When He Cries Chapter 73

“Tatawagan ko agad siya bukas. Thank you.” Hindi na siya masyadong guilty ngayon na wala siyang naibibigay na kapalit kay Kenji. Mukhang may advocacy ito na makatulong sa iba. Masaya siya na maging bahagi ng advocacy nito.

“I must go home now. My kids and I will have a run around the village before sleeping. Sasamahan kitang mag-tea bago ka matulog?” Kasama na niya ito sa routine niya na pag-inom ng tsaa sa gabi.

“Okay. Bye!” At ihinatid niya si Kenji sa kotse nito.

Hindi mawala-wala ang ngiti niya nang naglakad pabalik sa café. Hindi talaga niya inaasahan ang mga sorpresa sa kanya nitong nakakaraang araw.

Nang bumalik si Yngrid sa café ay naabutan niyang pinagmamasdan nina Frecy at Armie ang tarpaulin ni Kenji. “Ma’am, ang sosyal-sosyal natin. Si Kenji Matsunaga na ang official ambassador natin. May ambassador na tayo! Samantalang dati mga ganda lang natin ang ibinabalandra natin sa madla,” wika ni Armie at inilagay ang palad sa baba nito.

“Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon,” usal niya.

Lutang na lutang siya. Di pa rin siya makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito. Feeling niya ay makakakakuha lang siya ng celebrity endorser kapag marami-rami na siyang branch at kaya na niyang bumayad ng mga may pangalan sa industriya. Isa talagang anghel si Kenji. Hindi lang siya ang natulungan nito. Makakatulong pa siya sa ibang tao sa pamamagitan nito. Hindi na siya gaanong nagi-guilty ngayon. Nadagdagan pa ang paghanga at respeto niya sa binata. Nadagdagan din ang pagmamahal niya dito.

“Ma’am, i-display na po natin,” kinikilig na sabi ni Frecy.

“Ito lang isa ang i-display ninyo. Maiiwan muna sa akin itong isa,” sabi niya at kinuha ang isa pang tarpaulin.

“Anong gagawin ninyo diyan?” nagtatakang tanong ni Armie.

Itinaas niya ang tarpaulin at pinagmasdan ang nakangiting mukha ni Kenji. “E di idi-display ko sa kuwarto ko.”

“Sus! Kapitbahay na nga lang. Bakit di pa ninyo pasukin sa bahay?” suhestiyon ni Frecy sa kanya.

“Heh! Mabuti akong kapitbahay,” pagtatanggol niya sa sarili.

“Na may pagnanasa. Hmmmm,” kantiyaw ni Frecy.

Pinandilatan niya ito. “Ikaw talaga. E kung may makarinig sa iyo at makarating kay Kenji? Isipin pa niyang bantay-salakay ako. Kaya nga itong tarpaulin na lang niya ang kakausapin ko.”

Hirap na hirap kaya siyang magpaka-demure kapag nasa harap ni Kenji. Di naman kasi siya pwedeng magpakita ng motibo. Nagsisimula pa lang ito ng panibagong buhay at isang kaibigan ang kailangan nito – siya. She won’t mess up their friendship and his trust.

Bandang alas dose na nang magsara sila ng café. Iniisip na nga niyang magdagdag ng dalawa pang tauhan dahil nakikita niya ang pagod na mukha ng tatlo. Wala halos pahinga ang mga ito. Kung ganitong endorser pa nila si Kenji ay tiyak na mas dadami pa ang customers nila. Mas matagal nga naman ang epekto ng endorsement nito kaysa sa isang araw lang ng fans day. Sa palagay niya ay afford na niya ang kumuha ng bagong tauhan.

Nagtaka si Yngrid nang hindi pa rin tumitinag sa harap ng tarpaulin ni Kenji sina Frecie at Armie. “Di pa ba kayo uuwi?” tanong niya at nakatigil sa ibabaw ng switch ng ilaw ang hintuturo niya.

Ngumisi si Armie. “Dito na kami matutulog. Tititigan namin si Kenji Matsunaga. Hayz! Gusto ko na siya ang makikita ko bago ako matulog at paggising ko sa umaga para inspired ako sa buhay.”

Kinalabit ni Frecy ang balikat nito. “Doon na lang tayo makitulog kay Kenji Matsunaga. Payag naman ako na pagitnaan natin siya. Ummm!!! Aanhin ko naman ang tarpaulin kung mapipisil-pisil ko naman ang muscles niya sa personal?"

“Sa akin ang abs!” maagap na angkin ni Armie.

“Sa akin ang baba ng abs,” wika naman ni Frecy.

Nanlaki ang mata ni Yngrid. “Hoy! Ipapalapa ko kayo sa aso niya kapag doon kayo nakitulog?” banta niya. Ang mga bruhang ito! Siya nga itong kapitbahay ni Kenji pero ingat na ingat sa puri ng binata. Tapos ang mga ito, uunahan pa siya. No way! Hindi siya makakapayag. Handa siyang protektahan ang puri ni Kenji kahit pa mula sa sarili niya.

Biglang tumiklop ang dalawa. “Sabi ko nga sa tarpaulin na lang kami,” sabi ni Armie at bumalik na lang sa pagtitig sa tarpaulin ni Kenji habang magkasalikop ang mga kamay. Animo’y may dinadasalan itong altar.

“Umuwi na kayo!” utos niya.

“Uuwi na rin po kami, Ma’am,” wika ni Frecy.

Excited siyang umuwi. Bago kasi matulog ay umiinom muna siya ng tsaa at sinasamahan siya ni Kenji. Naging routine na nila iyon basta maaga itong umuwi at di inuumaga sa trabaho. Dahil sa acid reflux niya ay di siya pwedeng basta na lang matulog sa gabi. She was looking forward to that. Kahit kasi antok na antok na si Kenji at nagtitiyaga itong samahan siya at kwentuhan. Tapos ay titiyakin muna nito na maayos ang lock sa iba’t ibang bahagi ng bahay niya bago matulog. It was a normal routine for him. At lagi siyang excited na makauwi sa bahay pagkatapos niyang manggaling sa Sweet Surrender.

Napansin niya na walang ilaw sa bahay ni Kenji nang dumaan siya. Baka nasa labas pa ito at ipinapasyal ang mga aso nito. Nang tumapat siya sa gate ay napansin niya na may nakasalampak doon. Si Bruno.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.