Tarantang-taranta si Yngrid pagpasok sa bahay niya. Tumuloy agad siya sa banyo at naghilamos ng mukha saka nag-toothbrush. Nanlalagkit na kasi siya sa make up at gusto niya ay fresh pagharap kay Kenji. Ayaw naman niyang make up ang malasahan nito kapag hinalikan siya. Hindi yata maganda ang lasa. Gusto sana niyang maligo pa pero baka wala na siyang oras. Anytime ay paparating na ang ipina-deliver ni Kenji na pagkain. Di naman siya pwedeng magtagal sa bahay niya dahil ayaw niyang paghintayin pa ang binata. Baka magbago ang isip nito at tulugan na lang siya. Sayang naman ang magandang pagkakataon.
Hindi niya na-anticipate ang mga susunod na pangyayari. Kahit pa ito ang first official date nila ay magle-level up na sila.
Okay lang iyon. Marami na siyang pinagdaanan kay Kenji. Marami na siyang isinugal para sa binata. Wala pa silang pormal na relasyon. Di pa nito sinasabing mahal siya nito pero alam niyang gusto siya nitong alagaan at protektahan. Ilang beses na nitong napatunayan sa kanya. At kung aangkinin man siya nito sa gabing iyon, she was sure that it would be worth it.
Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Her body was humming with pleasure while thinking about the wicked things they would do with each other. She had been anticipating this moment for a long, long time. She had been dreaming of that right guy who would sweep her off her feet.
Kenji was that guy. And tonight was the perfect night to give in to her feelings. The mood had been set even before the concert. He was more attentive than ever. Saan pa ba sila mauuwi?
"What to wear? What to wear?" tanong niya habang hinahalungkat ang mga dress na nakasabit sa cabinet. She had an array of sexy dresses and lingerie. Ang iba nga ay di pa niya naisusuot. Kinuha niya ang lacy black dress at inilapat sa katawan saka tiningnan ang full-length mirror. "Nah! Wala akong dibdib dito." Ihinagis niya iyon sa kama. Sumunod ang pink baby doll dress. "Mukha namang masyadong pa-girl. Kailangan ko ng natural. Medyo mahinhin pero di ako magmumukhang nagpipilit maging bata."
Dumako ang kamay niya sa white dress na nasa bandang dulo. Ang alam niya ay isinuot niya iyon na huli nang um-attend siya sa binyag ng inaanak niya. Sobrang conservative sa simbahang pinagdausan at kailangan ay may specific na damit silang isusuot. Maluwag na long sleeve ang dress na gawa sa bagsak na cotton. Bagsak lang ang tela at umabot hanggang lagpas sa tuhod niya. Nilagyan niya iyon ng belt para ma-accentuate ang figure niya. Pero sa gabing ito ay di na siguro iyon kailangan. It was comfortable. Mukha siyang inosenteng diwata kapag suot iyon. Inosente. Natural. Kahit naman luka-luka siya madalas ay virgin pa siya. Kaya naman bagay na iyon ang isuot niya sa gabing iyon. White, delicate, virginal yet seductive.
Dali-dali siyang nagbihis nang marinig niya ang tunog ng motorsiklo na pumarada sa harap ng bahay ni Kenji. Nariyan na ang pagkain. Mabilis niyang pinasadahan ng suklay ang buhok niya at tiniyak na maayos ang itsura niya at maganda pa rin sa kabila ng natural look niya.
Huminga siya ng malalim. “I am ready for Kenji. I am soooo ready.”
Nakaramdam siya ng tensiyon nang naglakad palabas ng kuwarto. Dala-dala niya iyon hanggang makarating sa bahay ni Kenji. Ano ba ang dapat gawin ng babae sa first time nito? Okay. Hindi siya nakapag-research tungkol dito. Bahala na lang ba si Kenji o magpa-participate pa rin siya. Bahala na!
“Nice,” puri ni Kenji nang pagbuksan siya ng gate. May approval sa mga mata nito nang pasadahan ng tingin ang suot niya. Nang pumasok siya sa bahay nito ay bumungad sa kanya ang naka-set na sa low table sa gitna ng sala ang pagkain nila. Nakalatag ang pizza at chicken. Nasapo niya ang dibdib nang makita ang wine at ang kandila na nakasindi. “Do you like it?”
“Wow! Talagang naghanda ka pa ng ganito,” aniya at umupo sa isa sa cushioned seat na nakapatong sa sahig. “This is romantic.”
“That’s the theme of the night. Everything has to be romantic. At dahil date pa rin natin ito, kailangan lang na pangatawanan natin ang theme.” Ipinagsalin siya nito ng alak sa kopita at inabot sa kanya. “Cheers?” alok ng binata.
Ibinangga niya ang kopita niya dito. “Cheers!”
Hindi siya hinihiwalayan ng mata ni Kenji habang iniinom nito ang wine. His eyes were so intense. Hindi niya alam kung paano niya nakontrol ang panginginig ng kamay niya at ang hininga niya.
"Let's eat,” sa wakas ay sabi nito at ipinaglagay siya ng chicken at pizza sa plato niya.
Noong una ay pa-demure pa siyang kumain. But when Kenji started eating with gusto, di niya maiwasang gayahin ito. Of course, Kenji wanted her to feel comfortable with him. Kaya hinawakan na rin niya ang pizza niya at kumagat. Doon nagsimulang mawala ang kaba at pagkailang niya. Nagkwentuhan sila ni Kenji tungkol sa trabaho nito at sa pamilya nito. She did the same.
“I want to meet your parents,” bigla ay sabi ni Kenji.
“Ang totoo, di nila alam na may kapitbahay akong sikat na model. Oras na malaman iyon ng nanay ko, baka kung anu-anong sabihin niya sa akin.”
“Gaya ng…?”
“Kundi siya magpa-fangirl sa iyo at magkakaselosan sila ng tatay ko, baka naman siya na ang pumikot sa iyo para sa akin.”
Biglang natawa si Kenji. “Gagawin iyon ng nanay mo?”
“Nag-iisa kasi akong anak. Nang makapagpatayo na ako ng café, walang bukambibig si Mama kundi kung kailan ako mag-aasawa. Dapat nga daw may mga apo na sila. Nakaka-pressure tuloy. Ikaw ba di pine-pressure ng Mama mo?”
“Wala sa akin ang pressure kundi sa kapatid kong babae na mas matanda sa akin. Si Ate Van kasi may asawa na. I am single. At kilala ako ni Mama. Alam niya na kapag na-in love ako, seryoso ako. Hindi ako papalit-palit ng girlfriend para gawing laruan lang. Di ako pinalaking ganoon ng magulang ko.”
“Isa iyan sa dahilan kung bakit maraming nagmamahal sa iyo. You are a good man, Kenji. Hindi ka mahirap mahalin.”