Humigop ito ng kape at nalukot ang mukha nang malasahan. “Ang tapang! Anong klaseng kape ba ito?”
“That is Sulu Brew.”
“Sulu Brew? Galing ito sa Sulu?” tanong nito. “Parang sinapak ako ng kalaban nito. Pag-inom ng kape pwede nang sumabak sa giyera. Mukhang ito ang kailangan ko mismo para matauhan. Last night must be the most stupid night of my life. I had never been that drunk before.”
“Well, lahat naman tayo nagiging tanga paminsan-minsan. Natural lang iyon,” aniya sa magaang boses. She didn’t want him to be so hard on himself. He already suffered enough.
“Sorry kung naabala kita. H-Hindi ko masyadong maalala ang nangyari. Ang alam ko lang ay lumabas kami ng mga kaibigan ko sa isang bar. Then sumakay ako sa isang taxi at kasama ko si Margaret.”
“Your ex-girlfriend?”
“Yes. Or so I thought. Pero nang hinahalikan na niya ako, saka ko na-realize na hindi siya si Margaret. At iniwan ako ng babaeng iyon sa taxi.”
“Namumula ang pisngi mo,” pansin niya. Nang natutulog ito kagabi ay napansin niya iyon kaya nilagyan niya ng aloe vera gel. "Bumangga ka ba?"
“I am not sure. I think she slapped me,” anito at saka hinaplos ang pisngi. Mukhang sa tindi ng pagkakasampal dito ay may bakas pa rin ng kamay sa pisngi nito.
“Don’t worry. Nilagyan ko na iyan ng aloe vera gel. The swelling will be gone soon,” sabi niya at tipid na ngumiti.
Nanatiling nakakunot ang noo nito. “Mukhang napikon siya dahil ipinagpilitan ko na hindi siya si Margaret. Tinanong ko pa ang taxi driver kung siya nga si Margaret. I… I don’t want to use anybody to forget about Margaret. Unfair para sa aming dalawa. And I didn’t mean to hurt her feelings, you know? Wala lang talaga ako sa sarili at inakala kong siya si Margaret.”
Pambihirang lalaki talaga ito. Ang ibang lalaking nasaktan dahil iniwan ng girlfriend ay nagwawala na at pumapatol sa kung sinu-sinong babae para lang makalimot. Walang konsensiya ang mga ito. Ang mahalaga lang ay makalimutan ang sakit na nararamdaman.
But Kenji was different. Napaka-considerate pa rin nito kahit na ito mismo ang nasaktan. Hindi nito idinadamay ang ibang babae sa paghihirap nito. Nararamdaman pa rin ng ibang babae ang inaalala nito kahit na muntik nang samantalahin ang kalasingan nito at sinampal ito. Santo ba ito?
“Magpasalamat ka na lang dahil natauhan ka sa tamang oras. Paano kung inuwi ka ng babaeng iyon sa condo niya? Baka mamaya kung ano pang makuha mong sakit sa kanya,” nakangiwi niyang sabi. Kinilabutan siya nang maisip iyon. “At ang masama ay baka ipagkalat pa niya sa reporters ang nangyari sa inyo.”
Nasapo nito ang mukha. “No! Hindi ko kayang isipin kung anong gagawin ko kapag nangyari iyon. The press would have a field day. I will be painted as a ridiculous man who is desperate to get over Margaret. I don’t need a scandal like that when I am trying to start over again. Paano pala ang taxi driver na sinakyan ko?”
“Pinakiusapan ko siya na huwag magsalita sa press tungkol dito. Concern si Manong sa iyo. Actually, sinabihan pa nga niya ako na huwag kang samantalahin katulad daw ng ginawa ng ibang babae.”
“What?” bulalas ni Kenji at humalakhak. Ngayon lang ulit niya ito narinig na tumawa. Sa haba ng tawa nito ay mukhang ngayon lang nito ginawa iyon matapos ang mahabang panahon. “Sayang dahil hindi ko nakuha ang pangalan ni Manong. Gusto ko sanang magpasalamat nang personal sa pagtulong niya sa akin.”
“I think I got his name and the taxi company’s number,” wika ni Yngrid. “N-Naalala mo pa ba kung bakit doon ka sa café ko nagpahatid kagabi?”
Tahimik itong ngumuya ng toasted bread na parang inaalala ang mga nangyari nang nakaraang gabi. “Sa palagay ko dahil gusto kong magpahatid sa café mo. Akala ko kasama ko si Margaret at magkakabalikan kami. At ang gusto kong gawin ay pumunta sa isang lugar nang kami lang. Aside sa town house ko, naramdaman ko na relaxed at masaya siya noong nasa café mo.” She almost scoffed. Masaya at relaxed si Margarer doon dahil alam nitong inggit na inggit siya dahil ito ang nobya ni Kenji noon. Baka gusto siyang patayin ng bruha sa inggit. “Nangako ako sa iyo noong nasa London pa ako na dadalhin ko sa café mo si Margaret. Kaya naisip kong ipahatid ang taxi sa café mo kagabi. Kaso h-hindi naman pala si Margaret ang kasama ko.” Nanlaki ang mata nito at kinapa ang bulsa. “Nakalimutan kong magbayad sa taxi driver kagabi.”
Itinaas niya ang isang kamay. “Don’t worry. I took care of everything.”
Bumagsak ang balikat ni Kenji. “Oh! Masyado ka nang maraming nagawa para sa akin. I mean, you paid for the taxi. You gave me a place to stay in for the night. Inalagaan mo ako at ipinaghanda mo pa ako ng agahan. Pasensiya ka na kung naabala ako.”