When He Cries Chapter 19

Tumango si Kenji. "Namukhaan ko siya. Hindi ko na lang binanggit dahil personal nilang buhay iyon. Naisip ko na nakabakasyon siya para iwasan ang isyu na iniwan nila sa Manila. Bakit ka nag-alala? It looks like they decided to patch things up. Mukhang mahal ni Casey ang kaibigan mo."

Hinawakan niya ang sentido niya. "Pero babalik na naman sa dati ang lahat. Malalagay ulit sa panganib ang buhay ng kaibigan ko. Kung anu-ano na naman ang iimbentuhin sa kanya ng mga reporter. Pagbabantaan na naman siya ng mga fans. Hindi ko maiwasang mag-alala."

"Her boyfriend will protect her."

Napabuga si Yngrid ng hangin. "Ewan ko kung sapat na ang proteksiyong maibibigay ni Casey kay Dream. You have to understand. Iba ang mundong ginagalawan ninyo. Mukhang glamorous. Mukhang masaya. Pero mas maraming luha sa likod ng camera. I…I don’t get it. Parang hindi ko kaya na ma-in love sa isang showbiz personality."

Umupo si Kenji sa tabi niya sa hammock at mataman siyang tinitigan. "Paano kung ma-in love ka sa isang showbiz personality?"

"That is bad news then. Nasa showbiz ka. Hindi ka ba nahihirapan na nakasunod ang mga tao sa lahat ng kilos mo? Laging hinuhusgahan. Tapos maglalabas sila ng balita na hindi totoo para sirain ka. Tapos kapag may mga bagay na totoo gusto nilang itago. That's a twisted world. Hindi ko yata kayang matagalan iyon. Paano mo malalaman kung ano ang totoo at hindi?"

"Hindi ako nagbabasa ng kung anu-anong balita lalo na tungkol sa akin. Ganoon din naman sa normal na mundo. Maraming tao na gusto kang pulaan kahit wala kang ginagawang masama. O kaya ay gustong sirain nila ang kaligayahan mo. Just stay true to yourself and to the people around you. They can say whatever they want. Ang mahalaga ay totoo ka sa sarili mo. At the end of the day, you know the truth. Kahit ano pang gawin na paninira ng ibang tao, may Diyos naman na nakakakita sa atin. Kaya hindi ako natatakot.”

Hindi maalis ni Yngrid ang tingin kay Kenji. There was so much wisdom in his words. Ito ang lalaking marami nang pinagdaanan sa buhay at sinuong na bagyo. Ilang taon na rin ito sa mundo ng showbiz pero iba ang aura nito. As if he was pristine and untouched by the vicious world of showbusiness. At higit sa sinuman, Diyos ang pinanghahawakan nito.

Hindi niya mapigilang humanga dito lalo. He was a man of character. Dahil din doon ay nawala ang agam-agam niya. "Yeah. Thank you. Siguro nga kapag nagmahal ka, di mahalaga kung sinuman ang gustong paghiwalayin kayo. Ang mahalaga nga naman ay maging totoo ka sa sarili mo at nararamdaman mo. Pasensiya na pero wala lang akong ibang makausap tungkol dito."

"No problem.” Hinaplos nito ang buhok niya. “Matulog ka na. Mahaba pa ang biyahe mo mamaya. Pupunta pa kayo sa Bukidnon, di ba?”

"Yes. Magzi-zipline pa kami ni Justine.”

“That sounds fun, Supergirl. Kaya dapat matulog ka na.”

Mabigat ang loob niya nang tumayo sa hammock. “Okay. Goodnight.”

"Goodnight," mabigat ang loob na sabi ni Yngrid. Bakit ba kailangan pang matapos ang masayang bakasyon na iyon kasama si Kenji? Bakit kailangan pa nilang maghiwalay? Bakit kailangan pang bumalik sa realidad?

Akmang hahakbang siya palayo nang biglang pinigilan ni Kenji ang kamay niya. "Wait." Hinila ulit siya nito paupo sa hammock. "Hindi ko pa nagagawa ang pangako ko sa iyo."

Kumunot ang noo niya. "Ano iyon?"

Inakbayan siya nito at itinapat sa mukha nila ang iPhone nito. Nag-reflect ang anyo nilang dalawa dahil sa front camera. "Say A," utos nito at saka ngumiti. It was the perfect model smile.

Oh, how sweet! Hindi niya nakalimutan ang pangako niya na magpapa-picture kami.

Nagdiwang ang puso ni Yngrid subalit bigla siyang nataranta nang makita ang itsura niya. Habang napakaguwapo pa rin ni Kenji, siya naman ay natapyasan na ng kagandahan. Nakapantulog lang siya na maluwag na T-shirt and teddy bear printed na pajamas. Wala na siyang bahid ng make up dahil nilinis na niya ang mukha niya bilang paghahanda sa pagtulog niya. May malapad lang siyang headband sa mahaba niyang buhok. It was not a pleasant sight. Lalo na kung magiging official picture nila iyon ni Kenji.

"Hindi na ako nakaayos. Kanina sana tayo nagpa-picture noong nakaayos ako," conscious na conscious niyang sabi.

"You are naturally beautiful. Kahit magulo pa ang damit mo o ang buhok mo o kahit wala kang make up, it will show."

"M-Maganda ako?" nakatigagal niyang tanong.

"Yes. Mas gusto ko pa nga kapag walang make up ang isang babae." Bahagya lang nitong hinawi ang buhok niya na tumatabing sa mukha niya dahil sa hangin. "Now that is perfect. Ready?"

Inakbayan siya ng binata at itinaas ang cellphone nito. Parang lutang ang pakiramdam ni Yngrid habang nakangiti sa camera at bahagyang nakadikit ang pisngi sa pisngi ni Kenji.

Muntik na niyang mapapikit nang magdikit ang balat nila. Lumukob ang init ng katawan nito sa kanya at ang panlalaking pabango nito. He was taking over her senses. Ano kaya ang pakiramdam ng yakapin nito at halikan? Gusto niya iyon!

Biglang nagising si Yngrid sa magandang panaginip nang marinig ang mahinang click mula sa cellphone ni Kenji. Tiningnan nito ang larawan nila. "See? Maganda ka dito," wika nito at saka ipinakita sa kanya.

Nang tingnan niya ang picture ay mukha siyang maputla. Medyo magulo pa nga ang buhok niya. Maganda na iyon para kay Kenji? Pero kung ito na ang nagagandahan sa kanya, sino ba naman siya para kumontra? Kahit pa binobola siya nito ay naniniwala siya dito.

"Thanks, Kenji. You are so nice."

That was the best compliment ever. Naririnig naman na niya dati na maganda siya pero deadma lang siya kapag galing sa ibang lalaki.

Na ang lalaking kasing guwapo nito ay pwedeng maka-appreciate ng babae na hindi nakaayos o walang make up.

Eat that, Iggy, the Iguana!

Tama lang na mas maniwala siya kay Kenji kaysa sa isang reptilya.

"Do you have an Instagram account?" tanong nito. "Ia-upload ko na ito."

Sinabi niya ang Instagram account niya. "Follower mo ako."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.