“No. Wala ito.” Ayaw nga niyang tumigil ang pagkakayakap nito. Bakit pa kasi siya umaray? Sana tiniis na lang niya ang sakit.
“Let me see.” Bago pa siya makatutol ay hinawakan nito ang braso niya at inangat ang manggas. Nanlaki ang mata nito sa nakita. “May pasa ka. Saan mo nakuha iyan?”
Iniwas niya ang tingin. “Wala.”
“Pinuntahan ka na naman ni Bruno.” Hindi iyon tanong. It was a statement.
Umiling siya. “Wala. Pinigilan lang niya ako kasi…”
“Darn!” bulalas nito at biglang tumayo. “We must report this to the authority. Grabeng harassment na ang ginagawa sa iyo. Nasasaktan ka na.”
“Look, okay lang ako. B-Bruno is just… persistent. Pero kaya ko naman ang sarili ko. Hindi mo ako kailangang alalahanin.”
Ayaw na niyang masangkot pa si Kenji sa gulong ito. May pera na siya pambayad sa nanay ni Bruno. Sana naman ay titigilan na siya ng kumag na iyon at di na siya gigipitin pa o sisindakin. Sapat na iyon sa kanya.
Naningkit ang mata ni Kenji at isinuklay ang daliri sa buhok sa sobrang frustration. “Sino ang magbabantay sa iyo kung sakali? Mag-isa ka lang sa bahay. Wala ka ring kapitbahay na pwede mong matakbuhan. Is the security of your house even acceptable? Do you have CCTVs?”
Bumuga siya ng hangin. “Basta huwag mo nang problemahin okay? So anong gusto mong kainin?” pag-iiba niya sa usapan at ngumiti. Ayaw na niyang isipin nito na apektado siya sa nangyari.
Mataman siya nitong tinitigan pero sa huli ay sumagot din naman. “Another plate of pasta carbonara please.”
NAALIMPUNGATAN Si Yngrid sa ingay ng sasakyan at kahol ng mga aso. Masakit pa ang buong katawan niya dahil sa dami ng customers sa Sweet Surrender. Effective ang fans day ni Kenji sa Sweet Surrender dahil sinimulan na silang dayuhin ng mga customers. Naipakita din kasi ang magandang ambiance ng café niya. At ayon sa mga customer ay parang kasama na rin daw ng mga ito si Kenji kahit na wala doon.
Nang dumalaw ang ina ni Bruno ay ibinigay agad niya ang upa nila para sa buwang iyon pati sa susunod na buwan sa labis na panggigilalas nito. Hindi siya papayag na magmukha siyang busabos at api. Ipapakita niya dito na lalaban siya. Hindi lang basta laban. She would bring out the big guns.
Umungol siya. Narinig niya ang ingay mula sa katabi niyang apartment. Mukhang dumating na ang bagong tenant sa kabilang bahay. Nag-text sa kanya ang may-ari ng bahay kagabi para sabihin iyon. Di na lang siya nakapag-reply dahil kasama niya sina Justine at Dreamilyn nang mga oras na iyon. Nangako rin si Dreamilyn na kung gusto daw niya ay magpapa-event din doon ang nobyo nitong rockstar na si Casey sa café niya.
Dati nang nag-offer ang magnobyo na tulungan siyang i-promote ang café pero tumutol siya dahil sa Sweet Surrender lang nakakapag-incognito si Casey. Di ito dinudumog ng fans doon. Pero ngayong sikat na daw ang café dahil kay Kenji, pwede sigurong i-expose ng mga ito ang secret haven sa publiko.
Maya maya pa ay narinig ni Yngrid ang tunog ng doorbell. Pupungas-pungas pa siyang bumangon. “Sandali!” sigaw niya. Sino naman kaya iyon? Sumilip siya sa bintana ng kuwaro niya sa taas. Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa may gate. Hindi niya masinuhang mabuti dahil nakakasilaw ang sikat ng araw pero malamang ay iyon ang bago niyang kapitbahay.
Natigagal si Yngrid nang si Kenji ang bumungad sa kanya. "Good morning!"
"Kenji, what are you doing here? Umagang-umaga."
"Mukhang madalas tayong magkikita ngayon tuwing umaga. Baka nga araw-araw mo nga akong makita. Hello! I am Kenji Matsunaga, your new neighbor," anito at yumukod.
"W-What? Ikaw ang bagong tenant.... ikaw ang nakakuha ng bahay sa kabila?" tanong niya habang parang namamahid ang dila niya.
"Yes. How about a welcome hug?”
Nanigas ang buong katawan niya nang yakapin siya nito. “I must be dreaming,” usal niya habang dinadama ang mainit na yakap nito. Kahit nga sa paniginip ay hindi niya naiisip na posible silang maging magkapitbahay.
Tumawa si Kenji. “Gusto mong makilala ang mga housemates ko?"
“M-May mga housemates ka?” tanong niya. “P-Pero kilala ko na si Gui.”
“No. Not Gui. Come on.” At inakay siya nito papunta sa kabilang bahay. Wala siyang pakialam kahit gulo-gulo pa ang buhok niya o simpleng T-shirt at shorts lang ang pantulog niya.
Pagbukas ng pinto ng kabilang bahay ay sinalubong agad si Kenji ng mga aso nito. "Of course you know Missy. She is a Belgian Malinois.” Sununod nitong itinuro ang Alaskan malamute na kulay light browm. “Ito naman si Nikita.” Kinalong nito ang maliit na aso na mukhang stuffed toy lang. Ang alam niya ay Pomeranian ang lahing iyon. “And this one is Rhodora."
"H-Hi!" naninigas na sabi ni Yngrid. Ugh! Kasama pa ni Kenji ang mga aso nito at naroon pa si Missy, the dog from hell. And the other dogs didn’t look any better. Mukhang isang mali lang siya ay lalapain siya ng mga ito, including the shitzu. Be nice. Be nice. Housemates sila ni Kenji. Be friendly. Kung kapitbahay mo na si Kenji, you will be neighbors with these dogs as well.
Napatili siya nang dambahan siya ni Missy. She was horrified when the dog attacked her pretty face. Shocks! Napapikit siya at mahaba-habang tili ang pinakawalan niya. Wala na ang ganda niya matapos iyon. Sa halip na bumaon ang mga ngipin nito sa balat niya ay naramdaman niya ang malambot, malagpit at mamasa-masang dumampi sa balat niya. Dinidilaan ni Missy ang mukha niya. Mas okay na iyon kaysa lapain siya ng aso. Pero ganoon pa rin. Kaderer!
At ang takot niya ay napalitan ng… halakhak? "Eee! Sandali lang. Nakikiliti ako." At nagtahulan ang iba pang aso. Na parang nae-excite ang mga ito. Hindi nga niya alam kung anong dapat gawin. Baka mamaya ay lapain siya nito.
Nang parang mamamatay na siya sa sobrang pagkakiliti ay saka lang sinaway ni Kenji ang mga alaga nito. "Okay, kids. Behave. Kakausapin ko ang Tita Yngrid ninyo,” malumanay na wika ng binata at nagsisunod naman ang ibang aso. May isang bahagi ang bahay na nakalaan para sa mga ito. May mga dog toys doon. Isang salita lang mula kay Kenji ay iniwanan siya ng mga ito.
"Parang anak mo talaga sila?" tanong niya nang alalayan siya nitong umupo ng maayos sa sofa.
"Yes. Originally, they are Margaret's dogs. Ayaw ng parents ni Margaret na may aso sa bahay kaya ako ang nag-alaga sa kanila. Those dogs binded us together." Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito nang pagmasdan ang alaga. Weird. Parang magulang ito at si Margaret na nagkahiwalay. Kasama nitong nag-alsa-balutan ang mga alaga nitong asa aka MGA ANAK. Nang tumingin ulit sa kanya si Kenji at maaliwalas na ang mukha nito. “How about breakfast? Umorder ako para sa atin.”
“Fine. Just give me fifteen minutes to fix myself. May kape ka dito?”
Umiling si Kenji. “I forgot to order. Di ko alam kung anong gusto mo.”
Kumindat siya. “I will take care of that.”
Yngrid had a silly smile on her face when she left her neighbor’s house – Kenji’s house. Sa kabila ng makulimlim na langit sa labas ay parang maaliwalas ang sikat ng araw. Biglang nagliwanag ang kanina ay parang walang kulay na paligid. Napakaganda ng araw na ito at lubhang makulay.
Good morning, world!