Chapter 6
Haaayy.. umagang kay panget.. Sunday nga pala ngayon... Naaalala ko kahapon gusto kong ikwento lahat sa mga kaibigan ko. Parang ayoko naman ikwento ‘yung tungkol dun
sa pagpapanggap namin na nanliligaw siya kunwari.
Habang naglalakad papunta sa school, napaisip naman ako. Ano naman kaya ang ginagawa ni Daren kina Emma at Lex... pati si Resshin? Ang alam ko galit din siya sa kanila.
Pero first of all, bakit nga ba kasi siya galit?!
DG.. DG.. DG.. ano ba’ng meron sa DG??
*BHAM!!*
Louie: Ay, DG!!!
???: Huh?
Louie: S-Sorry..
???: Bakit mo naman sinasabi ang nickname ng kuya ko?
Louie: Huh?
Kimmy: DG stands for "Daren Gil", Daren Gil Mendoza.
Louie: Kimmy! Hindi, kasi...
Kimmy: Ayyiieee! May crush ka sa kuya ko, 'no?
'Of course, not! Kung alam mo lang, galit ang kuya mo sa’kin! -__-;
Louie: 'Di ko nga alam name nun, eh! Buti pinaalala mo... Daren Gil pala siya.
Kimmy: Sige na. Alam ko namang may Resshin ka na.
Louie: ASANESS! Kay Emma na ‘yun!
Kimmy: Sige na! Lahat na itanggi mo na!
Louie: T-Totoo naman eh.
Sabay na lang kaming pumasok sa school. Dahil mas bungad ang Calypso sa Harpalyke,
nauna akong pumasok at nagpaalam na lang kay Kimmy.
Nako, ang panget ng view. May lalaking kumukulit na naman kay Sam.
Nasabi ko na ‘di ba? Maganda ‘yang si best friend at maraming naghahabol sa kanya.
Lalake: Ano? Payag ka?
Sam: Sabi ko ‘di nga eh.. =_=#
Lalake: Please naman..
Louie: Ano ba’ng kinukulit mo? Ayaw nga ni Sammy, eh!
'Umalis na ‘yung lalake.
Sam: Thanks, best friend!
Louie: Ano ba ‘yung kinukulit nung isang ‘yun?
Sam: Na maka-partner ko raw siya mamaya sa long test.
Louie: Huh?
Sam: As usual, ‘di mo alam. 'Yung long test na gaganapin mamaya ay by pairs.
Louie: Tara! Tayo na mag-partner!
Sam: Hindi, kailangan boy and girl eh.
Louie: Gano’n? 'Di ko tuloy malaman kung bakit gusto kang maka-partner nung guy.. dahil ba maganda ka? o dahil matalino ka? Hehehehe...
Sam: Haaayy nakuu..
Louie: May partner ka na? Pilian ba raw?
Sam: May partner nako, at oo pilian nga.
Louie: Gano’n ba?
Sam: *smiles* Pagkakaalam ko wala pang partner si Resshin.
'Umiral na naman sa panunukso itong si Sam!
Louie: Para kang si Kimmy! Ang kulit mo rin, ihh. Kay Emma na nga ‘yun!
Sam: K fine... pero sino namang partner mo?
Louie: Syempre mamimili ako ng matalino. Sayang ‘di natin classmate si Lex!
Iniba ko ‘yung usapan at kinuwento ko sa kanya ‘yung tungkol kay Daren... at dahil best friend ko siya, kinuwento ko LAHAT.
Yup, pati ‘yung tungkol sa pagpapanggap namin sa nanay ko.
Sam: (O.o) ...
Louie: Ano? Natameme ka diyan?
Sam: Ahh.. ang weird niyo..
Louie: Siya lang! Ang weird niya talaga..
Sam: Hindi, ikaw rin..
Louie: At bakit naman?
Sam: Galit ka sa kanya pero para ba’ng may gusto ka s akanya kung umarte ka!
Louie: Wala akong gusto run! Nagwagwapuhan lang ako at nababanguhan lang ako..
Sam: Ayun na nga! Ano ba tawag mo diyan!? Hindi ba 'yan may gusto?? -__-;
'Haist. I'm just a young lady with a marupok heart! ToT
Habang nagle-lesson sa Biology, nakatulog ako kasi ang boring talaga. Babawi na lang ako sa pag-rereview... zzzz... At ayun, nakatulog nga ang bida...
*PANAGINIP*
Louie: Nasaan ako?
Resshin: May kailangan akong mahalin at hindi ikaw ‘yun.
'Teka?? Andito ako sa Black Cat Arcade... kasama si Resshin. At ito ‘yung moment na nag-break kami.
Louie: Resshin? Ano'ng meron?
Resshin: Mahal pa rin kita.. pero I'm engaged to someone...
???: And that's me.
'Biglang lumabas si Daren
Louie: What!? O_O;
'Naglaho naman bigla si Resshin.
Daren: Call me DG. I'm here to play poker with you. Syempre may kasamang pera.
Louie: H-Ha?? Eh 'di ba illegal ‘yun 'pag may perang involved!?
'Biglang lumabas si Emma na hinahabol si Kimmy.
Emma: Ikaw ba si Black Cat?!?
Kimmy: Hindi!!!
???: Ako si Black Cat.
'Naglaho na ang buong eksena at kaharap ko ngayon si Marko.
Louie: What did you say?
Marko: Ako si Black Cat...
'At bigla siyang naging pusang itim
Marko: Meeoowww..
???: Miss Cayabyab?
Louie: Meow..
???: Miss Cayabyab?
Louie: Meow..?
Teacher: MISS CAYABYAB!!!
Louie: Ay, pusa!!! O_o;
'Talagang nagulat naman ako dun! Nahuli pala ako ni ma'am na natutulog sa klase niya. At nakatingin sa akin ang buong klase ngayon. Magulo 'yung buhok ko at may laway pa 'ko.
Classmates: Ahahahahahahaha!!!
Sam: (bulong) Louie, sabihin mo "Alkaline"
Louie: Huh??
Teacher: I'm asking you the answer to my question... at ang sagot mo ay "Meow"?
Louie: No, ma'am.. It's Alkaline.
Teacher: Hmph. Okay then. Please pay more attention to the class, Miss Cayabyab.
'Whooo! Thank goodness!
Louie: (pabulong) Salamat talaga best friend! TToTT
Sam: Any time!
'Haayy... ang gulo naman ng panaginip ko. As usual, ‘yung mga napapanaginipan ko ay tungkol lagi sa mga bagay na nangyari na. Katulad na lang nung nag-break kami ni Resshin. Pero bihira lang ang mga weird na panaginip tulad nung ngayon.
Pero teka, parang may nalaman ako doon sa panaginip ko kanina.
Isang maliit pero mahalagang pangyayari. Hmmm...?
Louie: Hindi ko na maalala ‘yung panaginip ko... Hamo na! =__=;
xx
Marami pa pala akong katanungan na kailangang mahanap ang mga sagot. Tulad ng kung ano ang meron kay Daren, kung bakit bigla na lang na-engage si Resshin at Emma, kung galit man si Daren sa’kin dahil sa Black Cat, bakit naman kaya siya galit kay Emma at kay Lex? At si Marko? Ano'ng meron kay Marko at bakit ang gwapo niya?
Nung break, nagkita kaming apat na girls: Si Sam, Kimmy, Emma, and yours truly.
Sabay-sabay kasi kaming kakain ngayon. Saka ko naisip, this is the time. Kailangan ko nang sabihin na ang kuya ni Kimmy ay si Black Cat. Ano naman kaya ang magiging reaksyon ni Kimmy?
Louie: Everyone, I have an announcement to make.
Kimmy: Meron ka ngayon, 'no?
Sam: I think you have to listen carefully, Kimmy...
Kimmy: Huh?
Louie: Kimmy... ‘yung brother mo... balak niyang maghiganti sa’min nila Emma.
Emma: So... siya si Black Cat???
'Tumango na lang ako.
Sam: Pati ako nagulat.
Kimmy: ...narinig ko na ‘yung tungkol kay Black Cat mula kay Em.
Emma: Kimmy...
Kimmy: Pero... I don't get it. Bakit naman magagalit ang kuya ko sa inyo?
Louie: Tanungin mo ang kuya mo, para na rin sa’min nila Emma.
Emma: Tama si Louie.
Sam: Kimmy...
Kimmy: Kung sabagay, nakakagulat ‘yung kuya ko dahil bigla na lang niynga hinihingi ‘yung mga cell numbers niyo.
xx
Babalik na sana kami ni Sam sa room kaya lang pinatawag raw siya sa faculty. Iba na talaga 'pag matalino! Kaya mag-isa lang akong bumalik sa room. Sila Kimmy at Emma kasi ay kanina pa nakabalik ng room nila.
'Pagkabalik ko sa room, nandoon si Resshin sa upuan ko.
Louie: Oy, shoo! shoo!
Resshin: Ha? (sabay tingin sa kanan at kaliwa)
Resshin: Ako ba kausap mo?
Louie: Sino pa ba? SHOO!!!
Resshin: Wait lang... matutulog lang ako nang isang oras...
Louie: Hoy, Resshin! Kung gusto mo dun ka na lang sa upuan mo matulog!
Resshin: Eh ‘di doon ka na lang umupo muna...
Louie: Ayoko nga!
Resshin: Zzzzzzzzz..
Louie: Leche ka...
Resshin: Ha?
Louie: WALA! Sabi ko sweet dreams!
Resshin: Salamats... Zzzzzzz...
'Pang-asar! Pero oks lang.. kasi ‘yung upuan niya ay ‘yung dream seat ko. Sa dulo, sa may bintana. Para marami akong mapapanood, at the same time hindi pa pansinin ng teacher.
Pag-upo ko, nagulat naman ako dahil may nakaipit na letter dun sa may gilid. Hmmm... ano pa ba'ng gagawin ko? Eh ‘di basahin... syempre isa akong chismosang froglet. Hehehehe...
Nakasulat doon:
"Lulu, pwede ba kitang maka-partner sa long test mamaya?"
'A-Ano naman ‘yun? Napatingin naman ako sa may upuan ko kung nasan si Resshin. Nahuli ko siyang nakatingin sa’kin, pero bumalik din kunwari sa pagtulog. Palusot pa 'to nahuli na nga!
Nagsulat naman ako sa isa pang paper at cinrumple ko ‘yun. Tapos binato ko sa kanya, tumama sa ulo! Nice one! Three points!
Nakita kong binabasa niya ‘yung nakasulat:
"Magaling ka naman ba sa math? Syempre may mga qualifications ako."
Nagsulat siya at binato pabalik sa’kin, pagbasa ko:
"Magaling akong manghula at mamili sa choices. Ano? Pasado na ba ako? :D"
Ang tanga ko naman dahil hindi ko na-gets agad ‘yun. Kaya eto nagbato ulit ako sa kanya ng papel na nakasulat:
"Pasado saan???"
Natawa lang siya at nagsulat sa papel, tapos binato niya sa'kin ulit:
"Kung pasado ako sa qualifications mong maging partner! Bakit? Ano na naman ba’ng iniisip mo? :P Pasado sa pagiging boyfriend? Well, willing naman akong mag-take ulit..."
Kakatapos ko pa lang basahin nang biglang may tumama sa ulo ko na isa pang crumpled paper. Pagbuklat ko:
"Joke lang. Baka hindi ka na naman mapakali nyan... hehe."
Aba! A-Ano naman ‘yun? Asaness masyado 'tong asungot na 'to! Lahat na ata ng dugo ko sa katawan ay umakyat. Sobrang nag-init 'yung mukha ko at sumigaw na lang ako nang malakas na:
"ASA!!!" >A<
At maraming nagtinginan sa'kin dahil bigla akong humiyaw kahit walang kausap.
Nakita kong nakangiti ang mga mata ni Resshin na nakasilip sa'kin habang nagkukunwari siyang tulog.
.
.
.
Sa sobrang hiya ay natulog na lang rin ako kunwari...
**
Sa laking tuwa ko ay na-postpone ‘yung long test sa algebra dahil may diarrhea ‘yung teacher.
During the break, napagkatuwaan ng mga classmate ko ‘yung baby pic ni Resshin. Ang cute cute niya raw. ‘Di naman ako nag-abala at nakitingin... ayoko nga!
Pero minsan natutukso ako kasi...
...sabi nga nila, "cute" daw.
Sam: Tignan mo Louie, ang liit pa niya oh!
'Iniwas ko na lang ‘yung mata ko. >_>
Classmate A: Oo nga! Ilang taon ka nito?
Resshin: One year old.
Classmate B: Mukha kang matino nung baby ka pa!
Resshin: Hahaha!
Classmate C: Tignan mo ‘yung dimples niya oh...
'Blah blah blah blah! Naririndi ata ako. Puro cute at dimples na lang ang naririnig ko.
Bwiset. -__-#
Nung nakauwi na 'ko sa bahay namin, normal naman ang lahat. Hindi ko alam na may panganib pala na nag-aabang.
Matutulog na sana ako, kaso...
Arvie: LOOOUUUIIIIEEEEEE!!!!!
'Nakakabingi naman ‘yun!
Louie: Bakit!? Natutulog na 'ko!
Arvie: Ano 'to?
Wtf...
‘Yung BABY PICTURE NI RESSHIN...
nasa bag ko!
At hawak-hawak ni Kuya Arvie!
Louie: WAAAAAAHHHHHH!!!!! Ano ‘yan!?
'Bwiset! Bwiset! Bwiset to the 100th power!
Arvie: ‘Wag k nang mag-deny! Si Resshin 'to alam ko!
Louie: P-Pa’no ‘yan napunta diyan!?
'Kinupit ko agad sa kuya ko ‘yung picture at tinignan.
No doubt. Ito nga ‘yung pinagkakaguluhan nila kanina.
'Oo nga, ang cute niya! *o*
Kumakain siya ng isang pirasong ubas...
Ang cuuuttttteeeee!
Arvie: Kayo na ulit?
Louie: HINDI!!!
Arvie: Eh bakit–
Louie: Malay ko!
Arvie: Pero¬–
Louie: Nakakainisssss! Sinong naglagay niyan diyan?
'Hindi naman ako nag-isip pa at pumunta sa phone para tawagan si Asungot.
Arvie: 'Di man lang ako pinagsalita... T-T
*Riiiiing*
???: Hello? Sino po ang kailangan niyo?
Louie: BAKIT ANDITO 'TO!?
???: Sino po ang kailangan nila?
Louie: EH 'DI IKAW!!!
???: Kung si Resshin po ang kailangan niyo tatawagin ko po siya...
'H-Huh? Hindi ba si Resshin ‘tong kausap ko? =O_O=
Louie: Hooooy! Ano'ng akala mo?! Alam kong ikaw ‘yan!
Resshin: Hahahaha! Oo ako 'to. Pa'no mo nalaman?
Louie: Sa boses mo malamang!
Resshin: Ayiiieee... Kabisado niya pa rin 'yung boses ko hihi =^o^=
Louie: PWEDE BA!? Bakit nandito ‘yung baby pic mo?
Resshin: What, Louie? Ninakaw mo? Ikaw ah. Pwede mo namang hingin, ibibigay ko naman kung talagang gusto mo.
Louie: Bwiset!
Resshin: Haha, oo na ako na naglagay sa bag mo.
Louie: At bakit naman, aber!?
Resshin: Trip ko lang. ^u^
Louie: Nakakabwiset ka talaga!
Resshin: Alam ko naman kasing hindi mo nasilip at nawalan ka ng chance na makita ‘yan kanina.
Louie: Hah?
Resshin: At least solong solo mo na ‘yan ngayon...
Louie: Solong solo mo face mo!
Resshin: Ahahaha... eh ‘di ibalik mo na lang bukas.
Louie: Talagang ibabalik ko 'to!
'Ang lakas niya namang mangtrip! Pero... deep inside, nakakatuwa rin. Hehehehe.
Matagal nang hindi kami pero itong kakulitan ni Resshin ang nagustuhan ko sa kanya. Hanggang ngayon, alam na alam niya pa rin kung paano ako pakiligin.
Dahil dun, nakatulog ako agad sa sobrang pagod kakasigaw sa phone.
Banu talaga si Resshin, kaya ko nga siya minahal eh!
~TO BE CONTINUED.
xx