When He Cries Chapter 83

Marunong naman siyang magluto. Actually, magaling siyang magluto pero di naman siya sa bahay kumakain. Una, di naman siya nag-aagahan. Paggising niya ay iinom lang siya ng kape at kakain ng oatmeal. Totodo na siya ng pagkain pagdating sa Sweet Surrender.

“Oo na. Mula ngayon magre-ready na ako para diyan.” Breakfast person pa mandin si Kenji. Kailangan niyang matutong maghanda ng agahan para sa binata. Parang practice na niya iyon kapag kasal na sila. Yihaaa!

Maya maya pa ay dumating na si Kenji dala ang omelette nito at toasted bread para sa kanilang lahat. Sina Justine at Dreamilyn naman ay naghanda ng corned beef at hotdog. Silang apat ay sa dining area kumain habang ang mga bodyguard naman ay sa labas.

Breakfast was a pleasant one. Inaasikaso silang lahat ni Kenji. Di lang sa kanya naka-focus ang atensiyon. He was really a gentleman. Pero siyempre, siya ang una nitong inaasikaso bago ang dalawa niyang kaibigan.

Noong una ay pinakikiramdaman niya dahil baka magbigay ng hint dalawa niyang kaibigan na kakausapin ng mga ito si Kenji tungkol sa pagtulog niya sa bahay ng binata kagabi o sa paghalik niya dito. They were pleasant and cool. Tinatanong pa nga ni Dreamilyn ang tungkol sa bagong projects ni Kenji pati na rin kung nakakapag-adjust na ito sa bagong neighborhood.

“Anong oras daw dadating ang abogado ni Yngrid?” tanong ni Kenji.

“Around ten. Maiiwan naman ako dito para samahan siya na mag-file ng kaso,” wika ni Justine. Si Dreamilyn naman ay may pasok mamayang tanghali.

“I am coming with her as well. Sasamahan ko siya bago ako tumuloy sa pictorial. Pero..paano pala pag-alis ko?” nag-aalalang tanong ni Kenji at saka siya sinulyapan.

“May mga bodyguards naman dito. Hindi nila iiwan si Yngrid,” wika ni Dreamilyn sa kalmadong boses.

Biglang humigpit ang pagkakahawak niya kay Kenji. Natatakot siya na iwan nito. O mawala ito sa kanya. “Kenji…”

Ngumiti si Kenji sa kanya at tinapik ang kamay niya. “You will be okay. Babalik naman ako agad. Kung pupunta ka sa café, nandoon sina Armie at Frecy. Maraming tao doon. At tumawag ako sa presinto kanina. Mga maid pa lang daw ang dumadalaw kay Bruno at ang isang abogado ng pamilya. Hindi pa daw nakakabalik mula sa Hong Kong ang nanay niya. At hindi siya mailalabas pa sa ngayon. We will still file the case. Doon pa lang siya makakapag-bail.”

Nanlalamig ang mga palad niya at pinagkiskis niya iyon. “N-Natatakot ako. Ngayon pa lang nagsisimula na maging okay ang café ko. Ngayon pa lang ako nagkakapangalan at ito ang mangyayari,” nag-aalala niyang usal.

“Sabi ko naman sa iyo tutulungan kita kung kailangan mo ng pera,” sabi ni Justine. “Napag-usapan na namin ni Lola ang tungkol dito. Naku! Di iyon papayag na hindi ka makabawi.”

“At sa promotion ako ang bahala,” wika ni Kenji. “I am your new ambassador, remember? Hindi pa man nagbubukas ang new café mo ay ipo-promote na natin.”

“Ayun naman pala! May new face na ang Sweet Surrender. Pag nakita nila si Kenji, magsu-surrender agad sila,” kinikilig na sabi ni Justine.

“Siyempre kakaladkarin ko rin si Casey sa bagong café mo. Kasama mo naman kami. Huwag kang matatakot sa bagong simula kung kinakailangan,” pagpapalakas ni Dreamilyn sa loob niya.

Niyakap niya isa-isa ang mga kaibigan. “Salamat sa inyo.”

Isinantabi na niya ang pride at ang pag-aalala niya. Hindi siya dapat matakot sa bagong simula. Minsan ay iyon ang makakabuti. At di rin makakatulong ang sobrang pride. Nariyan ang mga taong nagmamahal sa kanya para alalayan siya lalo na sa mga panahon na pakiramdam niya ay mawawasak ang lahat sa kanya.

Akmang aakapin na niya si Kenji nang biglang nag-ring ang cellphone nito “Excuse me for a minute. May kakausapin lang ako.” Tumayo ito at nagpunta sa sala. “Hello! Yes, Casper. How are you?”

“Sayang!” usal niya at bumalik sa pagkakaupo.

Tumawa lang si Justine. “Hehe! Hoping kasi.”

“Heh! Kumain ka na lang diyan.”

Natapos na silang kumain at lahat ay di pa rin bumabalik si Kenji. Pinuntahan na niya ito sa sala. Tatanungin sana niya kung gusto nito ng kape nang marinig niya ang sinabi nito sa kausap nito. “Please keep it off the press. Gusto kong mapangalagaan ang privacy ng kaibigan ko. I don’t need to be a hero. We just want to solve this as quietly as possible. Thanks. I owe you, bro.”

“Kenji, ano iyon?” nag-aalala niyang tanong. Pakiramdam niya ay may kinalaman sa kanya ang pinag-usapan ng mga ito.

Pilit na ngumiti ang binata pero may tensiyon sa mga mata nito. “That’s a showbiz reporter who is close to me. Nalaman niya mula sa isang kasamahan niyang reporter na may evening beat sa Eastern Police District na nandoon tayo kagabi. Nalaman na rin nila ang nangyari sa iyo nang i-check ang blotter. Gusto daw nilang kunan ako ng statement about it at ilalabas sa TV. I declined. Sabi ko babawi na lang ako sa kanya sa ibang paraan.”

Nasapo niya ang dibdib niya. “Oh! Pasensiya na. Pati ikaw madadamay pa sa gulo. Ayoko rin namang lumabas ito at pagpiyestahan pa ng mga reporter. Ayoko rin na makarating pa sa parents ko. Mag-aalala ang mga iyon.”

Hinawakan nito ang balikat niya. “I told you I will protect you no matter what. Kaya huwag ka nang mag-alala. We will try to solve this as quietly as possible. Di kailangang malaman ng publiko. Di kailangang makarating sa magulang mo.”

“Thanks, Kenji.” At niyakap niya ito ng mahigpit. He was really her hero. Yes, she can get through this as long as she was with him.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.