When He Cries Chapter 53

“GOOD morning, Ma!” masiglang bati ni Yngrid nang tawagan ang ina sa cellphone nito sa pamamagitan ng Viber habang naghahanda siya ng agahan sa kusina. Alas otso na noon ng umaga at napapahikab pa rin siya pero di nawawala ang ngiti sa labi niya. She felt so light. Ngayon lang ulit niya ito naramdaman sa loob ng mahabang panahon.

Wala pa siyang matinong tulog nang nakaraang gabi dahil nakabantay siya kay Kenji. Pabiling-biling kasi ito sa higaan at ungol nang ungol habang natutulog. Nasa tabi lang siya ng kama sakaling may kailanganin ito sa kanya.

Hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang tinakbuhan ni Kenji nang mangailangan ito. Hindi pa rin niya mapaniwalaan na nasa bahay niya si Kenji. Na nasa kuwarto lang ito sa taas at mahimbing na natutulog. Parang isang panaginip lang ang lahat.

Toasted bread lang at soup ang ihinanda niya para kay Kenji. Housewife lang ang peg na nag-aasikaso sa lasing na asawa. Lasing na asawa na bigo sa ibang babae. Ouch naman!

Ayaw na niyang isipin si Margaret. Kailangan ng bagong simula para kay Kenji. At titiyakin niya na siya ang nasa tabi nito sa bagong simulang iyon. Bakit naman hindi? Chance na niya ito. Palalampasin pa ba niya?

“Himala yata. Maaga ang gising mo. Alas otso pa lang ng umaga diyan,” gulat na sabi ng ina niya at narinig niya ang paghihikab nito. Mas late ang timezone sa Laos. “Sorry. Masyadong malamig dito kaya masarap matulog. Free day namin ng Papa mo kaya mamaya na kami lalabas ng hotel. Bakit ka napatawag?”

“May importante po akong sasabihin sa inyo,” aniyang pigil ang hininga.

“Why? Nakapagpa-book ka na ba ng flight mo? Do you want to meet us in Bangkok or in Myanmar?” puno ng pag-asam na tanong ng ina niya. Ngayon nga lang naman magbabakasyon ang mga ito kasama siya.

Bumuntong-hininga siya. “I am sorry. Mukhang hindi na po ako makakahabol sa tour ninyo.”

“Why? Kulang ka ba ng pera mo? Walang magbabantay sa café mo?” sunud-sunod na tanong nito.

“No. Something came up. Uhmmm… may emergency po kasi. Nagka-problema po ang kaibigan ko. K-Kailangan po niya ako ngayon. May pinagdadaanan po kasi siya,” aniya at tumingala sa taas.

“Gaano ba kalala ang problema ng kaibigan mo?”

“Love problem. Dito po muna siya tumutuloy sa akin ngayon.”

“Bakit di mo siya isama sa trip natin? Baka sakaling makatulong sa kanya na magpakalayo-layo muna,” suhestiyon ng ina.

“Sa palagay ko po kailangan po muna namin ng panahon na magkasarilinan sa ngayon.” Iyon naman ang kailangan sa ngayon. Mas marami pang pag-uurirat ang nanay niya kapag isinama niya si Kenji. As if naman sasama si Kenji sa kanya.

“Sino bang kaibigan mo iyan? Si Dreamilyn ba ay nagkaproblema na naman sa boyfriend niya na rakist? Na-in love na ba si Justine at pinoproblema niya ngayon?” tanong ulit nito.

Nakarinig siya ng kaluskos. Gising na yata si Kenji. “Hello! Hello! Anybody home?” sigaw nito na umalingawngaw sa buong bahay. “Hello!”

Nataranta siya. “Ma, kailangan ko na pong ibaba ito. Tatawag na lang po ulit ako.”

“Ano ‘yung boses ng lalaki? May lalaki ba diyan sa bahay mo?”

Ugh! Hindi ito ang oras para magpaliwanag siya. “Love you, Ma!” At dali-dali niyang tinapos ang tawag. Baka maloka ito kapag nalaman na si Kenji Matsunaga ang nasa bahay niya. “Kenji, nandito ako sa kusina.”

Lumabas siya ng kusina at sinalubong ito sa sala. Magulo pa ang buhok nito. Halos di pa nito maidilat ang mata nito habang nakatayo sa gitna ng sala. Marahil ay nasisilaw ito sa sikat ng araw at masakit iyon sa ulo kapag may hangover. Lukot ang polo nito at hindi pa nakasuot ang belt. He was barefoot and oh-so-sexy. “S-Sino iyan?”

“Ako ito. Si Yngrid,” pagpapakilala niya.

Pilit nitong idinilat ang mata at sinino siya. “Yngrid?”

“Yes. Yngrid of Sweet Surrender Café. Nagkakilala tayo sa Camiguin. Ang sinugod ng aso mo na si Missy at nalaglag sa pool,” pagpapaalala niya dito in case nagkaroon ito nang malupit na memory gap.

“Oh, Yngrid.” Sinapo nito ang noo at umupo sa sofa. “Anong ginagawa ko dito? Nasaan ako?” paungol na tanong nito. “Paano ako napunta dito?”

“Nandito ka sa bahay ko. Nagpunta ka kasi sa café ko kagabi. Pero dahil lasing na lasing at sarado na ang café nang dumating ka kaya dito na lang kita ipinahatid sa bahay ko. Di ko naman kasi alam kung saan ang bahay mo.”

“Really?” gulat nitong tanong at ibinaba ang kamay.

“Oo. Sabi ng taxi driver nagpahatid ka daw sa café ko. Gusto mong dalhan kita ng kape? May naka-brew na ako.”

“Sure. Thanks. Okay lang ba kung ayusin ko muna ang sarili ko? I don’t feel like myself right now,” anito at pilit na tumayo. Gumewang ito at akmang matutumba

Dali-dali siyang yumakap sa baywang nito para makabawi ang balanse nito. “I got you.”

Nahigit niya ang hininga nang maramdaman ang init ng katawan nito na nakadikit sa kanya. Nang tumingala siya ay natuklasan niyang nakatitig ito sa kanya. Kumabog ang dibdib niya at bigla siyang na-conscious. Di pa mandin siya masyadong nag-ayos sa umagang iyon. Di naman niya alam na gigising agad ito. Nagsuklay lang siya kanina at naghilamos. Hindi naman siguro siya mukhang bruha. O baka iniisip nito na may ginawa siyang kababalaghan dito habang lasing ito at walang malay kagabi.

“Aalalayan na kita hanggang sa kuwarto,” sabi niya at iniwas ang tingin dito.

“Thanks. Kaya ko na ito,” sabi nito at kumawala sa kanya. “Nakakahiya."

Tumango siya. “Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka.”

“Salamat,” anitong lumingon sa kanya. Ipinagbukas muna niya ito ng pinto ng guestroom bago siya bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang paghahanda ng agahan nito. Kumpleto naman ang mga gamit sa banyo ng guestroom.

Nakahain na ang agahan at ang mainit na kape nang bumalik si Kenji. Mas maaliwalas na ang itsura nito dahil nakapag-freshen up na. Subalit kitang-kita pa rin ang strain sa mukha nito dahil na rin sa hangover. He really had a rought night.

“Naghanda ako ng soup at toasted bread para sa iyo,” aniya sa masiglang boses niya. “And of course, coffee.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.