When He Cries Chapter 6

Hinawakan nito ang baywang niya saka siya hinila palapit sa katawan nito. Nahigit niya ang hininga. Oh my gosh! His body was hard. Parang masarap sandalan. Bahagya niyang ibinaling ang pisngi para nakahilig siya nang bahagya sa dibdib nito. He smelled so good. Parang masarap itong papakin at kagat-kagatin. Binubuhay nito ng animal instinct niya. Rawr!

Sa halip na rawr ay isang “Woof!” ang narinig niya. Nagsunud-sunod pa ang tahol at nakita niya ang isang malaking aso na tumatakbo patungo sa direksiyon niya. “Misty!” narinig niyang wika ni Kenji.

“No! No! No!” namumutlang usal ni Yngrid nang makita ang Malinois na palapit sa kanya.

Umurong siya palayo kay Kenji. Ayaw niya sa mga aso. Lalo na ang malalaking mga aso. Mga aso na mas malaki pa sa kanya. But she couldn’t get away fast enough. Tuloy-tuloy sa pagtakbo ang aso at nilagpasan si Kenji. Mukhang siya talaga ang pakay ng aso. Sinugod siya nito.

Tuloy-tuloy siya sa pag-urong. Wala siyang balak magpalapa sa aso na ang tingin yata sa kanya ay isang malaking buto. No! Ayaw niyang makagat. Ayaw niyang magka-rabies. Kahit maka-survive siya sa panlalapa ng aso ay hindi naman niya kayang harapin ang injection. Takot siya sa injection.

“Huwag kang lalapit sa akin! Shoo!” pasigaw niyang pagtataboy pero tuloy-tuloy pa rin ang pagsugod ng aso sa kanya. Sa kauurong niya ay naramdaman na lang niya na wala na siyang tinatapakan. “Ahhhh!” sigaw niya at naramdaman na lang niya na bumagsak siya sa pool.

THIS IS NOT HAPPENING. THIS IS NOT SO HAPPENING.

Hindi pa rin makapaniwala si Yngrid sa nangyayari sa kanya. Kanina lang ay kasama niya ang lalaking laman ng pangarap niya. Tinawag siya ni Kenji Matsunaga na “gorgeous” nang dalawang beses, hinapit sa baywang, magkadikit ang mga katawan nila at parang nasa langit na siya. Nang biglang sinugod siya ng dambuhalang aso at lalapain. Tapos ngayon ay nalaglag naman siya sa pool. Katapusan na yata ng mundo niya.

Pilit na kumawag nang kumawag si Yngrid. Pilit na sinalat ng paa niya ang ilalim ng pool pero wala siyang makapa. Hindi siya marunong lumangoy. Wala siyang nakikita kundi tubig sa paligid niya. Nakainom na siya ng chlorinated na tubig ng pool kaya naman nag-panic siya.

Lumitaw siya sa tubig at nagkakawag. Wala siya halos makita dahil masakit ang mata niya na nabasa ng tubig. “S-Saklolo!”

“Yngrid! Yngrid! Sagipin ninyo ang kaibigan namin! Hindi siya marunong lumangoy!” narinig niyang histerikal na sigaw ni Justine. Kasunod niyon ay nakita niya ang dambuhalang aso na patuloy ang pagtahol habang nasa gilid ng pool. At ang nagngangalit nitong mukha ang nakita niya bago muling lumubog ng pool.

Shit! That dog from hell. Ano bang ginawa niyang kasalanan para maranasan ito? Dalawang kinatatakutan niya sa isang araw – aso at paglangoy? Nasaan na ang lifeguard ng resort? Wala bang sasagip sa kanya? Hindi niya maasahan ang mga kaibigan dahil gaya niya ay di rin eksperto sa paglangoy ang mga ito.

Diyos ko, patawarin po ninyo ako sa mga kasalanan. Oras na mabuhay po ako dito, magiging mabait na ako sa iguana. Kahit kay Bruno ay magbabait din po ako. Di ko na siya masyadong lalaitin. Hindi ako pwedeng mamatay ngayon. Virgin pa po ako.

Nakarinig si Yngrid ng labusaw ng tubig. Maya maya pa ay may matatag na bisig na nag-ahon sa kanya sa tubig. Isinandig siya nito sa matipuno nitong katawan. “It’s okay, baby. You are safe now,” bulong nito sa tainga niya.

Ligtas na siya! Ligtas na ba talaga siya? Talaga bang iniligtas siya ni Kenji Matsunaga? O isa itong anghel na magdadala sa kanya sa langit?

Pero natitiyak niyang hindi pa siya patay. Mainit ang katawan ni Kenji habang damang-dama niya ang paggalaw ng muscles nito habang lumalangoy upang dalhin siya sa gilid ng pool patungo sa kanyang kaligtasan.

Oh, life! She could get used to this. Kenji Matsunaga’s body against hers, making her feel safe. It was perfect. Ayaw na niyang matapos ang sandaling iyon.

Naramdaman niyang malapit na sila sa gilid ng pool kung saan mas mababaw. Ibig sabihin ay matatapos na ang maliligayang sandali nila. Mawawala na ang init ng katawan nito. Magkakahiwalay na sila. Hindi ito pwedeng mangyari.

Kailangang makagawa siya ng paraan para di basta-basta matapos ang lahat. Nang binuhat siya nito at akmang iaangat sa pool ay ipinikit niya ang mga mata niya at lumungayngay na lang ang buong katawan.

“Crap! She passed out,” narinig niyang usal ni Kenji.

“Diyos ko! Patay na ba ang kaibigan namin?” narinig niyang histerikal na wika ni Dreamilyn. “Please. Huwag ninyong hayaang mangyari iyon.” At narinig niya ang paghikbi nito.

“Patay agad-agad? Di ba pwedeng hinimatay muna?” narinig niyang wika ni Iguana. “Baka nga naghihima-himatayan lang iyan o kaya naglunud-lunuran para lang makagawa ng eksena at makalapit kay Kenji.”

Pesteng Iguana na iyan. Gusto niyang maging mabait dito pero talagang may pagka-impakto ito. Nalaman pa ang plano niya. Saka na siya makikipagtuos dito. Sa ngayon ay pangangatawanan niya ang paghihima-himatayan niya.

“Iggy, will you shut up? Nakita mo na ngang muntik na siyang malunod. If something bad happens to her, I will hold you liable for this,” angil ni Kenji dito at kinapa ang leeg niya para sa pulso. Buti na lang wala siyang kiliti kung hindi ay mabubuko ng lahat ang pagpapanggap niya. Napaka-soothing pa mandin ng hipo ni Kenji. “She’s good. Her pulse is good. Hindi na niya kailangang i-CPR.”

“Pero bakit wala pa rin siyang malay?” tanong ni Dreamilyn.

“Baka kailangan niya ng mouth to mouth resuscitation,” suhestiyon ni Justine.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.