandali sa baba, dito ka muna.

'Pagtingin ko sa baba, nandoon na si Kuya at Aika, pinapakilala na niya kina Mommy. Bumalik na 'ko sa kwarto. Nakaupo dun sa study chair si Daren, nakatingin sa’kin.

Daren: Ano ba’ng ipapakita mo dito?

Louie: Baby pictures ko! Haha.

'At ayun... pinakita ko nga.

Daren: Ikaw 'to? Ang taba mo nung bata ka pa ah.

Louie: At least cute!

'Nagtext ulit ako kay Kuya.

[Louie] Mauubusan na ko ng picture! Ikaw naman!

[Kuya] Ok, w8 ka nang 2 mins.

After 2 minutes,

Louie: Tara Daren baba na tayo, naghihintay na ata sila.

Daren: Malamang =_=;

'Pagkababa namin, kumain na kami. Nagsimula nang magtanong ang daddy ko kay Daren.

Daddy: Pa’no kayo nagkakilala ni Louie?

Daren: Sa Black Cat Arcade po.

Daddy: Louie, hindi ba lagi rin kayo ni Resshin dun?

Louie: Ah, opo.

Daddy: How about sports? May paborito ka bang sports?

'Aba, gusto ko ring malaman ‘yun.

Daren: Sports? Uhmm... Billiards?

'Nyeh! Sports ba ‘yun? Daren naman! Wala na bang iba?

Daddy: Ano pa?

Daren: Poker po, o kaya Backgammon.

'Gambler talaga 'tong si Daren! Lahat na lang ng may pustahan! Kulang na lang pati karera ng kabayo o kaya cara y cruz sabihin nito. =__="

Daddy: Wala ba ‘yung sports talaga? Like basketball. Mahilig kami dun ni Arvie eh. Oo nga pala, si Resshin magaling sa basketball. Masarap ‘yung kalaro!

'Daddy naman. Kailangan bawat sentence may Resshin? -_-"

Daren: Hindi po ako naglalaro nun.

'Ohhh, interesting. Hindi pala athletic 'tong si Daren. Hindi niyo ba alam na ang basketball ang ginamit ni Resshin kaya niya napasagot ang daddy ko?

*Beep*Beep*

[Kuya] Oy Lulu! Tagal niyo naman! Napakita ko na lahat ng damit ko kay Aika! Baka gusto mong pati underwear ko ipakita ko na!?

[Louie] Sige w8 lang

Louie: Daren~! Halika, labas muna tayo sa garden. May ipapakita ulit ako sa’yo.

Daren: ‘Wag mo sabihing may tinatago ka ring baby pictures sa garden?

Mommy: Louie, kausap pa namin si Daren.

Louie: Opo, wait lang talaga ^-^;;;

Sa garden...

Louie: Daren! Mahilig ka ba sa plants?

Daren: Hulaan ko, ipapakilala mo sa’kin bawat halaman dito sa garden niyo?

Louie: Ang galing mo talaga!

Daren: Hindi ko na kailangang malaman ‘yun.

Louie: Sige na! Para dagdag-knowledge na rin sa’yo. Baka balak mong maging plantito!

'Hinatak ko siya, pero inalis niya ‘yung kamay niya.

Daren: Louie, itigil mo na ‘yang kung anuma'ng ginagawa mo.

Louie: A-Anu bang p-pinagsasabi mo?

Daren: Louie, of all things... hinding hindi mo ipapakita sa’kin ang baby pictures mo. Maliban na lang kung wala ka na talagang choice.

Louie: H-Ha?

Daren: May tinatago ka. Habang may pinapakita ka sa’kin, meron ka ring tinatago.

Louie: Hahahaha. Kailan ka pa naging detective? Masyado kang maraming iniisip!

Daren: Babalik na 'ko sa mga parents mo.

Louie: Okay, w-wait lang!

'Binunot ko ‘yung phone ko, nagmamadali akong mag-text, sabay kuha sa’kin ni Daren ng phone ko.

Louie: Akin na ‘yan! Ibalik mo sa’kin ‘yan!

Daren: Ka-text mo kuya mo? At ano 'tong isesend mo?

'Binasa niya nang malakas ‘yung tinype ko.

Daren: "Kuya, itago mo na ulit si Aika, babalik na kami"

Louie: ...

Daren: Aika? Nandito si Aika?

'Nagmadali siyang bumalik sa loob at nagkita nga sila ni Aika.

Aika: Daren!??

Daren: Aika... Bakit ka nandito?

Daddy: May problema ba?

'Tumingin sa’kin si kuya, para bang nagtatanong na "Ano’ng nangyari??"

Louie: Daddy, Mommy, Aika... at Daren... I'm sorry...

Arvie: Sorry rin...

Aika: Tita, Tito, mauna na po ako. Salamat po sa pag-invite po.

Arvie: Ihahatid ko na po si Aika.

Daren: Aalis na rin po ako. Pasensya na po sa abala.

'Umalis na silang tatlo, at naiwan akong mag-isa rito para mag-explain ng lahat sa mommy at daddy ko.

Mommy: Louie, ano’ng nangyari?

Daddy: May tinatago ka ba sa’min?

Louie: Dad, Ma... Ang totoo po niyan, si Daren at Aika po ang mag-boyfriend at girlfriend.

Mommy: What?

'In-explain ko na sa kanila na nahirapan kasi kaming magdahilan kay Mommy nung nakita niya kami isang beses, at iba pa. Sinabihan ako ng Daddy ko na puntahan si Daren para mag-sorry.

Hindi ko alam kung bakit, pero malakas ang kutob ko na wala si Daren sa bahay nila.

Tinext ko siya.

[Louie] Daren, I'm super sorry. Nasan ka ngayon?

'Hindi siya ngreply.

[Louie] Uy sorry na talaga, nakalimutan ko kasing sabihin sa’yo, sorry na...

'Hindi pa rin siya nagre-reply.

Walang sinasabi sa’kin si Daren, wala ring sinasabi sa’kin ang kahit sino, hindi ko rin alam kung saan ako dapat pumunta, pero dinala ako ng mga paa ko sa Black Cat.

Hindi ko alam kung nandito nga si Daren, pero para bang may bumubulong sa isip ko na pumunta rito.

'Pumasok nga ako, ang tagal ko na palang hindi nakakapunta rito. Huling punta ko rito ay kasama ko si Daren.

‘Yung time na ‘yun... noong hindi ko pa alam kung sino talaga siya.

Louie: Daren!

'Nakita ko siyang naglalaro doon sa claw machine at nagpi-pick-up ng stuffed toys.

Nilapitan ko siya.

Louie: Daren, sorry kanina, sorry talaga.

Daren: ...

Louie: Super sorry! Uy, sumagot ka naman oh!

Daren: ...

Louie: Oy, Daren! Galit ka ba?

*Winner!!! Winner!!!*

Tumunog ‘yung machine, ibig sabihin may nakuha si Daren, may nahulog na manika dun sa box at kinuha niya. Inabot niya sa’kin ‘yung manika...

Louie: ...

Daren: Para sa’yo ‘yan. Kilala mo pa ba kung sino ‘yan?

Louie: Si Pikachu...

Daren: Oo, 'di ba ‘yan ‘yung pinapakuha mo sa'king manika noon? Kaso iba ang nakuha ko, si Kokey. Ayan, nakuha ko na ‘yung gusto mo. Nakuha ko na si Pikachu para sa’yo.

Louie: . . .

'Hindi ako nakapagsalita, naramdaman kong tumulo ‘yung luha ko.

Daren: Oh bakit ka umiiyak? Na-touch ka ba masyado?

Louie: N-Naaalala m-mo pa ‘yun!?

Daren: Naaalala ko pa ‘yun? Hah! Hindi mo lang alam. Pagkatapos ng gabing ‘yun, pabalik-balik ako sa Black Cat Arcade para lang makuha si Pikachu. Kung sinu-sinong manika na nga ang nakukuha ko eh.

'I couldn't hide my blushing face.

Daren: Kahit kailan talaga, pinapahirapan mo ako Louie. Kung sino pa ang gusto mo, ‘yun pa ‘yung pinakamahirap kunin...

Louie: ...

Daren: Pero nakuha ko na siya, nakuha ko na rin si Pikachu.

Louie: Daren...

'Totoo ba ‘yun? Pabalik-balik siya ng Black Cat para lang makuha si Pikachu?

Daren: Ano? Wala man lang thank you?

Louie: Thank you.

'At ngumiti siya.

Daren: Sabihin mo sa Daddy mo, hindi man ako marunong sa basketball, nakuha ko naman si Pikachu para sa’yo. :)

Louie: ...

Daren: Pasensya ka na ha, dito lang kasi ako magaling sa mga arcade. Hindi ako mahilig sa sports. May basketball rin naman dito ah. Magaling din ako dun! ‘Yun nga lang malaki pinagkaiba niya sa totoong laro.

Louie: ...

Daren: Basketball lang ba!? Sige, aaralin ko rin ‘yan! Tatalunin ko 'yang si Resshin! 'Yang Resshin na gustong gusto ng daddy mo, ‘yang Resshin na close na close sa kuya mo, 'yang Resshin na mahal na mahal mo... 'Yang Resshin na hinahanap-hanap ng buong pamilya m–

'Napatigil siya nang bigla ko siyang niyakap. Niyakap ko siya nang mahigpit.

Daren: O///O

Louie: >///<

At natawa kaming parehas nang may marinig kaming magsalita.

Hindi ako, hindi rin si Daren...

*Pika Pika Pika~!*

Si Pikachu, naipit ata ‘yung tiyan sa higpit ng yakap namin. Natawa kami, gano’n rin kasi ‘yung nangyari dati sa'min kay Kokey.

**

Umupo kami sa isang bench doon sa loob ng arcade. Parehas ata kaming na-shock dun sa nangyaring "hug" kanina.

Mga two minutes na rin kasing walang nagsasalita sa’min.

Hindi ako sanay nang ganito. Kaya naman ako na ang nag-start ng conversation.

Louie: Uy Daren, sorry na ha. Galit ka ba sa’kin?

Daren: Talagang galit ako sa’yo! >:P

Louie: Waah~! Sorry na naman! >o<

Daren: Hahaha, joke lang! Hayaan mo na ‘yun. Ayos nga eh. Kung hindi dahil dun, hindi ko makikita baby pictures mo.

Louie: Maswerte ka! Piling pili lang ang mga nakakakita nun!

Daren: Talaga? Hmmm.

Louie: Oh, bakit?

Daren: Eh... si... si Resshin? Nakita niya na rin ba ‘yun?

'Nagulat ako dun. Gano’n ba siya ka-concerned sa mga lamang niya kay Resshin?

Louie: O-Oo eh. Nakita na rin niya...

Daren: Aahh...

Tapos tumango na lang siya at yumuko.

Daren: Ano pa ba’ng hindi nagagawa ng Resshin na ‘yan?

'Pagkasabi niya nun, tinignan niya 'ko sa mga mata.

Louie: Ah.. eh.. ah..

'Hmm... ano pa nga ba’ng hindi nagagawa ni Resshin?

Hindi pa 'ko tapos mag-isip, kumilos na si Daren.

Daren: Eh eto? Nagawa niya na ba 'to?

Tapos hinawakan niya ‘yung chin ko. Hinarap niya ‘yung mukha ko sa kanya.

Dahan-dahan niyang nilalapit ‘yung face niya. Teka, gagawin niya ba talaga 'to??

Dito sa arcade kung saan napakaraming tao?? Tinignan ko siya, seryoso ‘yung mga mata niya. Mukhang itutuloy niya nga talaga...!!!

**

Palapit na nang palapit ‘yung mukha niya... then...

Louie: 'Waaaaaaggg~!!! Stop! Stop! Stop! >o<

'Tinulak ko siya nang sobrang lakas, halos nahulog na siya sa kabilang side.

Daren: Louie...?

Louie: N-N-Nagawa na rin ni Resshin ‘yan!!!

'Grabe hinawakan ko ‘yung dibdib ko, sobrang blis ng tibok ng puso ko! Tumayo lahat ng balahibo ko... Hindi mapakali ‘yung utak ko...

Louie: T-Tinatawagan na 'ko ni D-Daddy.

Daren: Excuse me? Hindi po nagri-ring ‘yung cellphone mo.

Louie: N-Nakasilent ‘yan!

Daren: Eh ‘di pa’no mo nalaman?

Louie: Nag-vibrate! Basta! Bye~!

'Kinuha ko si Pikachu sabay nagtatatakbo na parang baliw palabas.

**

Pagkarating sa bahay, ni-lock ko ‘yung kwa-rto ko at nagdive sa kama.

Relax, Louie, relax...

Okay ka lang ba? Nakalimutan mo na ba kung pa'no huminga?

Inhale... exhale... inhale... exhale...

One more time, inhale.. exhale.. inhale.. exhale..

'Hinawakan ko ‘yung pisngi ko, sobrang init. Kinamusta ko naman ‘yung pulso ko. As of now, sobrang bilis pa rin.

At mukhang hindi pa rin tatahimik any time soon...

Louie: Waaaaaahh...

Tinakpan ko na lang ‘yung mukha ko ng unan at baka sakaling matahimik ‘yung kalooban ko.

~TO BE CONTINUED.

xx

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.