Umiling siya. “Nasa gitna sila ng bakasyon. Ayoko na silang pag-alalahanin pa tungkol dito. I mean, okay naman na ako. Nandiyan na kayo at si Kenji para alalayan ako. I-I just want my parents to enjoy their second honeymoon. Pangarap nila ito mula noong bata pa sila. Ang makapamasyal sa abroad. Ayokong sirain pa ang masasayang sandali nila doon. Mas gusto kong i-settle ang problemang ito nang tahimik.”
Maraming isinakripisyo ang magulang niya para sa kanya noong bata pa siya. Ngayong kaya na niya ang sarili niya, gusto niyang mag-focus na lang ang mga ito sa isa’t isa. Hangga’t kaya niya ang sarili niya ay ayaw niyang abalahin pa ang mga ito. Kaya naman niya ito. Kaya niya.
Kapag nalaman ng mga ito ang gulo ay baka matakot pa ang mga ito at pabalikin siya sa Davao. Ayaw niyang mangyari iyon. Nasa Manila ang pangarap niya. Nasa Manila si Kenji. Ayaw niyang malayo sa binata kung kailan abot-kamay na niya ang pangarap niya. Hindi niya hahayaang ang maliit na problemang ito ang makahadlang sa kaligayahan niya.
"Matulog ka na. Ako ang sasama sa iyo sa pagpa-file ng kaso bukas,” sabi ni Justine. “Nagpaalam ako kay Lola na hindi ako papasok ng opisina.”
“Thank you,” aniya at ginagap ang kamay ng kaibigan.
“Matulog na tayo?” wika ni Dreamilyn at humiga sa tabi niya. Gayundin naman Justine na humiga sa kabilang bahagi niya at pinagitnaan siya ng dalawa.
"Goodnight,” nausal niya sa dalawang kaibigan.
Wala pang dalawang minuto ay bagsak na ang dalawang kaibigan niya. Habang siyai ay dilat na dilat pa rin at di pa rin makatulog. Naaalala niya ang nangyari kanina. Inaalala niya ang pwedeng mangyari bukas. Ang kaso, ang paglaya ni Bruno, ang paghaharap nila at kasama pa nito ang mala-dragon nitong ina na tiyak niyang di magpapatalo, ang kapalaran ng café niyang Sweet Surrender at ang mga tauhan niya. Kung kailan nagsisimula na ang magagandang bagay sa coffee shop niya ay saka pa nangyayari ito.
Sa huli di rin siya nakatiis. Kahit na pagod na pagod ang katawan niya ay ayaw naman siyang patahimikin ng isipan niya. Sa huli ay lumabas din siya ng kwarto. Maingat siya para magising ang mga kaibigan niya. Tiyak na mag-aalala ang mga ito kapag nakitang gising pa siya.
Isang bodyguard ang naabutan niya nasa sala. May kinakalikot ito sa cellphone nito at nagulat nang makita siya. Bigla itong tumayo sa kinauupuan nito. "Ma'am, gising pa po kayo."
"Iinom lang ako ng tea. Gusto ninyo ng kape?" alok niya.
"Pinag-brew na po kami ni Miss Dreamilyn kanina bago po siya umakyat sa taas. Salamat po."
"Okay,” usal niya at pumunta sa kusina.
Bumuntong-hininga siya. Matapos magtimpla ng tsaa at uminom ay puno pa rin ng agam-agam ang isipan niya. Di pa rin siya matahimik. Kailangan niya ng makakausap. Hindi sina Dreamilyn at Justine na naghihilik na ngayon sa itaas.
Si Kenji. Si Kenji ang gusto niyang makasama o makausap. Di niya alam kung dahil hinahanap-hanap ito ng sistema niya. Sa maikling panahon ay nasanay siya na magkausap sila bago siya matulog. That wasn’t the case right now. O siguro dahil gusto niyang maramdaman na normal lang ang lahat. O kaya ay mas safe ang pakiramdam niya kapag kasama ito kaysa napapaikutan ng bodyguards ang kalaban niya. Alam niyang gagawin ni Kenji ang lahat para sa kanya.
Sa huli ay hindi siya nakatiis. Nagbaka-sakali siya nag-text siya kay Kenji.
Hi! R u asleep?
Bigla niyang binitawan ang cellphone na parang napaso. Ayaw niyang mag-expect mula dito. Malamang ay natutulog na ito ngayon. Baka mairita pa ito kapag nagising ito dahil sa text niya.
Pumitlag siya at muntik na mabitawan ang mug ng tsaa na hawak niya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Sinilip niya iyon. Tumatawag si Kenji. Huminga muna siya ng malalim bago niya iyon sinagot. “Hello.”
“Hey, gorgeous!” masayang bati nito sa kanya.
“Hi! Nagising ba kita?” mahinay niyang tanong.
“No. Gising pa ako. Chatting with my mom in Brazil. She’s begging me to send Gui home.” Bahagya itong tumawa. “Kahit na hinayaan na niya kaming maging independent bata pa man kami, ibang-iba siya pagdating kay Gui. Hanggang ngayon baby pa rin niya. And the kids aren't sleep yet,” tukoy nito sa mga aso. “Parang balisa pa rin sila. Baka mamaya pa ako matulog.”
At balisa pa rin siya. Hindi rin siya makatulog.
“Bakit di ka pa natutulog?” tanong ng binata.
Bumuntong-hininga si Yngrid. “Hindi ko pa ubos ang tea ko.”
“Oh, yes. Of course.”
“Is it okay if I come over? I just want to see your dogs and thank them for saving me,” sabi niya at kinagat ang labi.
Okay. Gusto naman talaga niyang makita ang mga aso ni Kenji at pasalamatan ang mga ito sa pagliligtas sa kanya. Pero mas gusto talaga niyang makita at makasama si Kenji. Sana lang ay hindi siya nito tanggihan.
“Sure. I will fetch you.”
“Yes! Success,” usal niya nang putulin nito ang tawag. Bitbit ang mug ng tsaa ay tumayo agad siya sa pinto. Biglang nabuhay ang dugo niya. Kenji really gave her a different vibe. Na parang kahit na wala siyang lakas ay biglang natsa-charge ang buong katawan niya.
"Saan po kayo pupunta?" maagap na tanong ng bodyguard na nakabantay sa loob ng bahay.
"Susunduin ako ni Kenji. Doon muna ako sa kabilang bahay."
"Sasamahan ko po kayo,” wika ng bantay niya.
“Sige pero sa labas ka lang ng bahay niya. Walang mangyayaring masama sa akin kapag kasama ko si Kenji,” nakataas ang noo niyang sabi. Yes. Only Kenji could make her feel safe… and happy.