When He Cries Chapter 20

"And I will follow you back." Tumayo ito at inilahad sa kanya. "It is late. Maaga ang alis namin mamaya kaya magpapahinga na rin ako."

Tahimik silang naglakad at hawak nito ang kamay niya. Magkahalo ang lungkot at saya na nararamdaman niya. Matatapos na ang masayang bakasyon nila.

Maaalala mo pa kaya ako pagbalik natin ng Manila?

Nakangiting lumingon sa kanya si Kenji. “Oo naman.”

Biglang natutop ni Yngrid ang bibig niya. Nasabi pala niya ang nasa isipan. Pero napalingon siya sa sagot nito. “Talaga? Maaalala mo pa rin ako.”

Tumawa ito. “Yes. Nag-follow na ako sa Instagram mo. Saka nangako pa ako sa iyo na pupunta ako sa café mo, hindi ba?”

“Really? Pupunta ka?”

“Inimbitahan mo ako, hindi ba?”

Impit siyang tumili at napayakap sa leeg nito. "Kenji, mahal na talaga kita! Alam mo ba na isa ka sa nagpasaya ng bakasyon ko? Thank you."

Hahalikan niya ito sa pisngi pero biglang nagtuloy-tuloy ang labi niya sa labi nito. Pareho silang nagulat at nagkatitigan. Hinalikan niya si Kenji! Hindi lang basta-basta halik. Hinalikan niya ito sa lips. Hindi pa siya humalik sa lalaki sa labi… ever! Nahalikan na siya dati pero hindi siya ang nauuna. At hindi naman basta-basta lalaki ang hinalikan niya. This is Kenji Matsunaga.

Anong gagawin niya ngayon? Magso-sorry ba siya?

Bakit naman ako magso-sorry? Napaka-ipokrita ko naman. I don’t feel sorry at all that I kissed him. I feel sorry kasi bitin. Smack lang kasi.

Deadma na lang.

“Uhmmm… papasok na ako sa loob. Goodnight, Kenji.”

At dali-dali siyang pumasok sa loob bago na naman siya may magawang kapalpakan. Humihingal siyang sumandal sa pinto habang malakas ang tahip ng dibdib niya. Kasabay ng kabog ng dibdib niya ay ang yabag nitong papalayo.

Sa huli ay sumilay ang ngiti sa labi niya. “I kissed him! I kissed Kenji Matsunaga. Yes! Achieve!”

At saka nakangiti niyang ibinagsak ang sarili sa kama. Sana maulit muli ang bakasyon na ito kasama si Kenji.

“GOOD morning, honey ko,” bati ni Yngrid sa picture nila ni Kenji na nakadikit sa tabi ng netbook niya. Katatapos lang niyang mag-jogging at tumuloy agad siya sa pag-aari niyang café – ang Sweet Surrender – para simulan nang maaga ang araw niya.

Inilapag ng sales staff niyang si Armie ang kape niya sa mesa. “Ma’am, mula nang dumating kayo mula sa Camiguin maaga na kayo dito sa coffee shop. Nakakapanibago talaga.”

“Para makapag-good morning ako sa kanya," aniya at hinaplos-haplos ang screen ng netbook. Coffee plus Kenji Matsunaga. What a perfect way to start her day.

Kung dati ay tamad na tamad siyang mag-jogging o bumangon man lang tuwing umaga. Ngayon ay energized na siya. Kenji reminded her of mornings. At kapag gising siya tuwing umaga ay parang kasama niya ito.

"Kailan siya dadalaw dito, Ma’am?” kinikilig na tanong ni Armie.

“Hindi ko pa alam. Sabi sa Twitter account niya nasa Thailand pa siya ngayon. Basta ibinigay ko sa kanya ang business card ng Sweet Surrender. I am sure dadalaw siya sa akin para magkita ulit ako. Hindi niya ako matitiis.” Nangako siya sa akin.

“Nakakalokah ang kwento ninyo tungkol sa kanya, Ma’am. Napaka-romantic. Parang hindi naman totoo."

Napamaang siya. Hindi niya gusto ang tono ng intrimitida niyang staff. Sinasabi mo bang gawa-gawa ko lang ang kwento ko? Anong ebidensiya pa ang kailangan mo?”

“Ang sinasabi ko lang nakakainggit ang naranasan ninyo, Ma’am. Sinong mag-aakala na ang pinapangarap ninyong lalaki ay sa Camiguin pa ninyo makikita. Sobrang high blood naman agad.”

Matamis siyang ngumiti. “Mabuti nang nagkakalinawan tayo. Sige na. Asikasuhin mo na ang iba nating customer,” malambing niyang wika.

“Gusto ba ninyo ng pancakes, Ma’am?”

“Sige. Gusto ko ng blueberry pancakes,” aniya at sa isang kumpas ng kamay niya ay iniwan na siya nito.

Masayang sinimulan ni Yngrid ang paggawa ng report niya. She was usually cranky during morning. At ayaw din niyang gumagawa ng mga report. Malaking bagay sa kanya na nakapagbakasyon siya. It must be the island air. At dahil na rin sa guwapong hunk na nagpapaalala sa kanya na masarap gumising sa umaga.

Hindi na nawala si Kenji sa isipan niya mula nang magkita sila. She even sent him a message thanking him for being so nice to him during their stay in Camiguin. It was safe and demure. Ayaw naman niyang masyadong ipahalata na excited siya na magkita ulit sila. At ayaw niyang isipin nito na may malisya ang paghalik niya dito nang di sinasadya.

“Heto na ang panira ng umaga,” sabi ni Armie nang ilapag ang pancake sa harapan niya.

Pakiramdam niya ay dumilim agad ang maaliwalas na umaga niya nang makita ang lalaki na pumasok sa café niya. Si Bruno. Hindi naman ito pangit pero di naman ito ganoon kaguwapo. Maputla ang balat nito. Semi-kalbo ang buhok dahil gusto daw nitong maging kamukha ni Vin Diesel pero sa kasamaang-palad ay major failure. May pagkamulagat ang mata nito, matangos sana ang ilong kundi lang masyadong malapad ang labi. Wala namang problema sa itsura nito. pero bagsak ito sa kanya pagdating sa ugali at sa fashion sense.

Sa tuwi-tuwina ay mukha itong time traveler. Nasa 2014 na kasi pero mukhang nasa 70’s pa rin ito dahil sa retro polo at pants na suot nito. Orange ang kulay ng damit nito na may print na iba’t ibang disenyo ng timepieces. Naka-pomada pa ang buhok nito. Kung tutuusin ay nasa early thirties pa lang ito pero sa palagay niya ay nasa sixties na ang edad nito dahil sa fashion sense nito.

Pero wala namang pakialam si Bruno sa itsura nito. Matindi kasi ang paniniwala nito na nuknukan ito ng guwapo.

“Good morning, my love!” bati ni Bruno na may dala pang bungkos ng bulaklak. “Pumunta agad ako dito nang malaman kong bumalik ka na galing sa Camiguin. Ayoko kasing masyado mo akong ma-miss.” Hinawi pa nito ang puro gel na buhok na parang nagpapapogi at saka inabot sa kanya ang bungkos ng calla lily.

Maasim siyang ngumiti. “Hehe! Salamat sa mga gulay.”

“Bulaklak ang mga iyan. Calla lily galing sa Baguio. At marami pa akong pasalubong sa iyo. Pero ibibigay ko lang sa iyo kung bibigyan mo ako ng kiss.”

Ihinarang agad ni Yngrid ang bulaklak sa mukha nito bago pa siya masayaran ng karima-rimarim nitong labi. Eeeeew!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.