BREAKFAST was great. Nasa gitna sila ng sala at nakasalampak sa sahig habang kumakain sa center table. Ayaw ni Kenji sa dining table kumain dahil medyo madilim doon. Gusto nitong ma-enjoy ang sikat ng araw kahit na medyo makulimlim. Alas onse na ng tanghali noon pero di pa rin sila halos gumagalaw sa kinauupuan.
“Medyo magiging maingay mamayang hapon dito dahil ide-deliver ang ibang in-order ko na appliances. Sana hindi magalit ang mga kapitbahay,” sabi nito.
Natatawa niyang tinapik ang braso nito. “Ano ka ba? Di sila magagalit kapag nalaman nilang si Kenji Matsunaga ang bago nilang kapitbahay. Gusto mo bang tulungan kita na mag-ayos dito?” prisinta niya.
Nakangiti itong umiling. “Hindi na. Alam ko na marami kang customers sa café ngayon.”
“Oo. Mas marami nga kaming customer ngayon.” Her eyes lit up. “Ikaw ang hinahanap nila. But eventually, they stayed because they like the place and the food. Sobrang laking bagay ang nagawa mo para sa Sweet Surrender. Kahit si Mrs. Dimasalanta di makahuma nang maibigay ko ang advance ko. Salamat.”
Gusto niyang i-treat si Kenji at ang mga kaibigan nito o kaya ay bigyan ng regalo. Kahit anong token para makabawi siya. Iyon ang pag-uusapan nila ng mga staff niya. Siguro naman ay hindi na aangal ang binata.
“Good. Siguro naman di ka na niya basta-basta tatakutin next time. Well, kung magde-decide kang lumipat ng pwesto, I can always back you up.”
“Sa ngayon, di ko naman kailangan na lumipat. But I really appreciate your help. Thank you.” Parang nahawi na ang ulap sa ibabaw ng ulo niya. Mas positibo na ang tingin niya ngayon. Tapos ay kapitbahay pa niya si Kenji. Napatitig siya dito. Di pa rin siya makapaniwala na kapitbahay na lang niya ito. Abot-kamay niya. Na araw-araw silang magkikita. "Bakit ka nga pala lumipat dito? I am sure you are okay living in your condo."
"Townhouse," pagtatama nito.
"Okay. Townhouse. Anong nangyari? Bigla ka yatang lumipat."
Fully furnished na ang bahay. Kung tutuusin ay lilipatan na lang iyon. Pero parang may di pa rin tama. Di yata siya makapaniwala na basta na lang nitong naisipan na lumipat sa tabi niya. Minsan lang naman niya nabanggit na walang tao sa kabila. Coincidence lang ba ito o dahil sa tadhana? Fine. Di siya naniniwala sa tadhana sa pagkakataong ito. Maraming kailangang ipaliwanag si Kenji sa kanya.
Huminga ito ng malalim at ngumiti ang mata. "Naisip ko kailangan ng bagong environment. Kami ng mga alaga ko. There is too much memory in my townhouse. Staying there only makes me sad."
Nawala din ang ngiti ni Yngrid nang maisip si Margaret. Oo nga naman. Masyadong maraming alaala sa bahay na iyon. Kung gusto nitong magsimula ng panibago ay kailangan nito ng bagong lugar kung saan walang ibang alaala ang dating nobya ng binata.
"Bakit dito?" tanong niya.
Inikot ng binata ang mata sa paligid. "The place is nice and serene. Hindi maingay. Malawak ang lugar para makatakbo kami ng mga alaga ko at makapag-relax. It is perfect. Sakto naman may bakante sa tabi ng bahay mo. And things are a bit tough after the break up. When Margaret and I broke up, my pets also felt my sadness and pain. Apektado din sila.” Lumunok si Kenji. “Malaking tulong sa kanila... sa amin kung lilipat kami. This is a brand new start for all of us."
“Parang katulad din pala sila ng mga anak na naghihiwalay ang magulang,” aniya at nilingon ang mga asong masayang naglalaro. Ganoon siguro kalalim ang samahan ni Kenji at ng mga alaga nito.
Tumango ang binata. “Yes. Like that. So I hope you will bear with us.”
“O-Of course. Walang problema. Kung gusto mo tulungan pa kitang mag-alaga sa kanila.”
Nagningning ang mga mata nito. “Really? Kahit natatakot ka sa kanila?”
Tumango na lang siya. “Oo naman.”
Napainom na lang siya ng juice pagkatapos. Sinabi ba talaga niya iyon? Na aalagaan niya ang dog/dogs from hell? Kahit ano ay gagawin niya para kay Kenji. Kahit na mag-alaga pa siya ng ahas, leon, tigre at buwitre para dito ay gagawin niya. Kahit ano para sa ngalan ng pag-ibig.
"Si Gui ba hindi lilipat kasama mo?" naitanong niya.
Kenji twisted his lips. "Ayaw niyang iwan ang townhouse. Gusto daw niyang magsarili muna. Gusto daw niyang patunayan na hindi na siya bata."
“And you don’t want that?” tanong niya.
“He is my youngest brother.” Inilahad ng binata ang kamay. “He is a baby for all of us. Pero naisip ko na maaga din naman akong nahiwalay sa pamilya ko sa trabaho ko. He is already twenty-two now. I think he can do whatever he wants. So it will be just me and the kids.”
With me. Parang isa silang masayang pamilya. Sila ni Kenji at ang mga…alaga… anak nitong aso. Family. Yes. Kasama iyon sa buhay kung gusto niyang manatiling malapit dito. Kahit gawin pa nitong kapamilya ang buong animal kingdom o ang mga alien mula sa outerspace ay tatanggapin niya with open arms.
"Then I am glad that I am a part of that brand new start. Kung may kailangan ka sa akin sabihin mo lang. Kahit ano.” Kahit isanla pa niya ang atay at balun-balunan niya para dito.
"No. Ako ang dapat na magtanong kung may maitutulong ako sa iyo. Of course, I should also show my charming side to get on my neighbor's good side,” wika nito at kumindat.
"Ikaw pa. I am already charmed and you are always on my good side."
Napausal siya ng panalangin ng pasasalamat. Maaring may ginawa siyang mabuti sa buhay niya para ma-ging karapat-dapat ang mga magagandang nangyayari sa kanya. Para si Kenji pa mismo ang gumawa ng paraan para maging malapit sila sa isa’t isa. At habang pinagmamasdan niya si Kenji ay parang nag-awitan ang mga anghel. Oh! She loved this heavenly feeling.