When He Cries Chapter 61

May kumatok sa pinto ng opisina niya. "Pasok!"

Sumilip ang ulo ni Frecy. “Ma’am, may bisita po kayo. Lalaki. Guwapo," anitong may nanunuksong ngiti sa labi.

“Baka si Bruno lang iyan. Sabihin mo ayoko siyang makita.” Wala siya sa mood makipagbiruan ngayon. Malaki ang problema niya. At ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Bruno ngayon. Baka siya na mismo ang bumangas sa mukha nito sa problemang idinulot nito sa kanya.

Bigla siyang natigilan. Baka mas lakihan ang renta niya sa pwesto kapag na-sense nitong nagtataray siya. Hindi na niya afford. Nilunok niya ang pride niya. “Sabihin mo busy ako ngayon. Marami akong trabaho. Hindi ako pwedeng abalahin… ng kahit na sino.”

Tumango si Frecy at lumabas. Para naman di isipin ni Bruno na pinepersonal niya ito. Di niya pwedeng itodo ang inis dito sa ngayon. Sana naman ay huwag na itong mangulit pa dahil baka maubusan siya ng pasensiya. Sumabog na lang siya basta.

Muling may kumatok sa pinto at narinig niya ang malaking boses ng isang lalaki sa kabila ng pinto. “Delivery for Miss Yngrid Singson.”

“Anong delivery iyan?” tanong niya. Parang pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Hindi iyon kay Bruno. Maganda na boses ng lalaki.

“Ang delivery guy mismo, Ma’am,” impit na wika ni Frecy na parang kinikilig.

Nakakunot ang noo niyang binuksan nang bahagya ang pinto at saka sinilip kung sino ang delivery man habang bahagyang naka-bend ang katawan niya. Kaya ang una niyang nakita ay ang baywang nito. He was wearing jeans. Mukhang makisig ito baywang pa lang at balakang. Hindi mukhang mataba. Tumaas ang mata niya sa white T-shirt na suot nito. Muntik na siyang mapapaswit dahil nakikini-kinita na niya na maganda ang pangangatawan nito sa ilalim. Walang taba. Nakita din niya na namumutok ang muscles sa braso nito. Nakanganga na siya at parang tutulo ang laway nang sa wakas ay mapatingin siya sa mukha ng lalaki. Isang nakangiti at amused na Kenji Matsunaga ang nakatunghay sa kanya.

Tumuwid siya ng tayo. “H-Hi… Kenji.”

“Hello, gorgeous!” nakangiting bati ni Kenji sa kanya at hindi na niya alam kung paano pa isasara ang bibig niya.

“Ma’am, baka po pasukan ng langaw ang bibig ninyo,” humahagikgik na sabi ni Frecy.

Saka niya na-realize kung paano siyang mukhang tanga sa harap ni Kenji. Baka nga kasya ang kamao sa pagkakabuka ng bibig niya.

Isinara niya ang bibig at saka tumuwid ng tayo. Tinanguan niya si Frecy. “Balik na sa trabaho. Ako na ang bahala kay Delivery Boy.”

Pasimpleng pinisil ni Frecy ang braso ni Kenji. “Ang guwapo mo talaga.”

Sinikmatan niya ito at ngingisi-ngisi si Frecy na bumalik sa counter. Nakaisa nga naman ito sa kanya. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto ng opisina para papasukin si Kenji. “S-Sorry. Hindi ko alam na dadating ka. Magulo pa kasi sa opisina ko ngayon. Marami akong inaayos."

“It is okay. Ang totoo gusto kitang yayaing lumabas.”

“Sa labas?” tanong niya.

“Yes." Humalakhak ito. "You look exhausted. Baka kailangan mong lumayo muna dito at sumagap ng sariwang hangin. How about a picnic? Nagpahanda na ako ng makakain kay Frecy at Armie. Mukhang nakahanda na iyon dahil kanina ko pa itinawag sa kanila."

“Ganoon na ba ka-obvious na haggard na haggard ako?” tanong niya at sinapo ang pisngi. Ang bruhang mga tauhan niya. Mukhang tinatabla pa rin siya kay Kenji. Hindi man lang siya inabisuhang mag-ayos samantalang alam ng mga ito na darating si Kenji para i-date siya.

Nakangiting hinaplos ni Kenji ang pisngi niya. “You are still pretty kahit na haggard.” Aray ko! Ganoon din iyon. Haggard pa rin siya. Pero dahil si Kenji ang nagsabi na maganda pa rin siya, keribels na rin iyon. “Pero kung busy ka at di ka makakasama sa akin, di kita aabalahin. Narinig ko kasi na bawal kang abalahin."

Pinigilan niya ang braso nito. “No. Tapos na ang trabaho ko dito. Nakapag-inventory na kami kanina. Iniisip ko ring lumabas. Kailangan ko ring makakalabas dito at lumanghap ng sariwang hangin. Consider yourself as my hero. A picnic sounds great. Just give me five minutes to fix myself.”

“I LOVE this. The green grass, the blue sky, the clear horizon. Freedom!” Idinipa ni Kenji ang mga kamay habang nakahiga sa damuhan at nakatingala sa langit. “Wala akong kailangang isipin na kahit ano – trabaho man o problema. Wala ring manggugulo sa akin. Isn’t it great?”

Nakangiting pinagmasdan ni Yngrid si Kenji. He looked wild and carefree as the wind toussled his hair. Nasa isang bahagi sila ng Timberland sa San Mateo, Rizal kung saan nakalatag ang berdeng damuhan sa kabundukan at kitang-kita ang lungsod sa baba. Malakas ang hampas ng hangin. Hindi na gaanong mainit ang sikat ng araw dahil alas kuwatro y media na ng hapon.

Everything was perfect for an afternoon picnic. Nakalatag ang picnic blanket kung saan siya nakaupo. Free si Kenji sa hapong iyon. Kaysa magmukmok daw sa town house nito o magtungo sa lugar na maraming mga tao ay pinili na lang nitong makasama siya sa isang lugar na walang manggugulo dito. Mainit pa rin ang reporters dito at kinailangan nitong mag-ninja moves para makatakas. It was his last free day. Sa mga susunod na araw ay magiging busy na ito. And he decided to spend his free time with her. She was flattered.

"Gusto mo na bang kumain?" tanong niya.

"Mamaya na iyan. I-enjoy muna natin ang hangin. I-enjoy muna natin ang view," sabi ni Kenji at muling humarap sa tanawin sa baba. "Aaaahhhhh! You can never bring me down! I am tougher than you think! I am Kenji Matsunaga! I am a fighter! I am a survivor!"

"May umaapi ba sa iyo?" tanong niya.

Nagkibit-balikat si Kenji. "Some nasty reporters tried to blacken my name. Para namang may maniniwala sa kanila. Kung may maniniwala man," humarap ulit ito sa kalawakan at sumigaw, "mga pangit kayo! Malulungkot siguro ang buhay ninyo kaya gusto rin ninyong lumungkot ang iba! Pangit!"

Humagikgik si Yngrid. "Para kang bata. Hanggang ganyan lang ba ang kaya mo?"

"I am not a violent person. Ayokong nakakasakit ng ibang tao kahit pa sinasaktan nila ako. But I am only human. Kapag nasa breaking point na ako at gusto kong ilabas ang lahat ng negative na nararamdaman ko, ito ang ginagawa ko. Kailangan kong sumigaw. How about you?"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.