When He Cries Chapter 55

“No. It is okay. Masaya ako na ako ang nag-alaga sa iyo. Masaya ako dahil sa akin ka nagpunta kagabi,” nakangiting wika ni Yngrid.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Kenji. “Really? Okay lang sa iyo na mag-alaga ng lasing?”

“Guwapong lasing naman,” aniyang di mapigilang ngumisi. Priceless naman ang mga sandali na nasa bisig niya ito at naglalabas ito ng nararamdaman sa kanya kahit pa nga lasing ito. Priceless din sa kanya na pagmasdan ito habang natutulog. At ngayon ay siya pa ang naghanda ng agahan nito at magkasabay silang kumain. Parang isang magandang panaginip lang ang lahat.

“What?” bulalas ng binata na parang di iyon ang inaasahang sagot mula sa kanya.

“I mean, kahit paano mabuti na rin na sa akin ka napunta para naman makabawi ako sa pagliligtas mo sa akin dati. A-At natiyak mo pa na hindi kita pagsasamantalahan. Mahirap na kasi sa panahon ngayon. Hindi mo na alam kung sinong mapagkakatiwalaan. Lasing ka pa kaya mabuti na lang at hindi ka nanakawan o nasaktan. Alam mo naman kung anu-ano nang nangyayari ngayon,” matiyagang paliwanag niya.

Hindi lang pera at gadgets ang tinutukoy ni Yngrid. Hindi ba’t muntik nang mawala ang puri nito. Buti na lang at mabait siya saka nirerespeto niya ito kaya safe na safe ang puri nito sa kanya. Kung aakitin man niya si Kenji, mas gusto niyang gising na gising ito at wala sa huwisyo ng alak. Gusto niyang maalala nito ang lahat ng pilyang bagay na gagawin niya dito.

Hello, Yngrid! Carnal thoughts so early in the morning? Mahiya kay Kenji! Paano ka niya pagkakatiwalaan kung saan-saan na nakarating ang utak mo?

“Yes. You are right. Mahirap nang magtiwala sa ibang tao ngayon,” sang –ayon ni Kenji na walang kamalay-malay sa tinatakbo ng isipan niya. “Kahit na sinasabi pa ng taong iyon na mahal ka niya, hindi mo pa rin mapagkakatiwalaan ang salita niya.”

Napansin niya ang pagtiim ng anyo ni Kenji. Si Margaret ba ang tinutukoy nito? Muli ay napaisip siya kung ano ba talagang ginawa ni Margaret dito. Nakikita niya ang galit sa mga mata nito. Mas matindi ang galit kaysa sa sakit. Dahil ba sa ipinagpalit ito sa ibang lalaki? O mas malalim pa doon ang pinanggagalingan ng galit ng binata. Parang ayaw na niyang tanungin pa ito.

“I am sorry about what happened to you and your girlfriend,” she whispered.

“Yes. Nakita mo siguro ang interview ko. I looked like a wimpy guy crying on national TV,” anito at mapait na ngumiti.

“You are not wimpy. You are a sensitive and emotional guy, Kenji. Hindi lahat ng tao kayang magpakita ng totoong nararamdaman nila. Ipinakita mo lang sa amkn kung gaano mo kamahal si Margaret.” Nakuyom niya ang palad. “At ang babaeng iyon…” Naku! Marami siyang naiisip na paraan na pwedeng gawin para mabawian si Margaret sa pananakit nito kay Kenji.

“Huwag na natin siyang pag-usapan,” putol nito sa sasabihin at tumayo.

“Kenji…” Hala! Nagalit ata ito sa kanya. Sinabi na nga niyang di siya magre-react tungkol kay Margaret. Bakit di pa niya pinigilan ang bibig niya? Mukhang nasira ang mood nito. Kasi naman!

Naglakad ito patungo sa bintana. Hinawi nito ang kurtina at sumilip sa labas. “Wow! You have a nice place. And this is quite a neighborhood. May flower garden sa harap ng bahay mo. You have a fantastic view of the mountains.”

Tumayo siya sa harap nito. “Nasa Quezon City lang tayo.”

Gulat siya nitong nilingon. “Really? May ganito katahimik na lugar sa Quezon City? Wow!”

Natawa siya sa reaksiyon nito. “One of the reasons why I love this place and I love to do business in this area. Maganda ang view dito at hindi maingay. Nakaka-relax ang paligid. Nabili ng parents ko ang property noong nagsisimula pa lang i-develop.”

“Mag-isa ka lang na nakatira dito?” tanong ng binata at luminga sa paligid.

“Yes. Bakante din ang bahay sa kabila. Ilang buwan nang walang umuupa. The place is a bit pricey but it is worth it. Gusto ko na nakakapag-relax ako dito lalo na kapag umaga,” wika niya at huminga ng malalim. “Hindi maingay ang mga sasakyan at maayos ang neighborhood. Pakiramdam ko wala ako sa gitna ng magulong siyudad kapag nandito ako. Very convenient.”

“Gusto ko rin ng ganitong lugar. This is cool!” wika ng binata at hinaplos nito ang hamba ng bintana.

“Hindi mo ba gusto ang tinutuluyan mo ngayon?” tanong niya.

“Ugh! My townhouse is a bit crowded. Walang lugar para ipasyal ko ang mga aso ko. Pakiramdam ko rin wala akong privacy. I want a place like this,” sabi nito at tumango-tango. “Pwede kang maglakad-lakad, walang masyadong sasakyan at hindi pa polluted. It is perfect.”

“Pwede kitang ampunin kung gusto mo,” nakangisi niyang alok. Patitirahin niya ito ng libre at may slave pa ito sa katauhan. Libre din. Hindi siya nito kailangan pang swelduhan. Pagsisilbihan niya ito habambuhay.

“No. Masyado nang abala iyon. Thanks for taking care of me and for the breakfast. Salamat din dahil di mo ako pinagsamantalahan. Mapagkakatiwalaan kang kaibigan.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.