When He Cries Chapter 77

"Saka na natin pag-usapan iyan.” Ang totoo ay wala siyang planong alalahanin pa sa ngayon ang nangyari. It was still too traumatic for her. Masyado pang fresh. Maisasalaysay lang marahil niya iyon kapag handa na siyang magbigay ng statement sa abogado. “Wala kayong dapat na ipag-alala sa akin. Nandiyan naman si Kenji para protektahan ako." At saka siya masuyong ngumiti sa binata.

"Salamat sa pagprotekta sa kaibigan namin,” sabi naman ni Justine. “Hindi ko alam kung paano ka mapapasalamatan.”

Ngumiti lang si Kenji. "Walang anuman. Ginawa ko lang kung anong tama. Pero di ko pwedeng kunin ang lahat ng credit sa pagkakaligtas ni Dreamilyn. Mas bayani ang mga alaga ko. Sila ang nakahuli kay Bruno."

Oh, yes! Of course, his dogs saved her life. Kahit pa tawagin niyang “dogs from hell” ang mga ito, ang mga ito naman ang ipinadala ng langit para makatulong kay Kenji na sagipin ang buhay niya.

"Pinasama sa akin ni Casey ang mga bodyguard niya. Mabuti na daw na may bantay tayo kung sakaling may gawin na namang di maganda ang Bruno na iyon,” wika ni Dreamilyn at itinuro nito ang dalawang malaking lalaki na nakabantay sa gate ng bahay niya.

Nagtaas ng kamay si Justine. “Meron din pinasama si Lola para sa akin.” At tumuro ito sa kotse na nakaparada sa di kalayuan. “Sila na ang magbabantay dito sa labas. They will be discreet as always.”

Dati pa naman may bodyguard si Justine college pa lang sila. Di na iyon bago sa kanya. Pero parang nakakapanibago na siya na ang poprotektahan ng mga ito. Siguro ay sapat na ang mga mala-higanteng bodyguard ng mga kaibigan niya para bantayan siya. Hindi na niya kailangang bantayan si Kenji.

Nilapitan niya ang binata at ginagap ang kamay. "Salamat. Kenji, okay na ako. Magpahinga ka na. May trabaho ka pa bukas."

"Are you sure?" tanong nito at saka medyo diskumpiyado pa nang tingnan ang mga bodyguard ng kaibigan niya.

"Yes. Thank you.” Ngumiti siya. “Sa palagay ko ay ligtas na ako dito. Huwag mo na akong alalahanin.”

Mataman siya nitong tinitigan. Pinanatili niya ang ngiti sa labi. Nakakaunawa itong tumango pagkuwan. “Just call me if you need anything. Alam mo naman nasa kabila lang ako.”

“Yes. Of course.” Dahil sa buhay niya ngayon, mukhang nasasanay na siya na si Kenji ang unang-una niyang matatakbuhan.

"AKO na ang bahala sa abogado mo. Natawagan ko na ang family lawyer namin para siyang humawak ng kaso mo. Bukas na bukas din ay pupunta siya dito para pag-usapan ang kaso mo at kuhanin ang statement mo. Mas maganda kung maipa-file agad ang kaso sa fiscal,” wika ni Justine kay Yngrid nang naghahanda na silang matulog. Naroon silang magkakaibigan sa master’s bedroom. Ganoon naman sila kapag may sleepover sa bahay niya. Sa pagkakataong ito ay di sila naroon para magkwentuhan at magbungisngisan. Seryoso ang mukha nilang lahat ay tensiyonado pa rin ang paligid dahil ginawa ni Bruno.

Bumagsak ang balikat niya. Ito ang hassle sa mga kaso. Masyadong maraming aasikasuhin. Masyadong malaki ang bayarin. "Masyadong mabigat ito, Justine. Baka di ko kayanin na makabawi sa iyo...o bayaran ang abogado ng pamilya ninyo."

Alam naman niya na de campanilla ang mga abogado ni Justine. Di basta-basta ang kalibre ng mga iyon. Nakalagay sa alanganin ang café niya dahil ang makakalaban niya ang mga Dimasalanta na kayang-kayang magtapon ng salapi.

"Ngayon ka pa nahiya sa akin. Tagal na nating magkaibigan. Hayaan mong protektahan ka namin," wika ni Justine sa magaang boses at pinisil ang braso niya. “Nalaman ni Lola ang nangyari at siya mismo ang nagsabi na tawagan ko ang family lawyer namin. Kundi lang daw labag sa batas ay baka si Lola pa mismo ang nagpagulpi kay Bruno dahil sa ginawa niya sa iyo. You know that Lola loves you. After all, kayo lang naman ni Dreamilyn ang close friends ko.”

Istrikta ang lola ni Justine. Lahat ng galaw ng dalaga, mga taong sasasamahan at nagiging kaibigan pati kakainin at isusuot nito ay kinokontrol ng matandang babae. Silang dalawa lang ni Dreamilyn ang nakapasa sa matinding pagsusuri ng matanda para maging kaibigan ng dalaga. Pero kung anong pagmamahal ang ibinibigay ng matanda kay Justine ay gayundin sa kanila ni Dreamilyn. Di rin ito papayag na may mangyaring masama sa kanya.

"At hangga't di ito naaayos, mas mabuting may bodyguards ka. Malay natin anong gawin ng nanay ni Bruno sa iyo,” wika ni Dreamilyn na sumilip pa sa may bintana. Parang gusto nitong matiyak kung naroon pa rin ang mga bantay nila sa labas. Isa rin itong praning.

“Okay,” nausal na lang niya dahil ayaw niyang mahabang pagtatalo. Di siya komportable na may bodyguards na nakabuntot sa kanya. Pero mas mabuti nang may buntot siya kaysa naman mapahamak na naman siya. Isasantabi muna niya ang pride niya para sa sarili niyang kaligtasan.

“Nasabi mo na ba ang tungkol dito sa kay Tito at Tita?” tukoy ni Dreamilyn sa mga magulang niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.