When He Cries Chapter 79

Hindi naman nagtagal sa pagtayo sa pinto ng bahay niya si Yngrid. Di nagtagal ay nakita niya si Kenji na nakatayo sa gate ng bahay niya. Lumabas agad siya para salubungin nito. Nakatuon agad ang tingin nito sa hawak niyang tsaa. “Hindi mo pa ubos ang tea mo?”

“Paano ko mauubos ito nang wala ang tea companion ko?” tanong niya.

Tumawa si Kenji. “Right. Halika na. Sasabayan na kita habang umiinom ako ng gatas.”

Sinalubong agad siya ng mga aso nang pumasok sila ni Kenji sa bahay. Dati ay medyo umaangil pa ang mga ito kapag nakikita siya. Na parang isa siyang threat lalo na kung dumidikit siya kay Kenji.

Umiingit ang mga ito. Hindi iyon ingit na galit. Parang may bahid iyon ng pag-aalala. Hindi tuloy niya alam kung anong gagawin sa mga ito. Hindi naman siya sanay na pakitunguhan ang mga aso.

Kinuha ni Kenji ang tasa ng tsaa at inilapag sa center table. "They are worried about you. Sige na. Hindi ka naman sasaktan ng mga iyan.”

Saka lang niya hinayaan ang sarili na maging komportable ang mga ito. Inalis niya ang takot niya. After all, these babies saved her life.

Umuklo siya at hinayaan siyang pagdidilaan ng mga alaga ng binata. "Oh! Thank you." At saka niya isa-isang hinaplos ang ulo ng mga ito. “Okay lang ako. Hindi ninyo ako kailangang alalahanin.”

"Kaya rin sila balisa dahil baka nag-aalala sila sa iyo,” wika nito at nagtungo sa kusina. Pagbalik nito ay may dala na itong baso ng gatas.

"I'm more okay now,” aniya at ngumiti. Mas komportable siya sa bahay ni Kenji kaysa sa sarili niyang bahay. Siguro dahil parang therapy din sa kanya ang paglalambing ng mga aso ni Kenji. “Hindi ko lang talaga maisip na mangyayari sa akin ito. Di naman ganyan si Bruno dati kahit noong kinukulit ako. Siguro dahil sa impluwensiya ng alak kaya wala siya sa sarili.”

Umupo si Kenji sa sofa at huminga ng malalim. “Tama talaga ang desisyon ko na lumipat. Sabi na nga ba’t guguluhin ka na naman ng Bruno na iyan. Mas malala pa ang gagawin sa iyo.”

Gulat niya itong nilingon at biglang tumayo. “L-Lumipat ka dahil iniisip mo na babalikan ako ni Bruno?”

“Well…” usal lang nito at iniwas ang tingin sa kanya. Na parang nabuko ito sa isang sekreto pero di naman nito gustong magpaliwanag. Pero alam na niya ang sagot nito. Lumipat nga ito sa tabi ng bahay niya dahil sa kanya.

Kumunot ang noo niya. “Akala ko gusto mo ng bagong environment kaya ka lumipat dito? You know? Malayo sa mata ng reporters. Mas maraming matatakbuhan ang mga alaga mo, etcetera.”

Itinaas nito ang dalawang kamay at ibinagsak sa sofa. "Okay. Nag-aalala ako sa iyo.”

“L-Lumipat ka talaga para lang sa akin?” nakatigagal niyang tanong.

Silly of her. Of course, bakit naman ito basta-basta lilipat sa isang simpleng subdivision. Bagamat may class ang subdivision na tinitirhan niya, hindi iyon ang pipiliin ng isang celebrity na katulad ni Kenji. Anong ginagawa ng mga condo? Mas nababagay si Kenji sa ganoong lugar kung saan may privacy din naman ito at seguridad mula sa mga reporter.

Tumayo ito at inilahad ang kamay. “Ginugulo ka pa rin kasi ni Bruno. Hindi ko maipagkakatiwala na maiwan kang mag-isa. Ayaw mo namang protektahan ang sarili mo. Masyado kang kampante. You are not even worried even if the danger is right infront of you. For an independent woman, I have a feeling that you don’t really know how to protect yourself."

Gusto matuwa ni Yngrid nang malamang gusto siyang protektahan ni Kenji kaya ito lumipat sa katabing bahay niya. Ibig sabihin ay importante siya dito para gustuhin nitong lumipat ng bahay para tiyakin lang na ligtas siya. At napakasarap ng pakiramdam para sa isang tulad niyang nagmamahal na pinahahalagahan siya ng taong mahal niya.

Sa isang banda ay nakanti din ang ego niya bilang babae na kayang alagaan ang sarili niya. Mula nang mag-college siya ay nakahiwalay na siya sa magulang niya. Namuhay siya nang mag-isa, inalagaan ang sarili niya, napalago niya ang negosyo niya nang mag-isa. And Kenji saw her as a weak, unassuming woman? Gusto niyang umalma. Dahil sa loob ng ilang taon ay siya ang nag-alaga at nagprotekta sa sarili niya. And she didn’t do a good job because of one incident?

"Kenji, di naman ganoon ang kasimple ang sitwasyon ko. Di ko rin naman maiiwasan si Bruno. Sila ang may-ari ng nirerentahan ko na pwesto ng cafe. Siyempre kailangan maingat din akong gumalaw,” katwiran niya. “At kahit pa sabihin mong nandito ka para alagaan ako, hindi mo naman ako mababantayan nang beinte kuwatro oras."

"Yes. Pero di ka niya basta-basta malalapitan sa café. Maraming tao doon. Mas malakas ang loob ni Bruno lapitan ka dahil mag-isa ka lang dito. Kung wala ako dito, my kids are here. They will protect you. Sensitive sila sa mga taong may masasamang balak sa mga taong malapit sa kanila. At siyempre nandiyan din ang CCTV na in-install ko."

“M-May CCTV ka dito?” tanong niya at luminga sa paligid.

“Yes. Napansin ko na wala kang CCTV sa bahay mo. It is a must nowadays.”

Yeah. Wala siyang CCTV. She didn’t see the need to get one. “Well… sa tinagal-tagal ko naman dito wala pa namang nangyaring insidente ng nakawan o may nasaktan maliban sa mga mag-asawang nag-aaway o kaya ay away pamilya….”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.