Pilit siyang bumawi bago pa niya marinig mula dito ang mga salita na ayaw niyang marinig. “Thanks for saving my life,” sabi niya nang matagpuan ang tinig. Saka pumihit siya palayo dito at nilapitan ang mga aso nito. Niyakap niya ang mga ito nang mahigpit. “And thank you, kids. Kung wala kayo, hindi ko alam kung paano mabubuhay. You are my angels now.”
Hindi siya makatingin sa direksiyon ni Kenji pero nararamdaman niya ang matiim na tingin nito. Puno kaya ng pagtataka ang mga mata nito? Puno ng iritasyon? Iniisip ba nito na sinasamantala niya ang pagkakaibigan nila? O sinasamantala niya ang kabaitan nito?
Hindi niya alam kung paano haharapin si Kenji matapos ang halik na iyon. The kiss definitely made her feel good. Nawala ang tensiyong nararamdaman niya. Na parang nawala ang lahat ng masamang nararamdaman niya.
Humikab siya. “Mukhang inaantok ka,” puna ng binata. His voice was even. Walang halong emosyon.
Ngumiti siya. Dumating na rin ang antok na mailap sa kanya kanina pa. “Nawala ang tensiyon ko dahil… dahil sa mga aso.” Hindi naman niya pwedeng sabihin dahil sa halik nito. “Pwede ba akong dito na lang matulog kasama sila?”
“Sure. Dito na rin ako matutulog.”
Kinuha nito ang isang malaking foldable mattres at inilatag sa gitna ng sala. Humiga ito sa likuran niya at hinapit ang katawan niya palapit dito. She had a delicious sensation all over. She wanted to think of carnal thoughts. Pero dahil sa mga aso ay di niya magawa iyon. Parang di bagay kahit sa imahinasyon.
Pero di naman niya kailangan ng carnal thoughts. She was too sleepy for that. Masaya na siya sa kapayapaang nararamdaman sa bisig ni Kenji. Security, contentment, happiness. Mas masarap na pakiramdam iyon kaysa sa kahit anong pagnanasa. And at that moment, pakiramdam niya ay isa silang masayang pamilya.
NANG magising si Yngrid ay nagulat siya nang makita ang mataas na kisame. Alam agad niya na wala siya sa kuwarto niya. Saglit siyang naalarma pero napalitan iyon ng pagsilay ng ngiti sa labi niya nang maalalang nasa bahay siya ni Kenji. Nasa sala siya ng bahay nito at natulog katabi nito...kasama ang mga alaga nitong aso. One happy family, remember?
Masarap ang tulog niya dahil naramdaman niya ang kaligtasan sa bisig ni Kenji. Parang isang masamang panaginip lang ang nangyari sa kanila ni Bruno. And it would definitely give her a high if she would wake up in Kenji’s arms. Wala naman sigurong masama kung pipisil siya ng konti sa muscles nito.
Subalit laking dismaya niya nang unan na lang ang kayakap niya. Kinapa niya ang likuran niya at kutson na lang ang nadama ng kamay niya. Nang bumaling siya ay nakita niyang bakante na ang tabi niya. Wala na si Kenji.
Nakadama siya ng panghihinayang. Akala pa mandin niya ay ito ng makikita niya paggising niya sa umaga. Nakatanghod sa kanya ang tatlong mga aso ni Kenji.
“Good morning, kids,” aniyang ginaya na ang tawag ni Kenji sa mga ito at isa-isang hinaplos ang ulo ng mga ito. Inangat niya ang sarili at umupo. “Nasaan ang daddy ninyo?”
Umingit si Misty at saka tumakbo ng hagdan habang tumatahol. Maya maya pa ay kasunod na nitong bumaba si Kenji. Naka-shorts ito at white sando. Mukhang bagong paligo lang ito. Tinutuyo pa nito ng tuwalya ang buhok. “Good morning!” wika nito at ngumiti sa kanya.
Good morning indeed. Kapag ganito kaguwapo ang makikita niya ay maganda talaga ang umaga. Parang kahit ano pang masamang nangyari nang nakaraang araw o darating sa araw na iyon ay hindi na niya iindahin pa. Nang mga sandaling iyon ay parang burado na ang trauma na pinagdaanan niya kagabi.
“Good morning,” bati rin niya. “Uhmmm… napahaba yata ang tulog ko.”
“It is okay. Mabuti nakatulog ka ng mahimbing.”
“Because of you and the dogs... I mean your kids helped me a lot.”
Siyempre nariyan din ang init ng katawan nito na nakalukob sa kanya habang natutulog siya. And the kiss, of course. THE KISS. Maisip lang niya ang halik na iyon ay parang lumulutang na siya.
“Anong gusto mong breakfast? I can fix you an omelette,” kaswal na alok nito. “Okay ba sa iyo ang vegetable omelette?”
“Uhmmm… ang totoo hindi ako nagbe-breakfast.”
Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. “That is not healthy, you know. Breakfast is the most important meal of the day.”
“Kasi naman hindi ako morning person. Sanay ako na medyo tanghali na kung gumising kaya brunch o kaya lunch na ang kinakain ko paggising.”
Pumalatak ito at umiling. “You have a long day ahead. Aasikasuhin mo pa ang kaso mo. May abogado ka na?”
Tumango siya. “Yes. Bahala na ang family lawyer ni Justine sa kaso ko.”
“Kaya kailangan mong kumain. Sasabayan kitang kumain.”
“S-Sige. Thank you.”
Si Kenji na mismo ang maghahanda ng agahan niya at nag-aalok na sabayan siyang kumain. Choosy pa ba siya? Kahit siguro hainan siya nito ng pako at bubog ay okay lang sa kanya.
Sinisimulan niyang iligpit ang pinaghigaan nila nang magsalita ulit ang binata. “Galing nga pala dito ang mga kaibigan mo kanina.”
“P-Pinuntahan nila ako?” usal niya.
“Nag-aalala sila sa iyo. Akala nila kung saan ka na napunta.”
Drat! Nakalimutan ni Yngrid ang mga kaibigan niya. Malaki ang problema niya. Alam naman ng mga bodyguard kung nasaan siya. Pero tiyak na big deal sa mga ito na sa bahay siya ni Kenji natuloga t magkatabi pa sila.
Kay Justine siguro ay makakalusot siya kahit na sermunan pa siya nito. Pero pagdating kay Dreamilyn ay tiyak na uusok ang tainga niya sa mahabang lecture nito. Tingin yata nito ay kasama sila ni Justine sa mga estudyante nito na ipinadadala sa guidance office kapag may nagawang violation.
Natutop niya ang bibig. “S-Sandali lang. Pupuntahan ko muna sila.”
Ngumiti lang si Kenji na parang di alintana ang pagkataranta niya. “I asked them to join us for breakfast. Ira-ransack na lang daw nila ang kusina mo.”
She was in trouble. A really, really big trouble.