“Ngayon meron na,” putol niya sa pangangatwiran. “And you are the casualty. Mabuti na lang at nakuhanan ng CCTV ang ginawa sa iyo ng Bruno na iyon. Matibay na ebidensiya iyon sa korte bukod pa sa statement natin bilang witness. Tiyak na makukulong ang Bruno na iyon at di ka na niya magugulo pa.”
Matiim ang anyo ni Kenji. He looked like a knight, ready to defend her with all his might. Naubusan na niya ng argumento at tuluyan nang natunaw ang pride niya.
"Ah, Kenji. That is so sweet. Ginawa mo iyon para sa akin?" tanong niya at niyakap ang baywang nito.
“Yes. Because I care a lot about you.”
“Thank you,” aniya at niya at ihinimlay ang pisngi sa dibdib nito. Parang damsel in distress siya na iniligtas ng kanyang prinsipe. Ng kanyang makisig at mabango na prinsipe. His masculine scent made her feel secured. And the strong arms around her made her knees weak. Deliciously weak.
Wala na siyang pakialam sa pride niya. Aanhin pa niya ang pride kung may Kenji Matsunaga na magpoprotekta sa kanya. Ibinaba muna niya ang tabak ni Gabriella Silang na laging hawak-hawak niya kapag ipinagtatanggol niya ang kakayahan niya bilang isang babae. Tanggap na niya na di sa lahat ng pagkakataon ay kaya niyang mag-isa. Okay lang sumuko paminsan-minsan basta sa bisig ni Kenji ang bagsak niya.
“You are very important to me, Yngrid. You are such a dear friend.”
“Ganon?” tanong niya sa mataas ang tono at lumayo dito. Heto na naman tayo sa friendzone, Kenji. Panira ka ng moment. Panira ka ng ilusyon. Ilusyon na nga lang ang meron ako para sa ating dalawa. Ngayon ko pa lang ine-enjoy ang kilig moment natin. Kailangan bang sampalin agad ako ng realidad? Yeah, right! Ang friend kahit na dear at important ay friend pa rin. “Ganyan ka ba sa lahat ng mga kaibigan mo?” tanong niya. “Na handa kang lumipat ng bahay para protektahan lang sila?”
“Well… not this intense. May iba kasing tao na pwedeng magprotekta sa ibang kaibigan ko. Habang ikaw naman mas gusto mong lumaban mag-isa. You prefer to ignore the danger. Lagi mo na lang pinalalampas. At hindi ako komportable doon. At hindi ko ma-imagine ang sarili ko kung may nangyaring masama sa iyo,” puno ng emosyon na wika nito at hinaplos ang mukha niya.
“Yes. Kung wala ka doon, baka patay na rin ako,” aniya sa malat na boses. Then she felt herself shudder. Paano kung tuluyan nang naitarak ni Bruno ang basag na bote sa dibdib niya? Paano kung wala doon si Kenji?
Bigla nitong ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito at hinuli ang tingin niya. “No. Don’t even think about it. Hindi mangyayari iyon. I will protect you.”
Tumango siya habang parang nahihipnotismo siya sa magagandang mga mata nito. “Of course. Ayoko pang mamatay! Marami pa akong gustong gawin.”
“Gaya ng…?”
Binasa niya ang labi. “This!”
At ginawa niya ang bagay na matagal na niyang pinapangarap pero wala siyang lakas ng loob na gawin. Hinawakan niya ang pisngi nito sa magkabila niyang palad at saka ito maalab na hinalikan. She had never been so bold in her life. Hindi pa niya naranasan na siya ang unang humalik sa lalaki. But what the hell! Muntik na siyang mamatay. Maigsi lang ang buhay.
Noong una ay parang walang epekto kay Kenji ang halik. His lips were still. Then he opened his lips and slightly caressed hers. Hinawakan nito ang pisngi niya. As if asking her, begging her to slow down the kiss. The kiss was just light yet electric when he took over. Doon niya hinayaan ang sarili na maramdaman ang sensasyon ng pagdidikit ng labi nila. She realized that a kiss was not a race nor a game of aggression. Kenji showed her that. And she wanted to go on kissing him. For his lips to linger.
It was more just a kiss. Unti-unting lumalim ang halik na iyon. And she felt helpless. Wala siyang kontrol sa nararamdaman niya. Wala siyang kontrol kay Kenji. Her knees turned into jelly. She should be content with that but she wanted more. She wanted him to claim not just her lips but her body and soul as well. It was crazy. It might get out of control. She wanted it to get out of control.
Nakatulala ang binata habang parehong habol nila ang hininga. Mukhang na-shock ito dahil sa ginawa niya. Kahit siya ay na-shock. Hindi naman niya iyon pinlano. Hindi naman niya inaasahan na on impulse ay hahalikan niya ito. She just wanted to do it. Maybe because she needed it as well. Paano kung bukas ay wala na siyang pagkakataon pa? Hindi niya alam. At least ay alam niya kung ano ang pakiramdam na mahalikan ito. Hindi ang mga panakaw at mabibilis na halik na pinagsasaluhan nila. This one was not as innocent as those.
Subalit mukhang nagulat din si Kenji sa reaksiyon niya. Hindi rin niya inaasahan na sasagutin nito ang halik niya. His kiss had more intensity. As if he didn’t want to end the kiss as well.
There was an awkward silence between them for a minute or two. And it was the longest moment of her life. Mukhang di rin alam ni Kenji kung anong sasabihin. Paano kung sabihin nito na isang pagkakamali ang lahat? O kaya ay magalit ito sa kanya? Alam naman niyang sa ibang bansa ito lumaki at normal lang sa mga magkakaibigan ang maghalikan. But not that kind of soul-searing kiss.