MAAGANG gumising si Patrice at ang nanay niya. Maaga itong umalis dahil kailangan nitong asikasuhin ang mga tauhan nito dahil marami daw order ngayon na pastillas dito. Alam niyang simula iyon ng magagandang bagay sa kanilang mag-ina kaya naman sulit ang sakripisyo niya. Lagi niyang ipinapaalala sa ina na parte ito ng kurso niya para di siya nito alalahanin.
Bitbit ang mug ng cereal drink ay pumunta siya sa monitoring room para i-review kung anong nangyari noong nagdaang gabi at kumuha rin ng instruction sa kung ano ang mangyayari sa buong araw na iyon.
“Congratulations!” Sinalubong siya ng yakap ni Kara. “For a pilot episode, we got high ratings. Everyone is saying that you are better than that starlet. You are fresh, unassuming and very pretty. The executives of the are impressed.”
Isang malaking sugal para kay Kara at sa network na siya ang ipasok sa naturang dating game. Pero dahil magaling mag-pitch ang babae ay nakumbinsi din ng mga ito ang mga executive. But it was not easy. Alam kasi nito na oras na hindi siya bumenta ay kasamang gugulong ang ulo nito.
“Nakaka-relate sila kay Patrice. She is like Cinderella. Galing sa hirap pero ngayon ay pinagkakaguluhan ng mga prinsipe,” sabi ni Abegail habang yakap ang clipboard at kinikilig. “Ang ganda-ganda mo talaga kahapon. May mga artista na nga na may crush na sa iyo.”
“And we have very interesting footage from last night. This Elmo is wild,” nakangising sabi ni Kara at itinuro sa monitor ang eksena nang nakaraang gabi. May isang manliligaw siya na hinalikan ang isa sa mga sexy na model na bisita sa pool party. “Napakabilis magpakita ng tunay na kulay.”
Humalukipkip siya at tiningnan ang ibang manliligaw niya. Ni-note agad niya sina Raymark, Jess at Topher na pawang pangiti-ngiti lang sa mga babae. Abala ang mga ito sa pagku-kwentuhan.
“Si Sullivan pinagkakaguluhan ng mga babae pero parang wala lang sa kanya. Iba na talaga ang guwapo,” sabi ng story editor na si Bong. “Kawawa naman ang mga nalasing kagabi. They will have a hell of a hangover.”
Alas singko y media nang mag-wake up call gamit ang boses niya. “Good morning, boys! Time to get up.”
At paulit-ulit ang recording hangga’t di lahat ay nagigising. May instruction agad ang mga ito na linisin ang bahay at maghanda ng agahan para sa lahat kasama na siya dahil sasamahan niyang mag-agahan ang mga ito.
Sinadyang di linisin ng mga staff ang kalat sa nagdaang party sa pool area at sa loob ng bahay. Gusto ng mga ito na makita kung marunong magsinop sa bahay ng mga lalaki. Parang panunuyo na rin sa kanya.
Masarap pa rin ang tulog ni Elmo dahil na rin siguro sa kalasingan. Sa palagay niya ay isa ito sa tatanggalin niya bago matapos ang linggong iyon. Ang iba naman ay masisipag o kaya ay pinipilit matuto na gumawa ng gawaing-bahay kahit na gaya ni Jess na mula sa maykayang pamilya sa Negros.
“Ano naman ang ginagawa niyang si Sullivan?” tanong niya at napamaang nang makita ang lalaki na nakatayo lang habang pautos-utos sa mga kasama. “Wow, ha? Supervisor ba siya dito?”
“Dominant daw siya kaya pautos-utos lang,” anang si Desmond.
Dominant nito ang mukha nito. Sa palagay niya ay alam nitong guwapo ito at mayaman kaya ito na ang prinsipe ng lahat. Di naman ito ang nagpapasweldo sa mga kasamahan nito. O masyado lang itong komportable na ito ang pipiliin niya. Di nito alam na mas malaking basehan sa show na iyon ang ugali. Kahit pa sabihing di naman niya kailangang ma-in love ang pipiliin niya, gusto rin naman niyang makasundo kung sinuman ang makakasama niya sa mansion nang matagal.
Nilapitan siya ni Abegail dahil kailangan na daw niyang maghanda para sa agahan. Masyado pang maaga para husgahan ang mga ito. Kailangan muna niyang pakisamahan ang mga ito nang pantay-pantay at isasantabi muna niya ang mga personal niyang opinyon na parang wala siyang napanood.
“Guys, thanks for the breakfast and for cleaning the house,” sabi ni Patrice matapos silang magdasal para sa agahan.
“Wala iyon. Kahit naman ano paghihirapan ko para sa iyo,” sabi ni Sullivan.
“Oo nga. Mukhang pagod na pagod ka.” Sa kauutos.
“Pwede ko ring linisin ang kuwarto mo,” sabi ni Arman at itinaas ang kamay. Isa itong call center agent mula sa Pasig.
“Ako naman handang maglaba ng damit mo. Sabihin mo lang,” prisinta naman ni Reinan na galing sa Ilocos at may farm ang pamilya doon.
“I will cook for you,” anang si Jess.
“Siguro maganda kung pag-usapan na ninyo ang designation ng mga gawaing-bahay dito sa mansion,” sabi niya. “Alalahanin ninyo sana na importante sa akin ang lalaki na marunong mag-asikaso sa bahay.”
“Kapag ako ang pinili mo, maraming maids na mag-aasikaso sa iyo,” sabi ni Sullivan at kumindat pa sa kanya.
“My ex-boyfriend came from a well-off family as well. Pero nagawa niyang magsilbi sa amin kahit na di hinihingi,” nakataas ang gilid ng labi niyang sabi.
“It is not fair to compare us with your ex,” angal ni Sullivan.
“Gusto ko lang i-emphasize ang values na magugustuhan ko sa kahit sinong lalaki. Karapatan ko iyon bilang nililigawan ninyo,” aniya at nakipagtitigan sa kay Sullivan. Nang yumuko ito ay saka niya ibinaling ang tingin sa iba at ngumiti.
Mabuti nang malinaw sa lahat kung ano ang hinahanap niya sa isang lalaki. Oras na rin siguro para seryosohin ng mga ito ang dating game na iyon.
MATAPOS ang agahan ay dumating ang host na si Vhon at in-announce ang pinakaunang pagsubok sa mga ito. “Suitors, lalabas kayo ngayon para mamili o maghanap ng bahay na magre-represent sa inyo. At ang pinakamagugustuhan ni Patrice ay mananalo ng isang exclusive picnic mamayang hapon. Are you ready, suitors?”
“Yes!” sabay-sabay na sagot ng mga manliligaw niya. Bakas ang excitement sa mga ito. Oras na para makapagpasikat sa kanya.
“Impress me, guys. Pero tandaan ninyo na gusto ko ring makita dito kung anong klaseng personality mayroon kayo. Goodluck!”
Habang namimili ang mga ito ay tumutulong din siya sa production at inaaral ang sistema sa likod ng camera. Naabutan niya ang brainstorming ng mga ito.
“You don’t have to be here, you know,” sabi ni Kara.
“Gusto ko pong matuto,” sagot niya. “Hindi lang po ako searcher dito. This is also my OJT.”