When He Cries Chapter 50

Pabalik-balik ng lakad si Yngrid sa loob ng café niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na paparating si Kenji. Sana nga ay si Kenji ito. Dahil kapag hindi ito si Kenji ay ipapadampot niya sa pulis ang sinumang nagti-trip sa kanya.

Pero positibo itong kinilalang guard. Kaawa-awa pa nga daw ang itsura. Subalit hindi niya alam kung paanong mapapadpad doon si Casey. Hindi ito basta lang naligaw. He specifically decided to go to her café. Nakapagtataka naman iyon. Pero baka naman sinadya itong dinala ng tadhana sa kanya. O kaya ay naisip nito na sa oras ng pighati ay siya ang gusto nitong makasama. Na sa wakas ay naisip nito na gusto nitong sa piling at bisig niya paghilumin ang sugatan niyang puso.

Heto na. Si Kenji na mismo ang lumalapit sa kanya. Heto na ang matagal niyang hinihintay. Pinapangarap. Ipinagdadasal. Nasagot na ang dasal niya.

Yngrid, wag masyadong atat. Di mo pa nga sure kung si Kenji Matsunaga o si Kiko Matsing ang magpapakita sa iyo.

Maya maya pa ay may tumigil na taxi sa harap ng café. Bumaba ang driver ng taxi na isang may katabaang lalaki na nasa bandang singkwenta na. Kumatok ito sa pinto ng cafe at pinagbuksan niya. "Ma'am, kayo po ba si Yngrid Singson?"

"Ako nga po," sagot niya. Nasaan si Kenji? Bakit hindi pa bumababa ng taxi?

"Ma'am, ano pong gagawin ko sa pasahero ko na nagpahatid dito. Wala na po kasing malay."

Kumabog ang dibdib ni Yngrid. Dali-dali siyang lumapit sa taxi at sumilip sa bintana. Nagulantang siya nang makitang nakalungayngay ang ulo ni Kenji habang nakasandig sa sandalan ng upuan sa back seat. Wala itong malay. “Kenji! Kenji!” aniya at kinatok ang windshield. Tinanggal ng driver ang lock at dali-dali niyang binuksan ang pinto. Inalalayan agad niya ang nakalungayngay nitong ulo. Naamoy niya ang alak sa hininga nito. Nakainom Pero bakit? At paano ito napunta doon? “Manong, anong nangyari kay Kenji?”

“Galing po sa bar, Ma’am. Basta naisakay ko lang po doon. Tapos dito po nagpahatid.”

Patay! Anong gagawin niya? Akala ni Yngrid ay saktong lasing lang ang binata at baka may huwisyo pa. Iyon pala ay wasted na wasted na. Hindi ito magiging komportable sa café niya. “Manong, bigyan lang po ninyo ako ng two minutes. Ila-lock ko lang po ang pinto tapos po babalik ako agad. Tapos po ihatid ninyo kami sa bahay ko malapit dito.”

“Sige po, Ma’am,” wika naman ng driver.

Kinuha niya ang bag sa loob ng café. Nag-lock siya at sumakay sa taxi. Umupo siya sa tabi ni Kenji na nakalungayngay ang ulo sa kabilang bahagi ng upuan. Ibinigay niya ang address ng subdivision niya na limang minuto lang mula doon ang biyahe. “Manong, dalawang kanto po mula dito tapos kumanan kayo. Tuloy-tuloy lang hanggang makarating kayo sa Purpose Street.”

Ikinatang niya ang ulo ni Kenji sa balikat niya nang humilig ito papunta sa kanya. “Kenji,” usal niya. Ano bang nangyari dito?

Noong huling beses silang nagkita ay mukhang okay naman na ito. Nasasaktan pero sinusubukang maka-recover. Wala sa itsura nito ang gustong maka-recover. Mukhang mas malala pa ito kaysa sa dati.

Umungol si Kenji habang nakapikit. “Babe, why did you do that to me? I am not a toy, you know. I deserve more dignity what you want from me?”

“Ano po bang nangyari sa iyo, Kenji?”

Anong ginawa ni Margaret para magkaganito si Kenji? Alam niya na may kinalaman ang pamilya ni Margaret sa paghihiwalay ng mga ito. Pero paanong itinuring ginawa itong laruan? Why did he speak about dignity? Ano bang hiningi dito ni Margaret na nailagay sa alanganin pati ang dignidad nito?

Alam niyang lasing ang binata at kung anu-ano lang ang sinasabi. But his words were not garbage. Baka ngayon lang nito nasasabi ang tunay na nilalaman ng puso nito. Mga bagay na di nito nasasabi sa iba.

Kung anuman ang bagay na iyon na magkokompromiso sa dignidad at pagkatao ng binata ay tiyak na nagsilbing mitsa para tuluyan itong maghiwalay at si Margaret.

“Sumakay si Sir ng taxi kasama ang isang babae. Babe siya nang babe habang parang sinasamantala siya ng babae. Nagpahatid ang babae sa Makati pero gusto daw po ni Sir sa café ninyo kasi iyon daw ang pangako niya sa girlfriend niya na doon sila. Tapos habang hinahalikan siya ng babae biglang natauhan si Sir,” comical na kwento ng driver na bumulanghit ng tawa. “Ayaw daw niya sa babae dahil di naman daw iyon ang girlfriend niya. E sa di naman talaga ganoon kaganda ang babaeng iyon. Ipagpilitan ba naman sa kay Sir na siya si Margaret Choi.”

“Ang bruhang babaeng iyon,” nanggigil niyang wika. Naku! Parang gusto niyang paliguan ng alcohol si Kenji mamaya para mawala ang bakas ng bacteria ng bruhang babaeng iyon. That bitch!!!

“Nang ayaw maniwala ni Sir, nagalit ang babae at saka bumaba ng taxi. Tapos si Sir po nagpahatid na dito sa café ninyo. Mukhang gusto po talaga niyang pumunta dito.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.