Chapter Eight
'Hinatid niya ako kaso hanggang sa pinto lang naman. Ayaw niya kasing magpakita sa kuya ko, nasabi ko kasing andito siya. Buti na lang ay nung nandito siya sa bahay noon ay mommy ko ang nakakita sa’min. Ano kaya'ng mangyayari kapag ‘yung kuya ko ang nakaabot sa'min nun? =__=;
'Pinaglalaruan ng kuya ko si Kokey, tuwang tuwa dahil mukha raw talagang alien. Eh abnormal pala 'to eh, alien naman talaga kasi si Kokey. Para siyang bata. Hindi ko lang masabi-sabi na galing kay Daren ‘yung manika at baka kung ano pa ang magawa niya sa kawawang Kokey.
Kinuha ko na si Kokey at katabi kong matulog. Haaaayyy what a tiring day.
Pasukan na naman, gamit ko ‘yung ballpen galing sa arcade. May naka-drawing na black cat, ang ganda nga eh. Habang nakatingin ako dun sa ballpen, ‘di ako makapaniwala... sino ba naman ang mag-aakala na magiging close ako kay Black Cat!?
'Eh ang weird-weird naman kasi ni Daren, ‘no. Gets niyo naman ako 'di ba? Kinamumuhian niya ako pero minsan eh parang totoong nanliligaw siya... Ang gulo niya! >_<;
Louie: Hindi ko pa rin maalala... kung sino si DG...
'Napapapikit ‘yung mga mata ko.
Zzzzzzzzzzz.....................
'Nakatulog na naman ako sa klase, haaaayyy...
???: Hi, miss.
'Nandito ulit ako sa arcade, at suot-suot ko ‘yung damit na suot ko kagabi nung magkita kami ni Daren. I'm sure, nananaginip na naman ako.
Louie: Sino ka?
???: Call me DG. I'm here to play poker with you. Syempre may kasamang pera.
Louie: H-Ha?? Eh 'di ba illegal ‘yun?
'I remember, kaka-breakup lang namin ni Resshin. Umalis ako dito s Black Cat at naglibot-libot sa labas. Nagtago ako at hinintay makasakay si Resshin paalis. Ayoko pang umuwi, kaya bumalik ako sa loob ng arcade.
'Dito ako ngayon naglabas ng lahat ng sama ng loob. Iyak ako nang iyak. Wala na rin namang masyadong tao sa Black Cat dahil gabing gabi na. Isa pa ay nasa sulok lang ako kaya walang nakakita sa’kin, except for this guy.
DG: Ano? Deal?
'Inaalok niya akong makipagsugal sa kanya. Wala ako sa katinuan at tamang pag-iisip nun. Dahil nga sobrang depressed ako, kaya pumayag naman ako.
Louie: Sure then.
DG: Let's start.
'At nag-shuffle na siya ng deck. Para bang sinamantala niya ang pagka-wala ko sa sarili ko dahil tinanong niya lahat ng tungkol sa’kin. Alam ko na kung bakit, gano’n kasi ang istilo ng mga manunugal. Para kapag natalo sila, pwede nilang ma-hunt ‘yung nakatalo sa kanila at bawiin ‘yung pera.
'And that's the secret to it, masamang tao si DG. Gambler siya... and tama, natalo ko nga siya nung gabing ‘yun. At ngayon ay hina-hunting niya 'ko.
**
I opened my eyes.
'Nagtuturo pa rin ‘yung teacher, buti na lang ‘di niya napansin na nakatulog ako. Pagtingin ko sa notebook na sinusulatan ko, basa siya. Hindi ‘yan laway, 'no. Luha... because I found some tears left in my right eye. Napaiyak pala ako habang nananaginip... na naman!
'At sunod ko namang tinignan ay ‘yung kanang kamay ko, sobrang higpit pala ng pagkakahawak ko dun sa Black Cat na ballpen. Tila ba doon ko binuhos sa pagkaka-hawak ang lahat.
'Nagpaalam ako para mg-CR, sinama ko ‘yung ballpen with me. Tumingin ako sa salamin, I washed my face tapos binalik ‘yung tingin ko dun sa ballpen. I have to thank this thing, dahil dito ay nalaman at naalala ko na ang lahat.
'Kaya naman... kinamumuhian ko nang lubos si Daren. From this point onwards, I hate that gambler! Illegal naman kasi ‘yun, ‘di ba? Tapos underaged pa siya. Saka nanloloko pa siya at nananamantala ng pagkakataon. Grabe!
'Ang dami niya kasing nawalang pera nun. 'Yun lang? Pera lang, kinamumuhian niya na ako?
Kung hindi lang siya kuya ni Kimmy!
xx
BREAK TIME.
'Wala rin naman akong dapat pagsbihan dun sa nalaman ko. Hindi pwedeng si Kimmy dahil feeling ko ay hindi niya dapat malaman ‘yung tungkol sa kuya niya.
Lalong hindi si Resshin, ayokong malaman niya na sobrang depressed ako that night.
Wala naman si Sam para masabihan ko. Dahil naghahanda na siya para sa contest.
So that leaves Emma, tama. 'Pag sinabi ko sa kanya ay baka malaman na rin niya ang dahilan kung bakit galit rin sa kanya si Daren.
'Kaso medyo wala ako sa mood to tell Emma. Para bang wala akong dapat pagsbihan nung nalaman ko... Ang tanga-tanga ko kasi minsan eh. 'Di ko alam harap-harapan na pala akong niloloko ng kalaro ko.
Naiinis ako sa kanya.. pero...
.
.
.
Why do I kinda' miss him?
**
'Kaklase niya kuya ko? IV-Sapphire ‘yung kuya ko... nasa kabilang building sila kaya ‘di kami masyadong nagkikita.
'May bigla namang lumapit sa’kin, isang taong matagal nang nawala sa eksena.
???: Ei, Louie
Louie: Ikaw pala, Marko
Marko: Magpapatulong sana ako sa’yo, kung okay lang naman.
Louie: Hmm? Sure, ano ‘yun?
Marko: Tingin mo ba kapag may pinormahan akong second year magugustuhan niya 'ko?
'Aba! Second year daw, oh! Second year ako eh! Kyaaah don't tell me...? iMpOsIbLeH!!!
Louie: Ikaw pa, oo naman!
Marko: Gano’n ba! Yay!
Louie: Magpapatulong ka sa’kin? Sino ba ‘yun?
Marko: Uhmm... si–
'Grabe talaga ‘yung narinig ko. Para bang lahat na ata kinukuha niya sa'kin.
Pero wala namang dapat ikaduda dun, maganda naman siya, responsible, saka matalino pa.
I heard it very clearly....
Marko: Si Emma Nicole Mendez...
**
NEXT DAY
Ito na ‘yung araw na matagal nang nakamarka sa kalendaryo ko! Ito ‘yung araw na makukuha ko na ‘yung salamin ko.
'Di ko pa pala nasasabi sa inyo. May pagkamalabo kasi ‘yung mata ko, eh. Kaya ngayon naman ay makukuha ko na ‘yung salamin na pinagawa namin. Nakakahiya na nakaka-excite. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila ako? Bagay kaya sa’kin ang may salamin? Waahhh!
'Di ko na kaya, beh! Kuuukuuuuuniiiin ko naaaa!
Louie: Salamat po.
Doc: Ayan, bagay na bagay lang sa’yo.
Louie: Talaga po? Sige mauna na po ako.
Doc: Paalam, balik ka rito after two weeks!
Louie: Sige po.
'Ayokong tignan ‘yung itsura ko sa salamin. Kahit nag-iinsist si Doc, ayoko parin! Kinakabahan ako. Sino kaya ang unang kakilala ko na makakakita sa'king nakasalamin?
Syempre kuya ko siguro... kasi pauwi na ako ng bahay tapos siya lang ang nasa bahay.
'Ang plano ko kasi, ayokong tumingin sa salamin kaya kung sinomang kakilala ko ang unang-unang makakita sa’kin ay hihingin ko ang opinyon niya. Kung bagay ba sa’kin o hindi.
Kapag umoo siya, saka lang siguro ako titingin sa salamin.
Kapag hindi... mag-lalock na lang ako sa loob ng kwarto for life.
Louie: Wooo...k-kung sino m-mang una... na m-makita akong-ng nakasalamin...
'GRABE, ANG LAMIG!!! >///< Kakatapos lang kasi ng ulan. Ang lamig-lamig talaga. Giniginaw ako, pero wala naman raw bagyo.
'Then I found the one I was waiting for.
.
.
.
'The first person to see me wearing glasses is none other than...
... Syettt!!
???: Ikw ba ‘yan, Louie? Ahahahaha!!!
'Tumatawa lang siya, nakakainsulto naman!
Louie: Tabi nga diyan!
'Saka ko lang naalala kung sino siya talaga. It's the gambler guy.
Louie: GALIT AKO SA'YO!
Daren: Ako rin... :)
'Sabay kindat! Aba! Ang epal niya, ha. 'Di niya ba alam na seryoso talaga ako?
Louie: Galit ako sa’yo kasi sugalero ka!!!
'Hahaha, I finally said it.
Daren: So you remember?
'Di ko siya pinansin at lumakad ako paalis.
Daren: Louieeee!!!
'Grrrr... naiinis na talaga ako. I hate him so much!
Louie: Bakit ba!? Niloko mo 'ko! Galit ako sa’yo!
Daren: Listen, I...
'Ano na naman ba ‘yan!?
Daren: I...
'Napatigil naman ako nang husto at parang napawi ‘yung galit ko dun sa sinabi niya.
.
.
.
"I'm sorry"
~TO BE CONTINUED.
xx