When He Cries Chapter 56

OUCH! Friendzoned ang ganda ko! Wagas naman kasing makaasa, sermon ni Yngrid sa sarili. Kenji slammed her with the truth. Hindi kaakit-akit na babae ang dating niya dito. Isa lang siyang kaibigan. Period.

Ngumiti na lang siya. Okay lang. Pangangatawanan na lang niya sa ngayon ang pagiging isang mabuting kaibigan dito. Isa pa, malaking bagay sa kanya ang tiwala nito. Nasaktan na si Kenji. Hindi nito basta-basta ibibigay ang pagtitiwala sa kung sinu-sino lang. Mas okay nang pinagkakatiwalaan siya nito kahit kaibigan lang ang tingin sa kanya kaysa naman kay Margaret na mahal nga nito pero hindi na pinagkakatiwalaan ng binata.

Dapat ay makontento na siya sa kung anong maibibigay nito sa ngayon. Makakapaghintay ang pagmamahal niya dito. Di siya dapat magmadali.

She touched his arm. “Okay lang. Nandito lang ako kung kailangan mo ako. Saka may privacy ka rin dito. Kung gusto mong makaiwas sa gulo, gusto mo ng katahimikan, pwede ka rin sa café ko o dito sa bahay. Welcome ang mga friends ko dito.” Friend. Pwede rin boyfriend kung gusto mo.

Ipinatong nito ang kamay sa kamay niyang nakahawak sa braso nito. Malamlam ang mata nito. “Thank you. I really need a friend right now. Someone I could trust. I am happy I found one in you. Hindi ako nagkamali na sa iyo pumunta. Despite of my drunken state, that is."

Pilit itong ngumiti pero naroon pa rin ang lungkot sa mga mata nito. Gusto niyang sabihin na handa siyang gawin ang kahit ano basta bumalik lang ang dating Kenji na kilala niya. Para bumalik ang masayang ngiti sa labi nito na umaabot sa mga mata nito. Sabihin lang nito ang kahit na ano at ibibigay niya sa abot ng makakaya niya. Gusto niyang sabihin dito kung gaano ito kahalaga sa kanya.

Bago pa niya nasabi iyon ay nag-ring ang cellphone nito. “Hello. Oh, Gui! You are in Manila? Darn! Nasa townhouse ka na hatinggabi pa lang? McDonalds lang ang kinain mo? Wala ka nang pera? Nangutang ka sa kapitbahay? Oh, man. Yes. Paparating na ako diyan.”

“May problema ba?” tanong niya.

“Dumating ang kapatid ko galing Japan. Tapos na ang football training niya doon at sa halip na bumalik ng Brazil nag-decide na daw siya na tanggapin ang offer ng football club sa Pilipinas. May nag-scout sa kanya doon kaya gusto niyang subukan. Biglaan ang pagdating niya. Kagabi pa pala siya nagme-message sa akin at tumatawag pero hindi ko nasagot. And there isn’t much in my house right now. Hindi na rin ako magtatagal. May taxi ba na dumadaan dito?”

“Ihahatid na lang kaya kita sa townhouse mo,” pagpiprisinta niya. Mabuti na lang at coding ang kotse niya kahapon kaya hindi na niya idinala sa café.

Umiling ang binata. “Huwag na. Masyado na akong nakakaabala.”

“Hindi abala iyon. Mas mahirap kung nasa taxi ka. You are still a hot item nowadays. Mainit pa rin ang balita tungkol sa inyo ni Margaret lalo na’t katatapos lang ng interview niya. Hindi natin alam kung sinong mapagkakatiwalaan ngayon.”

Mataman siya nitong tinitigan. “Of course. I don’t want to compromise you either. You are a private person. At hindi ko gugustuhing masangkot ka sa gulo ng buhay ko at ng mundong ginagalawan ko. It can be messy.”

“I know. Nakita ko iyon sa kaibigan ko dati,” sabi niya at ngumiwi nang maalala kung paanong inangaban ng mga reporter si Dreamilyn sa labas ng national high school na pinapasukan nito bilang guro. Kung paanong siniraan ito at pinulaan na muntik nang magkompromiso sa pagiging guro nito. Hindi niya mabibigyan ng privacy at katahimikan si Kenji kung pati siya ay guguluhin ng reporters. “Magbibihis lang ako. Babalik ako agad.”

Nagpalit siya ng jeggings at peach na ruffled blouse. Simpleng powder at lip balm lang ang inilagay niya. She wanted to be as natural-looking as possible. Gaya ng gusto ni Kenji.

Palabas na siya ng kuwarto nang marinig niyang tumunog ang doorbell. “Yes. Who is it?” narinig niyang tanong ni Kenji mula sa labas.

Sumilip siya sa sliding door ng silid niya kung saan tanaw ang gate. Nahindik siya nang makita kung sino ang kausap ni Kenji. Si Bruno. Si Bruno na madilim ang mukha habang nakatingin kay Kenji at parang kakainin nito ng buhay kahit mas matangkad si Kenji dito.“Anong who is it? Sino ka?” Dinuro nito si Kenji. “Anong ginagawa mo dito sa apartment ng girlfriend ko?”

Naestatwa si Yngrid. What? Sinabi ni Bruno kay Kenji, my love, so sweet na boyfriend ko siya?

"Yngrid, may naghahanap sa iyo. Boyfriend mo daw,” sigaw ni Kenji.

Dali-dali siyang bumaba ng hagdan habang kuyom ang palad. Pwede bang patayin si Bruno?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.