When He Cries Chapter 105

Bigla itong tumuwid ng upo. “Oh! I think it is time.”

“Time for what?” naguguluhan niyang tanong.

“Music,” wika nito at binuksan ang home theater nito. May isinalang itong CD sa player. Kumabog ang dibdib niya.

Bakit magpapatugtog na ito? Mag-i-striptease na ba ito sa harapan niya ngayon? Ohhmyyygosshhhh! Kenji, dahan-dahan lang sa pang-aakit sa akin. Baka atakihin ako sa puso at baka malaglag ang ovaries ko.

Baka hindi niya kayanin ang private striptease na iyon. Napainom siya ng tubig. Mahirap nang ma-dehydrate siya kapag tumulo na ang laway niya katititig sa matipuno nitong katawan.

Pumikit siya para pakalmahin ang tibok ng puso niya nang marinig ang papalapit na yabag ni Kenji. Heto na. Heto na. Malapit na ang tagumpay. Malapit nang isuko ang Bataan.

"Here,” usal ni Kenji.

Shocks! Heto na. Simula na ang show. Dumilat na agad siya nang makarinig siya ng tugtog mula sa home entertainment system. Kahit pa nga parang di naman mapang-akit ang dating ng tugtog. Pwede na. Ang mahalaga ay si Kenji… si Kenji… si Kenji at ang hot nitong katawan.

Subalit bumagsak ang excitement niya nang makitang isang leather bound booklet ang inaabot nito at isang microphone?

"A-Anong gagawin ko dito?" tanong niya at inangat ang tingin dito.

"Kakanta ka. Magvi-videoke tayo,” masiglang sabi ni Kenji at

"Bakit.... bakit videoke?" Nasaan na ang striptease nito? Ano nang nangyari sa pagsuko ng Bataan at nauwi sila sa kantahan? No! No! No! Para saan pa ang lahat ng paghahanda niya kung sa ganito lang din sila mauuwi?

"Para makapag-concert tayo.” Umupo ito sa tabi niya. Inilapag nito ang microphone at ang songbook sa harap niya. “Hindi kasi tayo nakakanta kanina sa concert gaano. Baka biglang masira ang program. At pareho tayong nabitin sa concert kaya dito tayo bumawi.”

“Ahhhh!” nasabi lang niya at kinuha ang songbook para mamili ng kanta.

“Bakit? May iba ka pa bang naiisip gawin bukod sa sarili nating concert?”

Striptease? Isuko ang Bataan? Kiss him all over?

Hindi niya alam kung dapat niyang ikatuwa iyon o ikainis. Of course, di naman si Kenji ang tipo ng lalaki na mapagsamantala. Di naman siya nito basta-basta aakitin. Nirerespeto pa rin siya nito.

Pero mabigat ang loob niya dahil asang-asa naman ang ganda niya na mas hot ang mga susunod na pangyayari. Ano pa nga ba ang ending ng isang ultimate hot date? Ito namang si Kenji ang kanina pa lambing nang lambing sa kanya. Siya naman itong si Gaga ay asang-asa. Nakakahiya!

Parang nawalan siya bigla ng gana. Binuklat-buklat lang niya ang songbook pero walang pumapasok sa utak niya. She was ready for a night of seduction. Tapos ay sa videoke lang pala ang bagsak nila.

Sino ba kasi ang maka-assume ay wagas? Hindi ba ikaw? Wala namang sinabi si Kenji na isuko ang Bataan.

"Wala ka bang mapiling kanta? Wala ba diyan ang hinahanap mo?" tanong ng binata.

"Uhmmm.... hindi ba nakakahiya sa kapitbahay kung magkakantahan tayo?"

"Mahina lang naman ang music. Hindi tayo mambubulahaw. Mabuti pa ako na muna ang pipili ng kanta."

"Mabuti pa nga." Baka sakaling ma-inspire siya kapag ito ang kumanta.

Wonderful Tonight ni Eric Clapton ang pinili nitong kantahin. Pumailanlang ang introduction ng kanta. Nagtaka siya nang ibaba nito ang mikropono, tumayo ito sa harap niya at bahagyang yumukod. Inalok nito ang kamay sa kanya. "Dance with me."

"B-Bakit?"

"Because I've been dying to dance with you since the concert started."

"Okay." Bumalik ulit ang kilig sa katawan niya. Kalilimutan na niya ang pagsuko ng Bataan. Gusto lang naman niya na mapalapit kay Kenji.

Humawak siya sa balikat nito at pinagsalikop nito ang mga palad sa lower back niya. Inilapit nito ang labi sa tainga niya.

♫And then she asked me, do I look alright? And I said “Darling, you look wonderful tonight.♫

Nakangiti niya itong tiningala. “Talaga?”

“Yes,” anito at hinaplos ang pisngi niya.

“Sing some more,” aniya at humilig sa dibdib nito. Mula doon ay naririnig niya ang rumble ng boses nito. Nangingiti na lang siya habang sinisinghot ang pabango nito. This is pure bliss.

Maganda ang boses ni Kenji. Iyon nga lang ay di ata nito kilala ang nota. Sadyang wala ito sa tono kahit anong effort nito. Gumuhit ang ngiti sa labi niya pero iyon ay dahil naa-appreciate niya ang effort nito.

He was no Casey Jimenez. Kundi nga niya alam na Wonderful Tonight ang kanta ay iisipin niyang hindi iyon ang kinakanta nito. Pero iyon ang pinakamagandang kantang narinig niya dahil kinanta ni Kenji para sa kanya. At para sa kanya lang. Na parang siya lang ang magandang babae para dito sa gabing iyon. Na siya lang ang magandang babae para dito. Period.

♫I feel wonderful because I see the love right in your eyes. And the wonder of it all is that you just don’t realize how much I love you♫

Ipinikit niya ang mata at ninamnam ang kanta. Sana lang totoo rin na mahal mo ako, Kenji. Mas masaya siguro iyon kundi lang ganda niya ang swak sa kanta. Sana ay swak din siya sa puso nito.

“Your wish is granted. I love you, Yngrid Singson.”

She let out a blissful sigh. Sana nga ay iyon ang sinasabi ni Kenji. Na natupad ang hiling niya. Na mahal siya nito. Sigurado siya na siya na ang pinakamasayang babae sa mundo. Iyon lang naman ang gusto niyang marinig mula dito.

“Yngrid, nakikinig ka ba sa akin?” tanong ni Kenji sa kanya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.