When He Cries Chapter 69

“HOW’S the sales? Sa palagay mo ba mababayaran mo na ang upa mo?” tanong ni Kenji habang kumakain ng hapunan. Alas siyete na ng gabi noon. Idinala na niya ito muna sa bahay niya at doon ipinagluto ng hapunan para makapagpahinga. Kung mananatili ito sa café niya ay tiyak na wala itong pahinga. Lahat kasi ng fans nito ay ina-accommodate nito. Pati si Gui at mga kasamahan nitong model at dinumog din ng fans kalaunan.

Kaya sa huli ay nagdesisyon na siyang isara ang Sweet Surrender para sa gabing iyon upang makapagpahinga silang lahat. Umuwi na ang kapatid ni Kenji na si Gui at ang mga kaibigan ng binata na modelo. Pinauwi na rin niya ang mga tauhan niya at sinabihang kahit tanghali na sila magbukas. Binigyan din niya ng spa and massage allowance ang mga ito. Kailangan ng mga ito na mag-relax sa dami ng ginawa nila sa araw na iyon. Parang isang buwan na nilang trabaho ang ginawa nila sa loob ng ilang oras lang. And so are the sales. It was huge. Really huge.

“Yes. Hindi ako makapaniwala sa laki ng kita namin sa café ngayong araw. All thanks to you and your company. Kung wala ka, siguro mamomoroblema pa rin ako hanggang ngayon kung paano makakabayad sa upa sa cafe. I mean, kahit yata ilang buwan pa akong mag-advance ay pwede kong gawin,” masayang wika niya.

“And I am sure, mas marami pa ang dadalaw sa café mo sa mga darating na araw,” sabi ni Kenji at sumubo ng pesto and cheese bread. “Nagustuhan nila ang atmosphere ng café mo. And the food is great as well as the coffee.”

“Excited kasi sila na matiyempuhan ka.”

Humihirit pa nga ng part two ng fans day ang fans ni Kenji. Marami ang di nakapunta, marami rin ang di nakahabol at marami ang gustong ulitin ang masayang experience. Kakaiba nga naman ang pakiramdam kung pinagsisilbihan ka ni Kenji Matsunaga at ng iba pang guwapong kalalakihan. Aw! Kundi lang siya ang mismong owner ng café ay baka nakipila rin siya kay Kenji. Pero di naman siyempre ganoon kasimple ang lahat.

“Magkano pala ang professional fee mo?” tanong ni Yngrid sa binata.

Kumunot ang noo nito. “Professional fee? Kailangan ba ng professional fee sa magkaibigan?”

Tumango siya. “Siyempre naman. Hindi naman biro ang ginawa mong trabaho kanina. Tapos si Gui at ang ibang model naabala dahil sa pagtulong sa akin. I mean, this is a job, right?”

Nagkibit-balikat lang si Kenji. “Huwag mong intindihin iyon. Sanay na kami doon. I started modeling at sixteen. Pero di naman laging may trabaho. Kaya nagpa-part-time ako sa café at restaurants o kaya bartender sa mga bar. Kaya balewala lang sa akin iyan. Minsan nga mas mahal pa ang kape at pasta sa café mo kaysa sa sweldo ko. Isipin mo na lang na masaya kami sa pagkain. And we really enjoyed the food.”

“But you are Kenji Matsunaga now. The Kenji Matsunaga. Hindi ka na striving model. Sige, sabihin natin na ikaw okay lang na walang bayad dahil close tayo. Paano ang ibang models na kaibigan mo? They are professionals.”

“Ako na ang bahala kay Gui at sa mga kaibigan ko. Ang tulong ko naman sa iyo, kulang pa iyon sa naitulong mo sa akin. Hindi mo ako pinabayaan noong pumunta ako sa iyo nang lasing na lasing. Hindi mo ako sinamantala o ibinenta sa mga reporter. You could easily abuse me but you didn’t. Walang katumbas na halaga sa akin iyon. Iilang tao n alang ang mapagkakatiwalaan ko. That’s why you are special to me.”

Hinawakan nito ang kamay niya at tinitigan siya. “T-Talaga?” nauutal niyang tanong. Espesyal siya dito. At malalim na malalim iyon para sa kanya. Pinagkakatiwalaan din siya nito. Isang essential element sa isang relasyon.

“Kaya nga nang sabihin ko sa mga kaibigan ko kung gaano kalaki ang naitulong mo sa akin para makawala sa depression ko at kung paano mo ako inalaagan at pinrotektahan ay di sila nag-atubili na ibigay ang tulong nila. Nang libre.”

“O-Okay lang iyon sa kanila?” naniniyak niyang tanong.

“Dito sa Pilipinas ay sila ang pamilya ko. Kami ang magkakakampi. Parang kapatid ko na rin sila. And they had a hard time as well when I broke up with Margaret. I was inconsolable for a while. Nag-iba na ako nang manggaling ako sa bahay ninyo. Kaya kung natulungan mo ako sa problema mo, they want to return the favor. Kaya sana hayaan mong gawin ko ito bilang kaibigan mo.”

Bumuntong-hininga siya. “Pero nahihiya pa rin ako. Masyadong malaking pabor ang ginawa ninyo sa akin.”

“Pride, pride, pride,” naiiling nitong sabi.

“Iyon naman ang ipinaglalaban ko dito. Pride.”

“You helped me for free. Akala ko okay lang din na ganoon din ako sa iyo. But if you’ll insist, pwede mo naman akong ilibre ng kape tuwing dadalaw ka dito. Oh! And pesto cheesebread as well. I think my friends will also like those.”

Humalakhak siya. “Naku! Kahit ano pang order-in ninyo, ako ang bahala. Thank you, Kenji.” Hindi nito tinapakan ang pride niya. At same time ay di rin naman ganoon kalaki ang gusto nitong kunin sa kanya. It was better than nothing.

Hinawakan nito ang braso niya at niyakap siya palapit. “It is okay to give me a hug.”

Nanlaki ang mata ni Yngrid nang lumukob ang init ng katawan nito sa kanya. Air swooshed from her lungs. Nanlambot ang buong katawan niya dahil sa yakap na iyon. It was warm… cuddly… and melting her to the bones. Masyado yatang natuwa si Kenji at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya. Sa sobrang higpit ay parang di na siya makahinga at mababali na ang buto niya. Hanggang maramdaman niya na may masakit sa braso niya.

Napaigik siya. “Aray!”

“Ano iyon?” tanong ng binata at nagtatakang lumayo sa kanya.

“W-Wala,” kaila niya. “Okay lang ako.” At niyakap niya ang sarili. Her arm was throbbing. Kahit di niya tingnan ang ilalim ng manggas ng blouse niya ay natitiyak niyang kulay violet na iyon o mangasul-ngasul.

“Nasaktan ba kita?” nag-aalalang tanong nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.