Well of True Cherries Chapter 21

Chapter Twenty-One

Pagkatapos ng klase, niyaya ko si Sam sa bahay namin.

Girl bonding naman kami sa kwarto ko, which includes but are not limited to:

make up

hair styling

nail polishing

photo booth

Netflix

at magbasa ng Trapped in a Candy~!

The rest is up for you to decide haha.

Lahat ng ‘yon ay accompanied by loud K-Pop music!

'Habang nagbabasa kami ng mga magazines, narinig naming may kumakatok.

Binuksan ko ‘yung door, si Kuya.

Arvie: May pagkamalakas masyado ‘yung music, pakihinaan. May hinihintay kasi akong dumating, baka hindi ko marinig ‘yung pagkatok.

'Hininaan naman ni Sam 'yung music dahil siya ang nakaupo katabi ng speakers. Tapos saka lang namin narinig na may kumakatok na pala...

Louie and Sam: Hehe... ^___^;

Arvie: See!? Kung hindi niyo pa hininaan! Kanina pa pala may kumakatok! >o<

'Tapos nag-rush na si Kuya papunta sa door sa baba.

Sam: Sino ‘yung bisita ng kuya mo?

Louie: Ewan, wala na 'kong paki kung sino ‘yun. Tara balik na tayo sa girl bonding sesh natin. :)

'Isasara ko na sana ‘yung pintuan ng kwarto, nang may bigla akong narinig...

.

.

.

Arvie: RESSHIN!!! Namiss kita, 'tol!

Louie and Sam: What!???

'Talaga namang nagtatatakbo kami ni Bes pababa, sinilip namin kung sino ‘yung dumating, habang nakatago sa likod ng mga malalaking vase.

Sam: OMG, Bes! Si Resshin nga!

'Tama si Sam. Arrrgghh... si Resshin the Asungot nga! Bakit siya nandito?

'Sinalubong naman ni Daddy si Resshin.

Daddy: Resshin! Ang tagal na nating hindi nagkita! Ang tangkad mo na, ah!

Resshin: Tito!

'Tapos niyakap niya si Daddy–hindi siya feeling close, gano’n talaga sila ka-close.

Arvie: Niyaya ko si Resshin dito, miss ko na eh. Nagkataon namang nandito rin si Sam.

'Nagkwentuhan lang sila dun sa salas, habang si Mommy naman ay naghahanda ng merienda para sa'min.

Sam: Bes, it's alright. Kung gusto mong lumabas tayo, mag-mall or pumunta ng park...

Louie: Ikaw, ano ba'ng gusto mong gawin bes?

Sam: Syempre mag-stay dito! ^o^ Habang pinapanood ko ‘yung entertaining interactions niyo ni Resshin! Hohoho.

Louie: Hohoho! EWAN ko sa'yo!!! >:T

'Nandun lang kami na parang mga daga, nagtatago sa likod ng mga vase habang pinapanood silang nagkukwentuhan.

*riiinnnngggg~ riiinnnggg~*

'May nagri-ring, pero hindi ‘yung telephone namin. Pagtingin ko, kinuha ni Resshin ‘yung cellphone niya, may tumawag pala sa kanya.

Resshin: Excuse me lang po ah, may tumawag... "Hello?"

Lahat: . . .

Resshin: DAREN!?!?

Lahat: WHAAAAATT???

Resshin: "Sige, okay. Okay... punta ako diyan. Sige, bye..."

'Nag-uusap sila ni Daren sa phone!? CLOSE ba sila!? o_O?

Arvie: Si Daren? Kausap mo?

Daddy: Magkakilala kayo ni Daren?

Resshin: Niyaya niya po akong mag-basketball...

'ANOOO RAAAAAAWW!!?

**

'I'm trying to pull my thoughts together. Medyo nagkawatak-watak kasi. Ang natatandaan ko lang, niyaya ko si Sam sa bahay namin, then niyaya rin pala ni Kuya Arvie si Resshin...

Tapos may tumawag sa cellphone ni Resshin.

Then what?

Ano nga ba’ng nangyari after that?

Sino nga ba ‘yung tumawag...?

...someone called "Daren"? o_o

'Weird, kasi may kakilala rin akong may ganu'ng pangalan. At ‘yung kakilala kong ‘yun, hindi marunong mag-basketball. Kaya hindi siguro siya ‘yung kausap ni Resshin.

'That's right. It's very impossible na si Daren Mendoza ‘yung kausap ni Resshin.

"LLOOUUIIEE!!!"

Louie: . . .

Sam: LLOOUUIIEE!!!

Louie: H-Ha?

Sam: Kanina pa kita tinatawag! Hello?? Earth to Louie!

Louie: Bakit? Ano’ng nangyari?

Sam: Narinig mo ba ‘yung sinabi ni Resshin? Niyaya raw siyang mag-basket ni Daren!

Louie: I-Ibang Daren ‘yun!

Sam: Ha? Pa'no mo naman nasabi?

Louie: Besty, hindi marunong mag-basket ‘yung iniisip mong Daren!

Sam: Si Daren? NO sa basketball? Sayang naman ‘yung tangkad niya!

Louie: Right. Kaya si Daren yayayain si Resshin mag-basketball? NO WAY.

Sam: Wait, pakinggan natin ‘yung pinag-uusapan nila...

Louie: *nods*

'Kausap pa rin ni Resshin sina Kuya at Daddy.

Resshin: Arvie, sorry ah. Next time na lang, 'tol. May kailangan akong gawin.

Arvie: Pupuntahan mo si Daren?

Resshin: Oo, this is something I have to settle right away.

Daddy: Magba-basketball kayo? Tapos kami hindi kasali? Nakakapagtampo ha.

Arvie: Tama si Dad! Sama kami, maglalaro rin kami!

Resshin: Ha? Pero...

Daddy: Two on two. Tara Arvie, samahan na natin 'tong si Resshin.

Arvie: Game! Na-miss ko rin ang mag-basket!

Resshin: Pero Tito...

'Mukhang wala namang nagawa itong si Resshin at sinamahan na nga siya nung dalawa.

Louie: . . .

Sam: So...? What are we waiting for?

Louie: Huh?

Sam: Besty! Kailangan nating masaksihan ang game of the year!

Louie: What are you talking about?

Sam: Tutunganga lang ba tayo dito? Habang may something exciting na nangyayari elsewhere!?

Louie: Uhmm... Bes? Netflix na lang ulit tayo... ^__^;

Sam: What??? We can't miss this! TARA NA!!!

'Then hinatak niya 'ko palabas. Mukhang wala rin naman na akong magagawa.

'Sa ospital na katapat ng bahay namin, merong basketball court. Dun nanggaling si Aika dati nung napunta sa’min ‘yung bola na nilalaro niya.

'And to my surprise, hindi lang sila Resshin, Kuya, at Daddy ang nandun. May isa pang lalake na nakaabang na sa court...

Louie: Familiar ‘yung guy...

Sam: Familiar ka diyan!? Ang sabihin mo, si Daren!

'Tama si Sam. Si DAREN MENDOZA nga ang nasa court, at kausap ni Resshin kanina.

'Nagulat si Daren dahil hindi lang si Resshin ang lumitaw.

Daren: B-Bakit may kasama ka?

Resshin: Nagpumilit sila eh.

Daddy: Unfair naman kung kayo lang ang maglalaro, sali rin kami. :)

Arvie: The more the merrier. :)

'Hinatak ako ni Sam na umupo dun sa mga bleachers. Wala namang katao-tao dun sa court kaya nakita nila kami.

Louie: B-Bes, nakita nila tayo!

Sam: And so? Ano'ng gusto mong gawin? Magtago buong araw?

Hindi ko alam kung bakit, pero ilang na ilang at hiyang hiya ako. Para akong batang nahihiya sa crush niya.

Arvie: OYYY, LOUIE! SAM! ANO'NG GINAGAWA NIYO DIYAN?

Daddy: NANDITO BA KAYO PARA PANOORIN ANG DADDY MO? ^o^

Louie: Hehehe. *sabay yuko*

Sam: NANDITO KAMI PARA MAG-CHEER!!!

'Nakayuko akong sumilip sa kanila, kaway nang kaway si Kuya at Daddy.

Samantalang si Daren at Resshin... mga nakanganga, namumula, at hindi makapaniwala.

???: Ang daya niyo naman, iniwan niyo ang muse!

'Nagulat ako, sino ‘yung sumigaw? "Muse" daw... Eh andito na 'ko ah! Pagtingin ko, si Mommy lang pala!

Daddy: Honey!

'Tumabi siya sa’min ni Sam.

Mommy: GO, HON~! *^o^*

'Nag-usap-usap na sila.

Daddy: Basta ako, kampi ako kay Resshin. Ikaw Arvie, kay Daren.

Arvie: Ha? Unfair! Bakit ako pa ang kailangang kumampi kay Daren!?

Daren: Mas lalong ayaw kong kumampi sa’yo... -_-

Resshin: Hahahaha!

Daddy: Sino ba’ng pinakamatanda rito? Ako masusunod.

Arvie: (to Daren) Galingan mo ha... >.<

Daren: (To Arvie) Ako dapat ang nagsasabi niyan... =_=

'Pumito na si Mommy mula sa bleachers.

Mommy: PPPrrrrrttttt~! GAME!

'Nakuha agad ni Resshin ‘yung bola sa jump ball, then *shoot!* Three points agad!

Sam: GO RESSHIN! GO RESSHIN! Whooo~!!! >w<

'Nabingi naman ako kay Sam. Para naman 'tong girlfriend kung mag-cheer, pero hindi lang siya ang naririnig ko na nag-chicheer...

Mommy: GO DAREN! GO DAREN!!! 'Kaw anng gusto kong manalo~! ^o^

'Oo nga pala, no.1 fan si Mommy ni Daren... -__-v

Score lang nang score si Resshin, nakaka-score rin naman si Daddy. Sa kabilang team, si Kuya Arvie lang ang nakaka-score. Si Daren? Takbo lang nang takbo dun at nagba-block.

Mommy: Daren, dear!! Kaya mo ‘yan!!!

Sam: Resshin!! Go RESSHIN!!! =D

'Napatayo kaming lahat nang makita naming napunta kay Daren ‘yung bola. Ngayon niya lang kasi nahawakan ‘yung bola.

Arvie: Daren, i-shoot mo!

'Hindi niya pwedeng ipasa kay Kuya dahil bina-block siya ni Daddy.

Daren: O-Oo!

'Tapos shinoot niya nga. Lahat kami nakatingin sa bola...

WOW... mukhang mashu-shoot niya nga ‘yung bola!

'For the first time ever, tumayo ako at nag-cheer.

Louie: GOOO DAAARREEENN!!!

*BLAM!!!*

'Biglang lumabas out of nowhere si Resshin at sinupalpal ‘yung bola. Awww...

Daren: Tsk!

'Nagulat ako at tumingin sa’kin si Resshin.

Gulp! B-Bakit? May masama ba 'kong nagawa?? Nakakatakot ‘yung tingin niya ah... >__<;;;

Resshin: (to Daren) Hinding hindi ko hahayaang maka-shoot ka... kahit ni isang bola.

Daren: Hmph. Mayabang ka.

'At ayun, may kung anong apoy ang nag-aalab sa paligid nilang dalawa at may kung anong kuryente ang nagtatama sa pagitan ng mga mata nila... Creeeeepy! Ano 'to, Slam Dunk!?

Sam: RESSSHINNN!! ANG GALING MOOO!!

Mommy: DAREEENN! OKAY LANG 'YAAANN!!!

Daddy at Arvie: Ano ba ‘yan!? Hindi ba dapat kami ang chini-cheer niyo! SIno ba ang kapamilya niyo! =__=;;;

'Napa-isip naman ako sandali, inalala ko ‘yung tingin sa’kin ni Resshin kanina. Kinilabutan ako bigla. Feeling ko dahil ‘yun sa pagsigaw ko para kay Daren. Tama, si Resshin naman ang ichi-cheer ko ngayon.

Louie: GOOO REESSHHIINN!!! GOO!!!

'Biglang napatigil si Daren at humarap sa’kin.

Daren: =__=#

'Aba! Ang sama ng tingin niya! Lalo akong nagalit at nag-cheer pa lalo nang malakas.

Louie and Sam: GOO RESSHIN GOOOO!!!

'Then balik sa pag-score si Resshin. Ang galing niya nga. Walang duda.

Daren: (Inis na inis na) Arvie!!! Akin na nga 'yang bola!

'Binigay naman ni Kuya.

Mommy: I-SHOOT MO, DAREENN!!!

'Then tinry niya ulit, palapit na ‘yung bola sa ring... kaso nasupalpal ulit ni Resshin.

Resshin: Sabi ko naman sa’yo, hindi kita hahayaang maka-shoot...

'Nakuha agad ulit ni Daren ‘yung bola, at tumakbo papalapit sa ring, sinundan siya ni Resshin.

Resshin: Ano’ng binabalak mong gawin!? Hindi mo ‘yan mashu-shoot!

Daren: Manahimik ka diyan.

'Tapos tumalon siya, alam ko na! Dahil hindi niya ma-shoot nang malayuan, susubukan niyang i-dunk! Tama ‘yang naisip mo, Daren!

Palapit na siya para i-dunk ‘yung bola, kaso tumalon si Resshin para i-block na naman ulit.

Then...

Nagulat ako dahil biglang bumaba si Daren, at tumalon ulit. "FAKE!!!"

Resshin: Ano???

Nakababa na si Resshin, hindi na niya napigilan si Daren nang muli nitong sinubukang i-dunk ‘yung bola.

*SWAK!*

Na-score ni Daren!

Louie and Mommy: YEEEHEEEEEYYY!!!

Daren: (to Resshin) *smirks* May sinasabi ka?

Resshin: (naiinis) . . .

'Nasira na ata ‘yung focus ni Resshin. Sumasablay na ‘yung mga shoot niya, nakakatakas na rin ‘yung mga bina-block niya. Hindi na siya makalaro ulit nang matino.

Sam: Ano kayang nangyari kay Resshin??

Louie: E-Ewan...

'Dahil siguro ‘yun sa pagka-score ni Daren...

Tuluy-tuloy na ‘yung pagkakaroon ng points ni Arvie at Daren, samantalang si Daddy na lang ang nakaka-score sa kabilang team. Teka, bumaliktad ata ‘yung sitwasyon?

.

.

.

Gano’n na nga natapos ‘yung laro.

Ang final scores?

Dar-Vie: 72

Resh-Dy: 60

'Hindi ata okay si Resshin dun...

Pinuntahan naming tatlo ‘yung players na pagod, nakita kong lumayo si Resshin at umalis...

Louie: Resshin!!! (hinahabol)

Resshin: . . .

Louie: Resshin, wait!!!

'Sinusundan ko siya, saan ba 'to pupunta? Nagulat ako at sumakay siya ng jeep, WHHAAT!? Balak ba nitong umuwi!?!?

Louie: MANONG! Pasakay nga!

'Sumakay naman ako sa isa sa mga tricycle dun.

Louie: Sundan niyo po ‘yung jeep na ‘yun!

Habang nakasakay, hindi ko inalis ‘yung tingin ko sa jeep, inaabangan ko ‘yung pagbaba ni Resshin.

Louie: (sa sarili) Ano ba’ng nangyayari sa’yo, Resshin? Hindi ka naman ganyan ah...

'Nakita ko siyang bumaba, pumara na rin ako sa tricycle at nagbayad.

Nasa park kami, doon rin sa park kung saan kami nagkita dati.

Louie: RESSHIIINN!!!

Resshin: H-Huh?

'Lumingon siya, nagulat siya at hanggang dito sinundan ko siya.

Resshin: Louie? Bakit ka nandito...?

Louie: BANO KA TALAGA, RESSHIN!!!

Resshin: ...

Louie: Pinagod mo 'ko kakahabol sa'yooo!

Resshin: ...Bakit mo 'ko sinundan?

Louie: Tinatanong pa ba ‘yun??

Resshin: HINDI MO BA ALAM KUNG BAKIT AKO UMALIS DUN!?!?

Louie: R-Resshin..?

(pause)

Resshin: Umalis ako dun dahil ayokong makita mo 'kong talunan! Tapos sinundan mo pa 'ko!? A-Ayoko ngang... makita mo 'tong pathetic state ko, eh...

Louie: Huh? Sino'ng nagsabing talunan ka??

Resshin: Ang galing ni Daren kanina 'no? Nakalagpas siya sa’kin kahit hindi siya marunong mag-basketball...

Louie: . . .

Resshin: Hindi lang siya naka-score sa ring... naka-score rin siya diyan.

Sabay turo niya sa dibdib ko.

Resshin: Diyan sa puso mo... chineer mo siya kanina 'di ba?

Louie: A-Ano ba’ng pinagsasabi mo diyan!?

Resshin: (ngumiti) Talo naman ako lagi kay Daren eh...

'Nagulat ako dahil bigla siyang bumagsak sa pagkakatayo niya!

Louie: RESSHIN!!!

'Tumakbo ako papunta sa kanya at hinawakan siya.

Louie: Resshin!!! Gumising ka! Ayos ka lang ba!!?

Resshin: Zzzzzzz...

'Pambihira! Natutulog lang pala 'tong asungot na to! >A<

Kahit hirap na hirap ay dinrag o hinila ko siya sa pinakamalapit na puno dito sa park. Para may masandalan siya. Tumabi ako sa kanya at sumandal rin sa puno. Sobrang napagod siguro siya sa laro... Sabagay, siya 'yung madalas na nagso-score noong first half...

Louie: Haay Resshin, pabigat ka talaga kahit kailan... (smiles)

'Tinake ko ‘yung chance para panoorin siyang matulog. Tinitigan ko siya.

Grabe... ang cute niya. Para siyang anghel na natutulog. Ang peaceful ng feeling.

Ang cute niya super! He's so adorable... Waaahh... paulit-ulit lang sinasabo ko!

Pero ang cute niya naman kasi talaga eh. >u<

Resshin: L-Loouiiee...

'Nag-blush ako nung narinig ko ‘yung pangalan ko.

Aba! Sleep talker pala 'tong si Asungot. Alam na alam niya talaga kung pa’no maging cute!

Resshin: A-Alam mmoo baa...

Louie: . . .

Resshin: M-Mahal naa mahaal ki–

'Tinakpan ko ‘yung bibig niya ng kamay ko, hindi ko ata kayang marinig ‘yung next na sasabihin niya...

.

.

.

Louie: Eeeeeeepppp!!! >O<

'Nagulat ako! Bigla kasing nag-lean sa balikat ko ‘yung ulo ni Resshin, pero tulog pa rin.

OKAY, It's time for my daily temperature check. Paghawak ko sa pisngi ko, ang init. I bet pulang pula na ‘yung mukha ko right now... Buti na lang 'di nakikita ni Resshin! =O__O=

'Binalik ko ‘yung tingin ko kay Resshin, natutulog pa rin... he is so cute, just like a puppy. :">

Resshin: L-Loouiee...

Louie: Y-Yes??

'This time, hinayaan ko na lang siya sa kung ano'ng sasabihin niya.

Resshin: T-Tumaataba ka naa...

'Napangiti naman ako bigla.

Louie: SHUT UP!

.

.

.

"...cute jerk."

'Hindi ako sure, pero parang naramdaman ko siyang ngumiti...

~TO BE CONTINUED.

xx

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.