Chapter Twenty
'Pagkarating sa bahay, ni-lock ko ‘yung kwarto ko at nag-dive sa kama.
Teka?? Parang nangyari na 'to ah? Haha. I remember, ganito rin ako kahapon galing sa Black Cat Arcade, tapos ganito na naman ako ngayon na kakagaling lang sa *let's all welcome* White Puppy Ice Cream Shop.
Louie: Hahahaha! (sabay nagulat)
'Teka? Did I just laugh by myself??? >.<
Louie: Okay, sorry naman! :P
'Kung iko-compare ko ‘yung nararamdaman ko ngayon na cause ni Resshin sa kahapon na cause ni Daren... it's a different feel. Magkaibang-magkaiba actually.
'Kahapon hindi ako mapakali at hindi ako makahinga, super bilis ng tibok ng puso ko at super namumula at nag-iinit.
'Now naman, super at ease ang pakiramdam ko. Calm, happy, contented. Parang nasa Cloud-9. It's fluffy. Magaan... I'm just smiling like an idiot.
Hinawakan ko 'yung puso ko para i-check ito.
Sa dalawang nararamdaman ko...
Alin sa kanila ang "love"?
**
'Nakatulog na si Louisa na pagod na pagod sa kaka-isip.
Zzzzzz...
Natagpuan ko ‘yung sarili kong nakatayo sa isang total darkness.
Nananaginip na naman ako for sure.
Biglang may narinig akong ingay.
Isang *Arf! arf! arf!*
at isang *Meooooww~*
'Tapos may tumatakbong papalapit sa'king dalawang hayop.
Yeah, alam ko na ang iniisip niyo... at tama kayo.
‘Yung sumisigaw ng *arf* ay isang cute na cute na white puppy with matching puppy eyes (malamang puppy nga eh). Nagulat ako at kumindat siya sa’kin. Teka, nagagawa ba ‘yun ng isang aso!? Hmph, ang yabang naman nito, feeling mo gano’n ka ka-cute!?
Tapos ‘yung isa, isang masungit na parang nakasimangot pa ata na black cat. Err... bakit nakabusangot 'yung mukha nitong pusang 'to!? ABA! Bigla ba naman akong inirapan! Grrr... kung ayaw mo sa’kin, eh ‘di wag! >.<
May kakaibang skills ata 'tong mga hayop na 'to... hindi sila NORMAL. -_-"
Louie: Okay, ipakita niyo sa’kin ngayon kung sino ba sa inyong dalawa ang pipiliin ko? Hmm... Sige nga! Prove yourselves worthy of your master! Bwahahaha!
'I kinda like this feeling... hahaha.
Todo papansin naman ‘yung aso, tapos walang ginagawa ‘yung pusa at minamasdan lang ‘yung aso. Nakita kong dinidilaan lang ng pusa ‘yung kamay niya at biglang natulog.
Grrr!! Tamad 'tong pusang 'to! Napatingin naman ako dun sa aso. Sumasayaw habang nakatayo ‘yung dalawang paa, feeling pinapanood ng maraming tao. Hahaha! Pero nakakatuwa rin.
Biglang natumba ‘yung aso kakasayaw! Nakita ng pusa ‘yung pagkatumba niya. Tawa naman nang tawa ‘yung pusa. Napikon ata ‘yung aso, tapos sinugod siya. Waaah! Nag-aaway sila!
Nagkakagatan at nagkakalmutan. Nagtatalo ‘yung mga kulay nila, itim at puti.
'Nakikita kong nasasaktan at nagkakasugat na sila. Mga hayop lang sila pero... hindi kayang makita ng mga mata kong nasasaktan sila.
Louie: Tama na! 'Wag nga kayong mag-away! Para kayong mga aso't pusa!
'Napatigil ako. Tila wala namang sense ‘yung sinabi ko. -__-"
Louie: Tumigil na nga kayooo! Tigil naaa!!!
.
.
.
Louie: SABI NGANG TUMIGIL KA NA EEEHH!!! *sabay hampas*
???: Arrraayy ku naman!
'Ha? Ano'ng nangyari? Gising na pala ako.
Pagtingin ko,
Louie: K-Kuya...?
Arvie: Nako, Louie! Lagi na lang AKO ‘yung nabibiktima ng mga action-packed na panaginip mo! Masakit ‘yun ah!
Louie: Ahh... eehh.. Bakit ka ba nandito?
Arvie: Tignan mo ‘yung orasan. Late ka na naman sa school. Wala naman atang silbi 'yang alarm clock mo eh.
'Waaaaah! Tama si kuya! Late na nga akooo~!
Bwisit na Black Cat at White Puppy kasi 'yan! TToTT
* *
"Jeep!"
"JJJeeeeep!!"
"JJEEEEEPPP!!!"
Sigaw ko habang hinahabol ‘yung jeep na sasakyan ko sana papuntang school.
AT LAST naisipan niya ring tumigil. Pag-upo ko sa loob, hingal na hingal ako.
Louie: Sa wakas nakasakay din ang bida. Kapagod... Phew~! =o=;
???: Nagkita na naman tayo. :)
'Ha? May naririnig ba 'ko? Paglingon ko sa kanan, katabi ko pala si Marko.
Louie: Marko! Ikaw pala!!!
Marko: Bakit ka naman nagmamadaling sumakay ng jeep?
Louie: Late na kasi ako! Teka, 'di ba ikaw rin!?
'Umiling lang siya.
Marko: 'Wag kang mag-alala, hindi pa tayo late.
'Tapos pinakita niya sa’kin ‘yung watch niya. Teka?? Bakit iba ‘yung nasa alarm clock ko?
Louie: What?
'Hinanap ko agad ‘yung cellphone ko sa bag. Pagtingin ko, parehas lang ‘yung time sa watch ni Marko.
Louie: P-Pero bakit...
Marko: Bakit ano?
'Isa lang agad ‘yung naisip ko...
Louie: Si K-Kuya... =.=+
Marko: Ha?
Louie: KUYYAA AARRVVIIEEEE~!!!!! >A<
In-adjust niya 'yung alarm clock ko! ARGGGHHH!
**
School...
Louie: Hinding hindi na ulit ako sasakay sa jeep na ‘yun. T~T
Marko: Hahaha! Okay lang ‘yan!
Louie: Haist! Ang aga ko tuloy!
Marko: Ngayon ka lang ba pumasok nang ganitong oras?
Louie: Oo eh, ikaw?
Marko: Lagi akong ganito kaaga pumasok, you know why?
Louie: Nope. Why?
'Tapos may tinuro siya dun sa ilalim ng tree.
Pagtingin ko, may isang babaeng nakaupo sa bench na may binabasang libro.
Marko: Si Emma Nicole Mendez
'Oh yeah oo nga pala, crush nga pala nitong si Marko si Emma.
Louie: B-Balita ko meron na siyang fiancé...
Marko: Alam ko ‘yun, kaso...
Louie: Kaso?
Marko: Kung nakikita mo lang sila Louie, halatang hindi siya mahal nung guy.
Louie: Pa'no mo nasabi?
Marko: Take that for example, bakit hindi niya kasama ‘yung boyfriend niya? Araw-araw mag-isa lang siyang pumapasok sa school. Hindi sila nagsasabay.
'Hindi niya sinusundo si Emma? Pero bakit nung kami naman dati, lagi akong hatid-sundo ni Resshin?
Marko: Basta, pero si Em gusto talaga ‘yung guy.
Louie: Pa’no mo naman nalaman mga ‘yan?
Marko: Ano'ng akala mo sa’kin? Haha, kumikilos rin ako 'no! Madalas na kaming magkausap niyan ni Emma.
Louie: Wow, in fairness para sa isang first year, ha. Kailan mo siya kinakausap?
Marko: Tuwing may chance... Like now.
'Tapos lumapit siya kay Emma, pinanood ko naman sila.
Aba! Siguro lagi silang ganito sa school kapag umaga!
Masaya rin pala kapag maaga pumapasok eh, may time kang makipaglandian–este, marami kang malalaman.
'Umalis na ako dun at naglibot-libot muna. Ayoko namang pumasok ng room, for sure mag-isa lang ako dun...
Teka...
TAMA!
Mag-isa lang ako sa room! Hahaha!
Pwede akong magsulat sa board ng kung anu-ano. :3
'Pagpasok ko, nagsimula na akong magsulat sa board. Ako nga lang mag-isa!
Masaya 'to, hekhekhek!
Sinulat ko, isang malaking "RESSHIN = ASUNGOT"
Louie: Hahahaha! Nakakatuwa naman 'to!
'Nagsulat ulit ako, "SAMMY = MAGANDA"
at "LOUIE = MAS MAGANDA"
'Teka, hindi kaya halatang ako ang nagsulat dito? Hehe, hayaan mo na.
Buburahin ko rin 'to agad!
Napaisip ako, then nagsulat ulit sa board...
"Sino ba sa kanilang dlwa?"
tapos sa baba nito:
"A. Resshin" at " B. Daren"
Louie: Hmmmm...
'Nagiisip ako habang tinataktak ‘yung chalk sa board...
Laking gulat ko nang biglang may nag-encircle ng letter "A".
???: The correct answer is letter A, Resshin.
'Paglingon ko sa likod, napasigaw ako.
Louie: R-Resshin!!! O////O
Resshin: Ano na namang kalokohan 'to, ha Louie?
'Sabay ngiti niya. Waaahh!!! Nahuli niya 'ko!
Of all people, si Asungot pa! Waaaaaahh... TTATT
Louie: W-Wala ‘yan!
Resshin: "Sino ba sa kanilang dalawa?" Hahahaha!
Louie: . . .
Resshin: Ano ba 'to, "Sino ba sa kanilang dalawa ang mas pogi?"
Louie: Hindi! Actually, "Sino ba sa kanilang dalawa ang mas tanga?" 'yan! At tama ang sagot mo! The correct answer is letter A, Resshin! Mouhahahaha! Ang galing mo naman! May alam ka rin pala kahit pa’no!
'Bleehh! >:P Take that, LOSER!
Resshin: And so? Panalo naman! Haha! >:D Bakit ang aga mo ata ngayon?
Louie: Wala lang, paki mo ba!
Resshin: Tapos ano pa 'tong isang nakasulat, "LOUIE = MAS MAGANDA"?
Louie: ...errr, umalis ka na nga lang!
Resshin: Mali naman 'to eh! Niloloko mo lang ang mga tao!
'Tapos binura niya ‘yung words na "mas maganda" at kumuha ng chalk.
Louie: Hoy tama ‘yan, 'no! Umalis ka na nga! Ano na naman ba 'yang isusulat mo??
'Then nagsulat siya ng isang malaking "RESSHIN" sa tapat ng equal sign.
Resshin: Ayan, ‘yan ang tama!
'Nakalagay sa board, "LOUIE = RESSHIN"
Natahimik naman ako bigla, feeling ko nag-blush ako.
???: At ano na naman 'yang lovey-dovey na nagaganap dito! Ang aga-aga ng landian, ha!
'Paglingon namin, si Besty!
Louie: SAAAMM!!! TToTT
Sam: Sinasamantala niyo ‘yung pagkakataon na walang tao! Ganito siguro kayo araw-araw!
Resshin: Hindi 'no! Alam naman nating laging late 'yang si Louie eh, ngayon lang napaaga!
Louie: Che!
Sam: Huwaw! Sino nagsulat nito? "SAMMY = MAGANDA"? Nako kung sino man nagsulat niyan, talagang alam niya ang totoo! Hohoho~!
Parating na rin ‘yung iba naming classmates, hala mababasa nilaaa!
Sabay kuha naman kaming tatlo ng pambura at pinagbububura ‘yung mga echos sa board.
Haaayy... Feeling ko, lagi na 'kong papasok nang maaga! Hahaha!
Thanks, Kuya Arvie~! =P
~TO BE CONTINUED.
xx