When He Cries Chapter 22

@KenjiM HI! Who wants to watch my futsal game tonight, 7PM at Empire Stadium?

Nabitin ang pagsubo ng honeyed roast pork si Yngrid at nagningning ang mga mata nang makita ang post ni Kenji sa Twitter. "Oh, gosh! May futsal game si Kenji ngayon.” Natigilan siya at nilingon si Justine. “Ano 'yung futsal?"

"Parang football pero sa mas maliit na area sila naglalaro. Alam ko sikat iyon sa Brazil dahil sa bansa nila naimbento iyon," paliwanag ni Justine habang iniinom ang green tea frappe nito. Tumaas ang kilay nito. "Naka-follow ka pa rin sa lalaking iyan?"

"Oo nga. Akala ko ba gusto mo na siyang makalimutan?" tanong ni Dreamilyn.

"Never kong sinabi na gusto ko siyang makalimutan. Ang bruhang Margaret na iyon ang panira ng kaligayahan namin. Hindi ako naniniwala sa tsismis tungkol kay Kenji at Margaret. Come on. Alam naman ninyo ang showbiz. Malamang pakana lang ito ni Margaret para mapansin ulit dahil flop ang huling teleserye niya,” kaswal na sabi ni Yngrid na parang wala lang ang ilang araw niyang pagkatulala at sama ng loob mula nang sumabog sa showbizlandia ang tungkol sa relasyon nina Kenji at Margaret.

Ngayon ay naka-recover na siya dahil sa ideyang baka di rin naman totoo ang relasyon. Knowing Margaret, marami itong gimmick para manatiling sikat. Malamang ay threatened ito sa dami ng mga mas batang artista ngayon. Kung dahil sa trabaho kaya iyon ginagawa ni Kenji ay uunawain na lang niya. After all, para naman iyon sa future nilang dalawa.

“I don’t think it is a gimmick. Sila mismo ang nag-confirm ng relasyon nila. Hindi naman sila love team para mapag-usapan,” kontra ni Justine.

Pinanlakihan niya ito ng mata. “Wow! Salamat sa friendly support.”

“Sinasabi ko lang kung anong naisip ko,” katwiran naman ni Justine.

“Tama naman si Justine,” sabi ni Dreamilyn sa nananaway na tono. Pasimple lang siyang sumubo ng pagkain at uminom ng iced tea. Alam niyang masesermunan na naman siya ng mga ito pagdating kay Kenji na parang batang walang alam sa mundo. "Masyado ka kasing nagpadala sa ilusyon mo. Tatlong araw na bakasyon lang na nagkasama kayo ni Kenji Matsunaga tapos sineryoso mo. Umaasa kang masyado na kayo na ang magkakatuluyan habambuhay. Aba! Matanda ka na, Yngrid. Gumising ka na sa katotohanan na walang ibang ibig sabihin ang moment ninyo sa Camiguin."

A dreamlike smile touched Yngrid’s lips. Iyon ang itsura niya kapag naiisip niya ang masasayang sandali nila ni Kenji sa Camiguin. "Hindi mo naman ako masisisi. Minsan lang akong maka-experience na bigyan ng atensiyon ng lalaking akala ko hanggang sa pangarap ko lang makakasama. Ayokong mawala ang magandang pakiramdam na iyon,” aniya at sinapo ang dibdib.

Hindi ilusyon ang lahat. Ramdam na ramdam niya sa bawat ngiti nito, sa bawat haplos nito na gusto rin siya nito. O at least ay wala itong girlfriend.

"Tapos na ang bakasyon kaya tapos na ang ilusyon. May girlfriend na siya. Tanggapin mo na lang na hindi sa iyo si Kenji Matsunaga,” sabi ni Justine.

Umasim ang mukha niya at muling uminom ng iced tea. "Hindi ko matatanggap na mapupunta siya sa bruhang iyon. Kaya tatanungin ko mismo sa kanya. Pupunta ako sa futsal game niya. Sasamahan ba ninyo ako?" bigla ay malambing niyang tanong.

"Hindi! Tigilan mo ang kahibangan mo. Huwag mo na kaming isama,” pakli ni Dreamilyn na parang mauubusan na ng pasensiya sa kanya.

Asa pa siya. Wala naman talaga siyang maasahang suporta mula kay Dreamilyn. Walang middle ground para sa kaibigan niyang guidance counselor at Values Education teacher. Kung ano lang ang tama dito ay iyon lang ang tama dito ay iyon lang ang dapat gawin. Pag mali ay mali.

Kaya ibinaling ang atensiyon niya ang atensiyon kay Justine. “Friend, minsan lang ako ma-in love. Suportahan mo naman ako. Samahan mo akong manood ng futsal. Wala naman tayong activity ngayong gabi. Naipagpaalam na kita kay Lola na aalis tayo. Huwag mong sayangin ang chance na ito.”

Tinapik lang ni Justine ang balikat niya. "Tawagan mo na lang kami kapag kailangan ng kaibigan na maiiyakan,” anito sa boses na may kasamang simpatya.

Umikot ang mga mata niya. Oh, great! Wala siyang maasahan sa mga ito lalo na’t iniisip ng mga ito na mauuwi sa trahedya ang mga plano niya. "Salamat sa pagiging supportive, friends. Mga tunay talaga kayong kaibigan."

"Kapag sumama kami sa iyo, pipigilan ka lang namin. And you won't like that. Mabuti na ito. Tutal di ka rin naman magpapapigil sa gusto mo. Kaysa naman magkasamaan tayo ng loob, hahayaan ka na lang namin,” paliwanag ni Justine sa kanya.

Fine. Ibig sabihin ay mag-isa lang siya sa brigadang ito. Kung ganoon ay mag-isa siyang magsisikap para sa kanyang pag-ibig.

PUNO si Yngrid ng kompiyansa nang pumunta sa futsal turf kung saan gagapin ang game. It was just a practice game. Kasama daw sa futsal game na iyon ang ilang member ng futsal national team ng Pilipinas na mga kaibigan din ni Kenji. Hindi man siya mahilig sa sports pero ipapakita niya ang suporta niya sa binata. Patutunayan niya sa mga kaibigan niya na di lang ilusyon ang lahat.

Nag-taxi lang siya papunta doon dahil nasa pagawaan ang sasakyan niya. Mahirap din maghanap ng parking ng sasakyan sa area na iyon. Tuloy-tuloy siyang pumasok ng stadium at nakitang marami-rami din ang tao. Napansin niya na nagkukulumpunan ang iba. Mukhang miyembro ng fans club ni Kenji. Pinili niyang umupo sa isang hilera sa bandang gilid ng stadium na di kalayuan kung saan nakaupo ang ibang manlalaro na may suot na jersey. Mukhang naghihintay pa ang mga ito sa ibang kasamahan. Wala si Kenji sa paligid. Mukhang di pa dumadating.

Isang babae na matangkad, maputi at may pagka-chubby ang nakangiting nakatingin sa kanya. "Miss, mag-isa ka lang?"

"Oo. Nandito lang ako para kay Kenji. In-announce kasi niya ang tungkol sa futsal game niya." Hindi niya kailangang humalo sa ibang fans ni Kenji. After all, espesyal siya sa babaeng lahat na.

Umupo ang babae sa tabi niya. "Really? Nandito rin ako para sa kanya. You see, we are close. Magkapitbahay lang kami and he personally invited me to watch his game."

Matamis siyang ngumiti. Amoy na amoy niya na isa itong kakompitensiya. Kapitbahay naman pala ito ng mahal niya. Okay lang maging mabait dito and at the same time ay nililikida na niya ang kompetisyon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.