When He Cries Chapter 100

DI maiwasang ma-conscious ni Yngrid habang naglalakad sila ni Kenji papunta sa Starbucks. Nag-park sila ni Kenji sa parking lot ng Araneta Coliseum. Pagbaba pa lang ng sasakyan ay may mga mata nang nakatutok sa kanila. Lalo pang dumami iyon nang naglakad na sila papunta sa Starbucks kung saan naghihintay na sina Dreamilyn at Justine.

Alam na niya ang tumatakbo sa isipan ng mga ito. Nagtatanong ang mga ito kung sino siya at kung saang lupalop siya napulot ni Kenji. Malamang ay ikinukumpara din siya sa dating nobya ni Kenji na si Margaret. Ngayon ay alam na niya kung anong pakiramdam ni Dreamilyn nang iharap ito sa publiko ni Casey. Parang sinusuri ito - ang itsura nito, ang pagkatao nito - kahit di naman siya kilala ng mga ito.

Akala niya ay handa siya para dito. Kahit na ginawa na niya ang lahat ng pagpapaganda para maging bagay kay Kenji ay nakakadama pa rin siya ng pag-aalinlangan. Insecurity was starting to eat her up.

"Chin up,” narinig niyang utos ni Kenji.

Tininganala niya ito. “Ano?”

“I said chin up. Paano nila makikita ang ganda mo kung nakayuko ka?" tanong ni Kenji. "Para namang napipilitan ka lang na makasama ako. That is not good for my ego."

Humawak siya sa braso nito. "Hindi. Kasi lang... baka iniisip nila kung bakit ako ang kasama mo. I am sure maraming iba diyan na mas gusto kang makasama. Na iniisip nila na mas bagay sa iyo ang bagay sa iyo."

Umiling ito. "Yngrid, Yngid, Yngrid, hindi mo pa rin yata ako kilala hanggang ngayon. Hindi ko ugaling makinig sa sinasabi ng iba. Alam ko kung ano ang mas mabuti para sa akin. Alam ko kung anong gusto ko. Alam ko kung anong magpapasaya sa akin. Iyon ang pipiliin ko. Sa palagay mo ba magiging masaya ako kung lagi kong iisipin ang gusto ng ibang tao?"

"Hindi,” sagot niya.

Hinawakan nito ang kamay niya. Then he laced his fingers with hers. "Having you beside me makes me happy. The hell I care about the world. Ako ang magdedesisyon kung ano ang magpapasaya sa akin at hindi sila. So let's enjoy this night. Chin up and smile."

Sinunod ni Yngrid si Kenji. Inangat niya ang mukha, tuwid ang tingin at nakangiti nang naglakad sa tabi nito. Di na niya inisip kung ano ang pwedeng isipin ng ibang tao sa kanya.

Nawala na ang kaba sa dibdib niya at napalitan ng nag-uumapaw na confidence. And she felt lighter. Ano bang pakialam niya sa sasabihin ng iba? Di mahalaga ang opinyon ng mga ito. Siya ang piniling makasama ni Kenji. Mamatay na lang sa inggit ang iba. Basta masaya sila.

Nang pumasok sila ng Starbucks ay nandoon na sina Dreamilyn at Justine na naghihintay sa kanila.

"Looking good,” anang si Dreamilyn at niyakap siya.

“Ikaw din naman,” sabi niya nang mapansin ang suot nito. Conservative ang maluwag na blue dress nito na close neck pa pero fashionable pa rin. Ayaw nitong isuko ang

"Bagay na bagay kayo,” sabi naman ni Justine at ngumuso kay Kenji.

"Oo nga. Pati si Kenji may lipstick din na pula sa labi,” anang si Dreamilyn at saka naningkit ang mata. “Pareho pa kayo ng shade.”

Nagulat si Kenji at biglang sinapo ang labi. “Ooopps!” anito at tinutop ang labi. "Hindi ko napansin." Hindi rin naman niya napansin na naiwan pala ang lipstick niya sa gilid ng labi nito.

Pasimple niyang pinandilatan ng mata si Dreamilyn. Hindi man lang naging discreet. Saka siya kumuha ng wet tissue mula sa bag niya at siya mismo ang naglinis sa labi ni Kenji. “I am sorry,” usal niya.

“I am not,” wika ng binata at kinindatan siya.

Pakiramdam niya ay charged ng kuryente ang hangin sa paligid nila ni Kenji. Di niya alam kung dahil sa romantic atmosphere ng paparating na concert o silang dalawa lang iyon ng binata.

“Kinakabahan pa ba si Casey sa concert niya?” tanong ni Kenji kay Dreamilyn.

“Medyo,” wika ni Dreamilyn.

"Tuloy ba ang concert?" Tumikhim si Yngrid. "Nag-practice na kami ni Kenji kung sakaling mag-backout si Casey. Naku! Siguradong matutuwa kayo pag narinig ninyo ang boses namin. In perfect harmony kami."

"Ay! Buti na lang nakonsensiya si Casey. Itutuloy na daw niya ang concert. Kahit daw anong mangyari magpe-perform siya," sabi ni Dreamilyn at itinaas ang kamao. “Para daw sa kapayapaan ng mundo.”

"Insecure kamo siya. Baka masapawan ko kasi ang kasikatan niya," sabi ni Yngrid at sinalat ang lalamunan niya.

"What do you want, ladies? Ako na ang oorder para sa inyo,” prisinta ni Kenji at kinuha ang order nila. Pasado alas siyete na noon kaya wala silang oras na para kumain. Plano nila ay kumain na lang pagkatapos ng concert.

"May lipstick sa labi. Red. Iba rin ang trip,” natatawang wika ni Justine nang pumunta ng counter si Kenji. Nakita ni Yngrid ang nagsususpetsang tingin sa kanya ni Dreamilyn.

"Di ko naman isinuko ang Bataan. Smack lang iyon,” katwiran niya. “Ikaw? Nasaan na si Stefan?"

"Heto nga tinatawagan ko na. Di naman sinasagot,” wika ni Justine at nag-dial ulit sa cellphone.

“Di bale, may ilang minuto pa naman bago ang concert.”

Di nagtagal ay dala na ni Kenji ang order nila. Nagkukwentuhan silang magkakaibigan nang nahuli niyang nakatitig sa kanya si Kenji. "Bakit?"

“Hindi ko lang maalis ang tingin ko sa iyo," anito habang malamlam ang mga mata. Na parang naengkanto ako sa ganda niya. Biglang nanlambot ang kamay niyang may hawak na kape niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.