“Shut up, Hector! Hindi nakakatuwa na pagtawanan mo si Kenji,” saway ni Hyde dito. Ito ang pinakamatanda at tumatayong lider ng grupo nila.
“Ang totoo naiinggit lang si Hector. Mas tumaas ang popularity mo sa mga babae. You cry on TV and all the other girls cry for you as well,” reklamo ni Renan. “Wala kasing ginawa ang mga babae kundi tanungin kung anong number mo o address mo para daw madamayan ka nila. They want to fix your broken heart. His Facebook, Twitter and Instagram accounts are bursting with messages like that. Nakakamatay sa inggit.”
“You shut up,” naiiritang sabi ni Hector at umirap.
Sumasabog din naman ang mga social network account niya pati na rin ang website niya ayon sa handler niya. He didn’t care about those. Kung siya lang ang masusunod ay mas gusto niyang huwag magpakita o kumausap ng kahit na sino. May ilan pang reporter na nakabantay sa labas ng townhouse niya. Mabuti na lang at mapagkakatiwalaan ang kapitbahay niyang kinuha niya para alagaan ang mga aso niya kapag wala siya. Ito muna ang pinaglagakan niya ng aso niya. He was really not in the condition to take care of his dogs.
“Sabi ni Bryan muntik ka na daw may i-cancel na project. Mabuti na lang ikaw talaga ang gusto ng endorser at di naman sila nagmamadali. You know that you can’t go on like this,” wika ni Aki, ang tumatayong lider ng grupo nila.
Tumungga siya ng whiskey. “They rescheduled the pictorial next week. Don’t worry. I am trying to fix myself and get back some normalcy in my life. Nandito na ako, di ba? I won’t definitely f*ck up.”
Kundi pa siya kikilos ay tiyak na maapektuhan ang trabaho niya. Marami siyang nakabinbing trabaho. Ayon pa nga sa handler niya ay maraming nag-o-offer ng project sa kanya na bago lalo na’t single na siya. Mga proyekto na mas mag-e-elevate sa career niya. Pero di pa siya makapagdesisyon ngayon. Lagi niyang naiisip ang nakangiting mukha ng kasintahan o dating kasintahan habang pinag-uusapan ang ibang lalaki.
“Babae lang iyan, Kenji. Marami pang ibang babae diyan. Lots of chances to heal your broken heart. Iikot mo ang mata mo dito sa bar. Kahit sinong babae na gustuhin mo at tiyak na makukuha mo,” wika ni Pedro na siyang sinasabing may pagkasuplado sa kanilang lahat. Mukhang allergic din ito sa mga babae pero ang pagkasuplado nito at pagka-misteryoso ang isa sa dahilan kung bakit gustong-gusto naman ito ng mga babae.
Umiling si Kenji at pinagdikit ang mga labi. “Hindi iyon ganoon kadali.”
Mahigit isang taon din niyang inalagaan ang relasyon nila ni Margaret. Naging sunud-sunuran siya dito nang sabihin nito na hindi muna sila pwedeng lumabas sa publiko dahil may ka-love team ito sa isang television series na di rin naman nagtagal. Nilulon niya ang pride niya.
Pero ibang usapan na ngayong kailangan niyang magpanggap na wala sila habang nakatakda na itong ikasal sa ibang lalaki. Mukhang masaya naman ito sa lalaking pinili ng pamilya nito dito. Hindi siya isang hotshot politician. Hindi nga siya nakapagtapos ng kolehiyo sa isang unibersidad. Kinailangan niyang magtrabaho sa batang edad para makatulong sa pamilya niya. Gusto niyang samantalahin habang bata pa siya saka siya mag-aaral kapag nakaipon na. Maikli lang ang tatakbuhin ng buhay niya bilang isang modelo at alam niyang kailangan niyang mag-ipon sa kinabukasan at samantalahin ang kabataan niya.
Malayo nga naman siya sa pinapangarap ng pamilya ni Margaret para sa dalaga. He was just good enough to be a boytoy and a paramour. Hindi sapat para ipaglaban at pakasalan ng isang prinsesa gaya nito. He had never felt so low.
“I won’t be some kept man. May dignidad naman ako. I may not be some politician with presidential ambition but I won’t be someone’s paramour either. I deserve to be treated better than that,” sabi niya at itinaas ang baso.
Tinungga niya iyon at gumuhit ang mainit na alak sa lalamunan niya pababa ng sikmura niya. He was an occasional drinker. May istriktong regimen siyang sinusunod para ma-maintain ang magandang pangangatawan niya. Pero sa gabing iyon ay hahayaan naman niya ang sarili niya na maging masaya. Kasama ang kaibigan niya. Kasama ang alak.
“Ano ba ‘yang pinagsasasabi mo?” tanong ni Hyde.
“Nothing,” aniya at umiling.
Hindi niya kayang ipagtapat sa mga kaibigan ang totoo tungkol sa paghihiwalay nila ni Margaret. He couldn’t betray her. Kahit pa nasasaktan siya. Kahit na parang kapatid na niya ang mga ito. Kahit sa pamilya niya ay hindi niya sinabi ang totoo. Ayaw niyang masaktan ang mga ito. Ayaw niya sa lahat ay inaapi ang pamilya niya. Kapag inapi siya ng ibang tao dahil sa mahirap na background niya ay parang tinapakan na rin ang pamilya niya. Mas gugustuhin na lang niyang kimkimin ang nararamdaman niyang sakit.
“Lasing ka na, p’re,” wika naman ni Hector.
“Umuwi ka na nga. You are drunk,” anang si Renan.
May tumapik sa balikat niya. “Kenji, mabuti pa ihatid ka na namin.” That was Aki. Puno ng concern ang boses nito. “Kung hindi mo kayang mag-stay dito, maiintindihan naman namin.”
“Hindi pa ako lasing. You want me to come here to have some fun, right?” Itinaas niya ang isang kamay. “Kaya ko ang sarili ko.”
“Hi, Kenji. Come, let’s dance,” yaya ng isang babae sa kanya at hinawakan ang braso niya.
Ayaw niyang dumikit sa kahit na sinong babae nang gabing iyon. Maraming lumalapit sa kanya para samantalahin ang kahinaan niya dahil sa sugatan niyang puso. Ayaw niyang gamitin ang isang babae sa ganoong paraan. Gusto niya ay kaya niyang ialay sa isang babae nang buo ang puso niya at hindi pira-piraso. At lalong ayaw niyang samantalahin din ng babae ang kahinaan niya. Hindi naman lahat ng babaeng lumalapit sa kanya ay gusto ng matinong relasyon. Some of them just wanted to have some fun. O kaya ay masabi na nakasama siya para maipagmayabang sa kakilala ng mga ito. Hindi siya ganoong uri ng lalaki.
Natigilan siya nang mapagmasdan ang babae. She was petite with fair skin. Mahaba ang itim at tuwid na tuwid nitong buhok. Nakasuot ito ng red dress na V-shape gaya ng paboritong isuot ni Margaret. She had chinky eyes just like Margaret. Tinanggap niya ang kamay na inaalok nito. “Sure, princess.”