**
(Author's Note: I don't know about you, but it's Chapter Twenty-Two~!
Yieee, kinanta niya!)
Well of True Cherries
Chapter 22
by irshwndy
Dahil hindi ko malaman ang gagawin ko, bigla kong iniwan si Resshin dun sa park nang tulog.
Tapos ngayong nandito na 'ko sa bahay, nagi-guilty ako nang husto. Waaaaahh!! Bakt ko nga ba ginawa ‘yun? TToTT
Hay nako, Louie! Hindi ka talaga nag-iisip! Padalos-dalos ka kasi. Ano nga ba’ng nangyari at nagawa mong iwan si Resshin mag-isa dun sa park? Pwera ba hindi ka mapakali? Naiilang ka ba? Hindi mo ba kayang pigilan ang sarili mo at baka kung ano'ng mgawa mo sa kanya habang tulog siya???
Louie: Siguro! Ewan! 'Di ko alaaam!!! >__<
'Nandito tuloy ako sa kwarto at nakasubsob na naman ang mukha ko sa unan.
*Krrrriiiiiiinnngg~!*
Louie: KUYAAA! Sagutin mo ‘yung phone!
Arvie: Nagpapahinga pa 'ko! Napagod ako sa laro kanina eh.
Louie: Mommy, si Kuya oh!!!
Mommy: Louie anak, ikaw na. Nagpapahinga ang kuya mo.
ABA! At kailan pa nagkaroon ng karapatan ang mga basketball players na ma-excuse dahil lang sa napagod sila sa laro?? It's unfair! Makapaglaro nga rin ng basketball!
Louie: *picks up* Hello??
???: Talaga bang wala kang utak!!??
Louie: Sorry, wrong number.
'Then binaba ko ‘yung phone. Sino naman ‘yung tangang ‘yun na tumawag? Bigla na lang nagsisisigaw hindi muna chinicheck kung tama ba ‘yung number -__-
*Krriiiiinnggg~!*
Louie: *picks up* Hello?
???: It's ME!!! Can't you recognize my voice??
Louie: Aba! Aba! Try mo kayang i-check kung tama ba ang tinatawagan mo? Hindi ko kasalanan kung NAKIPAG-BREAK ba sa’yo ang jowa mo o PINAGPALIT ka sa iba! 'Wag mong idamay ang iba sa problema moo!!! *toooooot*
'Binaba ko ulit ‘yung phone. Baliw na ata ‘yung tumatawag, siguro lasing na ewan ‘yun...
*Kriiiiinngg~!*
'Nakakaasar na ha, kapag siya pa ulit ‘yan!!!
Louie: Hello!? >_>#
???: It's me, DAREN!! Subukan mo pa ulit akong babaan, magsisisi ka!!!
*toooooot*
'So what? Binabaan ko ulit siya! Hahahaha!
Actually, kaya ko siya binabaan ay dahil napahiya ako. >__<;
*KKKrrriiiiinnnnnnnnggggg!!!!!!* (galit na ‘yung phone)
Louie: *picks up*
Daren: TIKMAN MO 'TONG SUNTOK KO!!!
Louie: Aaaaah!!! >o<
'Sabay iwas naman ako na parang naramdaman ko talaga ‘yung suntok niya through the phone.
Louie: Araaay! Masakit ha!
Daren: BALIW!!!
'Sumigaw siya pero parang narinig kong pinipgil niya ang tawa niya.
Louie: Ano ba kasi ang problema mo?
Daren: Nakita mo ba 'ko kanina? Nalagpasan ko si Resshin!
Louie: Oo na, so what?
Daren: ‘Yun na nga ‘yun eh! Ako 'yung panalo! Pero kay Resshin ka pumunta!
Louie: A-Ano naman! (nag-blush)
Daren: Louie, kung matalino ka, alam mong ang dapat pinupuntahan ay ‘yung nananalo!
Louie: SUS, ikaw lang nagsabi nyan!
Daren: WHAT!? Eh ‘di sana nagpatalo na lang ako!
'Nyikes, ano na namang pinagsasabi nito. Hindi pa fully-recovered 'yung puso ko ah.
Daren: Hmpff! Parang si Resshin pa tuloy 'yung nanalo! Hmpfff! >.>
'S-Si Daren ba talaga 'tong kausap ko...? For someone who acts so cool and mature, he's being weirdly childish right now... and it's kinda cute.
DarenL Basta! May pananagutan ka sa’kin!! Kaya bukas, 7:00 PM sa Black Cat Arcade.
Louie: Ayoko nga!
Daren: B-B-Basta!!! Kailangan mong pumunta!!
Louie: Eh sa ayoko nga eh!
Daren: HOY Louie, kailangan kong kunin 'yung prize ko!!!
Louie: I-I said I don't wanna go!
'Nag-stutter naman ako bigla dun sa sinabi niya.
Daren: Kapag hindi ka pumunta, hindi mo na ako makikita kahit kailan!
'Threat ba ‘yun!?
Louie: Then good! I won't go then.
Daren: Listen, may sasabihin ako sa’yo...
Louie: Ano ‘yun?
Daren: H-Hindi pwede ngayon... Bukas ko na lang sasabihin.
Louie: Ngayon na. N-O-W.
Daren: IKAW kasi may kasalanan nito eh! Kung hindi ka lang natanga at pumunta kay Resshin!!! Eh ‘di sana...
'Bigla namang nagbago ‘yung tono ng boses niya.
Louie: Ano na naman? Si Resshin na naman??
Daren: My original plan was to tell you if I beat Resshin... but my plan screwed up because of your stupid actions!
Louie: ???
Daren: Pinaghandaan kong talunin si Resshin para aminin ko na sa’yo ang–
Louie: Ang ano?
Daren: Basta!! >o<
Louie: Okay, fine.
Daren: Louie, listen... You HAVE to go. Please... for me.
'Hwaatt!!? Bagong word ‘yun ah! "Please"?? Marunong palang magsabi ng "Please" si Daren Mendoza!?
Louie: For you?? Bakit naman??
Daren: B-Basta! Isipin mo na lang ginawan mo 'ko ng malaking favor kapag pumunta ka!
*tooooot*
'Binaba niya agad ‘yung phone. Ano naman ‘yung aaminin niya?? At bakit siya nabubulol?
Weird...
*Krrriiiinnggg~!*
'Teka hindi na nagsawa 'tong Daren na 'to ah!
Louie: *picks up* WHAT!?
???: Waaaahh!! TTQTT Huhuhu..
'Nagulat ako at biglang may humahagulgol sa kabilang linya.
Louie: W-Wrong number po ata kayo...
'Nagpatuloy pa rin siya sa pag-iyak. -__-"
Louie: OKAY FINE, I'll listen to your problems kung sino ka man! Ano’ng nangyari?? Heartbroken ka ba? Nabasted?? Nakipag-break ba sa’yo jowa mo??? Kahit stranger ka pa pakikinggan ko, tumigil ka lang sa pag-nguwa mo diyan! =__=#
???: I-Iniwan ako ng girlfriend kong mag-isa sa park! Sinamantala niyang natutulog ako!
'Nag-blush ako nang hindi sinasadya.
WAIT, bakit naman ako magba-blush sa isang stranger???
Unless...
Louie: Hoy, Resshin! Iniwan kita dahil baka kung ano’ng isipin nang makakakita sa'tin!
Resshin: Wait lang, sabi ko iniwan ako ng girlfriend ko. Ibig sabihin inaamin mong ikaw ‘yung girlfriend ko? Hehehe.
Louie: Arrggh!! EWAN KO SA'YO!!!
*tooooooot*
'Binaba ko na ‘yung phone. Nonsense nang makipag-usap sa kanya.
*Kriiiiiinnngg~!*
Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko pa ‘yung phone.
*Kriiiiiinnngg~!*
Louie: Arrgghh! Okay! Okay!
Sinagot ko na dahil mas nakakarinding hayaan 'tong phone na umiyak.
Louie: *picks up* WHAT NOW!?!?
???: Pinapaalala ko lang sa’yo, SEVEN PM sa Black Cat, okay?
'Ooooh, si Daren pala.
Louie: Fine. Whatever bye. *sabay baba*
*Kriiiiinnnnggg~!*
Louie: *picks up* I said Fine!!! >o<#
???: Ano’ng "Fine"? Confirmation ba ‘yun? "Fine, girlfriend mo nga 'ko!" Gano’n ba ‘yun Louie?? Yeeeey! ^o^
'Si Resshin pala... =_=
Ano bang klaseng phone 'to?? Hindi ko alam kung 'yung mga tumatawag ba or itong phone mismo 'yung may topak!
Louie: . . .
Resshin: Hey, still there?
Louie: Sabihin mo nga sa’kin, nananaginip ba 'ko? Baliktad na ba ang mundo?
Resshin: Ano ba’ng pinagsasabi mo?
Louie: Ikaw ba talaga si Resshin? Magkaibang tao ba kayo ni Daren??? O nagpapalit anyo lang kayo?
Resshin: What? ‘Yung pusang ‘yun? You're out of your mind.
Louie: Tama ka. I'm really OUT of my mind... @_@
*toooooot*
'Binaba ko ‘yung phone at tinanggal ko na ‘yung saksak. Hindi naman na mpapansin nila Mommy ‘yun.
Saka I swear, kapag narinig ko pang mag-ring 'yang phone na ‘yan, sa trash can na nila ‘yan pupulutin. =__=
Right now, I just need a GOOD NIGHT'S REST.
**
That morning.
Arvie: Lulu, samahan mo 'ko.
Louie: Saan?
Arvie: Ngayon na kasi ang leave ni Aika sa hospital.
Louie: REALLY?? Sure sasama ako, maliligo lang ako.
'After kong maligo, pumunta na kami sa hospital. Sumakay kami ng elevator ni kuya, nasa bandang taas kasi ‘yung room ni Ate Aika.
Arvie: . . .
Louie: Oh bakit parang ninenerbyos ka?
Arvie: Syempre...
Louie: Wow! Saka ko lang napansin! Astig ‘yung porma mo ngayon ah. 'Di ba favorite t-shirt mo ‘yan?
Arvie: ‘Wag mo ngang hawakan! Lay your filthy fingers off my shirt! >O<
'Sabi niya habang pinapagpag ‘yung shirt niya. Hmph! Ang arte!
Louie: Blessing kaya ang touch ko!
'Then pinagpapahid ko ‘yung hands ko all over his shirt.
Arvie: (panay pagpag) Ano ba!? STOP IT!! >o<
Louie: Ganyan ka ba lagi kapag binibisita mo si Ate Aika? Todo porma??
Arvie: Iba ngayon, pupunta rin kasi ‘yung family ni Aika.
Louie: Ahhh..
Arvie: . . .
Louie: . . .
Arvie: . . .
Louie: Aaahhh!!!
Arvie: (ngulat) What now!?!
'Saka ko lang naalala! Kapatid nga pala ni Aika si Emma. Eh ‘di nandito rin siya!
Louie: S-Si Emma, kilala mo ba ‘yun?
Arvie: Emma who? I don't know her.
Louie: Little sis ni Aika, same age ko.
Arvie: May little sis si Aika?? Wow! For sure maganda ‘yun! At for sure mabait rin! Woooww, ang cute-cute niya siguro! Na-excite tuloy ako biglaa!! xD
Louie: Medyo obvious naman -_-"
Arvie: Tell me what she's like. Maputi? Matangkad? Ano??
Louie: You want me to tell you what she's like??
Arvie: Yup. *u*
Louie: Girlfriend siya ni Resshin. =__=
'Sabay bukas ng pintuan ng elevator.
Lumabas na 'ko, masyado atang nagulat ang kuya ko at hindi pa rin lumalabas ng elevator.
Louie: What's wrong? Parang napako na ata ‘yung paa mo diyan. Bilisan mo kaya!
'Pasara na ‘yung door then sabay takbo niya palabas.
Arvie: Girlfriend ni Resshin!?!?
Louie: Oo. Hindi ba nababanggit ni Resshin sa’yo?
Arvie: Hindi eh. Lagot sa’kin 'yang Resshin na ‘yan, may tinatago pala sa’kin ‘yan! Sabi niya sa’kin wala raw siyang bago!
Louie: ...T-Tara na, kuya!
'Hindi na 'ko nag-react sa last na sinabi niya pero syempre medyo slightly affected ako. O///O
Pagpasok namin sa loob, naandun si Emma at Aika.
Teka, bakit si Emma lang?? Akala ko ba family...?
Arvie: Good morning, I'm Arvie. Classmate ni Aika.
Emma: Good morning din, I'm Emma. Ikaw ba ang nag-aalaga sa ate ko habang wala ako?
Hmmm. Parang imposible naman na sa lahat ng times na bumibisita si Kuya, na halos araw-araw pa, ay hindi niya ever nami-meet si Emma o kahit sino sa family nila. Hindi ba nila binibisita si Aika???
Arvie: Hehe, oo ako nga.
Emma: Louie! Ikaw pala! Ano'ng ginagawa mo rito? K-Kilala mo si ate?
Louie: Oo, nagkita na kami dati, at kuya ko nga pala si Arvie. :)
'Hindi ako sure pero parang may bakas ng takot sa mukha ni Emma nung sinabi kong kilala ko si Aika.
Aika: Salamat sa pagbisita sa’kin. Uuwi na kami, gusto niyong sumama?
Emma: T-Tama si ate, sumama na kayo sa amin pag-uwi.
'Ngayon ko lang nakitang magkasama silang dalawa ng ate niya. Nakakasilaw ang beauty nila, in fairness.
Arvie: SUREEEE!!
'Talaga namang sabik na sabik ang kuya ko >.>
Louie: Ayos lang din sa’kin.
'Sumakay na kaming apat sa taxi, at hinatid na kami sa isang bahay.
Louie: Wooow, ang ganda ng bahay niyo! Ang laki!!!
'May naaalala akong bahay na parang ganito rin. Maganda at malaki... ‘yung kina Daren.
Arvie: Oo nga, parang kina...
'Hindi na tinuloy ni Kuya ‘yung sasabihin niya. Nagets ko na rin kasi baka awkward i-bring up 'yung pangalan ng boyfriend niya na hindi man lang siya sinundo sa last day niya sa hospital. Saka habang kasama niya si Aika, iniiwasan ni Kuya na banggitin si Daren.
Aika: Pasok na tayo.
'Pagkapasok namin sa loob, sinalubong kami ng mga naglalakihang mga ornaments at sosyaling mga paintings.
Louie and Arvie: WOOOOWW... *Q*
Emma: Tara Louie, sama ka sa’kin sa kwarto ko!
Louie: (to Arvie) Okay lang ba?
Arvie: Okay lang! ^u^
'Sa loob-loob ng kuya ko, sinasabi niyan sa’kin, "Tinatanong pa ba ‘yan!? Bilisan mo! Sumama ka na! Iwan mo na kaming dalawa ni Aika dito!"
Pumasok na kami sa loob ng room ni Emma, wow. Puro white.
Louie: Asan pala ang parents niyo?
'Ngumiti si Emma, para bang sanay na siya at hindi na bago sa kanya ‘yung tanong ko.
Emma: Parent lang. Madalas wala ang Mommy ko rito. Hindi na rin kasi siya dito nakatira.
Louie: Talaga? Bakit?
Emma: Matagal nang namatay ang Daddy namin, bata pa lang ako. Simula nun, subsob na si Mommy sa work. Wala na siyang inatupag kung hindi ang work niya. Pati sarili niyang mga anak, kinalimutan na niya...
'Nalungkot ako, sobrang kawawa naman pala sila. Mayaman nga sila, wala naman silang mga magulang.
Louie: S-Sorry to hear that...
Emma: Ano ka ba, ayos lang ‘yun.
'Lumapit siya at tumabi sa’kin. Nakaupo kasi ako sa kama niya.
Emma: I also have something to tell you.
Louie: A-Ano ‘yun...??
'Bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. Hindi ko alm kung bakit.
Emma: Napansin kong masyado ka atang nagiging close kay Resshin at Kuya Daren.
Louie: . . .
Emma: Baka kasi minsan nakakalimutan mo, parehas silang may girlfriend. :)
Louie: . . .
'Ouch ang sakit. Ang sakit... Hindi ko napigilan at sabay-sabay nang tumulo ang mga luha ko.
Noooo! Stop falling! Ayokong makita ni Emma na umiiyak ako! Pero it's too late, panay tulo na ng luha ko sa harap niya. Kahit pinapahiran ko sila, hindi pa rin tumitigil ang pagluha ko.
Nagulat ako dahil bigla niya 'kong niyakap.
Emma: It's better if you stay away from them...
*rriiiinng~!*riiiiinngg~!*
'Tumutunog ‘yung phone ko, tapos sinagot ko.
Louie: H-Hello..?
???: ANO ba!? Sabi mo pupunta ka! Bakit wala ka pa rin dito!?
'Na-recognize ko agad ‘yung boses niya, tumingin ako kay Emma. Nandito pa rin siya sa tabi ko at nakatingin rin sa’kin.
Louie: H-Hindi n-na ako m-makakapunta...
Daren: What do you mean!? Hindi pwedeng hindi ka pumunta! Sige kahit ma-late ka na, hihintayin na lang kita!
Louie: S-Sorry... H-Hindi talaga p-pwede...
'Umiiyak pa rin ako, pero tina-try kong pigilan.
Daren: Hindi nga pwedeng hindi ka pumunta!!! Louie, hindi pwedeng ipagpabukas 'to!
Louie: I'm r-really sorry...
'Sinasabi ko ‘yun habang panay pahid ng mga luha sa mukha ko..
Daren: Nasan ka ba!? Susunduin kita diyan!
Louie: NO!! No, you can't!
'Tumingin ulit ako kay Emma. Hindi niya naririnig ‘yung kausap ko, pero alam kong may idea siya kung sino.
Daren: Louie, you can't do this to me. Ngayon lang ako makikiusap sa’yo. Pinaghandaan ko 'tong araw na 'to, you can't ditch me!!
Louie: I'm so so sorry... Sorry.. S-Sorry.. Sorry.. Sorry...
'Panay bulong ko na lang sa kanya ng mga mahihinang "sorry"
Hanggang ngayon tumutulo pa rin ang mga luha ko..
Daren: Louie, umiiyak ka ba?
Louie: N-No!
Daren: Sinong may gawa niyan sa’yo!? Sino'ng nagpaiyak sa’yo!??
Louie: No!! Wala 'to! N-Nagkakamali ka lang ng akala...
Daren: Tell me who did that to you. I'm going to kill that person! Nasan ka ba kasi!?
*tooooot*
Naghang up na 'ko sa kanya. Pinatay ko na rin ‘yung cellphone ko dahil for sure tatawag at mangungulit ulit ‘yun.
Emma: Is there something wrong? Sino ‘yung kausap mo?
Louie: W-Wala ‘yun! Just some dumbass, hahaha! Tara balik na tayo kina Ate Aika! ^__^
Pagkababa namin, may nakahanda na palang pagkain.
Aika: Emma, Louie! Just in time! Nakahanda na ang dinner!
Arvie: Tumulong ako kay Aika sa pagluto niyan, kaya for sure masarap ‘yan!
Emma: Sige! Mukhang masarap nga!
Habang kumakain, panay kwentuhan nila. Habang ako, inaalala ko ‘yung mga sinabi ni Emma sa’kin, pati na rin ang pagtwag ni Daren.
(Daren) "Louie, listen... You HAVE to go.. please.. for me.."
(Emma) "It's better if you stay away from them..."
Aika: Louie, are you okay? Nagse-space out ka ata.
Arvie: Kanina ka pa nakatunganga. Hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo.
'Tinignan ko sila, lahat sila nag-aabang sa sagot ko.
Louie: I'm sorry, I have to go.
Nagpaalam ako at tumakbo palabas.
Sila: Louie!!!
Pagkalabas, sumakay ako sa unang tricycle na nakita ko.
Louie: Doon po sa Black Cat Arcade, pakibilisan manong.
Hindi ako sigurado kung tama ba ‘yung ginawa ko, pero naandito na 'ko ngayon and there's no turning back.
~TO BE CONTINUED.
xx