When He Cries Chapter 58

Lalong nanlisik ang mata ni Bruno. "At ang lalaking iyan ang gusto mo? Pinapababa mo ang sarili mo dahil sa kanya. Walang kayang magmahal sa iyo gaya ng pagmamahal ko."

She winced. Sa bagay na iyan, si Bruno lang naman talaga ang nagtitiyaga sa kanya. She felt a bit bad for him. Di niya kayang suklian ang pagmamahal nito. Pero di naman niya kasalanan iyon.

Kinabig siya ni Kenji palapit sa katawan nito. Handa itong proteksiyunan siya mula kay Bruno. "Why don't you just accept that Yngrid doesn't like you? Pinahihirapan mo lang ang sarili mo."

Napalunok si Bruno na parang maiiyak. Subalit pinatigas muli nito ang anyo nito. Parang may talim sa mga mata nito nang tingnan siya. "Pagsisisihan mo na ipinahiya mo ako. Pagsisisihan mo na hindi ako ang pinili mo, Yngrid."

"Just go and leave her alone,” galit na wika ni Kenji.

"Oo. Aalis ako, Totoy Iyakin. Tingnan mo, Yngrid. Kahit nasasaktan ako, di ako umiiyak. Mas matapang ako. Matapang ako." Saka nagdadabog na lumabas si Bruno ng gate. "Magsisisi kayo!" banta pa nito bago sumakay ng kotse nito.

Nakakunot ang noo ni Kenji nang sundan ng tingin ang papalayong sasakyan ni Bruno at isinara ang gate. "Who is that guy?"

“Definitely not my boyfriend. Anak siya ng may-ari ng inuupahan kong pwesto sa café. Simula pa lang nang lumipat ako lagi na niya akong kinukulit. Pati mga gustong manligaw sa akin ini-intimidate niya.”

Bakas ang pag-aalala sa anyo nito nang pagmasdan siya. “Hindi ba delikado siyang tao? Baka saktan ka niya. Pinagbantaan ka pa niya.”

Nagkibit-balikat siya. “H-Hindi naman. Ganyan lang talaga siya. He is a bit crazy but he is all talk. Pasensiya na sa pangyayaring ito. Nadamay ka pa sa gulo ko. Nasaktan ka ba niya?”

Umiling si Kenji. “Iyon nga atang manliligaw mo ang nasaktan.”

“Hindi mo naman kasalanan na umiwas ka sa suntok niya. Sorry ulit.”

“You shouldn’t apologize to me, Yngrid.” Hinawakan nito ang balikat niya. “Pero sa palagay ko rin ay hindi ka dapat na mag-isa dito. You are not safe with that crazy man around.”

“I am fine. You have nothing to worry about.” Matagal na siyang independent. Kaya na niyang ipagtanggol ang sarili niya. “Halika. Ihahatid na kita.”

Di pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha ni Kenji hanggang maihatid niya ito sa town house nito. “Hindi na ako bababa. Alam ko na kailangan mo pang asikasuhin ang kapatid mo,” sabi niya. “Goodbye, Kenji.”

“Sabihin mo basta sa akin kapag ginugulo ka pa niya. Wala akong tiwala sa Bruno na iyon. I will try my best to protect you,” anito sa determinadong anyo.

“Thank you, Kenji. At kahit anong oras na kailangan mo ng tulong ko, nandito lang ako.”

Ginagap nito ang palad niya at kinintalan ng halik. “I will never forget that.”

YNGRID had a silly smile on her face. Sobrang ganda ng araw niya mula kahapon dahil kay Kenji. Habang nasa gitna ng pag-i-inventory ay napapangiti na lang siya at naalala kung paano siyang pinrotektahan nito mula kay Bruno. Her hero. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang init ng labi nito sa likod ng palad niya.

It was sweet really. Pakiramdam niya ay napaka-intimate nang halikan nito ang likod ng palad niya. She never thought that it could feel as intimate as a kiss on the lips. She was like a fairy-tale princess, cherished and protected by her prince.

"Ma'am, pahiram po ng ballpen," anang staff niyang si Jan Hubert at hinawakan ang kamay niya.

Nagulat siya at tinabig ito. "Don't touch me!"

"Anong nangyayari sa inyo, Ma'am? Hihiram lang naman ako ng ballpen."

"Huwag mong hahawakan ang kamay ko basta."

Baka mamaya mawala ang marka ng labi ni Kenji sa kamay niya. Kung pwede nga lang ay huwag niyang basain para ma-preserve niya ang marka ng pag-ibig ni Kenji. Kaya umiiwas na lang siya sa human contact hanggang sa muling pagkikita nila ni Kenji.

Alerto agad siya nang mag-ping ang cellphone niya. Nanlaki agad ang mata niya nang makitang may private message siya mula kay Kenji. Muntik na niyang maibagsak ang smartphone niya dahil sa panginginig ng kamay niya.

“Ikaw na muna ang bahala dito,” sabi niya kay Jan Hubert at dali-daling lumabas ng stock room. Pumunta muna siya sa opisina niya at doon binasa ang mensahe sa kanya ni Kenji.

@KenjiM: Hello, gorgeous! Busy? How about coffee some time?

Hanggang tainga ang ngiti niya sa paanyaya ng binata. Niyayaya ba siya nitong mag-date o saktong gusto lang nitong magkape? Di na naman siya nito pinatulog kagabi sa kame-message nito. Kundi pa niya ipinaalala na may pupuntahan itong opening ng isang salon kung saan ito ang endorser ay hindi pa ito matutulog.

@YngridSingson: We can always have coffee at Sweet Surrender.

Safe naman ang pagyayaya niya. Ayaw naman niyang ipahalata na atat na atat siyang lumabas sila. And besides, kung magkakape na lang naman sila, bakit pa siya lalayo? May sarili naman siyang café.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.