CHAPTER NINETEEN
***
Kinabukasan, nandito ako kina best friend.
Kumakain kami ng fruit salad na gawa ng mommy niya.
Sam: Louie, ano pala ang favorite fruit mo? Besty kita, pero hindi ko man lang alam.
Louie: Eto, ‘yung laging nag-iisa at pinakamaliit.
Sabi ko habang hawak ‘yung iisang cherry na parang naligaw lang dito sa fruit salad.
Sam: Cherry? Bakit naman?
Louie: Parang nakikita ko kasi ‘yung sarili ko sa cherry eh.
Sam: Bwahahaha!
Louie: Tawa ka diyan! Seryoso ako 'no!
Sam: Ikaw? Isang cherry? Sige nga i-explain mo.
Louie: Saan ka ba laging nakakakita ng isang cherry? Hindi ba sa ibabaw ng mga dessert tulad ng cake? O 'di kaya sa ibabaw ng ice cream?
Sam: Hmm, oo.
Louie: Iba-iba kasi ang trato ng mga tao sa cherry eh. Minsan, binabalewala lang, hindi kinakain. Palamuti lang kasi para sa kanila, kinakain lang nila ‘yung cake or ice cream.
'Sabi ko habang nilalaro-laro 'yung cherry sa fruit salad.
Louie: Pero minsan naman, pinag-aagawan, dahil nga kadalasan nag-iisa lang 'to. Gets ba? Para kasi akong ganun, I think. Hindi mo kasi malalaman kung paano ka tatanggapin ng mga tao.
Sam: Alam mo bes, ang drama mo rin minsan!
Louie: Kaya nga kapag may nagbigay sa’kin ng napakaraming cherries, pakakasalan ko siya!
Sam: Kapag may nagbigay sa’yo ng isang truck na puno ng cherries?
Louie: Truck? Hindi... MORE. More than just a truck...
Sam: Ha? Mas marami pa sa isang truck?
Louie: Oo! Madalas kasing nag-iisa lang ang cherry, kaya deserve nitong maging marami for once! Gusto ko 'yung parang endless supply. 'Yung hindi mo alam at wala kang idea kung kailan mauubos. Parang... Parang isang malalim na balon!
Sam: Balon? "Balon", as in "well"?
Louie: Yup! Alam mo ba kung gaano kalalim ang isang balon?
Sam: Errmm, actually hindi. Gaano nga ba kalalim ang isang balon?
Louie: ‘Yun na nga eh! Hindi ko rin alam! Imagine mo na lang kung gaano karami ang isang balong puno ng cherries!
Sam: Huh? Walang ganu'n. Buti kung mga pekeng cherries galing sa Shopee ganu'n, pwede pang mapuno ‘yun. Hahaha.
Louie: Hindi! Dapat totoo! Wala ni isang peke dun. Bawat isang cherry dun, tunay dapat!
Sam: Haha, sabi mo eh!
Louie: A well of true cherries... Haha, ang cute 'no kung iisipin?
Sam: Kung iisipin? Oo, pero kung iisipin lang! As if naman may gano'n. Panis na ‘yung ibang mga cherries wala ka pa sa one-fourth ng balon!
Louie: Bes naman! Hayaan mo na lang akong mag-ilusyon!
Sam: Oh sige, dahil na-touch ako sa story mo, sa’yo na 'tong cherry ko.
Louie: Yeeeheey! Thank you bes! <3
**
School day again. Ano naman kaya ang mangyayari ngayon?
May nakita akong lalake doon sa isang tabi.
Parang familiar siya. Pagharap, si Lex pala!
Louie: Oy Lex!!!
'Na-miss ko 'tong isang 'to ah.
Lex: Louie! Ikaw pala. Ginagambala ka pa ba ni Black Cat? Ako, oo!
'Ha?? Hindi pa pala niya alam kung sino si Black Cat! O_O"
Hindi ba nasabi ni Emma? ni Resshin?
Louie: Kilala na namin siya! Si Daren!
Lex: At... sino si Daren...?
'I'm so sorry Lex, matagal kang nawala sa loop at hindi ka namin na-uupdate. ToT
Louie: Ah, eh... ano ba ang mga sinasabi ni Black Cat sa’yo?
'Kung tutuusin, hindi ko pa rin pala alam kung bakit niya tinatarget si Lex.
Lex: Kinukulit niya ako dun sa... May pinatago kasi sa’kin si Emma... Ah, basta! Basta hindi ko na lang sinasagot ‘yung mga tanong ni Black Cat sa’kin. Bakit ko naman siya sasagutin? Sabi ni Emma ‘wag raw akong magsalita. Inaaway rin kasi siya ni Black Cat.
Louie: Ano ‘yung pinatago ni Emma?
Lex: Nung time na nagkakilala kayo, kakakilala ko lang rin sa kanya nun. ‘Yun ‘yung time na may naglagay sa bag ko ng salagubang. Mga ilang minuto kasi bago nun, may pinaiwan sa'king bagay si Emma. ‘Wag ko raw ibibigay kahit kanino.
Louie: Tapos?
Lex: ‘Yun lang eh. Hanggang dun lang ‘yung naaalala ko.
'Hmm... Tanungin ko kaya si Daren? Pero mukhang ayaw kong magpakita dun sa ngayon. Mang-aasar kasi ‘yun sa ginawa kong hug last time! Tama. 'Wag na lang akong makialam.
Louie: Nasa iyo pa rin ba ‘yung pinatago ni Emma?
Lex: Wala na, kinuha na agad niya sa’kin nung napansin niyang may something nga sa bag ko.
Louie: Gano’n ba? Tama si Emma. 'Wag mo na lang pansinin ‘yung si Daren. May pagkabaliw kasi ‘yun eh.
Lex: Baliw ba ‘yun?
'Hahaha. Natawa ako sa sinabi ni Lex. "Baliw" raw si Daren...
Nilapit ko ‘yung tenga niya sa bibig ko, at bumulong ako sa kanya.
Louie: "Medyo..."
**
'Habang nagdi-discussion sa loob ng classroom, para bang may nararamdaman akong tumutusok sa likod ko. Noooo! Hindi naman literal. Para bang may evil stares akong natatanggap mula sa likod.
Hindi kasi ako mapakali, I have this feeling na may nanonood sa’kin.
Creepy... Ayoko namang tumingin sa likod, baka may mumu na biglang lumitaw. =_=;;;
*Riiinngg~!*
Nag-ring na ‘yung bell, that means break time na! Yaaasss!
Balak ko sanang tumakbo diretso sa pintuan, because I'm HELLA scared at nararamdan kong papalapit na sa’kin ‘yung "mumu"–nang biglang may humawak sa balikat ko! ;A;
*insert creepy voice here*
???: LLLLoooouuuiiieee...
Louie: B-B-BBaaakkkiiittt?? >_<;;;;
Sa sobrang takot ko, nagaya ko ata ‘yung boses niya. Hindi ako sure pero kahit super natatakot ako, lumingon pa rin ako s kanya.
.
.
.
.
.
Louie: KYAAAAAHHHHH~!!! >O<
Nyikes! Mumu nga! Huhuhu..
'Nakita ko si Resshin na may sobrang laking eyebags, maluha-luha pa at may kung anong dark aura na nakapalibot sa kanya.
Louie: Muumuuu! Mumu!!!
Resshin: LLoouuiiee.. Piinaagpaaliiit mooo nnaa bbaa akkoo...??
Louie: L-Lumayo ka sa’kin! Mumu! Shoo! Shoo!! >O<;;;
Resshin: BBBakkkiitt kassaamaa mmo ssii DDDarreenn kaahaaapoonn??
'H-Ha? OoO
Nagulat ako sa biglang banggit ng name ni Daren.
Louie: Ano?
Resshin: Nakita ko kayo nung isang araw sa Black Cat, binigyan ka niya ng manikaaa... ToT
Louie: Nandun ka? Nakita mo ‘yun?
Resshin: Oo, nakita ko yuunn! TTQTT
Louie: Eh bakit ka nag-iiiyak iyak diyan!?
Resshin: Syempre masakit! Huhu...
Louie: Hey, Resshin! Snap out of it! Hindi kita maintindihan! Umayos ka nga ng pagsasalita mo! Para kang baby! Puro "googoo gaagaa" lang naririnig ko! Hindi ko na nga maintindihan 'yung itsura mo, hindi ko pa maintindihan sinasabi mo!
'Bigla namang nagbago 'yung atmosphere, pati 'yung mood ni Resshin biglang nag-transform. Mula sa dark and gloomy naging firey and angsty.
Resshin: Maria Louisa Veronica Cayabyab!!
Louie: Y-Yes, Sir?! >_<;
Resshin: I hereby declare that I, John Resshin Sapalco... is jealous over Daren Gil Mendoza!
Louie: =O_O=
Resshin: No, not just jealous... I'm MADLY jealous!
'Medyo nag-blush ako dun. Pero hindi ko pinahalata.
Louie: P-Paano mo nalaman ang full name niya...?
Resshin: I go by the saying, "Get your friends close, and your enemies closer!"
Louie: Resshin, baliw ka talaga!
Resshin: Ganito ba ‘yung feeling na magselos? Grabe, I'm in a rage!
'M-Masyado naman 'tong prangka. Pinaalam ba sa'kin na nagseselos siya!?
Ibang klase talagang mag-isip 'tong si Resshin. P-Pinapakilig ako in the most unexpected ways... >///<
Louie: Ikaw na, ikaw na ang baliw!
Resshin: Louieee... (sabay luhod sa harap niya) Ano ang pwede kong gawin para makalamang ulit ako??? ToT ...Hindi kaya ako makatulog!
'Kabaliktaran talaga nitong si Resshin si Daren eh! Super cool ni Daren, pero si Resshin? He's like a jerk... *smiles* but cute in its own way... a cute jerk.
Louie: Tumayo ka nga diyan!
Resshin: Hindi ako tatayo hangga't hindi ka pumapayag na makipag-date rin sa’kin!
Louie: Anooo?
Resshin: Ang daya mo naman Louie! Pumayag ka kay Daren tapos sa'kin hindi? *puppy eyes*
'Yan na naman 'yung irresistible famous puppy eyes technique niya!
Louie: May Emma ka 'no!
Resshin: May Aika siya!
'Err... Kailangan i-point out? -_-"
Louie: . . .
Resshin: Please, Louie? Friendly date lang... Tignan mo ginawa mo sa’kin...
'Tinitigan ko siya. Eyebags. Ruffled hair. Slight growth of beard... (Pero bakit medyo hot!?)
Louie: Yuck Resshin, ang panget mo! Hahahahaha! XD
'Laging gulat ko, dahil muling nagbago ‘yung anyo niya. Mula sa loser on the floor naging super bright with sparkling shimmering splendid eyes... Teka, ilang changes ba ang kayang gawin ng asungot na 'to? Sabi ko na nga ba hindi 'to tao eh.
Resshin: Yaahhoooo! Napatawa rin kita!
Louie: Ha??
Resshin: Harharhar! >8D ‘Yan lang kasi ang kaya kong gawin na hindi kayang gawin ni Daren, eh!
Louie: Ha???
Resshin: Ang patawanin ka.
'Sabay kindat niya, nag-blush naman ako even more. Napaisip tuloy ako. Mukhang may point siya dun. Kay "Resshin" lang talaga ako nagiging totoo at na-e-express ‘yung sarili ko... Lagi kasi akong tense kapag kasama si Daren.
Resshin: So payag ka na, ah? Date? Mamaya?
Louie: Mamaya agad-agad!? H-Hindi mo ba ihahatid si Emma?
Resshin: Already taken care of. Nagpaalam na 'ko sa kanya.
Louie: What?!
'Ano raw!?!?
Resshin: Sinabi ko makikipagdate ako sa’yo.
Louie: PUMAYAG SIYA?
Resshin: I know you find it weird, me too. Pero pumapayag si Em sa lahat ng sinasabi ko sa kanya.
'Hmm... weird nga!
**
Nandito kami ngayon sa isang ice cream shop. Hmm... bakit kaya dito?
Louie: Bakit naman dito? Parang hindi naman ata bagay sa'yo rito. Tignan mo, ikaw lang ang lalake sa lugar na 'to!
'Medyo naiinis ako, hindi dahil sa dito ako dinala ni Resshin. Gusto ko rin naman dito. Pero naiinis ako sa fact na dahil siya lang ang mag-isang lalake na nandito–at dahil cute pa siya, pinagtitinginan at pinagbubulungan tuloy siya ng mga girls. =__=#
Resshin: ‘Yun na nga eh. Eto kasi ‘yung naisip kong total opposite ng Black Cat Arcade... ang "White Puppy Ice cream Shop~!!!"
'Err... Dahil naintriga ako sa sinabi niya, tinignan ko ‘yung sign sa labas ng shop. What the F*! ‘Yun nga ‘yung pangalan ng shop! P-Pa’no nakahanap ng ganitong klaseng shop si Resshin!? Weirdo talaga 'to... >_>;
Resshin: Waitress, dalawa nga pong banana split! Ay hindi, isa na lang! ‘Yung for couples!
Waitress: Okay, sir! *w*
'Shang-sha at todo kilig naman ‘yung waitress! Resshin naman, pwede bang itigil mo muna ‘yang pagiging "adorable" mo kahit ngayon lang? Nakakaselos na ha... Ako nga 'yung ka-date, pero bakit parang lahat ng girls dito nakikinabang rin!?
'At nakarating na nga ‘yung order.
Nanlaki bigla ‘yung mata ko na may cherry sa part ni Resshin!
T-Teka, bakit siya lang ang meron? At BAKIT sa parte niya nakalagay at hindi sa gitna!? -_-+
Napatingin ako sa waitress, ayun. Tinitwirl ‘yung buhok niya ng daliri niya at panay sway-sway habang nakatingin sa direksyon ni Resshin. >.> Hmph! Whattabeech...
Napansin ata ni Resshin na nakatingin ako dun sa cherry.
Resshin: Gusto mo ba nitong cherry? Kanina ka pa kasi nakatingin dito.
Louie: Ahh.. eehh... Hindi! 'Di ako mahilig diyan! Sayo na ‘yan. Hehehe.
'This is an opportunity to test him. Aabangan ko ‘yung gagawin niya sa cherry! Kung kakainin niya, o if he'll just ignore it–
Resshin: . . .
Louie: OoO!!
'Nagulat ako, tinabi niya lang sa side ‘yung cherry!!!
Oooucchh. Masakit ha. Hindi niya ba alam na ako ‘yun? Si "Louie" ‘yung cherry na ‘yun... At sinet aside mo lang ako... huhuhu TTnTT
Louie: . . .
Resshin: Kainan naaa!!
'Masagana niyang kinain ‘yung part niya dun sa icecream. Ako? Nandun lang sa side, nagmumukmok. Err... ‘yung "cherry" na ako ‘yun. Pero ‘yung real me? Halos walang ganang kumain. Minsan lang ako sumubo...
Resshin: Bakit ang tahimik mo? Hindi ka naman ganyan ah.
Louie: Wala, kain ka lang diyan.
'Bakit ganito? Bakit nagtatampo ako? Did I secretly want na sana Resshin would appreciate the cherry?
Resshin: Hmm... If you say so, okay! ^^
'Sa sobrang sarap ng kain niya, naubos na niya ‘yung part niya.
Resshin: Sarap talaga!
'Hmph! Ewan ko sa’yo... >_> (sa isip lang)
Louie: Sarap ba? Mukhang enjoy na enjoy ka nga eh. >_>
Resshin: Pero hindi pa tapos ‘yung dish ko...
Louie: Huh?
'Kinuha niya ‘yung cherry na tinabi niya sa side...
Resshin: I also go by the saying, "Save the BEST for last..."
'Tapos sinubo at kinain niya ‘yung cherry.
Nakatitig lang ako sa kanya habang kinakain niya ‘yun.
Teka?? Sa simpleng pagsubo niya lang ng cherry, namumula na 'ko nang ganito?? O////O
Louie: A-Akala ko ayaw mo ng cherry?
Resshin: Kailan ko naman sinabi ‘yun? Tinabi ko lang siya kanina kasi I want the best taste to last and stay in my mouth... Mmmmm~!
Then he licked his lips. I swore my heart skipped a beat.
Louie: Hinuli mo talaga ‘yung cherry???
Resshin: Yup! Sarap kaya! Sayang, hindi ka kamo mahilig sa cherry. You don't know what you're missing!
'Nakatitig lang ako sa kanya the whole time, rinig na rinig ko 'yung pagkabog ng dibdib ko.
Resshin: Kung alam mo lang, Louie. Ang sarap at ang tamis kaya ng cherry! Tsk tsk. Kahit maliit lang 'to, pinapahalagahan pa rin dapat. Cherries are the best for me. ^^
'Napangiti ako, hindi man ako masyadong nakakain ng ice cream, busog na busog naman ang puso ko.
Sobrang contentment ang nararamdman ko deep inside my chest, ang gaan ng pakiramdam ko. Para akong lumulutang sa ibabaw ng mga ulap...
Tama ka Resshin...
.
.
.
"I don't know what I'm missing..."
~TO BE CONTINUED.
xx