When He Cries Chapter 72

“WHAT do you think?”

Napanganga si Yngrid habang pinagmamasdan ang tarpaulin ni Kenji habang nakasuot ng apron at may hawak na mug ng kape na may tatak na Sweet Surrender. Mukhang kuha iyon ni Kenji nang di pa nagsisimula ang “duty” nito noong isang linggo. “A-Anong gagawin ko dito?” naguguluhan niyang tanong.

Katatapos lang dumalo ni Kenji sa opening ng isang boutique kung saan kasama ito sa endorser. Gabi na noon at hindi niya inaasahang dadaan pa ito sa café. May ibibigay daw ito sa kanya. Akala niya ay roses o kaya ay chocolates. Sa halip ay ang tarpaulin ang inabot nito.

“Pwede mo nang i-display dito sa café,” kaswal na wika ng binata at uminom ng cranberry juice. “Pwede din siguro sa labas. Marami naman iyan. I think malaki ang maitutulong niyan para mas sumikat ang café mo.”

Nahigit niya ang hininga at tiningnan ang nakaladlad na tarpaulin saka ibinalik ang tingin dito. “Ang ibig sabihin...”

Pinagsalikop nito ang palad nito at bahagyang dumukwang. “Yes. Sabihin na nating nag-a-apply ako na official ambassador ng Sweet Surrender.”

Nahigit niya ang hininga. Seryoso ba ito? Ambassador? Parang commercial model? Ito na ang mukha ng Sweet Surrender. Kadikit ng pangalan ni Kenji Matsunaga ang Sweet Surrender. She didn’t know what to say. Di naman kasi niya pinangarap na magkakaroon siya ng celebrity na endorser. Kahit nga si Casey Jimenez na boyfriend ng kaibigan niya at regular customer sa shop niya ay di niya naalok. Gusto niya ng simpleng tagumpay lang. Mahirap naman ang mangarap nang todo. Di naman ganoon kadaling kumuha ng celebrity endorser. Pero anong gagawin niya kung si Kenji na mismo ang nag-a-apply sa kanya?

“P-Pero kailangan ng professional fee para dito. Contract signing and all. Siyempre may cut ang manager mo sa talent fee mo. Kenji, hindi na ito simpleng isang araw na fans day na ginawa mo bilang pabor sa akin. What you are offering is longer than that. At mas maraming kailangang i-consider. Hindi ka naman pwedeng maging endorser ko sa isang iglap lang.”

“I told you, hindi na iyon kailangan. After all, wala naman akong masasagasaan sa mga endorsement ko.”

“Kenji, ayoko ng pakiramdam na parang inaabuso kita. Malaki na ang naitulong mo sa akin. Di naman pwedeng tanggap na lang ako ng tanggap. K-Kung hindi mo ako hahayaang magbayad sa iyo sa kahit anong halaga, hindi ko na lang tatanggapin,” aniya at seryoso ang mukhang ibinalot ang tarpaulin kahit na mabigat sa loob niya.

Bigla nitong pinigilan ang kamay niya. “Hey! Not so fast. Baka naman pwedeng pag-usapan natin ito.”

“Magkano ang talent fee mo para sa endorsement na ito? O gusto mo ba ang handler mo ang kausapin ko?”

Umiling ito na bakas ang pagtutol sa anyo. “No. Ganito na lang ang gawin natin.” Mariing nagdikit ang labi nito na parang nag-iisip. “Sa halip na ako ang bayaran mo, how about you help this football club for underprivileged kids? Sa halip na ako ang bayaran mo, sila na lang ang tulungan mo. Parang tulong mo na rin iyon sa akin. Okay na ba iyon sa iyo?”

“Pero wala ka pa ring nakukuha,” giit niya. Charity is one thing. Pero gusto niya na may maibigay pa rin siya kay Kenji.

Inubos nito ang cranberry juice nito habang nakataas ang kilay nito. “Kapag may five branches ka na, pwede na nating pag-usapan ang professional fee ko.”

“Pangarap ko lang iyon noon. I mean, parang hindi naman agad-agad mangyayari iyon.” Five branches? Seryoso? Iyon ngang pangalawang branch ay parang di pa niya maaabot.

“Makukuha mo rin iyan. Just give yourself time. Kung may maitutulong pa ako, sabihin mo lang.”

“This is too much. You are so kind to me,” she said and her chest heaved. Namasa ang mata niya dahil sa nagbabantang luha. Natutop niya ang bibig Sa sobrang saya niya ay napapaiyak tuloy siya.

Pinanlakihan siya ng mata ni Kenji. Dali-daling kumuha ang binata ng tissue at inabot sa kanya. “Hey! Bawal kang umiyak. Nandito ako para pasayahin ka at hindi para paiyakin ka.”

“Sorry. H-Hindi ko lang talaga alam kung paano tatanggapin ang lahat ng ito. Oh, Kenji! You are such a blessing.”

Akala niya ay maswerte na siya na minsang nagtagpo ang landas nila ni Kenji. Akala niya ay nagkataon lang na sa café niya ito nagpunta nang malasing ito at ngayon ay gusto siya nitong gawan ng pabor para makabawi sa kanya. But he was doing so much more. Hindi lang siya nito kayang pakiligin. Kenji was more than that. Narito ito para alalayan siya at tulungan siya sa problema niya kahit na di niya hinihingi. She never saw herself as damsel in distress. Na kailangan niyang humingi ng tulong sa ibang tao para masolusyunan ang mga problema niya. She was an independent woman after all. Pero sa pagkakataong ito na may isang katulad ni Kenji sa buhay niya, hindi na siya tatanggi. Mahirap tanggihan ang biyayang katulad nito. Daig pa niya ang nagtampo sa jackpot sa lotto.

“So are you. Dahil sa iyo, nagsimulang umayos ang lahat sa akin. So I don’t want to see you crying.”

“Kahit masaya ako?”

Bumuntong-hininga ito. “Nagpa-panic ako kapag nakikita kitang umiiyak.”

Suminghot siya at pinunasan ang luha niya. Then she gave him a toothpaste commercial smile. “Okay na ako. Hindi na ako umiiyak. Masaya talaga ako. Isasabit ko na ang tarpaulin para makita ng lahat. Basta ibigay mo sa akin ang information tungkol sa football club.”

“Here.” Inilabas ni Kenji ang isang calling card. “That’s Coach Roy Moore of Fairplay for All Foundation. Contact him and it is up to you how you can help them out. They are handling kids from Payatas who wants to play football.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.