When He Cries Chapter 7

Hallelujah! Parang gustong halikan ni Yngrid si Justine dahil sa suhestiyong iyon. Oh, yes! Mouth-to-mouth-resuscitation. Parang langit iyon sa pandinig niya. Ngayon ay madadampian ng labi ni Kenji ang labi niya. It was almost like a kiss. A French kiss even. And she bet that he was a good kisser. Her day gets better and better.

Animo’y may cheering squad sa puso niya. She felt him loom over her. Naramdaman niya na parang dahan-dahang lumalapit ang mukha nito sa kanya.

Mouth-to-mouth! Mouth-to-mouth!

Sa halip ay naramdaman niya ang mga kamay na nagtagilid sa kanya at saka tinapik ang likod niya. Napaubo siya at napilitang iluwa ang nainom na tubig.

“Good, good,” sabi ni Kenji at hinaplos ang likod niya.

“Hindi naman yata talaga nalunod iyan. Nagpapanggap lang,” narinig niyang sabi ni Iguana. “Gusto lang niyang sagipin siya Kenji.”

“Will you shut up? Hindi talaga marunong lumangoy ang kaibigan namin. Pinawakalan mo ang aso kaya hinabol si Yngrid. E kung nalapa ang kaibigan namin? O kaya nalunod siya? I hope you have good lawyers or we will hold you liable for this,” angil ni Justine at umuklo sa tabi niya saka hinaplos ang likod niya. “It is okay. You are safe now.”

Nangatog ang baba ni Yngrid dahil sa lamig. Ito talaga ang ayaw niya kapag nababasa ng tubig. Masyadong malamig kapag umahon. Her teeth started to chatter. Niyakap niya ang sarili. This was not mere acting anymore. Hindi biro ang napagdaanan niya – hinabol ng aso, muntik nang malunod at naantala ang mouth-to-mouth resuscitation sa kanya ng lalaking inaambisyon niya. Hindi ba traumatic iyon?

“Iggy, bantayan mo muna si Missy sa suite. Hindi siya pwede dito. Hindi mo siya pwedeng iwan sa buong photoshoot,” utos ni Kenji kay Iguana.

“Pero ang sabi sa akin…” Biglang napipilan si Iggy nang muling magsalita si Kenji.

“And we will have a serious talk. Hindi ako natutuwa sa nangyari dito,” wika ni Kenji sa malalim na boses na may halong babala.

Natahimik si Iggy at hinawakan ang cord ng aso. “Missy, let’s go,” sabi nito at saka narinig niya ang papalayong yabag nito at ng aso.

"Dalhin na natin siya sa clinic," sabi ng isang babae na sa palagay niya ay nurse ng resort.

Tinangka niyang tumayo para makapaglakad. Suminghap siya nang buhatin siya ni Kenji. "Don't move. I got you." Pinigil niyang mapangiti. It was the best feeling on Earth. Nasa bisig siya ni Kenji Matsunaga at iniligtas siya nito sa pagkalunod. Parang napakaganda niya. O kaya ay isang babasaging kristal na kailangang ingatan. Ito na ba ang kapalit ng masasamang pangyayari sa kanya sa araw na iyon? "How are you feeling?" tanong ng binata.

"Nahihilo pa ako," wika niya at humilig sa dibdib nito. Tenen! Para-paraan lang iyan. At saka niya itinago ang ngiti.

"Yngrid, huwag mo kaming iiwan," parang maiiyak na sabi ni Dreamilyn. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka."

Nasobrahan yata ang pagpapanggap niya at tinakot niya si Dreamilyn. Her friend went through a lot with all the media circus and her break up with her rockstar boyfriend. Hindi na nito kailangan ng panibagong stress dahil sa takot nito na maglaho siya sa mundo. It was supposed to be a happy and relaxing vacation after all.

Well, she was happy and relaxed right now. She was in the arms of the man of her dreams after all. Okay lang manghina. Alam naman niyang hindi siya pababayaan ni Kenji. Yihaaa!

"Gising naman siya. That is a good sign. Kailangan lang nating ipa-check up siya sa clinic kung naumpog ang ulo niya nang mahulog sa pool. Mabuti na lang nasagip siya ni Mr. Matsunaga," wika ng nurse at sa maliit na siwang ng mata niya ay nakita niya ang kinikilig na ngiti ng babae. “Hindi lang siguro siya makahinga dahil nakasubsob siya sa dibdib mo.”

Gusto niyang ngirngiran ang nurse na parang bulldog. Bruhang ito. Katribo yata ni Iggy, the Iguana. Pwes, mamatay ito sa inggit. Sasamantalahin niya ang pagkakataon na kalong siya ni Kenji at magkadikit ang mga katawan nila. Kahit pa mamatay siya sa suffocation basta masamyo lang niya ang bango ng binata.

“Ibaba mo na lang siya dito,” utos ng nurse kay Kenji at itinuro ang hospital bed na nasa loob ng clinic.

Marahan siyang inilapag ni Kenji. “Don’t be afraid. You will be fine.”

“T-Thank you,” nangangatog na sabi ni Yngrid.

Binalot siya ng nurse ng kumot. “May maitutulong ba kami?” tanong ni Justine sa nurse.

“Umorder kayo ng kape o tea para mainitan siya,” sabi ng nurse. “At iwan muna ninyo kami.”

“I will be fine,” paniniyak ni Yngrid sa mga kaibigan at ngumiti.

Kalaunan ay sila na lang ng nurse ang naiwan sa cubicle. Dinalhan siya ng tuyong damit ng mga kaibigan niya pero umalis din para makapagpahinga siya.

Dahil medyo nahihilo pa si Yngrid ay tinulungan siya ng nurse na magbihis. In fairness naman sa nurse ay naging professional naman ito nang i-handle siya. Inalam nito kung nabagok pa ang ulo niya nang bumagsak siya o masyado siyang maraming nainom na tubig o maaring na-damage ang baga niya. So far ay wala naman pero kailangan pa rin siyang magpahinga at obserbahan kahit isang oras. Gusto sana niyang makipag-argumento pero wala siyang lakas. Nagsama-sama ang lahat ng pagod na naramdaman niya mula sa kawalan ng tulog dahil sa flight niya hanggang sa mga disgrasyang nangyari sa kanya. Unti-unting pumipikit ang mata niya.

“Don’t sleep yet. Inumin mo muna ang kape mo,” narinig niyang sabi ni Kenji.

Marahang idinilat ni Yngrid ang mata at nakita itong nakatunghay sa kanya habang nakatayo sa gilid ng kama at may hawak na tray ng kape. Kung ibang tao siguro ito ay tutulugan na lang niya dahil gusto niyang magpahinga. Pero kusang dumilat ang mata niya nang makita ito. Nawala ang antok niya.

“I-Ikaw pa ang nagdala?” tanong niya at bumangon. “Nasaan ang mga kaibigan ko?”

Inalalayan siya ni Kenji na umupo at nilagyan ng unan ang likuran niya. “Kausap nila ang nurse. They want to make sure that you are okay. They are worried about you.” At inabot nito sa kanya ang kape. “With sugar and cream.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.