"Huwag mong gamiting excuse iyan, Yngrid," sermon ni Dreamilyn. “In denial ka pa rin. Come on. Hindi ka na teenager. Teenager lang ang ganyan. Sabi ko naman sa iyo na huwag kang aasa nang higit pa kay Kenji Matsunaga. Celebrity pa rin iyan. At madalas na natural lang sa kanila ang maging mabait sa mga fans. Kaya nga nami-misinterpret din si Casey ng ibang fans. Konting pakita lang ng kabaitan, akala nila may gusto na sa kanila."
Celebrity. Fans. Hindi niya iyon naramdaman noong panahong kasama niya si Kenji. Parang nasa libro siya ang fairy tale. And she never felt so excited and happy before. At iba ang realidad sa mundo ni Kenji. Maraming maskara. Maraming tabing. At nariyan din si Margaret - ang babaeng puro pagbabalat-kayo sa buhay.
“So he doesn't really like me? At walang posibilidad na wala talaga silang relasyon ni Margaret?" tanong ni Yngrid na ayaw pa ring isuko ang pag-asa.
Minasahe ni Dreamilyn ang sariling sentido. Parang sumasakit na ang ulo nito sa kanya. “Huwag mo nang isipin iyan. Kahit pa posibleng di talaga niya girlfriend si Margaret Choi ay may mapapala ka sa kanya. Get over it, okay? As if naman nag-date talaga kayo o niligawan ka niya. I believe you are more matured than this. Tanggapin mo na lang ang totoo na hindi ikaw ang babaeng pinili ni Kenji. You are just a fan and you should know where you stand.”
Sinubukan niyang tanggapin ang sinasabi ng mga ito, na isa siyang fan kaya huwag niyang seryosohin ang nararamdaman kay Kenji subalit parang sinasaksak ang puso niya.
“P-Pwede bang hayaan muna ninyo akong pangarapin si Kenji para naman hindi ako masyadong ma-trauma sa pag-ibig," apela ni Yngrid.
Gusto pa niyang umasa. Dahil kapag nawala ang pag-asa niya, masyadong masakit sa dibdib. Parang sinaksak lang niya ang sarili niya. Ang pag-asa ay parang kutson na sumasalo sa kanya para di siya tuluyang bumagsak sa katotohanan para sa marami na mistulang matalim na mga bato sa bangin na huhulugan niya. She didn’t want to lose the happy feeling.
Umikot ang mga mata ni Justine. "Bahala ka na nga. Mabuti pa ihatid ka na lang namin sa café."
"Pero kung gusto mong i-videoke ang hinagpis mo sa buhay, game ako diyan. Magpapaalam ako sa mga tita ko at kay Casey," anang si Dreamilyn.
"Hindi. Bumalik na lang tayo sa Sweet Surrender," wika niya. Mas gagaan ang loob niya kung nasa sarili niyang teritoryo. Iinumin niya ang lahat ng matatapang na kape nang walang asukal. Tutal ay kasing pait naman iyon ng nararamdaman niya ngayon. Baka sakaling mamanhid ang pakiramdam niya.
Pagpasok niya ng cafè ay excited siyang sinalubong ng tauhan na si Frecy. “Ma’am, may naghahanap po sa inyo.”
"Sino?" tanong ni Yngrid.
Itinuro sa kanya ni Frecy ang isang lalaki na nakatayo sa mesa sa labas at sinisipat-sipat ang mga anggulo ng cafe niya. Maliit lang ito at malaki ang tiyan. "Good evening. I am Yngrid Singson, the owner of Sweet Surrender. Is there anything I can do for you?"
Kinamayan siya ng lalaki “Hi! I am Calvin Ricardo of Atlanta Records. We want to use your café for a music video.”
“Really?” nagniningning ang mata niyang tanong. Isang magandang pagkakataon ito na magagamit ang café niya sa pag-shoot ng music video. Bonggang exposure ito. Isang magandang balita sa gitna ng pagdadalamhati. “Kaninong music video?”
“Kelly Darling, an up and coming music artist and a Youtube sensation.” Kumunot ang noo niya. Hindi niya kilala kung sino ang artist. “Nabanggit kasi ni Kenji Matsunaga na kaibigan ka daw niya. Magiging parte din siya ng shoot na ito. So he suggested to check out this place for the music video. I guess it is perfect. We can discuss the terms and the schedule for the shoot if you want.”
“S-Sure. Of course.”
Puro tango lang ang ginawa ni Yngrid sa lahat ng gusto ni Calvin. Isa lang bagay ang malinaw sa kanya - hindi siya nakakalimutan ni Kenji. Sa dinami-dami ng kakilala nito at ni Margaret na may-ari ng café ay café pa nito ang napili niya.
"So I will see you next week?" tanong ni Calvin.
"Yes, yes. Thank you," aniya at kinamayan ang lalaki.
Matapos maihatid sa labas ng café si Calvin ay excited siyang binalikan ang mga kaibigan na nasa loob ng café at inookupa ang isa sa mga couch. Isang impit na tili ang kumawala sa labi niya nang tabihan ang mga ito. “Gosh! Ini-recommend ni Kenji ang café ko para sa shoot. Dito siya magsu-shooting next week ng music video. Imagine, hanggang ngayon gumagawa pa rin siya ng paraan para magkita kami. It is a sign!"
"Baka wala siyang kilalang owner ng café. Baka ikaw lang," pakli ni Dreamilyn. "Walang ibang sabihin iyon."
"Wala akong pakialam. Ang alam ko lang si Kenji mismo ang gumagawa ng paraan para magkasama kami. Sabi ko sa inyo. Huwag pakatiyak sa Margaret na iyan. Kami pa rin ni Kenji ang magkakatuluyan sa huli," puno ng kompiyansang wika ni Yngrid.
Pwede naman niyang bitawan si Kenji kung wala na itong pakialam sa kanya. Eventually ay matatauhan din siguro siya. Pero ang pagpaparamdam nito sa kanya, ang gesture nito na nais nitong magkita ulit sila ay malaking bagay para lalong maglagablab ang kanyang pag-ibig dito.
Umingos si Justine. "Sige. Asa lang nang asa. Pag nabigo, iiyak-iyak ka na naman."
“Anong sabi mo?” angil niya.
“Wala. Goodluck sa shooting dito sa café mo. Sumaya ka sana," bawi naman ni Justine habang tahimik.lang si Dreamilyn at taas-baba naman ang kilay. Pagod na siguro itong sermunan siya.
Matamis siyang ngumiti. "Thanks, friends. This means a lot to me."
"Makakain na lang ulit," sabi ni Dreamilyn.