When He Cries Chapter 106

“Hmmm… tapos ka na bang kumanta?” aniya at tiningala ang binata.

Matiim ang mata nito habang nakatitig sa kanya na parang nadismaya ito. “I said I love you, Yngrid. Di mo ba ako narinig?”

“Ha?” usal niya at tumingkayad. “Sinabi mong mahal mo ako?”

Bumagsak ang balikat nito. “Hindi ka naniniwala?”

Bigla niyang hinawakan si Kenji sa magkabilang pisngi. “Panaginip ka lang ba?” No. Parang di naman panaginip. Nahahawakan naman niya ang mukha nito. Nararamdaman niya ang bahagyang magaspang nitong mukha dahil sa papatubong balbas nito. “Nananaginip lang ba ako?”

Dapat ba niyang sampalin ang sarili niya? Ay! Ayaw niya. Maganda ang panaginip na iyon. Mas maganda kaysa sa pagsuko ng Bataan.

“Then I guess it is time to wake you up, gorgeous.”

Hinawakan nito ang batok niya at kinabig ang ulo niya. Nakita na lang niya na palapit ang mukha nito sa kanya at bago pa siya makahuma ay inangkin nito ang labi niya. It was hot, soul-searing and heart-bursting. Kenji’s kiss was claiming her, branding her right to her very soul. He was kissing her now. No apprehensions this time. No second thoughts. At parang sinuntok siya sa sikmura dahil hindi niya alam kung paano mag-iisip sa halik na iyon. Kung totoo ba ang nangyayari. Kung totoo ba ang sinabi nito. This was too good to be real. Pero mabibiyak ang puso niya kung panaginip lang ang lahat. Hinawakan niya ang lapel ng jacket ni Kenji at hinila ito palapit sa kanya. The feel of his hot body under his clothes was real. Pati ang paghagod ng mainit nitong labi sa labi niya ay totoong-totoo.

“Gising ka na ba ngayon?” tanong ni Kenji nang maghiwalay ang labi nila.

Kumurap-kurap siya. “I…I guess so.”

Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito at tinitigan ang mga mata niya. “Now listen. Yngrid Singson, I want you to know that I love you. I want to be the man who will cherish you and protect you. I won’t force you to love me back but…”

Pinigilan ng daliri niya ang labi nito. “Kenji, sandali lang. Alam mo ba na akin dapat ang dialogue na iyan? Kenji Matsunaga, I love you. Gusto ko na ako ang babaeng mag-aalaga sa iyo at poprotekta sa iyo. Di kita paiiyakin. Di kita sasaktan. Hindi mo na kailangang problemahin kung pupwersahin mo akong mahalin ka o hindi kasi dati pa kita mahal. Kasi kahit di mo pa sabihing mahal mo ako, handa akong maghintay kahit na eighty years hanggang mahalin mo ako. Pero dahil di na ako maghihintay na amagin dahil ikaw pa naunang mag-I love you sa akin…” Isang matinis na tili ang pinakawalan niya at kinintalan ng halik si Yngrld. “I love you! I love you! I love you! Kahit na panaginip lang ito, sobrang saya ko. Kahit na bawiin mo ang pagmamahal mo sa akin bukas, okay lang sa akin.”

“No. This not a dream. At hindi ako parang bula na maglalaho bukas. I am here to stay. Gaya nang di mo ako iniwan noong kailangan kita. Other people would just sell me out. You didn’t. Alam ko na loyal ka. Ikaw ang nagpapasaya sa akin. And I am always looking forward to starting and ending the day with you.”

Bumuka ang bibig niya. Parang sasabog ang puso niya sa saya. “I…I don’t know what to say.” Nangilid ang luha sa mata niya dahil di pa rin siya makapaniwala na naririnig niya ang mga salitang iyon kay Kenji. “Kasi fan mo lang naman ako. Alam mo ‘yung luka-lukang fan na inaambisyon na ma-in love sa kanya ang iniidolo niya? Ganoon lang ako. Tapos parang anghel ka na lang galing sa langit na bumagsak sa harapan ko. Ayoko namang umasa na mamahalin mo rin ako kasi alam ko masakit masaktan. Naramdaman ko iyon nang malaman kong girlfriend mo si Margaret. Kaya nga nangako ako sa sarili ko na di kita mamadaliin. Dadahan-dahanin ko hanggang handa na ang puso mo na magmahal ulit.”

Hinawakan nito ang dalawang kamay niya at isinalalay sa dibdib nito. “Yngrid, natatakot pa rin ako.”

“Na magmahal? Kahit na di kita sasaktan?”

Umiling ito. “No. I am afraid that I am not good enough for you. I am afraid that you will just leave me because I am not good enough.”

“No. Never. Ikaw pa ang natakot. Ako nga itong mas unstable ang status sa buhay mo. Ikaw ang maraming napupuntahang lugar. Marami kang nakikilalang ibang babae na mas higit pa sa akin.” Yumuko siya. “Ako naman nandito lang sa isang tabi at mamahalin ka.”

“Ayokong nasa isang tabi ka lang dahil gusto ko sa tabi kita mismo. Bilang babaeng mahal ko.” Ginagap nito ang kamay niya at kinintalan ng halik ang likod ng palad niya. Saka nito pinahid ang luha niya. “I am not perfect. Maaring marami akong pagkukulang. I will try to work things out.”

“You may not be perfect but you are just perfect for me; because you love me even if I am not perfect. Kahit na hindi ako maikukumpara sa ibang babaeng naging girlfriend mo na models at artista.”

“That is just physical, Yngrid. Mahalaga kung ano ang nasa puso. Naramdaman ko kung paano mo ako minahal at pinahalagahan. And that is a big thing for me. Siguro nga simpleng fan ka lang din noong una pero naging espesyal ka sa akin hanggang makapasok ka sa puso ko. Hindi ko rin maintindihan noong una kung bakit gusto kitang protektahan. Siguro iyon ang simula na na-in love ako sa iyo. At huwag mong pabababain ang tingin mo sa sarili mo. As long as you have a heart to love, you are better than other people who may be perfect on the outside but rotten on the inside. At iyon ang mahalaga sa isang tao. Ang puso.”

“Pakiramdam ko kinoronahan ako ng Miss Universe ngayon.”

“You are bigger than Miss Universe for me.” Kinintalan nito ng halik ang noo niya. “Thanks for coming into my life, Yngrid. You saved me from grief. You mend my broken heart. You are an angel.”

“And you had always been the man I love. Don’t ever doubt that, Kenji.”

Kahit na di pinabagsak ni Kenji ang Bataan, masaya naman siya dahil alam niyang sa kanya na ang puso nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.