Chapter Seven
Naliligo ako one time habang kumakain ang kuya at mommy ko.
Naririnig ko naman ‘yung pinag-uusapan nila mula sa banyo.
Mommy: Hoy, Arvie! Alam mo na bang may nanliligaw na sa kapatid mo?
Arvie: Ows? 'Di nga?
'Ang kapal talaga ng face ng kuya ko. -_-#
Mommy: Oo... Daren ang pangalan.
Arvie: Gano’n ba? Ooooh, kapangalan niya ‘yung classmate ko.
'Ano raaaw!? Nyek! Teka! 'Di kaya...
Mommy: Ah, oo nga pala! Kasing edad mo pala siya!
Arvie: (nasamid) *Cough**Cough* K-Kasing edad k-ko!??
Mommy: Oo, matangkad nga siya eh. Tapos ang gwapo! Hehe
Arvie: SIYA BA SI DAREN MENDOZA!!??
Louie: Arrraaaayyy!!!
'Nadulas pa 'ko rito sa banyo! My pwet hurts huhu.
Narinig nila mommy at kuya 'yung paghiyaw ko.
Mommy: Nakikinig ka ba, Louie?
Arvie: Siya nga ba, Louie!?
'Biruin mo nga naman ang pagkakataon. Nagulat ako dahil kasing tanda niya kuya ko, pero 'di ko naman inaasahan na magkaklase pa sila!
Louie: Hah? A-Ano...
Arvie: Nanliligaw ba sa’yo si Daren Mendoza!?
'Ano ba 'yan. Ang lakas ng hiyaw niya. Tila galit na galit yata ‘yun.
Louie: Oo...
'Eh ano pa ba’ng dapat kong isagot?
Arvie: Tsk! Bwiset naman oh! Basted na siya, ha! >_>#
Mommy: Ano ka ba, Arvie!
Arvie: Eh ang sama-sama kaya nun! Kaaway ko ‘yun! Mayabang siya! EPAL siya! Grrr!
'Naku. Mukhang 'di pala sila magkasundo ni kuya.
Louie: B-Baka naman ikaw ‘yung may problema!
'Di ko alam bakit pinagtanggol ko si Daren. =_=;
Mommy: Oo nga, ang bait niya kaya niya sa'kin nun. ^o^
Arvie: Aba! Bakit parang siya 'yung kapamilya niyo at mas kinakampihan niyo pa siya!? ToT
'Lumabas na ako dun sa banyo.
Arvie: At ano namang ginawa mo Louie at nagustuhan ka nun?
Louie: Kasi maganda ako, Che!
'At pumunta na 'ko sa kwarto ko para magbihis.
Pagkabihis, tinext ko agad si Daren dahil dun sa nalaman ko.
'Di ko pa rin pinapalitan ‘yung pangalan niya sa phone ko kahit alam ko na kung sino siya. Black Cat pa rin ang nakalagay.
Louie: Classmate mo pala kuya ko!?
Black Cat: Sino ba kuya mo?
Louie: Si... Arvie...
Black Cat: LOL! Talagang magkapatid nga kayo.
'Aba! Nakaka-insulto na ng lahi 'tong bwiset na 'to, ah.
Black Cat: Hindi na nakakapagtaka. LOL.
Louie: Ewan ko sa’yo!
Black Cat: Haha btw, sinabi mo na pala kay Kimmy?
Louie: Oo. Bakit ba? Care mo?
Black Cat: Akala mo ba mapapatigil mo 'ko 'pag pinakiusapan mo si Kimmy?
Louie: 'Di na kailangan 'no! Sinabi ko lang na tanungin niya sa’yo kung bakit ka galit. As if naman.
Black Cat: Gusto mo ba talagang malaman?
Louie: MALAMANG! Naka-ilang tanong na ba ako sa'yo niyan? Hindi ako unli, ha!
Black Cat: Haha! Eh ‘di magkita tayo sa Black Cat Arcade para magkaalaman na. Ngayon din.
Louie: Demanding ka naman masyado. Pero game.
Nagpaalam ako, ‘di ko sinabing makikipagkita ako kay Daren. Baka sumama pa kuya ko.
Naku naman... andito na naman ako sa napakakontrobersyal na lugar na 'to.
Daren: Hey!
'Nakita ko siya na kumakaway sa’kin. Parang ‘di kami magkaaway ah. =_=
Louie: Hoy!
'Lumapit na 'ko sa kanya. Andito kami sa entrance ng nasabing lugar.
Daren: Tara laro muna tayo.
Louie: Geh na nga. ‘Wag kang iiyak 'pag natalo ka, ah!
'Baka habang nasa loob, maalala ko na kung sino ba talaga siya.
Naglaro kami ng Marvel vs. Capcom sa video games. Unang pinili niya ay si Ibuki, eh babae ‘yun ah! Ako naman etong si gaya-gaya kaya pinili ko ay lalake. Syempre ‘yung crush ko na, si Strider Hiryu, hohoho!
Lagi kaming pantay sa scores. Natatalo ko siya pero natatalo niya rin ako.
Louie: Alam mo napansin ko? 'Di ka naman pala dapat katakutan.
Daren: Alam mo napansin ko? Mas lalo ka palang dapat kainisan.
Daren and Louie: Hmph! Ewan ko sa’yo!
Daren: Tara, dun naman tayo sa DDR! (Dance Dance Revolution)
Louie: H-Hah!?
Daren: Sige na.
'Pinili ba naman niya ‘yung pinakamaraming paa, pinanood tuloy kami ng maraming tao.
At ayun, nagsimula nang tumugtog. Sabay na sabay ang mga kilos namin, parang pinanganak talaga kami para kalabanin ang isa't isa.
Nanonood no. 1: Ang galing nila, oh!
Nanonood no. 37: Sabay na sabay sila! Ang saya tignan.
Nanonood no. 18: Wow! Pwede silang mag-viral!
'Sumunod ay naglaro kami dun sa Drum Mania, as usual tie kami.
Sabay na sabay ang bawat pagpalo at paghampas namin. Marami ulit ang nagtipon para manood.
Ang dami na naming naiipon na ticket.
Daren: Tara, dun tayo sa claw machine, sa kuhanan ng stuffed toys.
Louie: Ayyy, dun lang ako mahina eh. Hehe.
Daren: Gano’n ba? Tara panoorin mo 'ko para ma-elibs ka.
'Medyo kinilig ako nang slight dun, mga 2 heartbeats.
Daren: Ano'ng gusto mo?
Louie: 'Yun ‘yung gusto ko, si Pikachu!
Daren: 'Yun lang ba? Ang dali naman.
Louie: Ang yabang mo!
'Nagsimula na siyang maghulog ng token at pinagalaw na ‘yung malaking claw na kamay.
Habang nakikipagsapalaran siya ay sigaw naman ako nang sigaw. Chinicheer ko siya.
Louie: Go Daren! Go Daren! Kaya mo ‘yan!
'At ayun, tapos na...
Daren: P-Pasensya na ha... pero ok lang naman ‘yan, eh. >_>;
'May nakuha naman siya. Kaso nga lang hindi si Pikachu...
...si Kokey.
Daren: Hehe, ayos na ‘yan!
Louie: Hmph. Kala ko pa naman magaling ka.
Daren: Naaawa kasi ako kay Kokey eh, parang gustong magpakuha. Wala raw kasing pumapansin sa kanya.
Louie: Hay naku! Palusot pa 'tong mokong na 'to.
'Inabot niya sa’kin si Kokey at pinindot ‘yung tiyan: Kurekurekureku!
Louie and Daren: Ahahahaha!! XD
Louie: Pero... bakit mo inaabot sa’kin 'to?
Daren: Sa’yo na lang, remembrance.
'Pagkatpos nun ay sumakay kami sa mga rides tulad ng mini roller coaster, bump
car at horror train. Nung nasa roller coaster kami ay sigaw ako nang sigaw sa takot habang si Daren naman ay sigaw nang sigaw sa tuwa.
Sa bump car naman ay lagi kaming na-sa-stuck sa mga corner. Naubos nga halos ‘yung oras namin sa kaka-bwelo.
Tapos sa horror train naman ay kinukulit niya ‘yung mga multo at natatawa na lang ako.
'Overall, ang saya niya palang kasama. Parang date nga lang, eh. Akala siguro ng mga nakakakita sa'min ay magjowa kami. Who would think that we're actually enemies?
Everything was going fine naman nang biglang nagsalita si Daren.
Daren: Naaalala mo na ba?
Louie: Hindi pa rin...
Daren: Gano’n ba?
Louie: Sabihin mo na kasi!
'Iniba niya namang bigla ‘yung usapan.
Daren: Ang dami na pala nating ticket. Ang galing natin kasing parehas, eh. Anong balak mong ipalit na item?
'Tapos hinatak niya ako dun sa barter area.
Louie: 'Yung unan na Marvin the Martian na lang kaya? Para sa’yo naman kasi meron na 'kong Kokey.
Daren: Hindi, gusto ko ‘yung meron tayong parehas. Kasi parehas natin 'tong pinaghirapan.
'Meron kaming nakitang bracelets. 12 tickets kada isa, pwedeng pwede naming kunin kasi halos mga 1k+ ata ang naipon naming tickets. Kami pa? Eh hari at reyna ata kami ng arcade. Tapos not to mention dito pa sa Black Cat. Kung saan ay madalas kami.
'Di namin pinili ‘yung bracelets dahil na-chicheapan daw si Daren. Ang yaman daw kasi namin tapos mumurahin lang ang kukunin. Ang yabang talaga niya. =__=;
Daren: Eh iyong damit kaya? Tig-isa tayo.
Louie: Maganda ‘yung lagi nating dala-dala para¬–
'Bigla naman akong natigilan dun sa dapat kong sabihin. Ang sasabihin ko sana ay para lagi nating maalala ‘yung araw na 'to. Pero sino naman ako? 'Di naman kami magjowa. 'Di rin naman kami friends... magkaaway pa nga kami, eh.
Daren: 'Yung ballpen na lang na malaki.
'Tapos tinuro niya. 100 tickets kada isa.. eh ang ganda ganda naman kasi, eh. Tapos sosyalin pa at ang ganda rin ng tinta. Kaya naman ‘yun ‘yung binili namin, tig-isa kami. Parehas ng klase ng ballpen pero magkaiba ang kulay. Black sa kanya at White naman sa’kin.
Daren: Medyo malalim na pala ang gabi, uwi na tayo.
Louie: P-pero...
'Something struck my mind.
Daren: Ayaw mo pa? Gusto mo pa 'kong makasama?
'Tapos ngumiti na lang siya.
Daren: Kung gusto mo talaga ay dun ka matulog sa’min.
'Sinabi niya nang may kasabay pang kindat.
Pero hindi na nakakatuwa dahil...
Louie: 'Di ko pa rin nalalaman! Nakipagkita ako sa’yo para malaman kung bakit ka galit.
Daren: Louie...
Louie: Pero wala pa rin! Okay fine, nag-enjoy nga ako. Pero...
Daren: ...
'Matagal na katahimikan ang namagitan sa'ming dalawa.
Hindi rin naman kami makatingin sa isa't isa.
Para bang ang saya-saya namin kanina pero saka lang namin naalala, magkaaway nga pala kami? Minsan talaga ay nakakalimutan namin parehas ‘yun. Kaya ngayon ay speechless kaming parehas. Ang tanging umistorbo lang dun sa katahimikan na ‘yun ay isang munting boses:
*Kurekurekureku...*
Naipit ‘yung tyan ni Kokey. Ang higpit pala kasi ng pagkakahawak ko.
'Natawa na lang kaming dalawa, sino ba naman ang hindi? Ang seryoso namin tapos biglang humirit itong si Pinyoko.
Daren: I'm not yet ready pa kasi. Saka gusto ko ay ikaw mismo ang maka-discover kung bakit.
Louie: Okay, I understand.
'Di niya pa rin inaalis ‘yung pagkatitig niya sa’kin. Aba! 'Di niya ba alam na nakakailang ‘yun?
Then lumapit siya ng mga isang hakbang.
Daren: After all, you're still a kid.
'Nakakabigla naman talaga... kasi... after that...
...we hugged each other.
Hindi ako at hindi rin naman siya ang nagsimula ng unang galaw. Sabay kaming nagyakap na para bang nagkakaintindihan kami. Ewan ko ba kung ano'ng meaning ng hug na 'to. Pero ang sarap sa pakiramdam, para bang pinagkakatiwala ko ang buhay ko dito sa kayakap ko...
Dito sa kaaway ko...
~TO BE CONTINUED.
xx