Well of True Cherries Chapter 23

Well of True Cherries

by: irshwndy

Chapter Twenty-Three

Pagkarating ko sa Black Cat panay hanap ko kay Daren. Hindi ko siya makita!

Wala siya sa mga rides

Wala sa barter area

Wala sa mga naglalaro ng Tekken

Wala sa mga sumasayaw ng DDR

Wala rito

Wala roon

OMG hindi ko siya makita!!!

I risked my life for this shizz! TAT

Parit-parito ako pero hindi ko pa rin siya makita. Umuwi na kaya siya? Pagtingin ko sa watch ko, it's 8:15 na pala. 7PM 'yung original na usapan namin.

Waaaahh.. Daren, nasan ka ba!?!? TAT

Nagulat ako, dahil biglang may nagtakip ng mga mata ko. Mula sa likod...

???: Guess who...

Tinanggal ko ‘yung kamay niya at humarap sa kanya.

Louie: Sorry, I'm late...

Daren: As usual, but still you came for me. :)

'Tapos ngumiti siya.

Umupo muna ako sa bench na malapit. Hingal na hingal ako, kanina pa kasi ako tumatakbo.

Daren: Ayos ka lang?

'Tumabi siya sa’kin.

Louie: A-Ayos lang... Ano ba kasi 'yang sasabihin mo?

Daren: Mamaya na, laro muna tayo.

Louie: Ngayon na!!! >A<

Daren: Gusto mong malaman?

Louie: Oo!

Daren: Kiss muna.

'Grrrrr... Dahil na rin siguro sa matinding pagod at adrenaline rush ko, pumutok na ‘yung ulo ko.

Louie: 'Di ba Daren galit ka sa’kin!? Remember!!? Tinatakot mo pa nga ako sa mga text at tawag eh! Akala ko ba galit ka sa’kin!!? Maghihiganti ka pa nga 'di ba!!?

'Ngumiti lang siya.

Daren: Oo.

Louie: Ehh bakit–

'Napatigil ako, ano nama'ng sasabihin ko? Bakit mo 'ko pinapa-fall in love??

Daren: Bakit ano?

'Biglang may idea na pumasok sa ulo ko.

Louie: Aha! Alam ko na! Alam ko na ‘yung plano mo!

Daren: Ha? -_-?

Louie: You plan to make me fall in love with you, and then sasaktan mo ako nang todo after o kaya pagsasamantalahan mo 'ko! ‘Yun ‘yung balak mong paghihiganti!!

Daren: Hmm... Hindi ko naisip ‘yun ah. Pero okay ah. Nice idea, I'll think about it..

'Tapos tumawa siya, ABA!

Louie: Pwes, hindi ka magtatagumpay! Because I won't... I'll NEVER fall in love with you!

'Medyo nanginig ata ‘yung boses ko nung snabi ko ‘yun. Parang nag-buckle 'yung lalamunan ko.

Daren: Pa’no kung...

Louie: Pa’no kung ano!?

Daren: Pa’no kung sabihin ko sa'yong, nagkagusto na 'ko sa’yo nung una pa lang kitang nakita sa Black Cat?

Louie: o__o

'Napipi ata ako at hindi ako nakasagot.

Daren: Alam mo ba kung pa’no kita unang nakita? Gabing gabi na nun, pauwi na sana ako pero bigla akong may narinig na umiiyak.

'Hinayaan ko na lang siyang magpatuloy at nakinig na lang ako sa kwento niya.

Daren: Nagmumukmok kang mag-isa sa sulok, nag-iiiyak. Para kang little girl na naiwan ng magulang niya, para kang batang nawawala.

'Okay, pagdiinan raw ba!? Ngumiti lang siya tapos nagpatuloy sa pagkwento.

Daren: Naaalala mo pa ba ‘yung naging conversation natin habang naglalaro tayo nun?

Louie: Laro?? More like gambling!

'Ngumiti ulit siya.

Daren: Ang daya mo naman Louie, ‘yung first part ng gabi, nung nakipag-break sa’yo si Resshin naaalala mo pa. Pero ‘yung second part ng gabi, nung magkasama tayo hindi mo na naaalala.

'Teka, oo nga tama siya dun. Hindi ko masyadong naaalala ‘yung nangyari.

Daren: Anyway, it's okay. Ipapaalala ko na lang...

*FLASHBACK*

Daren: Call me DG, I'm here to play backgammon with you, syempre may kasamang pera.

Louie: (Namamaga pa ‘yung mata at pulang pula ang ilong) W-W-Wala akong p-peraa.. *sniff*

Daren: Talaga? Eh ano pa'ng meron ka? ‘Yung pwede mong ibigay sa’kin kapag natalo kita.

Louie: W-Wala na 'kong m-mabibigay... W-Wala nang natitira sa’kin, kinuha na lahat ni R-Resshin...

Daren: Resshin?

Louie: (sudden mood change) $%^@ niya!!! Sabi niya maglalaro lang kami dito sa Black Cat, ‘yun pala makikipag-break na siya!!!

Darenn: O_O; (speechless)

Louie: ENGAGED na raw siya! What the F*! Walang gustong ma-engage sa asungot na ‘yun!! >XO

Daren: Eh bakit mo siya sinagot..?

Louie: K-Kasi... kasi kahit na papansin siya, mayabang, akala mo kung sino, mahangin, pa-importante, magulong kausap, walang sense, mahirap pakiusapan, 'di mo maintindihan, mahina maka-gets...

Daren: (Nakikinig)

Louie: ...mahal na mahal ko pa rin siya.

Daren: *rolls the dice* Tara maglaro na tayo.

Louie: Ayoko!!! >o<

Daren: Eh ano’ng gusto mong gawin?

Louie: KARAOKE! Magkaraoke tayo!

'At ayun, sinamahan ako ni Daren sa isang karaoke na nasa loob pa rin ng Black Cat Arcade.

Rinding rindi na ata si Daren, habang damang dama ko ‘yung kantang "If I Were A Boy" with matching tears effect at gestures pa.

Louie: *shouts* It's a little too laaatteee for yoouuu to cooommee baacck...!!!

Daren: Little girl, gabing gabi na. Baka gusto mo nang umuwi?

Louie: (sa mic pa rin) Hindi ako little girl. BIG girl na 'kooo!! My name is Maria Louisa Veronica Cayabyab, magse-second year high school sa Raven Wings Academy...

Daren: Oo na, whatever! Hindi tinatanong!

Louie: Nakatira sa 4th Street, Sunshine Village, Marikina City...

Daren: Teka, dun rin kami malapit nakatira ah.

Louie: Bunsong anak ni Veronica at Fernando Cayabyab...

Daren: Shut up! Kung anu-ano na sinasabi mo, hindi ka dapat basta-bastang nagbibigay ng information tungkol sa sarili mo sa mga hindi mo kilala! 'Di mo ba alam ‘yun..?

Louie: (Hindi nakikinig) SINGLE!!! Kani-kanina lang, thanks to John Resshin Sapalco...

Daren: Hays, there's no saving this girl...

Louie: At ang kulay ng suot kong underwear ngayon ay...

Daren: STOP IT ALREADY!!! Ihahatid na kita sa inyo! Jeez, ganito ba kayong mga babae kapag heartbroken!?

Louie: Ayokong umuwi, ayyookkoooooo! >A<

'Kinuha niya ‘yung mic na hawak ko at binalik sa lalagyanan.

Dahil ayaw kong umalis dun, kinarga niya 'ko bigla, ‘yung kargang nakapatiwarik ako sa likod niya at hawak niya ang mga binti ko. Naka"sampay" ako sa shoulder niya at halos mahulog na 'ko sa likod niya.

Louie: Ibaba mo akoooo!! >A<

'Pinaghahampas ko ‘yung likod niya at sinisipa sa ere ‘yung mga paa ko.

Daren: Saka na, sa inyo na kita ibababa..

Louie: Ayoko pang umuwi...

Daren: Kahit depressed na depressed ka ngayon, dapat iniisip mo rin ‘yung iba. Hindi ka ba nag-aalala sa mga magulang mo?

'Tama siya, baka hindi na mapakali ang mga magulang ko.

Louie: . . .

'At ayun, hinatid niya na nga ako hanggang sa’min. Naghihintay na pala sa labas ‘yung mommy at kuya ko, hindi na nagpakita sa kanila si Daren at umalis na agad.

Mommy: Louuiieeeee anak!! Saan ka nanggaling? Nag-alala kami ngan husto sa'yoo!

Arvie: Louie! Kanina pa kami hindi mapakali!

Louie: *sniff*sniff* Mooommmmyyy!!! TTOTT

*END OF FLASHBACK*

Daren: Ano? You still think I'm a bad guy?

Louie: . . .

Daren: Nung sinabi mo sa’kin noon na naaalala mo na ‘yung nangyari, nagulat ako dahil galit na galit ka sa’kin. Naisip ko na baka hindi mo naaalala lahat...

Louie: T-Tama ka. ‘Yung gambler part lang ‘yung naalala ko..

Daren: I can't blame you, masyado kang depressed nun kaya hindi na malinaw sa’yo ang mga nangyari. Aakalain ko ngang lasing ka, eh. Hahaha.

Louie: Pero ngayon alam ko na! Naging... naging super bait mo pala sa’kin nun...

'Hinawakan niya ‘yung ulo ko at ginulo ‘yung buhok ko.

Daren: Stupid little girl...

Nagulat ako... dahil bigla niya 'kong... kiniss sa lips.

Sandaling sandali lang at inalis niya rin agad.

Daren: That was nice...

'Tapos ngumiti siya.

Louie: *A*

Daren: Are you okay?

Louie: *A* . . .

Daren: Hey! Snap out of it!

'Nag-snap siya ng fingers sa harap ko, natauhan naman ako bigla.

Daren: Grabe ka Louie, you're so weak. Ang bilis lang nun ah. Pa’no kaya kapag ginawa ko pa ‘yung longer version?

'Tapos nagsmirk siya.

Louie: B-B-B-B-B-Bakit mo ginawa 'yuuuuuun??? ///>O<///

Daren: Ang daming tao dito sa arcade, kaya binilisan ko lang. Masuwerte ka nandito tayo. If we were somewhere else, I would have done more than that.

Louie: I HATE YOU!!!

Daren: You hate me?? But you're blushing. (sabay ngiti)

Daren: Hindi ko alam kung ano'ng papaniwalaan ko sa’yo Louie, your words... or your reactions?

Louie: >:"(

'Ngumiti siya.

Daren: Nagawa ko na rin sa wakas.

Louie: . . .

Daren: Gusto kita Louie. No, mahal kita. Mahal kita Louie.

Louie: H-Hindi kasi dapat eh... M-May girlfriend ka...

Daren: Hindi ko girlfriend ‘yung Aika na ‘yun. ‘Yung parents ko lang saka si Aika ang nagsasabi ng rubbish na ‘yun.

Louie: Haaay...

Daren: Once na makuha ko na ‘yung kailangan ko kay Emma, magagawa ko na kahit ano'ng gusto ko.

Louie: Eh bakit mo ba kasi inaaway si Emma? Pati si Lex at Resshin! Kahit ako noon...

Daren: Talagang galit ako kay Emma. Siya ang dahilan ng lahat ng 'to eh. Si Lex, nadamay lang ‘yun ni Emma. Pero hindi ako galit sa kanya, may kailangan lang ako sa kanya. Si Resshin... kasi sinaktan ka niya...

Louie: H-Ha?

Daren: Nasabi ko na ‘di ba? Una pa lang kitang nakilala noon, nagkaroon na 'ko ng feelings para sa’yo. At hindi ko matatanggap ‘yung ginawa ni Resshin sa’yo nung gabing ‘yun...

'Tapos yumuko siya.

Daren: Pero hindi ko rin makuhang magalit sa kanya nang sobra. Kasi medyo naiintindihan ko siya. We're on the same boat. Pero hindi niya pa alam ang lahat. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ‘yun. Kaya naman minsan naaawa rin ako sa kanya...

'Tapos tumingin siya sa’kin.

Daren: At ikaw naman Louie...

Louie: . . .

Daren: (sabay ngiti) That whole revenge thing was just a bluff. I just wanted to get closer to you. Kaya ako nagpanggap na galit na galit sa’yo, dahil I know I would get to know you better if I acted as an enemy.

'WHAAAAAAT!? WAIT LANG!

Louie: Kung anuman ang kailangan mo kay Lex, wala na ‘yun sa kanya! Binawi na ulit ni Emma sa kanya kaya tigilan mo na si Lex!

Daren: Yes, I figured that out already. Hindi ko na pinapakialaman si Lex ngayon.

Louie: Good then.

Daren: . . .

Louie: . . .

Daren: Want me to kiss you again?

*WAPAK!!*

'Talaga namang ang lakas ng suntok ko sa kanya. Ayun, tuluyan nga siyang nahulog sa kabilang side ng bench.

Daren: Ouch! Was that you who just hit me!?

Louie: Hahahaha! Bleeehh! >xP

Kanina hindi ako sure kung tama ba ‘yung ginawa ko na umalis kina Emma at pumunta kay Daren.

Ngayon alam ko na...

I did the right thing, and I'll never regret what I did.

~TO BE CONTINUED.

xx

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.